Chapter 56

Hindi ko alam kung matatatawa ba ako sa anak ko habang buhat siya ni Fred dahil halatang gustong-gusto niyang sabayan ng kanta ang mga taong nakapalibot sa amin Pero ni isang liriko wala siyang nabigkas. Pagpalakpak na lang ang kaniyang nagawa at ngumiting naningkit ang mga mata.

"Happy birthday Ara!" bati nila kasabay ang pagsayaw ng anak ko.

Agad kong kinuha ang cake na nasa mesa at saka iyon pinantay sa aking dibdib. Humarap sa akin si Fred at saka ko napansin ang pag-abot ni Ara sa cake pero nilayo ko agad ito.

"Hey, just blow the candle first." Pagngunguso ko sa kandila na ginaya niya rin. "Don't know how?" natatawang tanong ko.

"No," sagot nito kaya binulungan siya ng kaniyang ama saka umaktong hinihipan ang kandila na agad niya ring ginaya.

I know that Ara was tried her best to do it, pero kami na ni Fred ang gumawa at si Ara ang pumalakpak. Ibinaba ko na ang cake at sumenyas sa iba na puwede na silang kumain. Hinayaan ko lamang silang magsaya pati ang mga batang abala sa paghawak sa kabilang lobo.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko ang mag-ama sa harap ng mga pagkain, kung ano-ano ang tinuturo ni Ara pero kapag ibibigay na ng kaniyang ama ay inaayawan niya agad.

"Mrs. Suarez," saad ng isang lalaking malaki ang aming utang na loob.

"Engr: Parane, hey, thank you for coming. Kumain na po ba kayo?" ngiting tanong ko saka siya sinamahan sa isang bakanteng mesa.

"Hindi na siguro, kailangan na rin ako sa site roon sa Maynila," saad nito kaya agad akong natigilan.

Maynila. Sa syudad, ilang taon na nga ba mula nang umalis ako roon?

"Gano'n po ba? Mag-iingat po kayo. Salamat po talaga sa tulong ninyo sa amin noong pinanganak ko si Ara," pasasalamat ko na agad niyang inilingan.

"Huwag ka sa akin magpasalamat, hindi naman sa akin galing ang perang iyon, gano'n ka kamahal ng taong iyon. Ah, sige na, mauuna na ako, nakausap ko na rin naman ang mag-ama mo. Mag-iingat kayo, masaya akong unti-unti na kayong umaangat," sabi nito sa akin at saka yumuko ng bahagya at saka umalis nang hindi man lang ako nakakapagsalita.

Hindi sa kaniya galing iyon?

Napako ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay hindi na naman ako makakatulog sa kaiisip. Wala rin ako sa mood kumain at gusto kong ipaubaya si Ara sa tatay niya dahil si Fred ang minsang abala sa negosyo.

"Ija? May matandang lalaki na gusto kang makausap, tungkol ata sa negosyo, sinabi kong sarado tayo ngayon pero gusto ka niyang makausap," boses ni Nanang sa aking gilid kaya ako napabalik sa wisyo.

Tumango na lamang ako saka ngumiti bago nagpasiyang tumayo. Kanina lang din kami nagsabi sa kapitolyo na pakipaskil na sarado kami ngayon dahil sa birthday ni Ara. Sa kapitolyo kasi unang dumaraan ang mga turista. Nanatili ang tingin ko sa lalaking nakasumbrero, mukhang mayaman base sa tindig nito at balot na balot na itim na damit.

"Good morning Sir, may I know your concern po?" tanong ko sa lalaking nakatingin sa gilid kaya hindi ko maaninag ang mukha.

Napansin kong nakatingin ito sa gawi nila Fred.

"Sir, sarado po kasi kami ngayon. Sa Monday pa po kami magbubukas, around 8 am to 5 pm naman po kami," magalang kong saad saka ako nitong tuluyang hinarap.

