Chapter 58

I will be forever grateful for them. Hindi ko mararating ang ganito kung hindi dahil sa kanila. Hindi mangyayari ang ibinulong ko lang noon sa asawa ko kung hindi siya nagtiwala sa akin. And now, here we are. Hindi lang trentang mesa ang napupuno na minsang ay triple pa dahil dinagdagan na namin. At dahil mas naging masipag sila at halos lahat na sila ay nagtatrabaho maliban na lang sa mga bata, ay tuluyang lumago ang negosyo namin noon.

Take a risk!

It's better to at least I tried than to what if I try?

Ang lahat ay nagtatrabaho, at dahil magulo kapag ang lahat ay nakisasawsaw sa bawat trabaho ay binigyan ko sila ng kaniya-kaniyang trabaho, may mga nagluluto, nagdadala ng pagkain sa bawat mesa, kumukuha ng order, at may mga naghuhugas. Lahat ay umaayon sa aking plano at wala na akong mahihiling pa.

It's gonna be four years ago when we started. I think okay na iyon. Tama na ang apat na taon na pananatili namin dito dahil kaya na nila. Alam na nila ang kanilang gagawin at ginigising na lang kami kapag nakahanda na at noon pa man ay si Nanang na ang sinanay kong naghawak ng pera.

Wala na akong mahihiling sa lugar na tinanggap kami ni Fred. Ang mga bata ay nakakapag-aral na at may ilan pa na nakapagpatayo ng bahay, nakabili ng mga selpon na mas nakatulong para mas lalong maabot ang lugar namin. Naging mas maganda ang turing sa kanila ng ibang mga lugar at mabilis na lang din sila nakakahingi ng tulong sa gobyerno.

I think, they will be fine.

"Ma? Aalis na po tayo bukas?" Panghihila nito sa aking damit habang hawak ang dalawang sisiw.

Naupo ako sa tabi nito, abala lang siya sa pagpapakain sa mga alaga niyang sisiw na nasa gilid ng bahay namin. Pinagbabawalan siya ni tatay niya na pumunta sa mga taong kumakain dahil hindi maiwasang makipagkuwentuhan si Ara sa kanila. Bahagya kong hinimas ang buhok nitong mahaba.

"Yes. Ayaw mo bang makita ang mga lolo mo? Matanda na ang lolo kaya hindi na siya puwedeng bumyahe rito," paliwanag ko na tinanguan niya.

"How about them po? Baka po lutuin nila sila Leslie, hindi pa sila malaki po." Turo niya sa mga sisiw na binibigyan niya ng pangalan.

"Hindi natin sila puwedeng isama, nak. Basta bukas, gigising ka ng maaga, okay?" tanong ko rito na simple niyang tinanguan.

Inasikaso ko na siyang paliguan, tumutulong din sa akin si Ara sa gawaing bahay para naman kahit papaano kapag nasa Maynila na kami ay masasanay siya. Sa loob ng tatlong taon na pag-aalaga namin sa kaniya ay nagawa naming magtiyaga at pagsabayin ang aming trabaho.

Nang kinagabihan ay abala lang sila sa pagkukwento, masiyadong maraming tanong si Ara sa kaniyang ama na halos paulit-ulit lang pero walang pagod na sinasagot iyon ni Fred. Nakikinig lang ako habang hinihilot ang likuran ni Fred dahil sa pangangalay raw.

"Mayaman po sila? If that so, we're not allowed there po." Panlalaki niya ng mata sa amin na para bang natatakot.

"Why? They want us to go there, or at least, visit your lolo. Nasabi naman namin sa iyo na matagal na kaming hindi umuuwi roon," kwento ko na kinunotan niya.

"Bakit kayo po umalis ni papa?"

"Gusto lang namin," sagot ni Fred na hindi ko alam kung matatawa ba ako.

Ngumuso ang anak namin at saka kinuha ang isnag buong litrato kung nasaan kaming lahat, ang mga tao lahat sa mansyon pati na rin ang anak nila na malalaki na at kasing edad lang ni Ara.

"Should I recite their name tomorrow? Is they're nice po?"

"Mabait sila okay? At hindi mo naman kailangang kabisaduhin ang pangalan nila. Maging mabait ka lang."

"I'm nice po mama," sagot agad nito sa akin.

Bakit kay Fred mabait siya? At nagiging maldita sa akin? Favoritism huh.

"Matulog ka na, Ara. Susunod na kami ng mama mo," utos ni Fred saka humalik sa amin ng ama niya at pumunta na sa kwarto.

