Chapter 53

"Ayos ka lang ba talaga? Hindi na lang ako papasok, Ren—"

"Pumasok ka, ayos lang ako."

Pinilit kong ngumiti sa lalaking kanina pa ako tinititigan at palakad-lakad sa aking harapan. Dahan-dahan itong lumapit sa akin saka sumilip sa bintana.

"Maaga akong uuwi mamaya, ibibilin na lang kita kay Nanang," sabi nitong hinalikan ang aking pisngi. "I love you."

"I love you," ngiting sagot ko saka niya isinara ang pinto.

Roon lamang akong nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay wala na siya. Hindi na niya makikita kung paano ako ngumiwi sa tuwing kumikirot ang aking balakang, ilang linggo na akong nagsusuka at sumasakit ang dibdib, mabuti na lamang at nangyayari lang iyon kapag wala siya. Plus the fact that I don't have an interest now in sex thingy. I know he thinking too much because of my behavior.

I'm delayed for almost two months! Oh Fred!

Pinilit kong makabangon sa higaan at sinimulang mag-ayos ng mga kumot. Nakatambak na rin ang mga labahin na ipagbubukas ko na lang siguro. Naging abala rin kasi si Fred sa pag-aayos ng dingding sa kwarto dahil puwede raw na magiba iyon kung hindi agad maaayos. Napansin ko ang mga kalyo sa aking kamay, for the first time in my life that I have this kind of stuff, masyado akong nawili sa pagbuburda na pinagkakakitaan ko, tinuruan ako ni Nanang at alam ko na kung bakit mahilig si Veron sa mga designs dahil sa sobrang gaan sa mata. Napanguso na lang ako nang matapat ako sa salamin, may umbok na ang aking tiyan at hindi ko alam kung napapansin na ba iyon ni Fred dahil madalas niyang hinihimas iyon.

Tuwing gabi ay alam kong sinusubukan niyang magtanong tungkol sa tiyan ko pero hindi pa ako sigurado. Mas lalo pa akong na-stress nang malaman ko na posibleng walong buwan na lang o isang taon na lang at matatapos na ang pabrikang ginagawa. Malaki ang pisibilidad na mawalan na naman siya ng trabaho.

Matapos kong makapaglinis ay kahit tanghaling tapat, pumunta ako sa bahay ni Nanang, may buhat iyong bata na kaniyang pinapatulog kaya hindi ko alam kung tutuloy ba ako. Tumalikod na lang ako at baka mamaya na lang bumalik pero narinig ko agad ang boses nito.

"Ija? May problema ba?" tanong nito kaya ako napaharap.

Kurot-kurot ang aking daliri at saka ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam kung problema ba ang isang 'to dahil hindi ako nakapaghanda, although alam kong ganito ang mangyayari dahil wala kaming proteksyon ni Fred habang ilang beses na ginagawa iyon.

"Puwede ko po ba kayo makausap? Kahit sandali?" tanong ko.

"Oo naman, halika't pumasok ka sa loob, ibibigay ko lang ang batang ito sa kaniyang ina," alok nito na hinila ang aking kamay.

Mahilig sa bata si Nanang, malimit kong makita na nilalaro at inaalagaan niya ang mga bata sa lugar namin. Simple lang ang bahay nila, kumpleto ang mga gamit na mukhang luma pa. Hindi rin nagtagal ay bumalik si Nanang na may dalang maliit na garapon at kulay berde ang laman nito, malayo pa lang ay sobrang bango na.

"Halika't, mahiga ka muna. Mukhang alam ko na ang pinunta mo rito, naghihintay lang akong kausapin mo."

Literal na napamaang ako dahil sa sinabi niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniyang sinabi, nahiga ako sa malambot na bagay at saka niya nilagyan ng gamot ang aking tiyan, mabango ang aromang iyon at banayad na hinimas sa aking tiyan.