Inalis nito ang sumbrero saka bumungad sa akin ang lalaking matagal na panahon ko ng hindi nakita. Malinaw sa akin na gabi na iyon at seryoso ang mukha niya, pilit akong pinapauwi at huwag sumama sa lalaking mas pinili ko kaysa sa pamilya ko sa Maynila.

Halata na ang katandaan sa mukha niya ngunit alam ko sa sarili ko na malakas pa siya, kayang-kaya niya pang magtrabaho at manatili sa puwestong dapat ako ang hahalili... but I left him.

"I see. Mukhang abala nga kayo. Just take your time, I'll be back on Monday at eight—" Agad itong napahinto dahil sa mahigpit na yakap ko.

Kusang nanginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay lahat ng aking bigat ay nasa kaniya. Ang malalim nitong paghinga at ang pagtapik sa aking likuran kasabay ng aking paghagulhol. Hindi mo mapigilan ang mga luha ko at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Ang anak mo, nakatingin sa atin. You should stop crying like a baby," natatawang saad nito kaya ako humiwalay nang kaunti.

Hindi ko magawang makapagsalita, lalo na't parang nilalamon ang aking kaluluwa. Hindi ko maisip kung bakit at paano niya nakapunta rito. Waa akong lakas na loob na magsalita ng kahit na ano dahil alam ko sa sarili ko na nakagawa ako ng mga kasalanan sa kaniya.

"Tititigan mo lang ba ako?" ngiting tanong nito na inilingan ko agad.

"I-I don't know what to say," bulong ko matapos niyang punasan ang luha ko.

"You look great. You are lucky," anas nito na ikinalat ang paningin sa aking paligid at saka nahinto sa puwesto ng aking mag-ama.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti ng malawak sa kaniya, kung paano ako ngumiti noong bata pa ako hanggang sa naging dalaga. Kumapit ako sa kaniyang braso katulad ng ginagawa namin ni Veron sa kaniya sa tuwing naglalakad habang si Nikasha ay nasa likuran lang namin at tahimik na nakasunod. Isinandal ko ang aking ulo roon saka marahang naglakad sa gilid.

"I-I really miss you," bulong ko na hindi siya tinitingnan.

"I know," sagot nitong sabay naming tinawanan.

Nahinto kami sa isang duyan na ginawa noon ni Fred, kung saan niya ako binigyan ng singsing. Dahan-dahan kaming naupo at saka nilapat ang mga paa namin sa maraming nagkalat na dahon. Mahinang humahampas ang hangin at naririnig namin ang mga tawanan ng iba at ang panay bati sa aking anak.

"It's been a two years when you chose him over us," panimula nito na animo'y normal lang na nagkukwento. "And I felt sorry for that. Mas pinili ko iyong kumpanya dahil hindi ko na alam kung ano ang maibibigay kong buhay sa inyo kapag bumagsak iyon. I also received your assets but I prefer to not use those. Asher helped me to manage it. Nakagawa kami ng paraan ng mga tito mo at ng kapatid mo, kinausap ko ang mga Arevalo na putulin ang ugnayan sa kanila. Five months after that, nabawi namin lahat. Jairo replaced at your position. Sinabi ni Nikasha na hayaan kita. Tama ka, you have your own rights. Malaki ka na. Natakot lang ako noon at hindi sanay na wala ka, dahil sa inyong magkakapatid, ikaw ang kasama ko sa lahat. Nakalimutan kong lumipas na pala iyong panahon na kalong-kalong pa kita," mahabang salaysay nito.

Tanging pagragasa lang ng mga luha ang naibigay ko dahil sa mga nalaman ko. Hindi ako makatingin dahil mas lalo akong nasasaktan, napako lang ang paningin ko sa sarili kong paa na mas piniling takbuhan sila.