As easy as that. Masunurin sa ama pero maraming tanong sa akin. She's unfair, siyam na buwan siyang nasa tiyan ko. Oh god!

Nang makatulog ang anak namin ay nagsimula na kami ni Fred na mag-ayos ng mga gamit. Dalawang maleta ay sapat na siguro. Mga importanteng gamit ang dinala namin lalo na ang mga papeles, wala namang problema sa pera dahil sa bank account naman, na pinangalan namin kay Ara.

Napansin ko ang bahagyang pagtigil ni Fred sa pagbabasa ng kontrata at napatingin sa akin. Nangunot lang ako pero ngumiti siya saka bumabalik sa binabasa. Alam ko, alam kong kinakabahan siya dahil makakaharap na naman niya ang mga tao sa mansyon na minsan na niyang sinabi na ayaw niyang ma-involve isa man sa kanila kahit na kaibigan niya ang iba roon. Lalo na kay tito, hindi siya pinapatulog ng konsenya niya dahil sa nangyari sa amin noong una. Wala akong magagawa kung umamin siya dahil kasalanan ko rin.

"Si Ara," bigkas ko kaya siya napalingon. "Lagi siyang sumusunod sa iyo, kaysa sa akin," ngusong sabi ko na tinawanan niya.

Nakakatampo lang, ako ang nanay.

"Sundan na kaya natin siya?" tanong ko na agad na ikinapula ng kaniyang mukha saka umiwas ng tingin sa akin.

Bakit ba lagi siyang namumula kapag tungkol sa gano'ng bagay ang usapan? Normal na lang dapat iyon sa kaniya since mag-asawa kami, napag- uusapan naman talaga iyon.

Lumapit ako rito saka siya niyakap. Para siyang binata na ewan, ilang beses nang may nangyayari sa amin pero parang unang beses niya pa lang iyon. Ni hindi siya makatingin sa akin kapag ako ang nasa ibabaw, goodness! Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko all this time na ginagawa sa kaniya iyon.

"Akala ko ba ayaw mo muna kasi masakit manganak?" natatawang sabi nito.

"I know! Huwag mo nang ipaalala. Para na rin naman tayong kasa—"

"Papakasalan muna kita bago natin sundan," seryosong saad niya sa ako hinalikan sa noo.

Literal na hindi kami makatulog ni Fred buong gabi. Tinititigan ko lang ito habang siya naman ay tumatawa nang mahina. Tinanguan ko ito pero inginuso niya si Ara na natutulog sa gitna namin ni Fred.

Mabuti na rin at babalik na kami sa Maynila. May dalawang kwarto na hiwalay sa amin si Ara.

Kinabukasan ay ala-syete pa lang ay inilabas na ni Fred ang mga gamit namin, dahil walang trabaho at linggo ngayon. Alas-nuebe ay kailangang naming umalis na dahil sa barko na aming sasakyan. Sinuot ko ang damit na binigay sa amin ni Jairo noong dumalaw siya sa amin nitong nakaraang buwan lang. Natawa pa ako dahil ang mga damit na iyon ay mga karaniwang sinusuot ko noon, sila Fred at ang anak namin ay mayroon din.

Maya-maya pa ay lumabas na si Fred sa banyo. Tuluyang napako ang paningin ko sa kaniya dahil sa suot nito. Para akong bumalik sa nakalipas na pitong taon, noong nagtatrabaho pa siya sa amin at noong panahong isa pa siyang engineer. Napalunok na lang ako saka ngumiti sa kaniya.

"Hi," bati ko na kinunotan niya saka hinawakan ang aking bewang.

"I love you," bulong niya saka ako paulit-ulit na hinalikan. "Ma'am? We have an appointment later at ten o'clock," sabi nito sa akin na madalas niya sabihin sa akin noon sa opisina.

"Okay, Mr. Suarez," natatawang sagot ko.

Literal na bumalik kami sa dati dahil sa itsura namin, hindi naman nagbago ang kulay ko na may kaputian kaysa sa mga tao rito. Namana lang talaga ni Ara sa tatay niya ang kulay at ang halos lahat pa nga. He wore black slacks and blue polo. Habang ako naman ay simpleng brown top tucked and long black skirt and of course my high heels.

"Woah! I want this mama," biglang singit ng batabg babae na tinuro ang suot ko sa paa.

"You ready?" tanong ko na ngumiti naman siya.

"Opo. Nagpaalam na po ako kanila po, tsaka sa mga chicks po," sabi nito sa akin bago ko hinawakan ang kaniyang kamay.

