Bumawi siya ng kain lalo na’t ilang araw din siyang hindi makakaing mabuti dahil kay Rushmore. Excited siya na kinakabahan. Ngayon ay pwede na siyang mag-relax dahil maganda na ang takbo ng lahat.
Nagulat siya nang ito naman ang nakatitig sa kanya. “Bakit?” tanong niya.
“Mas gusto kitang makitang ganyan ka katakaw kumain. Iniisip ko dati na baka napapabayaan mo na ang sarili mo sa pagkain.”
“Nang humaba ang buhay, pagkain ang isa sa mga in-enjoy kong gawin. Kahit na istrikto ang diet ko, tinitiyak ko pa rin na masarap ang kakainin ko. Eating makes me happy. Saka naaalala ko masayang kumain noon kapag kasabay ka.”
There was warmth in his eyes for a while. Pagkuwan ay ngumiti ito. “We have mango float for dessert. Recommended nila iyon dito.”
Kung titingnan ay parang bumalik sa dati ang pag-aasikaso nito. Animo’y walang pader sa pagitan nila. Pero alam niyang nakakulong pa rin sa puso niya ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya pwedeng sabihin dito kung gaano niya ito kamahal. Kung gaano kalungkot ang buhay niya nang wala ito. At hindi rin niya maaring tanungin dito kung malungkot din ba ito nang pinili nitong iwan siya. Di niya maaring itanong kung mahal ba siya nito kahit na kaunti.
Masakit palang ngumiti sa harap nito at magkunwaring okay lang kahit na parang sasabog ang dibdib niya. She tried to get hold of her heart. She still needed a little more time. Kung uulanin na naman niya ito ng tanong tungkol sa tunay nitong nararamdaman sa kanya ay baka lumayo ang loob nito sa kanya.
“Dala mo ba ang gamot mo?” tanong nito habang ine-enjoy niya ang dessert.
“Bakit naitanong mo?”
“I am sure may iniinom ka pa ring gamot. Baka makalimutan mo.”
“Thanks for reminding me.” Kung hindi dahil sa paalala nito ay baka makalimutan na niya ang gamot niya. Good thing he still remembered that.
Tumitindi tuloy ang hinala niya na mahal siya nito. Napaka-hirap namang magpanggap na inaalala siya nito kahit na gaano pa ito kagaling na artista.
Matapos uminom ng gamot ay pinili niyang bumalik ulit sa beach. Paglabas niya ng kuwarto ay naghihintay na sa kanya si Rushmore. “Lalabas ka?” tanong nito.
“Gusto kong bumalik sa floating hut. Nakaka-relax doon.”
“Plano nga kitang yayain doon.”
“Let’s go!” Magkahawak-kamay sila habang papunta sa floating hut. Pinili niyang huwag magsalita ng kahit ano. She relished those quiet moments with him. Basta hawak nito ang kamay niya ay okay lang. “This is paradise, right? Naalala ko tuloy noong nasa Boracay tayo. Na-miss kong mag-enjoy lang. ‘Yung wala kang iisipin at magiging masaya ka lang.”
“Huwag mong sabihing nakababad ka na naman sa trabaho at hindi ka man lang nagbakasyon?” tanong nito.
Umupo siya sa kawayang sahig ng hut. “Wala na akong masyadong oras para isipin ang bakasyon. Marami akong responsibilidad.”
“Huwag mong sabihing pinapagod mo na naman ang sarili mo? Gusto mong magkasakit na naman?” sermon nito.
“Pinipili ko lang ang projects ko. Hindi ko inaabuso ang sarili ko. Alam ko kung ano ang limitasyon ko,” depensa niya. “W-Wala lang sa isip kong magbakasyon.”
Kahit na inaakala ng lahat na mabilis siyang naka-recover kay Rushmore ay hindi alam kung anong klaseng lungkot ang pinagdadaanan niya. They thought she was a survivor. That she could take anything. Kaya naman niyang harapin ang lahat hindi niya matatanggap ang pagkawala ni Rushmore. Alam niyang kahit anong sayang maramdaman niya ay kulang pa rin kung wala si Rushmore sa tabi niya.
Di niya napigilang maghikab. “Inaantok ka na. Matulog ka na,” sabi nito at hinaplos ang buhok niya.
“Pwede bang umunan na lang ako sa kandungan mo?” tanong niya.
“Sure,” sabi nito.
She lay her head on his lap like an eager child. Iyon ang madalas niyang gawin noon kapag gusto niyang makatulog at kasama niya si Rushmore. Subalit nang nakahiga na siya ay di naman niya mapigilan ang sarili na titigan ito.
