CHAPTER 42

Chapter 42

Birthday

“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Reeve?” Althea once asked me when she saw me on the covered court helping other officers to design the stage for the university week.

Matamlay na nginitian ko siya at inilingan. I had no energy in helping here, but I need to because of my duties as an officer. I don’t want to be irresponsible, so I had to force myself.

After that fight we had, Reeve never talks to me. I tried calling him, yet he ignores all of my calls. I tried going to his house pero palagi siyang wala sabi ng mga kasambahay nila.

That day, I went home, tears streaming down my face, unable to grasp the truth that we had fight together—that he talk ill about me. It was a big slap to me hearing right in front of him that I was just his girlfriend and I don’t have the right to interfere with his life.

I never thought he could talk to me like that, and I never thought how his words hurt me.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa amin at bakit naging bigla kaming ganito—bigla nagbago pakikitungo niya sa akin. After he came back, that’s when he started to change himself. He never answers my question kung anong problema niya all he’s doing was to shut me up. I just hope I was dreaming… I hope all of this wasn’t true. I hope it was just a long dream—a nightmare, and all I have to do was to open my eyes, and everything will be back to normal, yet deep inside, it wasn’t a dream… it wasn’t a nightmare it was the reality—the truth that the man I love changed. Far from Reeve, I used to know.

What frustrates me more was I don’t even know why he’s doing this all of a sudden! Kilala ko siya at alam kong hindi ganito ang ugali niya! Ang kaso ay ayaw niya sabihin sa akin ang problema niya.

“Ilang araw na ang nakalipas hindi ka pa rin niya tinatawagan?” amusement was evident in her voice. I picked up the last letter and glued it to the wall to complete the word.

“Baka busy lang,” ang tanging nasagot ko na lang sa kaniya.

After they knew I had a fight with Reeve, they immediately comforted me. Hindi ko na sinabi sa kanila ang mga salitang sinabi ni Reeve sa akin kasi ayaw kong magalit sila sa kaniya. I don’t want them to focus only on my side just because I am their friend. I also want them to know the side of the other before judging the situation.

Kahit ako ang nasaktan sa mga salitang binitawan niya ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya. The power of love I have to him were holding me on being mad at him.

I can’t hate him… I just can’t…

Pagkatapos kong ayusin ang stage ay bumaba na ako at sinundan naman ako ni Althea.

“Busy? Talaga ba?” I can sense the mockery in her voice.

“Oo… baka busy sa pag c-cope up ng mga missing quizzes and requirements niya kaya ‘di niya akong magawang kausapin,” sagot ko pa sa kaniya. When the truth is, I was the one who does his project and submits it to the prof para lang hindi siya bumagsak.

“Busy sa pag c-cope up ng quizzes at requirements? Sure ka ba talaga d’yan, Henzy?” she mocked me.

“So, may busy pa lang nag c-cope ng assignment at quizzes na nag m-mall kasama ang ibang babae? May busy pa lang nanonood ng sine kasama ang ibang babae? Gano’n ba ‘yong busy sa pag c-cope up ng mga requirements?” maktol niya at hinarap ako.

Nagsalubong ang mga kilay niyang nakatingin sa akin at pinaningkitan ako ng mata. Iniwas ko ang tingin at ambang lalagpasan siya ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko kaya napatigil ako.

Hindi ko gusto ang naririnig ko sa kaniya at ayaw kong paniwalaan. Baka kaibigan niya lang ‘yon. Baka kapatid niya o baka pinsan. I refused to believe he’s seeing another woman. No… hindi ko kaya.

“Baka na malikmata ka lang,” I firmly told Althea at inalis ang pagkakahawak sa akin, “Reeve wouldn’t do that and besides, you couldn’t judge the situation based on what you saw,” dagdag ko pa at nilagpasan siya para ibalk ang mga gamit.

I am done with my duties here dahil wala ako sa mood ay gusto kong mapag-isa.

