Chapter 57

Nang matapos ko nang mailagay ang pagkain sa kaserola ay sinenyasan ko na si Ate Sally na puwede na niyang ilagay sa puwesto. Muli akong pumasok sa loob ng bahay para silipin si Ara na mahimbing pa rin na natutulog. Nakayakap lang ito sa unan at bahagyang hinahangin ang kaniyang buhok dahil sa electric fan na. Iniwan ko lang na bukas ang pinto para naman hindi siyang mataranta. Malinis naman na ang bahay dahil iyon agad ang una naming ginagawa bago lumabas at tumulong sa kanila. It's already seven o'clock, isnag oras na lang malapit na kaming magbukas pero may ilan nang nagpapareserve ng puwesto. Halos lahat ay tumutulong at dahil benteng pamilya ang naninirahan dito ay hindi mahirap na makilala sila.

Napansin ko ang pagsilip ng isang tauhan sa kapitolyo sa aming mga ginagawa, nakangiting pinagmasdan niya ang iba at kinuha ang isang mesa na tumulong na rin sa pag-aayos. Ang kapitan mismo ang nagsabing tingnan-tingnan kami para kung sakaling may mangyaring masama naroon ang isa sa opisyal nila. We're safe here.

"Ren, ija? Okay na kami," ngiting sabi niya kaya ako tumango sa kaniya na sensyales na puwede na silang magsimula.

Local foods ang aming inahahanda sa kanila, like Afritada, Menudo, Bicol express na sobrang bilis maubos, at iba pang masarsa. May ilan naman na vegetables salads, minatamis at kung ano-ano pang kakanin na puwedeng makita rito sa lugar namin. They can buy some merchandise sa mga bahay na nakahilera sa katapat namin na magtagal na nilang negosyo.

Napansin ko na may mangilan-ngilang mga costumer namin na tumitingin sa paraan ng pagluluto nila Tatang at Fred sa isang gilid. Sinadya talaga naming doon sila magluto para naman makita ng mga kumakain na mapagkakatiwalaan ang gawa namin. Si Conrado, wala pa ring pinagbago, malawak ang ngiti niya sa isnag babae na madalas na pumupunta sa amin para kumain at kung minsan ay nakikipagkuwentuhan sa kaniya.

Pero siyempre, hindi maalis ang tingin ko sa dalawang babae na panay ang tingin kay Fred.

"Negosyo lang 'to," bulong ko saka napatingin sa singsing na nasa aking kamay.

I'm better.

"Mama!" Isang maliit na bata ang yumakap sa aking hita kaya napalabas ako nang tuluyan sa pinto. Ramdam ko ang nguso nito sa aking hita at bumubungisngis na tumingala sa akin.

"Good morning," bati ko saka siya binuhat at hinalikan nang paulit-ulit.

She's growing so fast. Hangga't maaari ay tinuturuan ko ka siyang magbasa at maging pamilyar sa mga bagay-bagay since palatanong naman ito. She is curious in everything, I remembered when she asked me on how she made her. Halos hindi ako makasagot habang ang tatay niya ay tawa nang tawa, ni hindi siya natulog no'ng hindi ko pa rin nasasagot iyon.

"I want play," bulong niya na inilingan ko agad.

"Not now. You should eat your breakfast," Sabi ko rito na ikinanguso niya.

Nasanay akong kausapin siya sa wikang ingles kaya siya nasanay at natuto, pati si Fred ay napipilitan na lang din magsalita. Masasabi kong mas close silang dalawa kumpara sa akin, sobrang dikit nila na to the point na hindi na nila ako maalala na nasa tabi lang nila ako. Normal na lang iyon sa akin dahil gano'n din naman sila Lana sa tatay nila.

"I love you," bulong niya saka kinagat ang aking tenga.

"Ikaw, bata ka." Kiniliti ko ito sa kaniyang leeg at dahil bata ay malakas itong napatawa dahilan para mapansin ko sa gilid ng aking paningin na napasulyap sa amin si Fred.

She's so clingy, mabuti na lang at sociable siya gaya ng kaniyang ama. Masasabi kong hindi naman siya mahiyain pero hindi madaldal. Sigurado akong pagtutulungan na naman siya ni Nikasha sa mansyon na mahilig magpaiyak ng bata. Gusto kong matawa no'ng araw na buntis siya sa panganay niya at inasar niya ang anak ni Zafia hanggang sa umiyak.

"I miss lolo, po," usal nito nang makababa siya.

"They miss you, also," sagot ko na ikinangiti niya saka pumunta sa maraming manok na madalas siyang nakikipaghabulan.

