“Nasa Davao ka at binili mo sa isang auction si Rushmore? Nasisiraan ka na ba ng bait? Wala ito sa usapan natin, Toni!”
Napangiwi si Toni nang bulyawan siya ni Mommy Jho habang kausap niya sa cellphone. Naghahanda na siya para sa dinner nila ni Rushmore nang galit na galit itong tumawag sa kanya. Nakarating na dito ang muli nilang pagkikita ni Rushmore dahil na rin marahil sa mga newsfeed mula sa mga reporter na nag-cover ng Hot Men for a Cause at sa mga socialites na dumalo din doon.
Sa loob ng sampung na buwan ay inalalayan siya nito para tiyaking hindi na sila magkakaroon pa ng komunikasyon ni Rushmore. She said she wanted to spare her from the pain. Oras na rin daw para mag-move on siya.
Di nito alam na hindi ganoon kasimple iyon. She had a stubborn streak. Kung mahal man siya ni Rushmore o hindi, di pa rin niya ito basta-basta palalagpasin.
“Hija, bumalik ka na dito sa Manila. Pabayaan mo na si Rushmore. Sasaktan mo lang ang sarili mo,” pakiusap nito nang hindi siya sumagot.
Nasa Davao na siya at nabili na niya si Rushmore sa auction. Hindi siya ngayon uurong. Nagsisimula nang matupad ang mga plano niya.
“Mommy Jho, ibigay na po ninyo sa akin ang pagkakataong ito. Hindi ako natatakot na masaktan basta malaman ko mismo kay Rushmore ang totoo. Kung gusto ninyong mag-move on ako, hayaan ninyong magkaroon kami ng closure.”
“Closure lang talaga ang hinahabol mo? Sigurado ka?”
Not just a closure. Malayo sa isip niya na matatapos na sa kanila ni Rushmore ang lahat. Nang muntik siya niya itong halikan kagabi, nakita niya ang pagmamahal sa mga mata nito. He missed her. Sigurado siya doon.
“Basta ibigay po ninyo sa akin ang two weeks na bakasyong hinihingi ko.”
At nagpaalam siya dito. Kaligayahan na niya ang pinag-uusapan dito. Wala siyang hindi gagawin para makasama ito. Kahit magmukha siyang desperada, kahit na ibaba niya ang pride niya, walang pwedeng pumigil sa nararamdaman niya.
Eksaktong nakahanda na ang pagkain nang papasukin ni Dianne si Rushmore. “Ate, maiwan ko po muna kayo,” paalam ni Dianne at lumabas ng suite.
“Take a seat. Dinner is served,” sabi niya. Tiniyak niyang nakahain ang lahat ng paborito nitong pagkain.
“Hindi mo na dapat ginagawa ito,” sabi ni Rushmore at nanatiling nakatayo.
“Simpleng bagay lang ito sa mga nagawa mo para sa akin. Ikaw ang nag-alaga sa akin noong may sakit ako.”
“Hindi na ako magtatagal. I just want to give you this.” At inilapag nito sa harap niya ang tseke at ang ribbon na isinabit niya dito nang mabili niya ito sa auction.
Dinampot niya iyon. Nakapangalan sa kanya ang tseke na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso. “You don’t have to spend some time with me.”
Tinaasan niya ito ng kilay at iwinagayway ang tseke. “Ibig sabihin wala kang isang salita? Nagprisi-prisinta ka para maging date sa isang island getaway tapos di mo naman pala kayang pangatawanan. Ganyan ka ba talaga, Rushmore? Hindi ka totoo sa mga sinasabi mo? Sabagay di naman ito ang unang beses na ginawa mo ito sa akin.”
Mariin itong pumikit. “Iba ang nangyari noon at iba ngayon. Tapos na tayo. Bakit hindi mo matanggap iyon?”
Lumapit ito sa kanya. “Tapos na ba talaga tayo? You mean if I kiss you right now, you won’t feel anything?” tanong niya at ihinagod ang tseke sa mukha nito.
Sinapo nito ang kamay niya. “Stop it! Ginagawa mo ba ito para gantihan ako?”