"Alam ba ng iyong asawa na buntis ka? May umbok na rin ito kahit papaano," nakangiting sabi nito na inilingan ko.

"Hindi po kasi ako sigurado Nanang, e, baka umasa lang po yon, pero dalawang buwan na po aking hindi dinadatnan," sagot ko na kaniyang ikinatigil.

"Dalawang buwan? Gustuhin ko man na papuntahin kayo sa bayan para naman matingnan ka ng doktor, e, malayo iyon, pero libre naman doon. Mabibigyan kayo ng payo, ang ilan kasi sa mga nagbuntis dito at walang perang pampatingin sa doktor ay sa akin lumalapit, kay dati akong katulong sa hospital sa kabilang lalawigan kaya kahit papaano, ay may alam ako sa panggagamot at sa mga buntis." Pinagpatuloy niya pa ang paghihilot at saka ako pina-upo. "Mas mabuti kung magpahinga ka muna ngayon, huwag mong piliting kumilos kung hindi mo kaya, paglulutuan kita ng pagkain na makakatulong sa iyo para lumakas ka," dugtong pa nito sa akin.

Inalalayan na niya ako na pumunta sa bahay at mahiga sa kwarto, malinis naman na kaya wala akong dapat na ipag-alala. Kampante naman ako dahil sa kaniya lumalapit ang mga tao sa tuwing may masakit sa kanilang katawan o kaya kapag may pilay, lagi niya ring pinapaalala na mas mabuting pumunta sa bayan para matingnan ng mga doktor. Ang paraan ng paghilot niya sa likuran ng kaniyang asawa ay halos parehas nang hilutin ni Keus ang likuran ni tito noon.

Nagising na lang ako dahil sa isang mahinang kanta na akala ko ay nananaginip lang ako. I didn't move but I opened my eyes, I saw him holding our laundry and separate it from the de-color and white clothes. Nakatalikod ito sa akin at nakabukas ang mahinang radyo na kaniyang sinasabayan.

I like his voice. Funny one, coz we loves to sing. We love music.

"H-Hey," inaantok kong tawag saka naupo.

Napahinto agad ito saka humarap sa akin. Hindi niya binitawan ang mga labahin pero pinilit niyang umurong at habaan ang nguso upang mahalikan ako sa aking noo.

"Ang aga mong umuwi," panimula ko dahil maliwanag pa sa labas.

"I told you," nakangiting sagot niya saka muling ibinalik sa lalagyanan ang mga damit at pumunta ng banyo.

Agad itong lumabas saka ako tinitigang mabuti. Bahagya itong kumindat sa akin at saka paulit-ulit akong hinalikan. Gustong-gusto ko ang bawat pagdampi niya sa aking tenga, isabay pa ang paghimas nito sa aking braso, pero agad din akong natigilan dahil sa biglaan niyang paghinto at napansing nahinto ang kamay niya sa akong tiyan.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong nito saka dahan-dahang umalis sa kama.

Ngumiti ito sa akin at saka ako inalalayang bumaba. Tikom lang ako at napansing hindi na masyadong masakit ang aking katawan, naniniwala na akong may himala kay Fred, goodnes!

"Sasabihin? Na alin?" tanong ko saka niya hinawakan ang aking kamay palapit sa kaniya at saka ako sinayaw-sayaw nang mahina.

"I don't know, hmm, anything, kuwentuhan mo ako," bulong nito sa akong tenga habang inaantok ako dahil sa pagsayaw namin.

Naikagat ko ang labi ko dahil desperado na talaga siyang malaman lahat, kilalang-kilala niya ako kung may gusto ba akong sabihin o wala at kung nagsinungaling ako. We've been here for five months at literal na kumportable ako dahil sobrang giliw at bait ng mga tao rito. May mga kasing-edad din ako na gustong-gustong magpakuwento kung anong klaseng pamumuhay ang mayroon sa maynila. I'm just being honest with them, at the same time, I done want to ruin their will to go there.

Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kaniyang leeg at saka tumingkayad. Napabuga na lang ako ng hangin at saka bumulong.

"I-I'm pregnant, Fred," bulong ko saka siya hindi tiningnan.

Magiging nanay na ako. At hindi ko alam kong anong gagawin ko at anong klaseng ina ako dahil wala akong kinalakhang nanay.

Wala akong narinig na kahit na ano. Napansin ko rin ang paghinto nang pagsayaw namin, kumalabog ang puso ko dahil sa seryoso itong nakatingin sa akin. Lumayo ito at saka tumalikod sa akin.

Kusang nanginig ang buonh pagkatao ko dahil sa kinilos niya. Ayaw niya ba? Mukhang ayaw niya, ang pagsinghap nito at ang pag-iling.

"Why? Ayaw mo bang magkaaanak sa akin? We always do those stuff without protection, so expect that this is gonna be happen," bulong ko na may halong inis.

Unti-unti na ring lumalabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang pagluha kaya pinunasan ko agad ito. Roon lang ako nahinto dahil sa pagharap niya at natatawang umiling ito sa akin. Mabilis akong niyakap at saka hinalikan ang aking noo.

"Bakit ka umiiyak?"

"Because of you! Parang ayaw mo! I hate you!" Panduduro ko rito na mas lalo niyang tinawanan.

Fvck him! Ayokong magaya kay Nikasha na hindi man lang nakita ni Maru na lumaki si Gale.

"Binibiro lang kita, ang seryoso mo kasi. Hmm, nagulat lang ako nang kaunti, but I expected this before, gusto ko lang marinig sa iyo, mismo," seryosong saad niya saka kinurot ang kung pisngi.

Agad na sinuntok ko ito sa kaniyabg dibdib na nahuli naman niya.

"Ikaw kasi! Nagawa mong bumili ng singsing, pero simpleng condom lang, hindi mo mabili." Pang-iirap ko saka siya tinalikuran.

"Ginusto kong mabuntis ka, mahihirapan ka nga lang."

"Mahirap? Bakit? Nabuntis ka na ba?" tanong ko saka humagalpak ang tawa nito.

Lagi na lang niya ako tinatawanan kapag nagsisimula na akong mainis sa kaniya. Sa pagpasok ko sa kwarto ay sumunod din ito sa akin, hindi ko alam kung anong binabalak niya pero panay ang tingin niya sa kalendaryo. Bahagya nitong binilang ang kaniyang mga daliri saka tumingin sa akin.

"Sa September ka pa manganganak, makakapag-ipon pa ako," nakangiting saad nito saka naupo s tabi ko.

Halos matuyo ang lalamunan ko sa kaniyang sinabi. Talagang binilang niya iyon para lang makasigurado. Katapusan ng Agosto kami nakapunta rito at ngayon ay pebrero na, sobrang bilis ng panahon. Baka bukas manganganak na agad ako, god!

"Gising ka maaga bukas, a? Punta tayo sa bayan para malaman na natin kung lalaki o babae, yong anak natin," seryosong saad nito.

Literal na napahawak ako sa aking tiyan at saka tumawa, nawala ang inis nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito saka humarap sa akin at tanong nnag tanong kung anong nangyari sa akin.

"Seriously, Fred?" natatawang tanong ko saka ako tumayo. "Dugo pa lang ang baby natin, hindi pa malalaman kung babae o lalaki, 'to. Too excited, huh?"

Halos mapapikit ito at mailing sa ginawa niya. Nag-asikaso agad kami ng pagkain namin. Kahit na malapit nang dumilim ay nagpasya kaming maglaba na lang dahil wala na rin kaming ginagawa, siya ang nakatoka sa pagbabanlaw at tinulungan ako sa pagkukusot, mano-mano lang ang ginawa namin dahil wala naman kaming washing machine. Gusto ko rin naman ang ganito. We always talked a lot while we're doing the household chores. I really admired this man because of his long patience. Madalas ko siyang awayan at talikuran pero nagagawa niya pa rin akong lambingin, kung minsan hinahayaan niya akong mapag-isa.