Wala siya sa mood kumain at mas pinipiling kausapin ang mga manok at sisiw na inuuwi niya pa sa bahay. Napangiti ako dahil sa sinabi niya tungkol sa lolo niya, mula no'ng nagkita sila ay madalas na siyang magkuwento at madalas na tanungin kami ng tatay niya kung kailan kami pupunta roon, ang bata niya pa pero parang ang bilis niyang lumaki, mabilis matuto kaya hangga't maaari pinagtutuunan namin siya ng pansin ni Fred. Mabuti na lang at laging bukas ang camera sa bahay na naging saksi sa paglaki ni Ara, lumaki kami na may camera sa mansyon na naging saksi sa paglaki namin noon, kaya gano'n din ang ginawa namin ni Fred.

Nang sumunod na araw ay kinausap namin sila Nanang na sila na muna ang mamahala dahil napag-usapan namin ni Fred na pumunta sa Agustin, mainit ang panahon kaya imposibleng magkaroon ng problema roon. Sobrang tagal na nang panahon mula nang mangyari ang malakas na bagyo noon na akala ko ay pati si Fred ay kinuha sa akin. Pumayag naman sila Nanang na tuwang-tuwa pa dahil sa pagtitiwala ko. They deserve it. Medyo malaki na rin ang naibibigay kong pera sa kanila dahil lumalaki na rin ang kita namin.

"Iiwan ako po ni mama," naiiyak na sabi ni Ara habang ako ay nag-iimpake ng mga damit, good for two days.

Naupo ang papa nito sa akong tabi habang pinagmamasdan namin ang anak namin na nakaupo sa sahig habang hawak ang dulo ng paanan niya, at naka-arko ang labi.

"Iiwanan na kita, kayo ng papa mo," seryosong saad ko habang si Fred ay umaaktong umiiyak para damayan ang anak niya.

Iniiwasan kong tumingin kay Fred dahil ayokong matawa at masira ang pagpapanggap ko. Nang maayos ko na ang gamit na dadalhin namin ay lumabas na ako ng kwarto para makapagtimpla ng gatas, pero mas lalong lumakas ang iyak ng bata at saka ko narinig ang pagtawa ni Fred.

"Paano natin patutulugin yan?" natatawang tanong sa akin ni Fred habang ang bata ay nakasubsob sa kaniyang balikat.

"Hey, I'm just kidding. Aalis tayo bukas that's why I packed our things. Ayaw mo bang sumama?" malambing kong tanong kaya ito agad na nag-angat ng tingin sa akin.

Napansin ko ang pagpunas niya ng luha saka ngumiti. "Sama," mahinang usal nito saka ko ibinigay ang baso na may gatas.

"So don't cry na," natatawang sabi ko saka siya nilapag ni Fred sa upuan.

Naupo na lang kami ni Fred sa tapat ng bata na minsang napapatingin sa amin habang hawak ang baso na sobrang higpit.

"I love you," bulong ni Fred na paulit-ulit na hinahalikan ang aking tenga.

Nangunot ang noo ng anak namin na tinititigan kung anong ginagawa namin, alam kong nang-aasar na naman ang tatay niya kaya mas pinag-igihan ni Fred na halikan ako at paulit-ulit na sinasabi iyon.

"Kiss, hmm." Pagngunguso ni Ara pero hindi namin siya pinansin. "Papa, kiss," sabi niya ulit saka ko naramdaman ang malalim na halik ni Fred sa aking labi pero nahinto rin naman may maliit na kamay na pilit pinaghiwalay ang ulo namin kaya parehas kaming natawa sa batang masama ang tingin sa aming dalawa.

Kinabukasan ay ala-sais pa lang ng umaga ay nagpaalam na kami sa kanila. Ilang araw lang naman kaming mawawala at babalik din naman. Dahil barko lang ang puwedeng sakyan ay iyon na lang ang pinili namin at mabuti na lang ay nasa maayos na panahon kami. Buhat-buhat ni Fred ang bata habang abala sa pagtuturo ng kung ano sa dagat, lalo na ang mga maliliit na isda na mabilis na lumalagoy. Hindi na ako nag-aksayang kuhanan sila ng video at litrato, sa tuwing magkadikit sila ay sobrang laki ng kanilang pagkakahawig. Mahilig si Ara na hawakan ang maliliit na buhok sa bandang baba ng kaniyang ama at idinidikit ang pisngi niya roon para makiliti.