Ikiniling niya ang ulo niya. “Ginagawa ko ito para siguraduhin kung hindi mo nga ako mahal. Kung wala kang nararamdaman sa akin kahit katiting.”
Naggiyagis ang ngipin nito. “Kung mahal kita, hindi kita iiwan. Alam mo lang kung bakit nanatili ako sa tabi mo.”
“Oo. Pinapaniwala mong mahal mo ako para mabuhay ako. Iyon ang sabi ni Mommy Jho. Kung ganoon, gamitin natin ang pagkakataong ito para patunayan mo sa akin na wala ka talagang nararamdaman sa akin,” hamon niya dito.
Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “Ayokong saktan ka. Ayoko ring saktan si Lorna. Why can’t you just let it go?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Kung ayaw mong masaktan si Lorna, ituloy natin ang trip. Mas madali mo akong mapapaalis sa buhay mo sa ganoong paraan.” Isang malaking sugal ang ginagawa niya ngunit ito lang ang paraan para makumbinsi niya si Rushmore.
Mataman siya nitong tinitigan. “Paano kung hindi pa rin ikaw ang pinili ko sa huli?”
“I got nothing to lose, Rushmore. Muntik na akong mamatay. Maraming beses na akong nasaktan. Give me this one last chance then I am leaving you for good.”
Wala na siyang kinatatakutan ngayon. Di siya takot na lumaban. Di na siya takot masaktan. Di na siya takot mawalan. Mas gusto na niya ito kaysa mabuhay siya nang di niya sinusubukang bawiin ang taong mahal niya.
“One last time?” he asked tentatively.
“One last time.”
PROUD na proud si Toni nang matapos ang practice ng Shining Hope Philharmonic Orchestra na binubuo ng mga deaf and mute na kabataan. Kung noong una ay parang imposible iyon, ngayon ay naging hulmahan na ang mga ito ng iba pang mga bingi at piping kabataan na nais pumasok sa larangan ng musika.
“Tutugtugin nila iyan para sa Dinadiawan Festival. Request mismo ng Vice President ng Pilipinas na dadalo sa festival na makita silang mag-perform,” puno ng pagmamalaking wika ni Professor Edwin.
“At balita ko may offer na rin sa kanila na mag-perform sa isang musical festival sa ibang bansa,” aniyang di maitago ang pride.
“Oo. Hindi ba kasama ka rin namin doon?” tanong nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi pa ako sigurado sa schedule ko.”
Gusto muna niyang malaman kung ano ang nakalaan para sa kanila ni Rushmore. Pakiramdam niya ay pansamantalang tumigil ang mundo niya dahil dito. Ang mga susunod niyang gagawin ay nakaayon matapos ang tatlong araw nilang trip na magaganap dalawang araw mula ngayon.
“Malaki na talaga ang narating nila. Hindi lang ang mga batang ito kundi pati ang buong community ng mga disabled. Marami nang nag-aaral ng sign language ngayon at hindi na rin basta-basta minamaliit ang mga may kapansanan. All because of you. Malaking bagay talaga ang nangyaring iyon dahil maraming nagbabago. Hindi na second rate citizens ang mga disabled. Tinatrato na silang kapantay ng mga normal na taong may kapansanan.”
“Siguro kaya ako binigyan ng Diyos ng sakit para magbago ako at makatulong din ako sa pagbabago ng iba. Hindi ko pwedeng angkinin ang credits. Masasabi ko lang na himala iyon ng Diyos para sa ating lahat.”
Halos kumpleto na nga ang buhay niya. Ang pagmamahal na lang si Rushmore ang kailangan niya. Kung mapagtatagumpayan niya iyon ay wala na siyang ibang mahihiling pa.
“Prof, pakisabi po sa mga bata na ipina-reserve ko ang Mang Popoy’s para sa atin. Doon na po tayo magla-lunch. Ako na po ang bahala,” sabi niya at nauna nang lumabas para hanapin si Dianne. Kanina lang kasi ay kausap nito ang isang teacher ng deaf school na mukhang natipuhan nito. Kailangan niyang ipaalala dito na hindi dapat isabay ang pagtatrabaho sa pakikipagligawan.