Chapter IOL 50

Tinatawagan niya si Dianne sa cellphone nang lapitan siya ni Lorna. Napansin niya na mas payat ito kaysa nang huli silang magkita bago ito pumunta ng ibang bansa. She could also say that she looked troubled now more than ever. “Pwede ba tayong mag-usap? Kung pwede umurong ka na sa usapan ninyo ni Rushmore. Handa akong magbayad kahit na magkano.”

Pagak siyang tumawa. “I can’t believe this. Babayaran mo ako?”

“Kahit ano para lang kay Rushmore.”

Kung ayaw pala nitong mapunta si Rushmore sa kanya, sana ay nakipaglaban ito noong auction para kay Rushmore. It was too late. “Hindi ko kailangan ng pera mo. Hindi mo ba siya maipapahiram sa akin kahit na tatlong araw lang?”

Nangilid ang luha nito. “B-Bakit ba hindi mo na lang siya pabayaan sa akin? Masaya na kami. Ako ang mahal niya. Isuko mo na siya.”

“Lorna, sa ginagawa mo ‘yan parang gusto ko tuloy isipin na natatakot kang maagaw ko si Rushmore sa iyo. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka aakto na insecure. O baka naman hindi ka talaga niya mahal,” nakataas ang kilay niyang wika.

“Mahal niya ako! Ikaw ang iniwan niya baka nakakalimutan mo.”

“Hindi ko nakakalimutan iyon. Wala kang magagawa. Rushmore will keep his word. Tutuparin niya ang kasunduan niya at sasamahan ako sa tatlong araw na bakasyon. And the best thing you can do is wait. Kung sa iyo siya babalik, wala na akong magagawa doon. Iyon ay kung ikaw ang pipiliin niya,” may pasubali niyang wika at ngumisi dito.

Walang sali-salita itong tumalikod sa kanya at nagtatakbo palayo. Saka naman lumapit si Dianne sa kanya. “A-Ate, ginugulo ba kayo ng girlfriend ni Sir Rushmore?”

Umiling siya. “Kaya ko naman siyang mag-isa.”

Lalo siyang naging kampante na sa kanya pa rin si Rushmore. Siya pa rin ang mahal nito.

KALAHATING oras bago ang usapan nila ni Rushmore ay nasa lobby na siya at umiinom ng kape habang nagbabasa ng libro. She was wearing a flirty yellow sundress. Umani iyon ng tingin mula sa ibang guest ng hotel pero di niya pinansin ang mga iyon. Para lang kay Rushmore an kagandahan niya. Wala rin naman siyang maintindihan sa binabasa niya at lalo lang siyang ninenerbiyos dahil sa kape.

Ngayon lang siya nag-effort ng ganito para sa isang lalaki. Kay Rushmore lang niya handang ibuhos ang lahat ng pagmamahal niya at talikuran ang pride niya. Wala siyang aaksayahing panahon at pagkakataon.

Awtomatiko siyang lumingon nang maramdaman ang presensiya ni Rushmore. Kapapasok pa lang nito ng café ng hotel at papunta sa direksiyon niya. He looked breathtaking in his dark blue polo, back trousers and black leather shoes. Nakadagdag pa sa kaguwapuhan nito ang Rayban na suot nito. How she missed the sight of him.

Tumayo siya nang malapit na ito. “H-Hi! Nag-breakfast ka na ba?”

“Sa resort na lang. We’d better get going. Mainit sa daan.”

Naramdaman agad niya ang distansiya sa pagitan nila nang alalayan siya nito papunta sa kotseng magdadala sa kanila sa resort. He didn’t even offer a fake smile to her. Nang sumakay sila ng kotse ay nag-focus agad ito sa laptop nito na parang wala itong ibang kasama sa sasakyan. Mukhang hindi nito padadaliin ang buhay niya. He was not even friendly.

“Kumusta ka na? Are you still busy with the farm?” she asked in a happy voice.

“Lots of catching up to do,” matabang na sagot nito habang nakatitig sa laptop.

Tinitigan niya itong mabuti. Napansin niya ang pangingitim ng ilalim ng mata nito at lumalim ang guhit sa noo nito. “Hind ka yata masyadong nakakatulog. Nangangalumata ka na. Hindi ka yata inaalagaan ni Lorna.”

Nakakunot ang noo siya nitong nilingon. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ka naman ganyan kahit noong may sakit ako. You may be tired but you still glow and you look happy. But don’t worry. I am strong enough to take care of you now.”

“Ako ang aalagaan mo? Ikaw nga itong mukhang walang tulog.”

Natigilan siya at tumayo ng tuwid habang sapo ang pisngi. “Paano mo nalaman?” Magandang klase ng concealer ang gamit niya. Her make up was perfectly applied. Tiniyak niya iyon bago lumabas ng suite kanina.

“Kabisado kita. Sa ilalim ng make up mo, alam kong wala kang tulog. Hindi ka naman maglalagay ng make up kung kulang ka sa tulog.”

“That’s nice to hear. Kabisado mo pa rin ako hanggang ngayon.”

“It doesn’t mean a thing. Bakit hindi ka muna matulog? Two hours pa bago tayo makarating sa port papunta sa resort. I still have some business to attend to,” anito at sinagot ang tawag nang mag-ring ang cellphone nito.

Napilitan siyang pumikit at magkunwaring tulog. Napakagat-labi siya nang makita ang likod nito. Nakaka-miss humimlay sa likod nito. When he was hers, she could do that anytime she wanted to. Ngayon ay parang wala na siyang karapatan.

Kahit isang beses lang. Gusto ko lang makadikit kay Rushmore.

Pasimple siyang dumausos hanggang humimlay ang ulo at katawan niya sa likod nito. Nanuot sa pang-amoy niya ang panlalaking cologne nito at ang natural na amoy na panlalaki. She let out a sigh. She missed this. She missed him. Parang gusto niyang maiyak sa sobrang pagka-miss dito.

“Oh!” Naramdaman niya ang pagpitlag nito at inalalayan ang ulo at balikat niya. Magaan nitong niyugyog ang balikat niya. “Toni, Toni…”

Bumuntong-hininga ito at inayos sa balikat nito ang ulo habang inaalalayan ang ulo niya. Parang gusto niyang magtitili sa tuwa. He still cared for her. Okay na siyang ganito. Kahit na hindi ito magsalita basta nasa tabi lang ito at inaalalayan siya. Parang katulad ng dati na wala siyang dapat alalahanin sa pagtulog niya dahil alam niyang nasa tabi siya nito.

Nag-ring muli ang cellphone nito. “Hello, Lorna.” Pinigilan niya ang sarili na dumilat o magpahalatang gising nga siya. She felt the tension in Rushmore’s body. Inangat nito ang ulo niya at isinandig sa sandalan ng upuan. “Napag-usapan na natin ‘to. What are you afraid of? I am just doing this for charity. Yes, just charity.”

And just like that, the magic of the moment was gone. Pakiramdam niya ay may kutsilyong tumusok sa puso niya. Nasabi na nito minsan na para lang sa charity kaya nito gagawin iyon. Iyon din naman ang pangkondisyong ginawa niya dito para di ito umurong. Pero kapag pala inulit-ulit ay masakit na.

Kaya ko ‘to. Kakayanin ko ‘to.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.