Chapter IOL 51

EXCITED na tinanaw ni Toni ang dagat mula sa verandah ng kuwarto niya. Isang villa ang inilaan ng resort para sa kanila na nakaharap sa tabing-dagat. Tig-isa sila ng kuwarto ni Rushmore but she didn’t mind. Pabor sa kanya na may privacy silang dalawa. Akala niya ay magkahiwalay sila ng kuwarto. This one was much better. She found it romantic. May mga ideas na sila para sa kanila ni Rushmore.

Lumabas siya ng kuwarto at natagpuan itong may kausap sa cellphone habang nakaharap sa laptop. He was wearing long sleeve polo, trousers and leather shoes. Wala sa itsura nito ang magre-relax at magbabakasyon. Mukhang wala itong planong tumigil sa pagtatrabaho.

“Rushmore, maganda ‘tong villa, di ba? We even have an outdoor jacuzzi. Have you checked it?” tanong niya.

“Later.”

“Parang masarap din ikutin ‘tong resort. May zipline sila, cold spring sa bundok at pwede rin tayong mag-scuba diving. Marami tayong pwedeng gawin.” Wala pa rin itong reaksiyon. “How about lunch? Saan mo gustong mag-lunch?”

“Hindi pa ako gutom. Bahala ka kung saan mo gustong mag-lunch.”

Nakagat niya ang labi. Ganoon lang? Bahala siya? Ni wala man lang itong partisipasyon sa bakasyong iyon. “Hindi pa naman ako gutom. Parang mas gusto kong mag-swimming. Care to join me?”

Itinaas nito ang kamay at sumenyas na parang itinataboy siya. “Go ahead.” At nakatutok lang ang mga mata nito sa laptop.

Tumaas ang kilay niya. Kung ganoon ay wala itong interes na estimahin siya at asikasuhin siya. In short, bahala siya sa buhay niya kung paano niya aaliwin ang sarili niya. “Okay,” nausal na lang niya at pumasok sa kuwarto niya.

Inilabas niya ang red two-piece bikini niya na pinaka-sexy ang cut sa lahat ng dala niya. Isinuot niya iyon at pinatungan ng towelling robe. “Sa pool area lang ako,” sabi niya kay Rushmore na nakatutok pa rin sa laptop.

Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at lumabas na ng villa. Tumuloy siya sa pool area at nagpahid ng sunscreen lotion habang nakaupo sa lounging chair. Hindi aila sa kanya ang naaakit na tingin ng mga kalalakihan. Ang iba nga ay nag-offer pa na pahiran siya ng lotion pero tumanggi siya.

She gritted her teeth. Ayaw niya ng ganitong atensiyon. Gusto niya ay naroon si Rushmore pero mukhang wala pa rin itong balak na sundan siya. Matapos ang labinlimang minuto ay lumublob na siya sa pool. Di pa siya nagtatagal sa paglangoy ay pinalibutan na siya ng mga kalalakihan na nais makipagkilala at magyaya ng dinner date sa kanya.

“I don’t have plans for dinner yet,” sabi niya kay Marcel na manager ng isang international bank. “I will tell you once I decided.”

“Don’t forget my room number. It’s Room 248. I am sure we will have a great time. You won’t regret it,” sabi nito na todong-todo ang ngiti.

“Forget about it. She already has a dinner date tonight. And she’s not available for breakfast, lunch or snacks either,” anang mariing boses ni Rushmore na nakatayo sa gilid ng pool. Nakapamaywang ito na parang isang diyos ng Olympus na bumaba sa lupa para sindakin ang mga mortal na gaya nila.

“S-Sino ba ‘to?” tanong ni Marcel sa kanya.

“Her date. So if you want to enjoy your vacation, stay awar from Toni,” matapang na banta ni Rushmore dito. Bumaling ito ng tingin sa kanya at ikiniling ang ulo. “Get off the pool.”

“Excuse me,” aniya kay Marcel at napilitang lumangoy papunta sa hagdan.