Tuluyan na kaming lumabas ng bahay at dahil malinis naman na sa loob ay kinandado na iyon ni Fred. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga tao na minsan kung tinuring na pamilya. Nakangiti sila at napansin kong hindi maalis ang tingin sa akin ni Conrado na tinawanan ko dahil sa paghalik sa akin ni Fred sa pisngi.

"Sa Maynila talaga kayo nababagay," panimula ni Nanang na may malungkot na ngiti. "Ayoko kayong pigilan lalo na't may buhay kayong mga naiwan doon. Masaya kami at malaki naming tatanawin na utang na loob lahat ng nagawa ninyo sa amin," ngiting sabi ni Nanang na sinang-ayunan ng iba.

Hindi ko mapigilan ang maiyak lalo na't walang kasiguraduhan kung babalik kami rito, sobrang layo nito sa Maynila at wala pang signal kung sakaling kontakin ko sila.

Isnag papel ang ibinigay ko kay Nanang na pinirmahan ni Fred kagabi lang. Napag-usapan na namin ito noon na ipangalan kay Nanang ang tungkol sa negosyo at siya na ang bagong nagmamay-ari nito. Halata ang gulat sa kaniyang mga mata nang mabasa niya iyon at malaman kung ano iyon.

"H-Hindi ko matatanggap iyan, Zeren. Sobra-sobra na ang lahat nang naitulong ninyo sa amin," Sabi nitong ibinabalik ang papel pero hindi ko kinuha.

"Nanang, gusto kong ituloy ninyo ang negosyo, masaya akong makita kayo na sama-samang nagtatrabaho at alam kong makakatulong ito sa inyo. May tiwala po kami sa iyo, Nanang, tutulungan naman kayo ng mga tao rito. Ituloy ninyo po ang negosyo," ngiting sabi ko na ikinatahimik niya at unti-unting lumandas ang luha sa kaniyang mga mata.

Mabilis itong tumango at agad akong niyakap, tumango ako sa ibang mga tao na nasa likuran ni Nanang.

"Kailangan na po naming umalis, Nang. Mag-iingat po kayo," sabi ni Fred saka niyakap ang matanda.

"Sige Fred! Ganyan, umalis ka! You cannot go back here!" sigaw ni Conrado na mabilis na tinawanan namin.

"Shut up, other country," pang-aasar ni Fred saka kami tuluyang kumaway bago makalayo sa kanila.

Hindi maalis ang ngiti ni Ara habang hinahampas ng hangin ang mukha nito, nakatitig sa kung saan na wala namang ibang makita kundi ang karagatan, hindi ko alam kung nasaan na kami dahil sa mukhang aabutin pa kami ng ilang oras sa byahe, maganda rin ang panahon pero hindi ako kampante. Napapadalas ang pagtatanong ni Ara at alam kong mas dadami pa iyon kapag nakarating na kami roon. Naiwan na si Ara sa kwarto dahil sa nakatulog habang naglalaro sila. Kaya nagpasiya kami na manatili sa labas at maupo lamang doon. Tahimik lamang ako habang pinapakinggan ang pagkanta ni Fred, napangisi pa ako dahil sa lirikong iyon na binigkas niya noong nasa Maynila kami at balak niyang umalis.

"Kapag nakarating tayo roon, tawagan natin si Jairo? Para maihatid niya tayo sa mansyon," sabi ko sa kaniya na tinanguan niya.

"Sigurado ka na rito?"

"Seriously, Fred? Nandito na tayo tapos saka mo lang ako tatanungin niyan?" ngising tanong ko na inilingan niya.

"Puwede tayong tumalon," natatawang suhestiyon nito na tinawanan ko na lang.

Kusa nitong hinawakan ang aking kamay at saka nahiga sa aking balikat. "Idlip lang ako, Ren."

At exact four o'clock. We're finally here. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, walang pinagbago, Maynila nga naman. Maraming mga sasakyan at nagtataasang mga gusali ang nasa paligid namin. Hindi na masyadong mainit kaya nagawa naming hayaan si Ara na makapaglakad pero nasa tabi namin siya. Katatapos lang namin kumain at hinihintay na lang namin ang pagdating ni Jairo. Linggo ngayon, pero mukhang busy siya.

"Ma! Pa! May dog!"

"Come here!" tawag ko agad dahil sa papalapit na aso sa kaniya. Pero hindi siya nakinig, nakangiti lang siya hanggang sa amuyin siya ng aso, ngunit agad din siyang nilagpasan at akaa siya pumalakpak na pumunta sa amin.