“Well you’re right. I can’t judge based on what I saw, and I hope so… I hope na maling akala ko lang ‘yon, but isn’t it weird Henzy? You two had a fight, and he should have fixed it hindi ‘yong ibang babae ang kasama niya,” she argued.

“Kung ano man ang iniisip mo r’yan Althea hinding-hindi niya ‘yon gagawin okay? Baka pinsan o kaibigan niya lang talaga ang kasama niya,” I convinced her.

Sandaling natawa ako sa kabila ng isipan ko. Was it Althea that I am convincing or was it myself?

“Kaya fixed your relationship. Nag-aalala kami sa’yo kasi ilang araw ka ng matamlay at walang gana simula nang away niyo.”

“Ayos lang ako, Althea. I just need some time to sort things out, but really I am fine. Don’t worry about me. Kung hindi ako maayos edi sana wala ako dito ngayon tumutulong para sa event bukas,” I flashed my smile to her to ensure her that I am fine.

Her phone rings kaya nakahinga ako ng malalim ng hindi na sa akin ang attention niya at nasa cellphone na niya. It’s my chance to leave kaya sinenyasan ko na lang siya at tumango naman siya. Nag paalam na rin ako sa ibang mga officer na mauuna ako.

Kahit pagod ako ay wala sa plano ko ang magpahinga. Pagkatapos kong magpaalam ay pumunta agad ako sa bahay ni Reeve. Hinanap ko siya kanina sa paaralan kaso kahit anino niya ay hindi ko mahagilap.

Hindi ko gustong salubongin ang December na mabigat ang dibdib at hindi nagkaayos ni Reeve. Kahit na walang kasiguraduhan na maabutan siya sa bahay niya ay pumunta pa rin ako.

My heart aches as I keep on thinking that our relationship didn’t seem to like before. It crumples and torn my heart into pieces that he really changes a lot. The way he talks to me the way he treated me changes a lot.

Kung dati ay araw-araw akong nakakatanggap ng mensahe sa kaniya. Araw-araw niya akong nilulutuan ngayon ay wala na. He even ignores all of my calls and text to him. He was like shutting me up out of his life.

He treated me like I was no longer part of his life, but no, I won’t let our relationship be in vain. Even if he treated me like this, I know he still loves me. He loves me… hindi ako naniniwala na hindi niya ako mahal na kaya niya akong ipagpalit sa iba.

He can’t… he just can’t…

The love I had for him overpowers me that even I am hurting inside, I couldn’t be mad at him.

Is this how the way I love? Even when I am hurting inside, I still couldn’t let go and keeps on holding on. I even had to lie to my friends to protect him so they would not be mad at him.

Nakatulala lang ako buong biyahe papunta sa kanila kung hindi pa nagsalita si manong ay wala talaga ako sa sarili. I was in the front of his house standing as my heart keeps on racing. Nakakatunganga lang ako sa labas ng bahay niya at hindi mai-galaw-galaw ang mga paa at kamay.

Suddenly, Althea’s words earlier slipped into my mind. I know what’s she’s trying to point out earlier, yet it was me who refused to believe it. Ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi ni Althea. Ayaw kong magduda sa kaniya. Alam kong hindi niya ‘to magagawa sa akin.

He promised… he promised me… and I will always believe his promises.

Huminga ako ng malalim at pinakalma sandali ang isipan at puso ko bago ko pinindot ang doorbell nila. Hindi nagtagal ay binuksan din ni manong guard ang gate.

“Si Sir pa rin po ba ang sadya niyo rito Ma’am?” tanong ni kuya sa akin.

“Oo kuya eh. Nandito ba siya?”

“Tamang-tama Ma’am nandito siya kakauwi niya lang. Hinatid siya ng kaibigan niya dito kasi lasing na lasing ata si sir,” sabi ni manong. Pagkarinig ko na lasing si Reeve ay walang pagdadalawang isip na iniwanan ko siya doon at pumasok sa bahay nila.

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si Manang na bibit ang bimpo at tubig na nasa maliit na palanggana. Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako.

