Chapter IOL 53

MAAGA pa lang ay bumangon na si Toni para mamili ng isusuot niyang damit para sa araw na iyon. Maraming activities na nakahanda para sa kanila ni Rushmore. She wanted to look her best.

Positibo sa kanya ang halik na iyon. After all, he was the one who kissed her, not the other way around. Ibig sabihin ay hindi madali dito na i-resist siya. Seduction would be easy.

Pakanta-kanta pa siya habang nagsa-shower. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling gumising na ganito kasaya at ka-excited. Ang alam niya ay may nakahandang private yacht na magdadala sa kanila sa lagoon sa kabilang bahagi ng isla. That would be perfect. Doon ay solong-solo nila ang mundo.

Nakatapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo nang maalala niyang naiwan niyang nakasabit ang pa ang pinagbihisan niya. Isa iyon sa mga naging problema niya nang operahan siya. Nakakalimutan niya ang maliliit na detalye minsan.

Bumalik siya para kunin ang mga pinagbihisan niya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Rushmore na naka-shorts lang. Pareho pa silang natigilan at nagkagulatan. Siya ang unang nakabawi. “Good morning!” Paano naman hindi gaganda ang umaga niya kung kakisigan agad nito ang bubungad?

Kumunot ang noo nito at gumala ang tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Saka ibinalabag nito ang pinto.

Patay-malisya siyang lumabas ng banyo. “Pwede ka nang pumasok.”

Madilim pa rin ang mukha nito nang humarap sa kanya. “Next time you lock the door. Dapat nag-iingat ka,” angil nito.

“Ang aga-aga mainit ang ulo mo. Palabas na ako at may nakalimutan lang ako kaya hindi ko na nai-lock. Saka tayong dalawa lang naman dito. Wala ka naman sigurong gagawing masama sa akin.”

Kinuyom nito ang palad at ibinuka ulit. “Go cover yourself! Kung plano mong akitin ako, it won’t work,” anito at pumasok sa banyo. Pabalabag na naman nitong isinara ang pinto.

“Rushmore, for the record hindi kita inaakit. Hindi pa! Paano pa kaya kapag inakit na kita?” may halong pang-aasar niyang sigaw dito. “See you later. Paghahandaan ko pa ang pang-aakit sa iyo.” Saka siya ngingiti-ngiting bumalik sa kuwarto niya.

Hindi na gumanda ang mood ni Rushmore nang mag-agahan sila. Kaya nakipag-kwentuhan na lang siya sa ibang mga guest ng resort. Hindi niya maiwasang mainggit sa mag-asawang twenty-five years nang kasal at naroon para sa second honeymoon ng mga ito.

“Di nalalayo ang edad ng anak ko sa iyo, hija. Kaya nang ikasal siya, naisip namin na magbakasyon dito,” sabi ni Mrs. Montereal at kumapit sa asawa braso ng ito. “Kailan naman kayo ikakasal ng boyfriend mo? Buti nagkabalikan din kayo.”

Lumingon siya kay Rushmore na kausap si Mr. Montereal. Nasa food processing si Mr. Montereal at malamang ay negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito.

He was trying his best to ignore her. Kung asikasuhin man siya nito ay napaka-pormal pa rin nito. They were back to zero.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya. “Uhmmm… ano pong plano ninyong activities ngayong araw na ito?”

“Gusto sana naming dumalaw sa isang community dito na gumagawa ng mga handicrafts. Pasalubong ko sa mga kaibigan ko. Matanda na kasi kami para sa adventure-adventure na iyan. Gusto mo bang sumama?” tanong ni Mrs. Montereal.

“Gusto po sana namin mag-island hopping…”

Naramdaman niya ang paghawak ni Rushmore sa balikat niya. “Pagbigyan mo na si Mrs. Montereal,” nakangiti nitong sabi. “Tapos isama natin sila sa island hopping. There’s a nice lagoon here. I am sure we will enjoy the quiet time there.”

Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya at hindi niya alam kung anong isasagot. Gusto kasi niya na masolo si Rushmore pero sinasadya nitong gumawa ng paraan para hindi sila magsolo. Nawawalan na siya ng oras. Pakiramdam niya ay palayo ito ng palayo sa kanya.

Nakaalalay pa rin si Rushmore sa kanya pero hindi na mainit ang pakikisama nito. He even had that guarded smile. At tuwing tumitingin ito sa kanya ay parang mas gusto nito na tumakbo palayo sa kanya.

Nakadagdag pa sa sama ng loob niya habang kasama ang mga Montereal. Ikinukwento ng mga ito kung gaano kasaya ang mga ito sa dalawampu’t limang taon na pagsasama. Paano kung walang pag-asa para sa kanila si Rushmore? Paano kung hindi niya mararanasan ang kaligayahang nararanasan ng mga Montereal?

Hapunan na nang sa wakas ay nasolo niya ito. The Montereals decided to have their dinner at their own room. Sila naman ni Rushmore ay sa restaurant ng resort ngunit may privacy naman sila. “Maganda ba ‘yung nabili kong pasalubong para kay Mommy Jho?” pagbubukas niya ng usapan dito habang umiinom sila ng dinner wine. Nang hindi ito agad sumagot ay hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Rushmore…”

“What?” bulalas nito at tinabig ang kamay niya.

Natabig tuloy niya ang kubyertos at ang basong may tubig. Nagulat siya at maang na tiningnan ang nabasag na baso sa sahig.

Lumapit sa kanila ang waiter. “Sir, may problema po ba?”

“Nothing. I am sorry.”

Nag-sorry ito na nabasag ang baso pero sigurado siya na hindi ito nagso-sorry na umaakto ito na parang may nakakahawa siyang sakit.

“Ma’am, are you okay?” tanong ng waiter sa kanya.

Ihinagis niya ang napkin sa mesa at tumayo. “I am not. Sa palagay ko mas magiging okay ang companion ko kung magdi-dinner na lang siyang mag-isa. Goodnight,” aniya at iniwan si Rushmore at ang waiter na nakatigagal sa kanya.

NABUBULAG na si Toni sa luha niya habang pabalik sa villa. Sobra na ang ginagawa ni Rushmore sa kanya. Hindi na kanya. He made her feel so worthless. Mas mababa pa kaysa sa ipinaramdam sa kanya ng ibang tao noong mawalan siya ng pandinig. At ang masakit ay ang taong mahal niya ang nagpaparamdam sa kanya ng ganito.

Pagpasok siya sa villa ay tumuloy siya sa mini bar at dinampot ang unang bote ng alak na nakita niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon.

Bigla iyong kinuha ni Rushmore ang bote sa kanya. “Hindi ka pwedeng uminom niyan.”

“None of your business. Wala ka namang pakialam kung anong mangyari sa akin, di ba?”

Ibinalik nito sa mini bar ang alak at hinila siya palayo doon. “Hindi maso-solve ang problema mo kung iinom ka.”

“Of course. Ikaw ang problema ko,” aniya at itinulak dito sa dibdib. Muli siyang napahagulgol sa awa sa sarili. “You have no right to make me feel this way. Na parang may nakakahawa akong sakit.”

Yumuko ito. “I am sorry.”

Hinaklit niya ang harap ng polo nito. “Sorry? Sinasadya mo ‘yon. Sinasadya mo akong saktan. Sinasadya mong iparamdam sa akin na ayaw mo sa akin at wala akong kwenta.”

His face was in pure agony when he touched her face. “Hindi madali para sa akin ito. Na makita ka at hawakan ka kahit na hindi tama. Mali na nandito ako kasama ka. I shouldn’t have kissed last night.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.