"Paano kung kinagat ka? Sinabi naming huwag kang lalayo diba?" saway sa kaniya ni Fred na ikinasinangot nito saka yumuko.

Natatakot lang ako dahil baka magaya siya sa nangyari kay Maru noong bata pa kami. Halos limang aso ang humabol sa kanila ni Lucas noon pero si Maru ang kinagat na halos lapain na. Thanks to their gun. He's alive. Ewan ko lang ngayon. Sana okay na ang lahat.

"Sorry," bulong ni Ara na nakabuhat na sa ama niya at nakasubsob sa balikat nito.

Pero hindi nagtagal ang pagtitig ko sa anak ko dahil sa paghinto ng sasakyan sa aming harapan. Sobrang lakas ng kalabog sa puso ko kahit na alam kong si Jairo lang ito. Suot ang pang-opisina ay malawak ang ngiting magpakita ito sa amin dahilan para umangat ng tingin ang bata.

"Hey, ready? It's been a long time ago, when the love story began—"

"Shut up, Jai, you're making me nervous!" inis na sabi ko sa kaniya bago sa akin ibinigay si Ara.

They're close. Lahat naman ata ng tao sa mansyon close ni Fred dahil si Fred ang madalas na nagliligtas kay Maru aa mga aso noong nag-aaral pa lang sila. Small world. Advantage rin na makahanap ka ng asawang matagal mo ng kilala at kialla ka rin ng pamilya mo dahil wala nang masyadong marmaing tanong. Ayoko lang talagang nagtatagpo sila Martin, Lucas, Maru, at Fred dahil sobrang lalakas nilang mang-asar.

"Kumpleto ba sila roon?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.

Nasa likuran lang kami ni Ara samantalang katabi niya si Fred.

"I don't think so. Tuwing linggo, kaunti ang tao roon, sina tita at tito lang, depende. Nandoon naman sina Nikasha, ewan ko lang kay Veron," sabi nito na hindi ko magawang magsalita dahil narinig ko ang pangalan ng mga kapatid ko.

Bakit parang mas takot ako sa kanila kaysa sa tito ko?

"Tito? May chicken po sa doon?" tanong ni Ara na ikinakunot ko.

Napangiti naman si Jairo at saka tumango. "Yeah, there's a lot of food in their cuisine," sagot ni Jairo na inilingan ng anak ko.

"Wala pong chicken na naglalakad?" tanong nito na literal na bumagal ang takbo ng kotse.

Napatawa na lang ako at inosenteng napatingin sa akin ang anak ko na tahimik lang na nagmamasid sa amin.

"Oh, I'm sorry, walang chicken na naglalakad, ahm, why?"

Hidni na sumagot si Ara at ngumiti na lang. Kanina pa ito tingin nang tingin sa hacienda dahil sa sobrang lawak at tahimik, napansin ko ang mas lalong pagganda nito at dumami ang mga bulaklak na sigurado akong pipitasin na naman ng isang ito. Bahagya din akong nalungkot nang makita ko ang mga pusang kasing laki ni Sero noong iniwan ko siya. Si tito ang nagsabi sa akin na wala na ang pusa kong si Sero, pero dahil napapadalas ang paglabas sa kaniya ni Jairo noon, nakabuntis daw ang alaga ko at nagulat na lang sila dahil sa maraming kuting sa gilid ng gate na sobrang kahawig ni Sero. My goodness! Masaya ako dahil sa pag-aalaga ni tito sa kaniya na inilibing nila sa likod ng bahay, ayokong matawa pero nalaman ko rin na umiyak si Jairo... d-damn.

"Mingming!" sigaw ni Ara saka namin narinig ang panggigigil nito.

Ibinaba ni Jairo ang binatana kaya mas lalong sumigaw si Ara na agad na napansin ng mga pusa at mabilis na hinabol ang sasakyan namin. Sana lang ay hindi siya magpasaway.

"Baka maagang mamatay ang mga pusa mo?" sabat ni Fred nang bumagal na ang kotse.

"Bakit naman?"

Ngumuso si Fred sa anak ko na nakakuyom ang mga kamao at gigil na gigil ang mga ngipin. Sobrnag pinanggigigilan niya ang mga hayop lalo na ang mga manok. Ano pa kaya ang mga pusa na may malambot na balahibo? Mahigpit yumakap si Ara, nakamamatay.