"Maayos naman ang lahat. Naging maayos na rin ang kapatid mo. Mukhang kasing-edad lang din ng anak mo ang anak nila Sevein. May mga bata na rin sa mansyon na inalagaan ng mga tita at tito mo. We're good after all. Pero iba pa rin ang kumpleto. Si Jairo ang unang nakaalam na nandito kayo ni Fred. That Engr: Parane, was his co-worker, confirmed that you were here. Buntis ka na raw noon dahil base kay Engr Parane, laging umaalis si Fred ng maaga para samahan ka dahil mag-isa ka lang sa bahay. But again, I wanted to talk you that time, but your sister forced me again, huwag daw muna akong magpakita at bigyan kayo ng oras, so I grabbed the opportunity to make sure that you would be okay matapos ipanganak ang anak mo, mula nang malaman kong napabinyag ang anak mo at nasa maayos ka nang kalagayan. Hinayaan na kita, kasi alam kong hindi ka pababayaan ni Fred."

Para akong nabingi sa mahabang salaysay niya. Parang huminto ang paligid at pigil na pigil ang aking paghinga. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero isa lang ang malinaw sa akin, masaya ako dahil muli kong narinig ang boses niya. Narinig ko ang matagal ko nang gustong marinig na paliwanag. Si Fred ang nakakaalam kung gaano ko gustong makausap sila tito, kung gaano ko gustong tawagan ang isa sa kanila pero pinipigilan ko ang sarili ko, iniisip ko noon na baka galit sila sa akin dahil sa hindi ko pagpayag at alam kong maraming maaapektuhan kung sakaling hindi nagawan ng paraan iyon. ,

Malayang pinagmasdan ko ang tito kong nakangiti, ang mga mata niyang sobrang gaang tingnan. Ngumuso ako rito na agad niyang tinawanan dahil sa pagtulo na naman ng aking luha.

"I'm sorry. Wala talaga akong masabi," bulong ko na ikinatawa niya. "But maybe, later I tell what you should hear like an old long story," natatawang sabi ko na tinanguan niya.

Pero nawala ang ngiti niya nnag mapatingin sa aking gilid, agad akong napalingon doon at natanaw ang isang batang maliit na tumatakbo papunta sa aming gawi, para itong madadapa kaya nakaalalay sa likuran nito ang kaniyang ama.

"Mama!" tawag sa akin nito na naniningkit ang mga mata.

"A little Zeren, but looks like Fred," bulong nito sa akin.

"Hell yeah, walang duda na si Fred ang ama," sadyang nilakasan ko iyon para marinig ni Fred na nangunot sa akin.

Nang makarating si Ara ay hunawak agad ito sa aking hita, nakangiting may sinasabi na kung ano at tinuturo ang kaniyang ama.

"Sa bahay lang po ako," sabi nito na sinaluduhan ni tito. Umalis ito sa harapan namin na kinawayan pa ni Ara. Takang tumingin ako kay tito dahil sa ikinilos niya at tinginan nila ni Fred.

"What's that?" tanong ko.

"Mas nauna kaming nag-usap. A week ago," kindat na sabi niya na mas lalo kong kinunotan. "So I have to know you?" seryosong saad ni tito na nakatingin na sa aking anak na agad na nanahimik.

Titig na titig kay tito at bahagyang titingin sa akin pero babalik din kay tito.

"Lolo," mabagal niyang sabi saka ngumiti at kinagat ang mga kamay na binuksan ang mga palad.

"Lolo? Are you sure?" tanong ni tito na binuhat na ang aking anak saka tumango si Ara habang sinisipat ang itsura ni tito.

Kahit papaano naman ay nagpapakita kami ng picture kay Ara, para maging mas pamilyar siya sa mga tita at lolo niya. Hindi ko alam kung gaano katagal silang nag-usap ng anak ko na nakakapagsalita naman na pero hindi nga lang kumpleto.

"Is it okay to stay with your lolo?" tanong ko kay Ara na huminto sa pagkukwento.

"Bye bye." Ngiting pagkaway nito sa akin na tinawanan ni tito.

"Puntahan ko lang po si Fred, kain na rin po kayo riyan. I love you."

"Love you Mama," sagot ni Ara na inilingan ko.

That was supposed to be in my tito.