Matapos ang ilang oras ay tuluyan kaming nakarating doon. Nag-check in lang kami sa isang hotel na may kalayuan pa sa mismong pakay namin. Base na rin sa kuwento nila ay tuluyan nnag lumubog ang dalawang sila, hindi na natapos ang pinapagawang casino roon at nagbayad na lang at nagbigay ng tulong ang pamilya ni Anthony.

Ngayon ko lang din nalaman na hindi lang pala isang daan ang namatay kundi umabot ng tatlong daan, kasama na roon sila Anthony at Joan na nasa loob ng opisina no'ng oras na iyon at wala na raw panahon pa para makalabas dahil sa paglamon ng tubig. They didn't expect that, maganda ang panahon no'ng araw na iyon kahit na umuulan nang kaunti. But suddenly happened. They were all gone.

Nagpasiya kaming pumunta sa mismong tinuluyan ko noon, gamit ang sasayan na aming binayaran ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Sobrang laki ng pinagbago. Halos patag na ang lupa at mas lalong naging mainit sa bayan ng Agustin dahil sa mga nawalang puno. Dahil ilang taon na ang nakalipas ay may mga bahay na rin dito na mukhang bago pa lang.

"Hanggang dito na lang tayo, hinarangan na raw ang bandang dulo," bulong nito. "Ito yong palengke dati," dugtong pa nito sa akin.

Nilagyan ko na agad ng sumbrero si Ara at ibinigay sa kaniyang ama. Pagkalabas namin ng kotse ay iyon na nga ang palengke. Pero ang laki ng pinagbago, kahit pa kabisado ko ang daan. Ni hindi ko lang din maintindihan kung bakit tanaw ko na ngayon ang dagat na kalmado lang, na hindi ko naisip na magagawang bawiin ang buhay ng mga taong minsang tumulong sa akin.

"Swim," bulong ni Ara kay Fred na inilingan siya.

Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil alam kong kayang ipaliwanag iyon ni Fred sa bata.

Ang mga tao sa paligid mo ay sobrang kaunti na lang. Hindi na ako magtataka kung bakit ni hindi nila magawang ngumiti kahit na magtagal na panahon na iyon nangyari. Pero kung may isang tao man akong hindi makakalimutan ay iyon ang matandang lalaki na nagdidilig ng halaman, suot ang madalas niya damit at ang bota, iterno pa ang sumbrero.

"M-Mang Lando?" tawag ko sa lalaking napahinto sa amin at dahan-dahang humarap.

Sa pagtatama ng aming paningin ay kusang namasa ang aking mga mata, isang ngiti ang binigay nito sa akin saka binitawan ang hawak niyang pandilig.

"M-Ma'am? Fred? Kayo ba yan?" tanong nito sa amin kaya mabilis akong lumapit at niyakap siya.

Isang mahinang hikbi ang narinig ko at ang mainit na likido sa aking balikat. Wala akong magawa kundi ang himasin ang kaniyang likuran. Alam ko ang nararamdman niya, dumating ako sa puntong mabaliw na dahil sa laman ng balita tungkol sa Agustin.

"P-Pasensya na po Ma'am—"

"Hey, it's okay. H-How are you na po?" tanong ko nang makalayo na siya sa amin.

Pero imbes na sumagot siya ay nabaling ang kaniyang paningin sa aking likuran at ang maingay na si Ara na abala sa pakikipag-usap sa kaniyang ama.

"Say hi," utos ko rito na tumingin kay Mang Lando na nakangiti.

"Hi, lolo," bati nito saka ngumiti.

Napatawa na lang kami ni Fred dahil halos lahat ng matatanda ay lolo ang kaniyang tawag. Napasulyap ako sa matanda na bahagyang ngumiti saka binuksan ang pinto na kaniyabg maliit na bahay na gawa lang a mga kahoy na pinagtagpi-tagpi.

"Pasok po muna kayo ma'am, pasensya na po at wala akong pagkain na maibibigay sa inyo kay ako rin po ay hirap na hirap," pilit na ngiting sabi nito.

Maliit lang ang bahay niya ngunit maayos, iilan lang din ang mga gamit at ang mahabang upuan sa gilid lang ang pinaghatian namin. Napatingin ito sa batang nasa lapag na tahimik lang na nakatayo ngunit nakakapit sa kamay ni Fred.

"Anak ninyo?" tanong ni Mang Lando na agad na sinagot ni Fred. Napangisi pa ito at lumipat ang tingin sa aming dalawa. "Masaya akong nakaligtas ka Fred, mabuti na lang at inutusan kita no'ng araw na iyon."