Agad akong pinagpawisan nang makita ko sa aking harapan ang mansyon na kinalakihan ko. Hindi ko maiwasang maluha dahil sobrang sama ng loob ko noong iwanan ko ito, aminado ako na makalimutan ko na iyon at nadala lang ako sa emosyon.

"Again, hindi nila alam na ngayon kayo darating or what, ala-singko na rin naman kaya paniguradong nandiyan ang mga tita at tito sa salas, igagala ko lang ang anak ninyo— oh jesus..."

Sabay kaming napatingin sa likuran namin dahil sa bilis ng takbo ni Ara at kinuha agad ang mga pusa, agad niya iyon niyakap at hinila ang buntot ng ibang mga pusa na kumakalas sa kaniya. Pero sumenyas si Jairo na siya na ang bahala. Naiiling na hinawakan ko ang kamay ni Fred na nanlamig na kaya ako natawa sa kaniya.

"Chill, close mo naman silang lahat, e," nguso ko rito na nginisian niya lang.

"Mukhang nandito ang iba, look." Tinuro niya ang mga sasakyang pamilyar sa akin at mukhang tama nga, kadalasan sinasabi ng iba na kulang ang tao sa mansyon kahit pa dalawa lang ang wala. Literal na gusto nilang kumpleto ang lahat para masabing maraming tao sa mansyon.

Si Fred ang naunang humawak sa doorknob saka iyon binuksan. Humalik lang ito sa aking noo saka bumungad ang litratong naroon pa rin. Gaya noon ay walang pinagbago, dumami lang ang mga tsinelas na nakaayos naman at napansin kong marami na rin ang mga maliliit na tsinelas. So is that true? Na may mga anak na ang iba?

Agad akong nahinto nang lumabas sa kusina si Tita Summer kasunod si Martin na kusot-kusot ang mata na walang pang-itaas.

"So hot," ngisi kong sabi na mabilis niyang kinurot ang aking kamay na aking kinatawa. "Ready?" tanong ko pero sobrang layo ng kaniyang sagot.

"I love yo—"

"Oh shit!"

Agad kaming nahinto nang marinig ang isnag boses na iyon pero bago pa ako makalingon ay nakapasok agad iyon sa salas. Wala kaming magawa kundi ang huminga nang malalim at saka nagpasiyang pumasok doon.

Maluwag, nag-aagaw ang puti at itim na disenyo sa dingding at ang mga litratong nakaayos na sobrang sarap tingnan. Pero ang pinakagusto kong pagmasdan ay ang mga taong nag-alaga sa akin na halos matigil sa kanilang ginagawa. Bakas pa rin sa kanilang mukha ang pagiging mestisa na akala mo ay taga-ibang bansa, thou, may mga lahi silang espanyol at kung ano-ano pa.

"A-Ah, good afternoon po," boses ni Fred na kinurot ang aming kamay dahilan para mapatingin ako sa kaniya na ngumuso sa harap ko.

Napatingin ako sa kanila pero huli na dahil sa yakap ni Tita Summer na sobrang higpit. Kusang namasa na naman ang aking mata dahil sa presensya nila. Hindi agad ako makapagsalita dahil sa sobrang gulat pa rin at hindi ko marinig ang sinasabi mo tita. Napansin ko na lang sila Martin na hinila si Fred at dinaganan pa ito sa sofa.

"Care to welcome us?" sabi ko na tinawanan nila.

Mas lalo akong natawa nang makita si Tito Asher na inaasar ang asawa dahil sa pagluha nito. Isa-isa kong hinalikan ang mga tita at tito ko at niyakap sila Martin at Lucas.

"Oh wait! Mabuti na lang at maraming miryenda, ilalagay ko lang dito okay?" sabi ni Tita Cecil na tinanguan namin.

"So, what brought you here? Bakasyon lang ba? Or... you know," panimula ni Tito Matt sa amin na mukhang galing pang trabaho.

Parehas kaming napatingin ni Fred sa isa't-isa. Matagal na namin itong napag-usapan at nakumbinsi niya naman ako. Nailing na lang ako dahil sa panlalaki ng mata nila Maryin na nakaturo sa singsing na nasa daliri namin.

"Our family back for good po," magalang na saad ni Fred na agad na natigil dahil sa isang pamilyar na boses na umalingawngaw sa buong sala dahilan para mapapikit ako.

"T-Tang*ina! Buti naman umuwi ka!"

Akala ko, bansang spain ang makakatulong para magbago siya. But then again, tuluyan na naming narinig ang boses ng ilan sa mga nakasabayan ko nang lumaki.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.