“Hija, nandito ka.”

“Ano po nangyari kay Reeve manang?” I asked worriedly.

“Si Ky inuwi ng kaibigan niya lasing na lasing. Jusmiyo hindi ko na alam kung anong nangyayari sa batang ‘yon at palagi na lang umuuwi ng lasing dito,” may bahid na pag-aalala sa boses ni Manang.

Kinuha ko ang bitbit ni Manang at ako na ang magdadala papunta sa kwarto niya. “Ilang araw na siyang ganito Manang?”

“Simula no’ng nakaraang linggo. Uuwi siya dito ng lasing minsan nag d-drive pa siya at minsan naman ay iuuwi siya ng kaibigan niya. Hindi ganito ang alaga ko. Kaya nag-aalala ako sa kaniya kasi baka may problema siyang pinagdadaanan,” nag-aalala niya pa ring sambit.

Damn… ganito na pala ang sitwasyon niya dito tapos wala man lang akong ka alam-alam. Hindi ko man lang siya nagawang kamustahin at nag-away pa talaga kami. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko sa narinig ko kay manang.

Ang laki ng pinangbago niya sobrang laki.

“Hindi ba kayo nag-uusap Hija?” tanong niya sa akin.

“Hindi manang eh. Nagkaroon kami ng maliit na alitan at ilang araw ang nakalipas ay hindi pa rin kami magkaayos. Pumunta ako dito no’n kaso ay palaging wala si Reeve dito,” I explained.

May sasabihin pa sana si manang nang biglang bumababa si Xypheir dito.

“Mana—”

“Oh Henzy nandito ka!” gulat niyang wika sa akin.

“Ayos na ba siya Hijo?” si manang.

“Tulog na tulog po at tatawagin ko sana kayo para bihisan si Reeve kasi pawis na pawis po siya.”

“Ako na Xypheir…I will take care of him,” I told him at umakyat na sa papunta sa kwarto niya.

Pagkapasok ko sa loob ay nilapag ko ang palanggana sa bedside table niya. Hindi ko muna ito ginalaw at tinitigan lang siya na mahimbing natutulog. At kahit na pinagpapawisan siya ay tila wala lang ito sa kaniya dahil sa mahimbing niyang tulog.

He’s peaceful when he’s asleep.

“Bakit siya naglasing?” tanong ko kay Xypheir nang sinundan niya ako dito sa loob.

“I don’t know what his problem. Andrew just called me to fetch them in the bar. Naabutan ko silang dalawa ni Andrew na lasing na lasing,” pagpapaliwanag niya.

“Andrew said, starting last week ay palaging nag-aaya si Ky ng inuman sa kaniya,” he added.

“Sinabi ba niya na may problema siya?”

I started unbuttoning his polo shirt na sobrang basa ng pawis niya. Xypheir handed me the bimpo, and I began to rub it his face down to his body. He keeps on murmuring some words, yet I don’t even understand those kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa.

“I asked Andrew about it pero walang nakuha na sagot si Andrew si kaniya.”

“Simula nang bumalik siya ay naging ganito na siya. We didn’t talk that much. He started neglecting his academic responsibilities and even me. We had a fight about it and until now hindi pa rin kami nagka-ayos..”

“He even hurt me with his words, yet I am here taking care of him,” I laughed sarcastically.

“He’s being an asshole,” he mumbled.

Mapait akong tumawa sa kaniya, “Kahit na gano’n ang ginawa niya ay hindi ko pa rin magawang magalit ng matagal sa kaniya. I was even the one who wanted to fix our relationship.”

“Henzy, learn to let go if things aren’t going well anymore.”

“What if I can’t? I can’t let go because of the love I had for him,” mahina kong saad.

