Chapter 54

"Look! She's moving!" manghang-mangha kong sigaw dahil sa pagsipa ng bata,

Natigil agad si Fred sa paghihilot sa akin at saka unti-unting napangiti. Nagkatinginan kaming dalawa at walang ibang ginawa kundi ang titigan iyon. Hindi na muli kaming nakapag-check up natapos naming malaman na babae ang panganay namin. I want boy, pero dahil mas malakas manalangin si Fred na halos araw-araw niyang sinasabi sa akin na babae ang magiging panangay niya.

"Hindi ba masakit?"

"No, why?"

"Parang mabubutas ang tiyan mo sa sipa niya," natatawang saad nito na napansin ko rin. But, nah, I'm okay," ngiting sagot ko saka siya mas lalong lumapit sa akin.

Ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. Bago pumasok sa trabaho nagluluto na siya ng almusal, gigising na lang ako na wala na siya at may pagkain na, malinis pa ang bahay sa tuwing umaalis siya. Uuwi siya ng bahay pero imbes na magpahinga tinutulungan niya pa ako sa ibang gawain, kapag masama ang pakiramdam ko siya na ang naghuhugas ng plato. Matutulog na lang kaming lahat-lahat pero nagagawa niya pang hilutin ang aking tiyan hanggang sa sa makatulog ako. Tapos kinabukasan, ganoon na naman. Nasa trabaho na naman siya.

"I love you," inaantok nitong sabi.

"I know. Magpahinga ka na, please? Look at yourself, baka magkasakit ka—"

"Okay lang ak—"

"No, magpahinga ka na muna. Hindi naman masakit ang katawan ko, sige na. Gigisingin kita kapag nakapaghain na ako, I love you." Humalik na ako sa kaniyang pisngi at saka hinayaang mahiga.

Iniwan ko na ito sa kwarto at saka nagsimulang maghain. Mabuti na lang at nandiyan si Nanang para gabayan kami ni Fred. Siya mismo ang nagsasabi na dapat ay naglalakad ako tuwing umaga at sinasamahan niya pa ako. Madalas kaming pumunta sa talon na nasa bundok, siya ang nag-aasikaso sa akin kapag wala si Fred. Natapos na akong magtupi ng mga labahin at makapagluto ngunit malalim pa rin abg tulog ni Fred. Kaya binuksan ko na lang ang radyo at humanap ng mga musikang magpapakalma sa akin.

Nakaupo lang ako sa upuan habang hinihimas ang aking tiyan, kinakantahan ang batang nasa loob na gusto ko nang makita. Pero agad akong natigilan dahil sa pagsulyap ko sa isang bagay na kumikinang sa aking daliri. Napangisi na lang ako saka tinitigang mabuti iyon. Ni wala siyang detalyeng ibinigay kung saan at paano siya nakabili ng ganito, sa tuwing tinatanong ko siya lagi niya lang sinasagot na mahal niya ako at binigay daw iyon ng Diyos.

We're not yet married. Siguro, may tamang oras sa pagpapakasal, at kung ipagkakaloob man ng Diyos iyong tanging hiling ko, wala na akong ibang hahangarin. Kung sakaling ikasal ako, gusto ko naroon ang pamilya ko, iyong mga taong nakasama ko mula bata ako, hanggang sa magkaroon ako ng sariling pamilya. Sa ngayon, gusto ko lang maging maayos kami at ang pagpapaanak ko na halos dalawang buwan na lang ay lalabas na. Napag-usapan na namin na si Nanang na lang ang magpaanak sa akin dahil sobrang layo ng hospital.

"R-Ren?"

Natinag ako sa pagkakapikit at saka hinanap ang boses na iyon, bumungad sa akin si Fred na parang hinihingal at nagmamadali akong nilapitan saka niyakap. Napakunot ako dahil sa kaniyang kinilos at halos kurutin ko na ito dahil sa nasasakal na ako.

"What happened?"

"Akala ko umalis ka," sagot agad nito na ikinatawa ko at saka humiwalay.

"Bakit naman ako aalis? Ano na naman ba pumapasok sa utak mo at nagkaganyan ka?" tanong ko saka umupo sa upuan saka siya pinaghandaan ng pagkain.

Wala akong nakuhang sagot pero nakangiti lang ito nang matitigan ang aking tiyan, ngayon pa lang ay kinukutuban na ako sa mga kinikilos niya. Gustong-gusto niyang hawakan ang tiyan ko. Baka maging favorite niya na ang bata kaysa sa akin... So bad.

Kinabukasan ay gaya nang araw-araw na bumubungad sa akin ay wala na ito sa aking tabi, narinig ko ang mahinang pagkanta ni Nanang sa likuran ng bahay kaya ako napangiti. Napansin ko na ang mga tao rito ay mahihilig kumanta. Sobrang swerte ko pagdating sa mga taong nakapalibot sa akin dito.

