Chapter 59

Halos hindi ako makatayo sa mismong kinauupuan ko dahil sa rami ng tanong nila. And yes! I have to answer their questions! Sa mismong harap pa nila. Si Fred ay wala sa aking tabi dahil kausap niya si tito na nasa taas. Nasa aking harapan na ngayong ang halos lahat ng tao sa mansyon, nakakamangha lang dahil kumpleto talaga kami, kahit si Mildred na ngayon ko na lang nakita na nginisian pa ako.

"All of you like a prosecutor in my case," bulong ko.

Katatapos lang namin kumain at ang mga anak nila ay nasa taas at binabantayan ng asawa ni Keirra. Hindi ako mapakali dahil mukhang marami-rami silang kailangang itanong at gusto kong mainis dahil ideya ito ng kapatid ko na halos gusto ko nang sabunutan mula pa nang bata kami.

"Oh, right, alam ko naman na sanay na ang lahat ditong magpuyat dahil may mga anak na tayo, kokonyatan ko ang magsabi ng hindi." Panlalaki ng mata ni Veron na ikinairap ni Nikasha.

"Bakit mo kasi inanakan yan?" tanong ni Lucas sa kuya nito na agad nitong kinatawa.

Wala naman akong magagawa. Gusto ko na lang sagutin ang tanong nila para matapos na.

"Okay, fine," sagot ko.

Kitang-kita ko ang pagngiti nila lalo na si Kierra na medyo nag-aalangan pa ako dahil kilala ko ang taong ito.

"Sinong unang humahalik?" tanong agad ng kapatid ko na nilakihan ako ng mata.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon dahil ang iba ay tahimik na natatawa habang ang ilan ay nag-aabang sa sagot ko.

"S-Siya," sagot ko.

"Weh? Edi wow, sa iyo, Zeren, parang hindi kita kilala—"

"Minsan ako, okay?" inis na sagot ko pero kailangan kong kumalma dahil mas lalo nila akong aasarin.

"Got married?"

"Nope, engagement ring." Pagpapakita ko ng singsing kay Zaffiro na ikinangiti niya.

Nagreklamo pa si Veron kung bakit madali lang ang tanong nito.

"Ilang beses ka niyang pinapakain sa isang araw?"

"Thrice a day," sagot ko kay Nikasha.

"Virgin ka ba no'ng umalis ka sa Maynila?" mabilis na tanong no Kierra na ikinapikit ko.

Lord, bakit kailangang ganito?

"No," diretsong sagot ko na nginisian ni Zafia.

"Alam ko, edi saan nang—"

"Ako naman magtatanong," pagpuputol ni Lucas.

Sumandal si Lucas sa likuran nito na halos ikinakaba ko dahil siya ang may pinakasimpleng tanong pero aabot ng ilang oras ang pag-iisip para masagot mo iyon.

"Kailan mo nalaman na mahal mo na pala si Suarez?" pagsasabi nito sa apelyido non.

Okay. So paano ko ito sasagutin? Oh my god! Nakatingin silang lahat sa akin at nakatikom lang ang aking bibig. Dapat ko bang i-kwento? Hindi ko alam kung paano pero sobrang gaan siyang katrabaho. Hindi ko masisisi so Faith kung bakit siya nagkagusto noon kay Fred na hindi ko na lang pinansin dahil pati ang mga kasamahan ko rito sa bahay ay nagustuhan niya. Tuluyan lang talaga ako nawalan ng tiwala sa kaniya noong nangyari ang bagay na iyon sa barko na pinagsisihan ko matapos makita ang video.

"Sa Agustin."

Ewan, pero kahit na si Jairo ang nakakasama ko noon pa, wala akong mahanap na kakaiba kay Jairo, unlike kay Fred na sobrang kumplikadong ipaliwanag, na magdadalawang isip pa kung tama ba iyon o mali. Prangka siya magsalita but in a good way naman. Nakakailang siya noon, oo, at ang mga mata niya, kahinaan ko.

"Care to explain? We want to know that story, the most exciting part, of course," ngiting sabi ni Tita Nieva na nginitian ko naman.

Ipinagdikit ko ang dalawang kamay ko habang hinihimas ang aking singsing na kaniyang ibinigay.