“Too much love can be the cause of your pain. That’s why love alone can’t heal you from the pain. Kaya may tinatawag tayo na pagpapalaya. Letting go isn’t painful. Letting go means you let yourself free from the pain—from being hurt, and letting go also means healing,” he thoughtfully stated while looking at Reeve who sleeps peacefully now, “kung alam mong masakit na ‘wag mo nang pilitin pa. Kung hindi mo na kaya matuto kang sumuko.”

“We’re all blind when we’re in love. Hanggang kaya ko pa… hanggang may pag-asa pang natitira ay ilalaban ko ‘to,” I replied to him.

“Fighting alone in a relationship that no longer works will keep you miserable,” sabi niya.

Pagkatapos kong bihisan si Reeve ay lumabas na kami. Habang pababa kami ay bigla akong napatanong sa kaniya, “Why are you doing this? Why are you telling me this? You’re his friends.”

Nang makababa na kami ay napatigil at hinarap ako. Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “Yes, I am his friend, but it doesn’t mean I will always be on his side. No matter his reasons, I won’t tolerate that if he’s being an asshole to you. It’s already foul, Henzy, and he must learn his lesson. Kaya kung sinaktan ka na niya iwanan mo. ‘Wag mong hintayin na siya pa ang mananakit sa’yo na siyang ikakadurog ng puso mo.”

Our relationship right now may be lost and nowhere to be found. I will still try to save this. I will keep on fighting for us. I will stay brave… I will try until the end.

Hindi rin nagtagal ay umalis na si Xypheir at ako naman ay nagpaiwan dito. Nasa kwarto lang ako ni Reeve buong araw at pinagmamasdan habang natutulog siya ng mahimbing.

I unconsciously smile when I witness that he frowns a little probably he had a dream that annoys him. Pinalakasan ko ang temperature ng aircon niya nang makitang pinagpapawisan na naman siya.

Manang went inside his room to offer me a meryenda. She left it at the table and left after. Ilang oras pa ang hinintay ko para magising siya at hindi naman nagtagal ay naimulat na niya ang kaniyang mga mata.

Dahan-dahan siyang bumangon at napangiwi ng maramdaman ang kurot ng kaniyang ulo. Nakapikit niyang hinimas-himas ang kanyang sentido at biglang minulat ang mga mata. Agad ko naman siyang inabutan ng tubig. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at sandaling napansin ko ang pagdaplis ng kalungkutan sa kaniyang mga mata ngunit hindi nagtagal ay bumalik din ito sa dati.

He looked at me without any emotions visible in his eyes. He didn’t even bother recognizing my presence and looked away from me. Tumayo siya at sa sandalling pagtayo ay malapit na siyang matumba kaya ay inalalayan ko pa siya. He’s still drunk based on his actions.

Kaso ay hindi ko pa man inaangklay ang braso niya sa akin at itinakwil niya ang mga kamay ko at hindi ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa cr kahit na ay pagewang-gewang siyang naglalakad.

I’m on the verge of crying, yet I had to stop myself and convince myself that it will be alright. Kahit na ganoon ang pagtrato niya sa akin ay hinintay ko pa rin siya sa kwarto niya.

“What are you still here?” he asked coldly.

“Reeve…” His eyes were bloodshot as he stares at me. Hindi ko alam kung epekto pa rin ba ‘to ng alak o umiiyak siya sa loob ng banyo.

“Why are you still here?” he repeated the question.

Nakatingin lamang ako sa walang ganang mga mata niyang nakatitig sa akin hindi makahanap ng tamang salita sa mga tanong niya. My hands were trembling, and my heart keeps on racing. Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako ngayon na kaharap ko siya e ito naman ang gusto ko. Ang makausap siya ngunit habang patagal nang patagal ay tila umuurong ang dila ko at natatameme sa kaniya.

“If you have nothing to say, you can freely leave my room, Henzy,” walang ganang wika niya at tinalikuran ako.

Henzy… even the way he calls my name, changes. Tangina… ang sakit talaga na ginaganito niya ako.

“Reeve, let’s talk… let’s talk about us,” matapang kong wika sa kaniya.