Matapos kong almusal ay inilagay ko na agad ang upuan sa mismong tapat ng bahay at saka inilagay sa gilid ang mga tela at pamburda na aking gagawin. Kahit papaano ay kumikita ako rito, mas lalong dumarami ang mga turista dahil mainit ang panahon ngayon, bawat bahay sa amin ay naglalabas ng mga paninda, ang ibang wala naman na katulad ko ay tunutulang na lang sa pagbuburda. Idagdag pa na karamihan ay foreigners ang mga bumibista kaya ako ang madalas na kumakausap sa ilan.

"Zeren!" tawag sa akin ni Conrado mula sa kanan kung saan hinahatid ang mga turista.

"Conrado? Bakit?"

Tumakbo ito saka hinihingal na huminto sa aking harapan, mukhang masaya siya at binuksan ang palad kung nasaan ang pera. "Alam mo ba? Hinalikan ako sa pisngi no'ng babaeng medyo puti yong buhok tapos maputi, hindi ko maintindihan yong sinabi e, pero binigyan niya ako ng ganito. Alam mo ba kung magkano 'to?" kuwento nito sa akin na halos mamula ang buo niyang mukha.

Sumulyap ako sa kaniyang hawak na panay tig-iisang libo. "Mayroon kang limang libo," saad ko na kinunotan niya.

"Mayaman na ba ako nito?"

"Not really, pero, katumbas niyan ang isang linggong pagpasok mo sa pabrika na hindi lumiliban," malalim na pagtatagalog ko sa kaniya para maintindihan niya.

Ngumiti ito sa akin at saka pinuri ang binuburda ko. Nagpaalam na ito at sinabing bibili lang siya ng bigas. Nawala ang ngiti ko dahil sa paulit-ulit na pangyayaring iyon. Nakakapag-alala lang din dahil ang mga katulad niya na hindi nakapag-aral nang maayos ay mabilis na napagsasamantalahan ng iba, kaya pala napansin ko na kasama namin madalas si Conrado at tinuturuan lagi ng Fred lalo na sa perang hawak.

Kaya pinapangako ko sa sarili ko na kapag nakaaangat kami ni Fred, tutulungan ko ang mga tao rito. Pero mukhang matagal pa iyon.

Sa kalagitnaan ng pagbuburda ko ay may tatlong tauhan ng mga nagbababtay sa talon na bumabalik ulit, kasunod na nila ang ibang mga turista roon na naglalakad na rin at mukhang sasakay s Anga nakaparadang sasakyan malapit sa amin.

"Mamaya ho, magsipasok na po sa loob ng inyong mga bahay. May malakas na bagyo pong darating at baka mamayang gabi tatama sa atin. Mahigpit na pinaalalahanan ang lahat na manatili sa loob ng bahay at huwag munang lumabas," sabi ng isang lalaking may hawak na mikropono.

Kung hindi pa hinawakan ni Nanang ang aking kamay ay hindi pa ako makakatayo, inalalayan na niya ako papasok sa bahay at dumiretso siya sa kwarto para isara ang bintana.

"Matibay naman ang mga bahay dito kaya walang problema," kalmadong sabi nito pero iba ang dinudulot ng kaba sa dibdib ko.

"P-Paano po si Fred? Uuwi na po ba siya?" tanong ko pero pinaupo niya ako sa upuan.

"Iyan ang hindi ko alam, ija. Kapag ganyan kasi, walang hinahayaang bumyahe kapag may bagyo. Baka roon lang sila hanggang sa tumigil ang bagyo," sabi nito saka pumunta sa kusina.

Tahimik lamang akong nakaupo sa upuan. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lakas ng kalabog sa puso ko. Hindi ko magawang inumin ang gatas na itinimpla sa akin, dinig ko ang malakas na hangin na siyang nagpapasayaw sa mga puno sa labas. Ang malakas na kidlat dahilan para mapahawak ako sa aking tiyan.

"Nang? Okay na po ako rito, punta na po kayo sa bahay ninyo," saad ko na pinilit na ngumiti ngunit umiling ito.

"Hindi kita puwedeng iwanan dito, dekikado't baka mapaano ka." Panghahawi nito sa aking buhok.

Mariin akong ngumiti at umiling. Kailangan siya ng asawa niya sa bahay dahil may iniinda ring karamdaman si Tatang. Kaya ko naman ang sarili ko pero hindi ko lang maiwasang matakot, wala pa si Fred, sana manatili na lang siya roon.

"Okay lang po talaga. Rito lang po ako sa loob, hindi ko po bubuksan ang pinto at bintana," sabi ko saka napansin ang paghinga niya nang malalim.

Tumango na ito sa akin at agad kong sinara ang pinto, ngunit matapos ang ilang minuto ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Animo'y parang pinauulanan ng bala ang bubong namin dahil sa sobrang lakas. Paulit-ulit lang akong huminga nang malalim saka ininom ang gatas na halos lumamig na. Pinilit kong kumanta para naman mapawi ang kaba ko at sinayaw-sayaw ang sarili.

