Chapter IOL 54

“Mali? Ipokrito ka kung sasabihin mong hindi mo iyon gusto.”

“I am not saying that I didn’t like it. I love it. Because that’s what I wanted to do the first time I saw you at the auction. Pero mali. Mali na maging masaya ako kasama ka. Mali dahil nasasaktan ko si Lorna. “Nangako ako sa kanya…”

Natigilan siya. “Anong klaseng pangako? Nangako ka ba na mamahalin mo siya habambuhay? Gaano mo siya kamahal? Kung mahal mo talaga siya, hindi ganito ang magiging takbo ng pag-uusap natin. You won’t even kiss me back in the first place.”

Hinawakan nito ang balikat niya at bakas ang matinding sakit sa mukha nito. “Toni, nasa kamay ko ang buhay niya. Di ko siya pwedeng iwan. Oras na iwan ko siya, baka may mangyari na namang masama sa kanya o maaring ikamatay niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”

“Anong meron kay Lorna?” Mahal siya ni Rushmore. Sa kanilang dalawa ni Lorna ay siya ang mas mahal nito. Pero sa palagay niya ay may mabigat ding dahilan si Rushmore kung bakit hindi siya ang pinili nito.

Yumuko ito at humigpit ang pagkapit nito sa balikat niya. “Hindi niya kayang mabuhay nang wala ako. Muntik na siyang mamatay dahil sa akin. Dahil sa atin. Dahil di ko tinupad ang pangako ko.”

“Anong pangako mo sa kanya?”

His eyes were misty as if he was about to cry. “Hindi sa kanya kundi sa tatay niya. Dating trabahador si Nanay sa plantation ng pamilya ni Lorna kung saan nagtatrabaho ang magulang ko noon. Nagkaroon ng sunog sa plantation at ang tatay niya ang sumagip sa akin. Dahil doon nasunog ang tatay niya hanggang tuluyang mamatay. Bago siya namatay, ipinapangako niya sa akin na babantayan at aalagaan ko si Lorna. Na mamahalin ko siya hanggang may hininga ako. I owed her father my life. Kaya kahit nang magkalayo kami inalagaan ko pa rin siya. Siya rin ang dahilan kung bakit in-encourage ako ni Mama na umalis ng showbiz at mas mamuhay ng tahimik. Lorna had this vision that we’d end up together.”

“At hindi mo itinama iyon?”

Isinuklay nito ang daliri sa buhok. “Bata pa siya. She had a good life ahead of her. Marami siyang panahon para malaman kung anong gusto niya. Hanggang dumating ka sa buhay ko.”

“Napilitan kang magpanggap na mahal mo ako dahil sa awa? Kinailangan mo siyang isantabi para sa akin.”

Huminga ito ng malalim. “Iyon ang pinakamagandang pagkakataon para ituloy niya ang pag-aaral niya sa States. Hindi niya pwedeng buuin ang buhay niya sa akin dahil na-realize ko na di ko rin maibibigay ang pagmamahal na hinihingi niya. Hindi maganda ang naging buhay niya sa States. Hindi na siya pumasok sa university. Nasama siya sa di magandang barkada. Nag-drugs siya at nasangkot sa kung anu-anong gulo. Hindi kaya ng konsensiya ko na iwan na lang siya basta.”

“Kaya iniwan mo ako para ayusin mo ang buhay niya?” tanong niya sa mas kontroladong boses.

“It’s a promise I have to keep. Ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang buhay niya. Napabayaan ko siya.”

“At okay lang sa iyo na masaktan ako? Ang sarili mo?”

Napailing siya. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito. Dahil lang sa isang aksidente ay nawala sa kanya si Rushmore. Dahil sa isang pangako…

“May mga bagay na kailangang isakripisyo para sa ikabubuti ng iba. W-We can survive without each other, Toni. Maganda pa rin ang buhay mo hanggang ngayon. Hindi kaya ni Lorna nang wala ako,” anito sa mas pormal na boses.

Puno ng hinanakit niya itong tiningnan. “Akala mo ba ganoon lang kadali na gumising araw-araw nang alam kong hindi ka sa akin? Na mahirap huminga habang iniisip ko na ibang babae ang kasama mo? Parang pinapatay ako. Pero kinaya ko iyon. Kasi umaasa ako na kapag nagkaharap tayo, mapapatunayan ko na mahal mo rin ako. Na hindi awa lang ang lahat ng ipinakita mo sa akin. Mahal mo ba ako kahit katiting, Rushmore?”

“To answer that question is irrelevant now. Mas lalo ka lang masasaktan. Tatlong araw lang ang maibibigay ko sa iyo. Pag-alis natin sa resort na ito, tapos na rin ang lahat. Babalik din ako kay Lorna. Kailangan kong tuparin ang pangako ko.”

He was suffering. Dahil sa pagmamahalan nila, kailangan nitong sirain ang pangako nito kay Lorna. Ngayong may mga kamay nang nakasalalay sa mga kamay nila, naiintindihan na niya ang pinagdadaanan ni Rushmore. She was having the same burden. Kapag ipinilit niya ang pagmamahal niya kay Rushmore, baka mapahamak na naman si Lorna at konsensiya niya iyon.

Pero gusto niyang makasama si Rushmore kahit sa huling sandali. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal nito sa kanya.

Ikinulong niya ang mukha nito sa palad niya at nagmamakaawa itong tiningnan sa mga mata. “P-Pwede bang maging akin ka kahit isang gabi lang? Kalimutan natin si Lorna at ang mga responsibilidad mo. I want to live everyday and breathe each moment feeling your touch and your kiss. Kahit ngayon lang maging akin ka.”

She was his indecision first. Kaya lakas-loob niyang kinintalan ng halik ang labi nito. If he would push her away, she’d understand and leave.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang sagutin nito ang halik niya. A light kiss led to a deeper, heated kiss. Hindi na nila nakayang pigilan ang nararamdaman niya. Na parang iyon na ang huling sandali ng buhay nila at bukas ay magugunaw na ang mundo. They devoured each other and she wanted that night to last forever.

Nang aangkinin na siya nito ay direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. “I love you.”

More than the physical union, those words were more important. Sa una at huling pagkakataon ay naging isa ang mga puso nila. Naramdaman niya ang pag-agos ng luha sa gilid ng mata niya. It was a mixture of happiness and pain. Happiness because she gave herself to the man she loved and sadness because it would be their last chance to be together.

Gaya ni Rushmore ay may pangako din siya. She had to let him go.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.