And that's the thing that I started to change my mindset.

Madalas kong naririnig sa mga babae na kung talagang mahal sila ng mga lalaki ay hindi sila hahayaan nitong matulog ng galit, na may dinadamdam. Well, they're wrong. Absolutely wrong.

Natutunan ko na sa ginagawang pag-iwas sa akin ng lalaking mahal ko sa tuwing naiinis o nagagalit ako, ay walang mali. He gives me a time for myself to think what's going on, humihingi siya ng sorry, at hindi na ako kakausapin. He really matured than me.

May mga bagay kasi na hindi mo puwedeng pilitin na maging maayos, kailangang mo ng oras, at kapag okay na, saka lang kami nag-uusap at uulitin kung ano yong ginagawa namin no'ng magsisimula pa lang kami. And yeah, we hate toxic. We're always give and take. Kaya hindi namin naranasan ang magbangayan because of our mindset. And thanks to him for changing it.

Kinabukasan ay ala-singko pa lang ay umalis na kami, marami daw ang nagpapa-check up doon at kaunti lang ang mga health workers kaya kailangan naming mauna. Alas-otso ay nakarating na kami at agad na pumila, mabuti na lang at nasaktuhan namin ang isang babae na mukhang nurse na agad kaming inasikaso.

Naging mabilis lang naman ang pagtingin sa akin at kung may anong hinimas sa aking tiyan, mahigpit ang hawak ko kay Fred habang nakatingin ito sa monitor. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil sa laki ng ngiti niya habang ako ay kinakabahan dahil iniisip kong makukuryente ako sa hawak ng nurse. Ilang sandali pa ay kinausap ng nurse si Fred, nakangiti naman ang nurse kaya wala akong dapat na ikatakot. Kumalma lang ako habang inaayos ang aking sarili at saka naupo sa bakanteng upuan dahil may kasunod na babaeng malaki na ang tiyan, napangiti ito sa akin pati ang asawang kasama niya na may buhat na bata.

"Anong sinabi sa iyo ng nurse?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagtingin namin ng mga gamit.

"Mahalin ka lang at alagaan—"

"Fred!"

"Alagaan ka nga nang mabuti," natatawang sabi niya. "Habaan ko raw pasensya ko dahil paniguradong maglilihi ka, kalmahan mo lang, Ren, a?" natatawang anas niya pero huminto rin.

Napako ang paningin ko dahil sa isang prutas na kulay brown ang balat, may mga ugat pa ito na something na hindi ko maintindihan. Agad kong kinalabit si Fred at saka tinuro ang pagkaing iyon.

"Ano yon?" tanong ko rito na nilingon niya agad.

"Singkamas."

"Ez bakit may kulay brown ba yon? Like toppings?"

"Bagoong iyon, maanghang nga lang. Tapos puwede mo lagyan ng asin kung ayaw mo ng bagoo—"

"Ate? Magkano po lahat niyan?" nakangiting tanong ko saka tinuro ang limang bungkos na singkamas.

"Dalawangdaan po lahat, kasama na po itong bagoong," sagot ng tindera saka ko nilingon si Fred na lumalim ang paghinga.

"Mauubos mo yan?" kunot-noong tanong nito na inirapan ko.

"Of course! Let's buy these, mukhang masarap." Pagpapalakpak ko saka siya umiling.

Mabilis na nagbayad si Fred at saka takang-taka na tumingin sa akin, gusto kong pigilan ang sarili ko sa pagbili ng kung ano-ano pero hindi ko mapigilan.

"May gusto ka pang bilhin?" tanong niya habang bitbit ang dalawang basket sa magkabilaan niyang kamay.

"Okay na. Baka maubos yong pera, e," nguso ko saka ko narinig ang kaniyang pagngisi at naiiling na umiwas ng tingin sa akin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.