"Sobrang bilis ng pangyayari Mang Lando. Sobrang ayos ng panahon noon... kumusta na po kayo?" tanong ni Fred saka ngumiti ang matanda sa amin at tiningnan ang naninilaw na lumang litrato ng isang babaeng sobrang pamilyar sa akin dahil marahil mahilig iyon magluto ng matamis.

"Ito, namumuhay ng mag-isa. Kasama sa mga nadamay iyong asawa ko, natagpuan na lang na nadaganan siya ng bahay namin. Himala na lang din na nakaligtas ako dahil katatawid ko lang dito, nablangko ako, ni hindi ko nabalikan ang asawa ko sa bahay. Natakot ako sa malaking alon, wala akong magawa kundi ang kumapit sa poste para lang hindi anurin. Kitang-kita ko sa ilalim ng tubig ang mga bahay na lumubog, mga inosenteng bata na inanod at tuluyang nawalan ng buhay." Kusang lumandas ang mga luha niya sa kaniyang mga mata dahilan para lapitan siya ng anak namin at umakto ring iiyak.

Hindi ko na maiwasang maluha dahil doon, marami pa siyang nakwento na parang normal na lang sa kaniya pero katumbas non ay ang mga luha. Mabuti na lang at walang kaalam-alam si Ara sa lahat at hinihimas ang kamay ni Mang Lando kaya ito napapangiti.

Nagpasiya kaming lumabas habang nag-uusap, si Fred ang nagkuwento tungkol sa amin kaya inaasahan ko nang panay tawa si Mang Lando. Si Ara naman ay hinayaan ko lang na maglakad-lakad, hindi naman iyon lumalayo sa amin dahil binubuwag niya ang mga ibon na madalas niyang makita saka tawang-tawa na pupunta sa akin.

Lumipas na ang gabi at sa bahay na ni Mang Lando kami nagluto para naman may makasama siyang kumain. Kay Fred ko na rin binigay ang pera para maibigay kay Mang Lando since sila ang nag-uusap sa labas. Muli kong tinitigan ang anak kong nasa harap ng camera at abala sa pakikipag-usap sa sarili. Hindi niya namana ang kulay ko dahil parehas sila ng kaniyang ama na kayumanggi, itim ang manipis na buhok.

Sa susunod, sana, ako naman ang kamukha ng magiging kapatid niya.

"Mahal mo talaga ang mag-ina mo, ano? Ang mga mata mo noon, kaya pala panay ang iwas ng tingin mo sa kaniya kapag malapit siya, panay ka naman titig kapag nasa malayo," natatawang kuwento nito kay Fred, na halos dinig ko ang boses nila kahit na may kalayuan.

Sumilip ako nang bahagya sa pinto at naroon nga sila, nakatalikod mula sa akin ngunit nakaharap sa amin ang maliwanag na buwan na siyang nagbibigay liwanag.

"Masaya akong sinusubukan mong bigyan ng maayos na buhay ang pamilya mo. Alam naman natin na maaga kang nawalan ng magulang at tanging sa lola mo lang lumaki. Darating ang puntong tatanda kayong dalawa ng asawa mo, hahayaan naman ang mga anak ninyo na maghanap ng magiging katuwang nila, masakit, oo, kasi magkakaroon na sila ng bagong pamilya, pero sobrang saya kapag naibigay mo sa mga anak mo ang karapat-dapat. Palikihin mo nang maayos ang magiging mga anak mo, huwag mong hayaang umiyak ang asawa mo dahil sa iyo, Fred. Naging kaibigan ko ang lola mo, at alam kong mabuti kang tao. Tayong mga magulang, isa lang ang maipagmamalaki natin, at iyon ay ang mapalaking mabuting tao ang mga anak natin," mahabang litanya ni Mang Lando na nagpangiti sa akin.

Ang mga matatanda talaga, ang mga salita nila sobrang tatagos sa puso mo kahit hindi mo ka-ano-ano. Tama si Nikasha, ang mga matatanda ang silang mata sa nakalipas na panahon at gagabay sa magiging karanasan mo. Madalas i-kwento sa akin ni Nikasha ang dalawang matandang nakilala niya noon na naging dahilan kung bakit nagbago ang paniniwala niya.

Old people could be the teacher of our life.

Nakakalungkot lang na kailangan pa nilang umalis sa mundo at ipanganak muli bilang ibang tao, at maranasan muli ang ibibigay na problema ng mundo.

"Mama," tawag sa akin ng aking anak na nasa hita ko na pala na pilit akong inaabot.

Napasulyap ako sa batang maliit, na malaki ang pisibilidad na kagaya ko ay nagkakaroon din ng sariling buhay. At gaya ng mga matatanda, darating ang oras na mawawala kami ng ama niya sa mundo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.