He stopped walking and face me. I looked away to stop myself from breaking down in front of him as he stares at me with his emotionless eyes again. Hindi ko pa rin kayang makita ang pagbabago niya. Hindi ko pa rin kayang iproseso sa utak at isipan ko na hindi na siya ang dating mahal ko.

“Not now, Henzy. I am tired,” he ruthlessly uttered.

Damn him… ang sakit-sakit ng mga binibitiwan niyang salita.

“Pagod? Pagod ka na sa atin, Reeve? Pagod ka ng mahalin ako?” desperada kong tanong sa kaniya.

“Reeve? Ano ba klase problema mo ha? Bakit ka biglang naging ganito. Bakit ka biglang nagbago? Hindi ka naman ganito dati Reeve ah? Hindi ikaw ito. Hindi ba pwedeng bumalik ka na lang sa dati? Hindi ako sanay na ganito ka Reeve,” pumiyok ang boses ko.

“I am just tired, Henzy… simple as that…” Umiling ako at hinawakan ang kaniyang kamay ng mahigpit. Kahit na durog na durog na ako sa loob. Masyadong masakit ang ginagawa niya sa akin. Pero kahit ganoon ay gusto ko pa ring maayos ito. Gusto ko pa rin na bumalik kami sa dati.

I am not going to let go of this relationship not until I know his reasons. Not until he will tell me his reasons. I can’t just let him go…

“No, Reeve. We can still fix this… we can still just tell me what your problem is. Alam kong may problema ka at ayaw mo lang sabihin sa akin.”

“Reeve, we can still fix this… ‘di ba nangako ka. Nangako na sabay tayong lalaban. Reeve… please let’s fix this. I love you, and I just can’t let you go,” I almost pleaded to him, still holding his hand tightly.

Before, he always held my hand tightly like he’s scared of letting me go, but now… it’s not the same case anymore. He’s slowly slipping away from me, and I am afraid that if I don’t hold on, he will really slip away from me.

He stares at my hand for a long time, and I was silently praying that he will also hold my hand. That just like before, he will also hold it tightly.

At tuluyan ng gumuho ang puso ko ng walang awa niyang itinakwil ang kamay ko at sabay sabi ng mga salita na mas lalong ikakadurog ng puso ko, “Let’s break up, Henzy. I am tired and I am done.”

He looked at me straight in my eyes as he said those three words.

Sa sandaling pagbigkas niya ng tatlong salita na ‘yon ay doon na tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipilit na pigilan. Umiling-iling ako sa kaniya at mapait na tumawa.

“No… you can’t do that… you love me, Reeve. I know you love me… If you only could tell what your problem is maayos pa natin ‘to hindi tayo aabot sa ganito. Reeve, gusto ko lang makipag-ayos sa’yo hindi ko hiniling na tapusin natin ang relasyon natin,” tears keep on rolling down on my face as I begged for him.

“Hindi natin ‘to maayos, Henzy. Bingi ka ba? Sabi ko pagod na ako. Saang parte sa mga salita na ‘yan ang hindi mo maintindihan?!” tumaas na ang kaniyang boses sa akin.

“Maayos natin ‘to Reeve! Kung gugustuhin mo! Kung lalaban ka! Bakit ang dali-dali mo naman akong sukuan? Bakit parang ang dali mo lang naman itapon ang lahat?!”

“Just let me go, Henzy, please… just let me go…”

“No! I can’t let you go! Hindi kita kayang pakawalan. Hindi kita papakawalan nang walang dahilan. Tangina Reeve mahal na mahal kita eh! Tapos ganito lang pala mauuwi sa lahat?!” tumaas na rin ang boses ko sa kaniya. Ang mga luha ko ay wala pa ring tigil sa pagdaloy nito.

“Tell me, Reeve… tell me what is your reason… what is your reason for breaking up with me ha? May na iba na ba Reeve kaya ganoon na lang, ha? May ibang babae na bang nagpapatibok d’yan sa puso mo? Kaya ang dali-dali mo akong sukuan?!”