Inabala ko na lang ang aking sarili sa paghuhugas at pagluto ng pagkain, inayos ang mga gamit at saka maya't maya na humihiga. Unti-unti ko nang kinakatakutan ang ulan, sobrang daming nangyayari na sumasakto pa sa pag-ulan at hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin iyon. Walang selpon si Fred, matagal ko na ring hindi nagagamit ang akin kaya wala kaming komunikasyon kapag nasa malayo siya.

Isang malakas na pagkatok ang narinig ko kaya kumalabog ang aking puso. Sinabi ni Nanang na huwag buksan ang pinto kahit na anong mangyari dahil baka biglang may tumama sa aking bagay. Malakas ang pagkatok at paulit-ulit.

"S-Sino ya—"

"Ren? Ren, ako 'to," boses ng isang lalaking sobrang pamilyar sa akin.

Agad akong pumunta roon at saka pinagbuksan siya ng pinto. Halos tumaas ang suot kong maluwag na damit back bumungad sa akin si Fred na basang-basa. Sa pagpasok niya ay mariin ko itong niyakap, ang kamay nito sa akong ulo at ang mainit niyang hininga.

"Basa ka na," natatawang saad nito saka humiwalay sa akin.

Pumunta agad ito sa banyo para makapag-ayos ng sarili, hindi ko magawang umalis sa puwesto ko at hinintay siya na lumabas na may hawak ng tuwalya saka inilagay sa aking ulo.

"Ayos ka lang? Sana lang hindi ka umiyak kanina."

"Ayos ka lang?" tanong ko na hindi sinagot ang tanong niya.

Ngumiti ito sa akin at saka kumunot. "Oo naman, buti na lang maaga akong nakaalis sa pabrika. Sabay na rin kami ni Conrado dahil nakita ko siyang nililigpit ang mga kalabaw at bumili pa ng bigas— nakikinig ka b—" Pinatikom ko ito gamit ang aking mga labi. Ramdam na ramdam ko ang malalim niyang paghalik sa akin na para bang uhaw na uhaw.

Mariin akong napahawak sa laylayan ng kaniyang damit nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg, ngunit natigil din iyon saka ako nginitian at tinuro ang aking tiyan.

"Sinipa ako, hindi mo naramdaman?" natatawang saad niya.

Umiling ako saka hinawakan iyon, gumagalaw nga pero hindi naman sumisipa. "She's jealous," sagot ko.

Nagpasiya na kaming kumain, nagkukwento lang siya tungkol sa nangyari sa trabaho at ako naman ay tinitingnan ang kabuoan niya. Hindi maalis ang ngiti sa kaniya at paulit-ulit na sinasabi na baka makabili na kami ng gamit ng bata kapag okay na ang panahon dahil sa kaniyang suweldo.

"Binyagan agad natin si baby para hindi tayo mahirapan, sagot na raw ni Engineer yong binyag ng bata at yong handa, tumanggi ako pero namilit," sabi nito saka kinurot ang ilong ko.

"T-Talaga? Nakakahiya naman," bulong ko na inilingan niya.

"Hindi ko rin alam kung bakit, pero mabait naman iyon. Ah, Ren?"

"I know you love me," pangunguna ko rito dahil madalas niyang tawagin ang pangalan ko para sabihin iyon.

Natawa ito saka tumitig sa aking tiyan. "Nakaisip ka na ba ng pangalan ng bata?" sinserong tanong nito na nagpatigil sa akin.

No'ng malaman kong buntis ako, nag-isip na agad ako ng ipapangalan, ayoko ng masyadong mahaba katulad ng sa amin ng mga kapatid ko dahil naaalala ko pa rin si Veron na umiiyak sa tuwing pinapasulat ang pangalan niya.

"Ara," sagot ko saka nakita na naman ang pag-ngiti niya.

What's wrong with him? Araw-araw na lang siyang masaya.

"Bakit Ara?" tanong nito.

"Wala lang, I just felt comfortable when I heard that name. May babae rin kasi akong na-encounter sa Agustin na Ara ang pangalan, maliit siya at ang cute niya," I said as I almost squeeze his cheeks.

Natawa ito sa akin pero iyon ang totoo. Kahit papaano ay may naaalala ako sa Agustin at iyong pangalan na iyon ang hindi ko makalimutan.

"May gusto ka bang idagdag?" dugtong ko saka siya uminom ng tubig.

"Bella. Princess Bella at England. Ang ganda ng kuwento niya at kung gaano siya katapat, she has a one word. Prinsesa ko rin namang ituturing ang anak natin at ikaw ang reyna, tapos ako ang alipin." Pangingindat nito na tinawanan ko agad.

Wala siyang pinipiling oras para lang pangitiin ako. Idagdag pa na hindi niya masyadong inaangat ang kaniyang sarili kahit pa ako ang napangasawa niya na malayo ang agwat at antas ng pamumuhay sa kaniya noon.

"Right! Her name is Arabella. Arabella Suarez," matamis kong saad saka nakita ang pamamasa ng kaniyang mga mata.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.