Pag-ahon niya ay nakaabang na doon si Rushmore. Madilim ang mukha nito habang nakaladlad ang towelling robe niya. “Bilisan mo bago pa may ibang makakita sa iyo na ganyan lang ang suot mo.”

Bumuntong-hininga siya. She allowed him to envelop her with the towelling robe. “Anong problema mo? Nag-e-enjoy lang naman ako.”

“Nag-e-enjoy sa atensiyon ng mga lalaking iyon nang ganyan lang katiting ang suot mo? Ganyan ka na ba mag-enjoy ngayon?” sermon nito habang hinihila siya pabalik sa villa.

“Ang pagkakatanda ko, ito talaga ang isinusuot kapag nagsu-swimming. Saka bakit ka nag-aaksaya ng panahon na sundan ako?”

“That’s a stupid question. I am your date. At hindi naman ako papayag na kung sinu-sinong lalaki lang ang nakapaligid sa iyo.”

Sinapo niya ang dibdib niya. “Wow! Na-touch naman ako. Nakakahiya naman dahil sa pag-aalala mo sa akin, naabala ko yata ang trabaho mo. Anong naisip mo at bigla mong naalala na ka-date mo ako? Kanina mo pa ipinaparamdam sa akin na napipilitan ka lang. Mabuti pa ‘yung ibang tao na di ko naman kilala willing na mag-aksaya ng atensiyon sa akin.”

“So that’s what you want? Makakuha ng atensiyon sa ibang lalaki? And here I thought that you love me.”

“No! Gusto ko lang mag-swimming,” exasperated niyang sabi. “Pero hindi ko naman kasalanan kung yayayain nila akong mag-date.”

“If that’s what you’re wearing you asked for it.”

“All I asked is to spend some time with you. Tatlong araw lang ang hinihingi ko sa iyo pero hindi mo pa maibigay. Wala naman akong ginawang masama sa iyo, Rushmore. All I ever did was love you.”

“Alam mo naman na hindi na kita pwedeng mahalin katulad ng dati. I am committed to Lorna. Naiintindihan mo naman iyon, di ba? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo sa mga ginagawa mo. Nahihirapan na rin ako.”

“Tama ka. Nahihirapan na rin ako sa iyo. One moment, you don’t want me around. Tapos kapag nakita mong may kasama akong iba, galit na galit ka. Nagseselos ka ba?”

“No!” kaila agad nito. “What makes you think that I am jealous?”

“You are acting like one. Possessive ka.”

“Kaya mo ba ginawa iyon para magselos ako?” pagalit nitong tanong. “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”

“I just want three days to be happy with you. Na maiparamdam kong mahal kita. All I am asking is a chance. Kung hindi mo ako kayang mahalin, gusto ko lang maging maayos ang samahan natin katulad ng dati. Kahit bilang magkaibigan.”

“Okay. I can live with that. And after three days…”

“I am out of your life if you don’t want me to stay.” Inilahad niya ang kamay. “Deal?”

Kinamayan siya nito. “Deal.”

“SORRY kung natagalan silang ihanda ang lunch natin. Bago pumunta ng resort in-specify ko kung anong ise-serve sa atin. Nag-request ako ng lobster para sa iyo. Masarap ang lobster nila dito,” sabi ni Rushmore habang matiyagang binabalatan ang lobster para sa kanya. “Masarap ‘to. Hindi naman ‘to bawal sa iyo, di ba?”

“Hindi. Clear akong kumain niyan,” sabi niya at hindi inaalis ang tingin dito habang tinutuklap nito ang ulo ng lobster para makuha ang laman.

Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon mula nang magkasundo sila ni Rushmore. Mas na-appreciate niya ang magandang ambiance ng resort. Parang solo nila ni Rushmore ang bahaging iyon ng resort dahil sa floating hut ito nagpa-serve ng tanghalian nila. Dahil mainit ang araw ay walang ibang tao sa beach kundi sila lang.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.