Iniwan ko na sila. Mukhang close na rin sila kahit papaano dahil sa pagkukwento ni tito tungkol sa akin at pagpapapakita niya ng mga litrato namin noong bata pa ako. Bubuksan ko na sana ang pinto nang makita ko ang bagong tricycle sa labas ng bahay nila Nanang, bahagya akong napangiti dahil iyon ang pangarap nilang sasakyan para hindi mahirapan sa pagbyahe lalo na't panay kami bili ng mga pagkain na kailangan sa bayan. Masaya akong kahit papaano ay dahil sa negosyo at pagiging masipag nila sa trabaho, nakapag-ipon sila at nakabili ng kailangan.

Pagkapasok ko sa bahay ay parehas kaming nahinto ni Fred dahil kalalabas niya lang sa banyo na mukhang bagong ligo pa. Nakatapis lang siya ng tuwalya sa ibaba habang pinupunasan ang leeg nito.

"Ang tito mo?" tanong nito nang makalapit sa akin.

"Kasama si Ara, naglalaro. Hayaan na muna natin sila. Ah, masyado bang mainit para maligo ka ulit?" natatawang sabi ko rito.

"Kanina pa ako nasa labas. Pinagpapawisan na rin ako. Kumain ka na?" tanong nito na nagdire-diretso sa kwarto ngunit hindi sinara ang pinto.

"Nope. Maliligo lang din ako," sagot ko saka sinimulang hubarin ang aking mga damit, pero imbes na dumiretso sa banyo, pumasok agad ako sa kwarto.

"10 minutes?" bulong ko na ikinagulat nito pero natauhan din nang halikan ko ito.

Sa sampung minutong iyon ay pakiramdam ko ay tumagal ng ilang oras. Hindi rin naman namin masasabi dahil baka kumatok sila tito o may maghanap sa amin. We're just sharing our time together, we're both busy on our business and with our Arabella. Sinamahan ako ni Fred na maligo dahil sa pagrereklamo niyang malagkit na siya, na hindi ko na rin kasalanan.

"Nagka-usap pala kayo ni tito noon?" tanong ko habang nagbibihis.

"Yeah. Hindi ko rin inaasahan at hiniling niya na huwag ko nang sabihin sa iyo," ngiting sabi nito sa akin. "Nangamusta lang siya, kayo ni Ara. Humingi rin siya ng pasensya sa nangyari noon. He missed you, Ren. Matanda na ang tito mo, hindi ko rin siya masisisi noon kung bakit gusto ka na niyang mag-asawa. He wants you to go back in mansion but he couldn't say. Gusto ko rin namang magkita-kita kayong lahat at maging maayos," mahabang usal nito na habang sinusuklayan ako.

Ngumiti lang ako sa kaniya at walang salitang inilabas. Ayokong nagdesisyon ngayon dahil ang dami kong kailangang isaalang-alang. Gusto kong umuwi sa mansyon, makita sila. Pero nandito na ang buhay ko, kuntento na ako rito. Wala namang masama kung magsimula ulit sa Maynila pero kung iyon ang magiging dahilan para halos magulo na naman ang utak ko, mananatili na lang ako rito.

Lumabas na kami ni Fred ng bahay at natagpuan agad sila tito at Ara na nasa isang bakanteng mesa. Nakakalong si Ara sa kaniyang tito habang abala sa pagpapakain sa anak namin. They're so cute. Gano'n din ba ang gumagawa niya sa amin noon?

"Ang tito mo lang ang nakapagpakain sa kaniya, kanina ayaw niyang pansinin yong mga hawak king pagkain," natatawang sumbong ni Fred sa akin.

Kinuha ni Ara ang isang cupcake at saka dahan-dahang inilapit sa bibig ng kaniyang lolo, nang naikagat iyon ni tito ay agad na pumalakpak si Ara at sabay silang napatawa.

Matanda na nga si tito. Wala namang masama kung pagbibigyan ko ang kagustuhan niya dahil nagawa ko na rin naman ang gusto ko. Napagbigyan na niya akong maging masaya. Kaya siya naman.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.