"I don't know what to say but, I'm happy everytime I'm with him. Masungit siya, yeah, but, ewan ko. Kumportable ako sa Agustin kaya pinili kong manatili roon, but at the time passed by, I guess, I stayed because of him. He's effort, kahit pagod siya nakikita ko siyang bumababa sa bangka niya para silipin ako sa kubo, may dala siyang pagkain lagi para ihatid sa akin, kahit na inaantok siya, nagtityaga siyang makipagkuwentuhan sa akin noon. He respected me, if I say no, he didn't force me, hindi siya agad-agad pumapasok sa tinutuluyan ko hangga't wala akong sinasabi, hindi niya binibigay yong mga gusto ko dahil mali raw iyon. Kahit na lasing ako, wala siyang ginawa sa aking kahit na ano, maliban sa pagalitan ako." Natawa ako sa huling sinabi ko dahil totoo naman, noong mga panahong lagi akong umiinom ay nakikinig siya sa mga sinasabi ko na paulit-ulit na lang daw ako.

"He chose what is the best for me. Umamin siya sa akin pero nagawa niya akong sabihan na sumama kay tito, mahal niya raw ako pero mas mahal ako ni tito kaya kailangan ko raw siyang hayaan na umalis, pero ayoko, pinili ko siya. Mula noon, nangako siya, na hindi man daw masarap ang ulam namin, pipilitin niyang makakain ako ng tatlong beses sa isang araw, hindi man daw malambot 'yong higaan namin, tatabihan niya raw akong matulog, sinabi pa niya na kapag ayaw ko na sa klase ng pamumuhay na binibigay niya, sabihin ko lang sa kaniya para ihatid niya ako rito pabalik. But then, ginawa niya lahat para mabuhay ako roon, hindi ako sanay pero nakayanan ko, kasi nandyan siya. Hanggang sa magka-anak kami, nagawa niyang ibigay sa anak namin iyong bagay na hindi nagawa ng magulang niya sa kaniya. Sinamahan niya ako magplano, tapos siya ang unang gagawa. I-I really love him, I love the way he is, kaya hindi ko maintindihan kung bakit lagi siya binibigyan ng problema na hindi naman siya dapat maranasan. Kaya no'ng binigay siya sa akin ni Lord, sinabi ko sa sarili ko na tutulungan ko siya, na kapag pagod na siya ako naman. Nakita ko siyang lumaban at napagod, pero hindi niya ako iniwan."

Wala na akong ibang maramdaman sa oras na ito kundi ang pagragasa ng mga luha ko, hindi ako naiyak dahil sa sakit kundi dahil sa dahilan na may tao pa palang katulad niya. O baka nag-iisa na lang siya na inilaan talaga ng Diyos sa akin.

Natapos ang gabing iyon na humingi ng sorry sa akin si Veron at namamaga pa ang mga mata niya na hindi ko alam kung bakit. Hindi ko tinanggap ang sorry niya dahil iyon na rin siguro ang panahon para masabi kong nasa tamang tao ako. Gusto kong tumakbo no'ng gabing iyon dahil hindi ko namalayan na nasa harapan ko noon sila tito at Fred na nakikinig lang sa akin. Nahuli ko pa si tito na pinunasan ang mata nito habang si Fred ay nakatitig lamang sa akin, na para bang pinapakinggan niya kung paano ako naging masaya sa kaniya.

Hindi ko na rin nakatabi si Ara sa pagtulog dahil sa tabi siya ng kaniyang lolo, napagod siya sa kakalaro nila ng anak nila Sevein na kamukha nito, nakuha lang ang hinhin kay Kelly at masaya akong may sarili na silang pamilya.

"Bakit ka tumatawa!" saway ko sa kaniya dahil kinuhanan pala ni Lucas ako ng video kanina.

Kanina niya pa iyon pinapanood at halos sabayan na niya ako dahil kabisado na niya ang linya ko. What the hell was wrong with him?!

"Para kang nananawagan na hanapin ang asawa mong nawawala, o kaya para kang humihingi ng hustisya sa nangyaring krimen," natatawang sagot niya sa akin kaya pinagmasdan ko ang sarili ko roon.

Gusto ko na lang mapapikit dahil sa itsura ko, sobrang tuwid ng upo ko at nakadikit ang mga hita at ang aking kamay na nakapatong sa hita, nakayuko pa ako habang humahagulhol. The hell!

"Buhay pa ako, Ren, pinapatay mo agad ako. Kung sabagay, at least maririnig ko na yong mga sasabihin mo kapag sinariwa— a-aray!" Agad itong napahawak sa ibaba nito nang kurutin ko iyon.

Hindi ko alam kung nasasaktan pa ba siya o natatawa pa rin. Agad akong niyakap nito mula sa aking likuran at siniksik na naman ang ulo sa aking leeg na nakasanayan ko na.

"Sinungaling ka," mahinang bulong niya na kinunotan ko agad.

"Wha— why?"

"Sabi mo, binigay ka sa akin ng Diyos, e pinilit mo lang naman ako," sabi nito saka muling tumawa Pero nakakulong ang mga kamay ko at para sa bisig nito at hita.