“May problema ba sa akin ha? Hindi mo na ba ako mahal? Tell me Reeve! Tell me Reeve para naman maliwanagan ako! Hindi ‘yong makikipaghiwalay ka sa akin nang hindi ko alam ang rason!”

Damn… bakit ganoon? He’s so easy to let me go and act as if nothing happened to us while I am stuck on where I went wrong. Kung anong problema niya at bakit hindi niya masasabi sa akin.

He looked away as he frustratingly brushes his hair like it was the annoying thing ever. Then he looked at me with those pair of mad eyes.

May sasabihin pa sana siya ng may biglang pumasok sa loob ng kwarto niya.

“Ky! I have something for yo—” hindi na niya naituloy ang dapat niyang sasabihin nang nakita niya ang sitwasyon naming dalawa.

Biglang lumapit si Reeve sa kaniya at sinundan ko ang bawat galaw nito. His hands went to Joana’s waist. Halata sa mata ni Joana ang gulat kong bakit ginawa ni Reeve ‘yon pero kalaunan ay ngumiti rin siya ng napakatamis at biglang hinalikan ang labi ng boyfriend ko.

Akala ko iiwasan niya ang labi ni Joana kaso hindi… hindi niya ‘yon iniwasan subalit ay hinalikan niya din pabalik ang kapatid ko at sa harap ko mismo… At doon na tuluyang naguho at nawasak ang mundo ko. Napaawang ang mga labi ko at hindi makagalaw sa posisyon dahil sa nasaksihan ko.

My boyfriend just kissed my sister in front of me. Pinipiga ang puso ko sa kirot sa mga nakita ko. Hindi ako makagalaw hindi ko silang magawang sugurin at tanging nagagawa ko lamang ngayon ay ang panoorin silang naghahalikan sa harap ko.

“R-reeve… w-why?” I whispered.

Parehong ang mga kamay at mga paa ko na ang nanginginig sa hindi ko malamang dahilan. Halos mawalan na ako ng balanse dahil sa sobrang panginginig nito.

“W-why?” I keep on whispering. Damn it! He promise me… Tangina nasaan ang pangako niya na hindi niya ako lolokohin? Nasaan ang pangako niya na hindi niya gagawin sa akin ang nasaksihan ko sa mga magulang ko.

Nasaan na ang mga ‘yon?

Napahawak ako sa dibdib ko ng naramdaman ko na ang kirot dito at tila hindi na makahinga. Iyak lang ako nang iyak sa harapan nila.

“Yes, Henzy. May bago na ako. Sorry kung wala akong lakas na sabihin sa’yo. Sana mapatawad mo ako.” And that was the most the nonsense thing I heard from him.

Lumapit ako sa kanila at biglang lumapat ang palad ko nang napakalaas sa pisngi niya. Ngunit tila ay wala lang ‘to sa kaniya bagkus ay matapang niya pa akong tiningnan na parang hindi niya dinurog ang puso ko…

Halos hindi na ako makahinga dahil sa walang tigil na pag-iyak ko pero hindi ko ito pinahalata sa kanila.

“Tangina… kailan pa, Reeve? Kailan mo pa ako niloloko?” nanghihinang tanong ko sa kaniya.

“I don’t know… Maybe matagal na?” At nakatikim ulit siya ng napalakas na sampal sa akin.

“Putangina!” I cursed.

“Matagal na? Matagal mo na pala akong niloloko? Hindi ka nababahuan sa sarili mo? Tangina, Reeve! Saan ba ako nagkulang ha? Saan ako nagkulang na nahanap mo sa iba?!”

“I don’t know… I just woke up realizing that I am tired of our relationship. That I am no longer happy to be with you.”

Nang sasampalin ko pa sana siya ay biglang pumasok si Xypheir at laking gulat ko na lang na nakahandusay na si Reeve sa sahig.