“Akala ko ba inaantok ka? Bakit nakatitig ka sa akin?”
“Matagal tayong di nagkita. Gusto ko lang malaman kung mas guwapo ka noon kaysa ngayon.”
“So what’s your verdict?”
Sumimangot siya. “Parang mas guwapo ka dati.”
“Anong klaseng comment ‘yan?” Hinaplos nito ang mata niya. “Matulog ka na nga. Antok ka lang ‘yan.”
“Kantahan mo ako tulad ng dati.”
“Sabihin mo munang mas guwapo ako kaysa dati.”
“Oo na. Guwapong-guwapo ka na,” aniya at pumikit.
“You say it’s over, I say we’ve just begun…”
Ihinehele ng awitin nito at ng maganda nitong tinig. Unti-unti siyang idinala sa lupain ng panaginip kung saan malinaw na ang lahat sa pagitan nila. Na mahal siya nito at mahal niya ito. Nasa isang lugar sila kung saan malaya nilang mamahalin ang isa’t isa nang walang hadlang.
Sana ay magkatotoo ang panaginip na iyon.
HINDI na halos sila mapaghiwalay ni Rushmore. Pinili nitong sumama sila sa buffet dinner kasama ang ibang guests pero hindi na ito umalis sa tabi niya. Nang matapos ang dinner ay isang program ang ihinanda sa kanilang mga guest. “Kwentuhan mo ako tungkol sa iyo,” sabi ni Rushmore habang pinapanood niya ang mga firedancer.
“Tita na ako. May anak na sila Phil at Aya. Her name si Rayah.” Ipinakita niya ang picture ng five-month old na pamangkin dito. “Kaya may stress reliever ako kapag umuuwi sa bahay.”
“Wala na bang umaaway sa iyo katulad ni Amber?” nag-aalala nitong tanong. Naalala niya kung gaano ito ka-protective pagdating sa mga naninira sa kanya.
Nagkibit-balikat siya at sumubo ng steamed lapu-lapu. “Hindi ko na lang pinapansin. Kunyari na lang wala akong naririnig. Masaya naman ako dahil nakita ko na ang purpose ko ngayon. Lumaban ako di lang para sa sarili ko kundi para sa karapatan ng iba. Ngayon mas marami nang taong considerate para sa mga disabled. Kahit na nakakarinig na ulit ako, di pa rin ako nalalayo sa kanila. Ikaw? Kumusta ka na? Anong nangyari nung mawala ka?”
Iniwas nito ang tingin. “It doesn’t matter. Hindi naman mahalaga ‘yung nangyari sa akin,” malamya nitong sagot at tumayo. “Come. Let’s dance.” Saka niya napansin na may mga magkakapareha nang nagsasayaw sa paligid ng bonfire.
Tumahimik ito nang nagsayaw sila at nabahala tuloy siya. Kung masaya ito, bakit parang may itinatago ito sa buhay nito nang magkalayo sila? “Rushmore, gusto ko lang naman malaman…”
“Pakinggan mo na lang ‘yung music.” Ibinaon nito ang mukha sa ibabaw ng ulo niya. Nag-hum ito at sinabayan niya ng kanta. “If ever you’re in my arms again. This time I’ll love you much better.”
Her heart swelled. He was singing to her again. Bumalik sa kanya ang mga panahon na masaya sila at ipinaramdam nito sa kanya na mahal siya nito. She missed those times. She missed hearing the words “I love you” from his mouth.
Tumingala siya at hinaplos ang pisngi nito. She wanted to cry when she saw the warmth in his eyes. Hindi na niya napigilan ang sarili. Tumingkayad siya at hinila pababa ang ulo nito. He paused for a moment and she thought he’d push her away.
But he kissed her hungrily as if he missed her. The world melted around them. Hindi niya alam kung paano siya naka-survive nang wala ito sa piling niya. She missed his kiss, his touch and the way he made her feel.
Nang maghiwalay ang labi niya ay nakita niya ang pagkalito sa mga mata nito. “Hindi dapat nangyari iyon,” anito at binitwan siya.
Parang sinampal siya sa sinabi nito at umurong siya. Parang nawala siya sa mundo ng panaginip. Ganoon lang iyon? Isang pagkakamali?
Matapang niya itong tiningnan sa mata. She wanted to keep her pride intact. “I’m not sorry at all. Goodnight, Rushmore.”
Sinapo niya ang labi. Wala siyang pakialam sa sorry nito. He kissed her and that kiss was not real. It was not out of pity or whatever. Magandang senyales iyon at iyon ang panghahawakan niya.