"You shut up!"

"Hindi naman ako masungit sa iyo, sa isla, epal ka talaga tapos titirik na lang yang mata mo, kaya natatakot ako sa iyo," natatawang dagdag niya na hindi pa rin ako makagalaw.

Epal? Ako? Kapag nakakasama niya talaga a g kaibigan niya nagiging ganyan siya!

"Buti na lang mahal kita, kahit hindi pa tayo kasal. Pagkakasala daw kasi iyon sabi ni lola, kahit na gaano kamahal ang isa't-isa ay hindi raw iyon pinapaniwalaan ng Diyos, pero hayaan mo na, kapag nakita na kita sa altar, hihingi ako ng tawad kay lord, pero syempre, kasalanan mo pa rin, pinilit mo ako," mahabang salaysay nito na laging may kasunod na tawa.

Umabot na ng ilang oras pero wala sa amin ang nakatulog, nagtawanan lang kami at inasar ako tungkol sa video na iyon na tinigil niya rin naman. Nagpasiya kaming bumaba na lang sa salas at samahan siyang kumain dahil hindi raw siya nakakain kanina nang maayos dahil sa tingin nila. Tahimik na ang buong kabahayan, na sinabayan pa nang pagkanta ni Fred. Matapos naming kumain ay niyaya ko ito sa pool, nakabukas lang ang sliding door ng kaunti. Sobrang lakas ng hampas ng hangin sa amin dahilan para mapayakap ako sa asawa ko.

Naramdaman ko ang paggapang ng kaniyang kamay pero mali ang inakala kong gagawin niya, napaharap ako rito at saka pinagdikit ang mga ulo namin, napapikit na lang ako banayad niyang paghalik saka mahina akong sinayaw na pilit nakikipagsabayan sa hangin. Ang malamig nitong boses na sana mamana ng anak niya.

"Ikaw na nga, aking sinta, ang dulo ng aking simula. Nawa'y iyong marinig ang aking munting panalangin, sa muling pagsikat ay ikaw lang ang hangad, pakinggan ang pangakong aking bibitawan. Hindi ka na mag-iisa, lalakad nang sabay sa parang, ang ulap ang siyang saksi sa lahat, ang puso kong ito ang magsasabi sa iyo...

Ikaw na nga, aking sinta, ang panibago kong simula, sana'y iyong tanggapin ang aking simpleng hiling, na hawakan ka't ibigin ka hanggang huli, sa muling pag-ulan, ako ang iyong bahaghari."

Wala na ata siyang ibang paboritong kantahin kundi iyon na lang. Maliit pa si Ara madalas na siya iyon kantahin kaya hindi ako magtataka kung bakit kinakanta iyon ng anak namin kahit na bulol pa siya. Sino ba naman kasi ang hindi magagandahan sa tono at lirikong iyon na mula pa ninuno nila? Nakakatawa lang dahil balak pa atang ipasa ni Fred sa mga magiging anak namin.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa panay pagtalbog ng kama, alerto akong napabangon dahil sa isang batang panay ang pagtatatalon sa kama na mabilis nahinto dahil sa kaniyang pinapanood na cartoons. Katatapos lang ng commercial kaya bumalik agad ito sa paanan ng kama at naupo roon, pinagmasdan ko lang siya dahil mukhang hindi niya pa alam na gising na ako. Napatawa ito at saka nahiga sa aking hita. Pero nang igalaw ko iyon ay lumingon na ito sa akin at saka lumapit agad.

"Mama! Good morning," bati nito at paulit-ulit akong hinalikan.

"Good morning, have you eaten?" tanong ko na tinanguan niya.

"Good. Ahm, you smell bad! Eww!" Tinakpan ko agad ang aking ilong saka lumayo sa kaniya. Pinilit kong galingan sa pag-acting para hindi niya mapansin.

Inosenteng inamoy niya ang katawan niya at ang kaniyang kili-kili na hindi niya maamoy saka ngumusong tumingin sa akin. "I'm not, naligo ako po, kanina," natatawang sabi nito sa akin na halata naman dahil matutuyo na ang kaniyang buhok.

Inilibot ko ang aking paningin at wala roon si Fred. "Nasaan ang papa?"

"Nausap po sila ni lolo po, sabi ni lolo dapat madami daw ako po kapatid," tatango-tango niyang sabi na ikinalaki ng mata ko. "Huwag ko daw po sabihin sa 'yo mama, pero secret po natin yon mama," ngiting sabi niya na tinawanan ko na lang saka ako niyakap.

Pero natigil ako dahil sa sobrang lawak ng ngiti ni Fred nang pumasok ito habang bitbit ang mga papeles na nasa kaniyang mga kamay.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.