“Eh ang gago mo pala pre eh!” at sinuntok ulit si Reeve ng ilang ulit. Habang ako ay pinagmamasdan ko lang na sinusuntok ni Xypheir ang kaibigan.

Tumawa ako ng mapakla… matagal na pala. At ngayon niya lang naisipan na ilabas ang katotohanan sa akin.

“Ky! Ang gago mo! Paano mo nagawa kay Henzy ‘yan ah! Pre! Niloko mo ang tao! You fucking cheated on her!”

Cheated on me… He fucking cheated on me… and that was the truth I couldn’t believe. Nagpaniwala ako sa mga salita niya. Naniwala ako sa mga matatamis niyang pangako ‘yon pala ay lolokohin niya pa rin ako.

Never believe a man’s word. Pero ako itong si tanga na bulag-na bulag sa pagmamahal at hindi ko man lang naisip na lalaki din pala siya. Kagaya lang din naman pala siya ng ibang mga lalaki na kayang lokohin ang taong mga mahal nila—mahal nga ba?

Kasi kung mahal mo ba’t mo lolokohin? If he does really love me, why did he cheat? Hanggang salita lang pala siya at hindi kayang panindigan ang mga pangako.

“Tangina Xy! Ano bang alam mo?!” At sinuntok din si Xypheir.

Akmang susuntukin ulit ni Xypheir si Reeve ay pumagitna na ako sa kanila.

“Stop it! Stop it!”

“Reeve… hindi na kita guguluhin. I will let you go. I will let you both be happy together. Kasi kung mahal mo talaga ako hinding-hindi mo ‘to magagawa sa akin. You will never fucking cheated on me,” humikbing wika ko sa kaniya, “siguro nga kasalanan ko rin. Masyado akong nagpaniwala sa mga pangako mo. Masyado kong nilunod ang sarili ko sa’yo na hindi ko man lang naisip na sasaktan mo lang din pala ako.”

“Starting this day, I will forget you. I will forget everything about you and remember this. I can forget, but I can’t forgive. Hinding-hindi kita matatawad, Reeve. At simula ngayon magkalimutan na tayo,” matapang ko siyang hinarap at deretsong sinabi ‘yon sa kaniya.

My eyes landed on the promise ring he gave. Kinagat ko ang labi ko unti-unti kong tinanggal ang singsing sa kamay ko. There’s no reason for me to wear it anymore. He broke his promise, and this promise ring loses its significance already.

Pagkatanggal ko ng singsing ay tinanggal ko rin ang kwentas na binigay niya sa akin no’ng bata pa kami. I will forget everything about him at hindi ko na gustong makita pa ang kahit anong bagay na magpapaalala sa kaniya.

“N-neve…” pumiyok ang boses niya ngunit hindi ko ‘yon pinansin. You have no right to cry…

Masakit man sa akin ay kinuha ko pa rin ang kamay niya at binalik sa kaniya ang mga alahas na binigay niya.

“Let’s forget each other, Reeve. I wish you both happiness.” After I uttered those words ay tumatakbong lumabas ako sa kwarto niya at palabas ng bahay nila.

Pagkalabas ko ng bahay nila ay doon na ako humagulhol sa iyak at nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I lost… I lost in this fight. I lost in a battle I haven’t even started cause the player really plays well. It was my last card to fight, yet he also takes it by cheating on me.

Ano pang ilalaban ko kung ang pinaglalaban ko ay sumusuko na sa akin? For the first time, I accepted being defeated.

My phone rings… Pinunasan ko ang mga luha ko at sinagot ang tawag kahit na hindi ko kilala dahil nanglalabo ang aking mga mata.

“A-ateee…” hagulhol ng kapatid ko ang bumungad sa akin sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan dahil sa iyak niya.

“Yesha? What happened?”

“Si mama…s-she’s…she’s dead ate.”

Nang marinig ang balita galing sa kapatid ay tuluyan ng gumuho ang mundo ko. And starting that day, I loathed and refused to celebrate my birthday.

Because everything that happens that day was on the day of my birthday.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.