CHAPTER 43

Chapter 43

Leave

Pagkatapos kong marinig ang ibinalita ng kapatid ko sa akin ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi makapaniwala sa balita niya. Nanginginig ang mga kamay ko na hawak-hawak ang cellphone ko at iniisip na sana panaginip lang lahat ng ito.

Ang mga hikbi ng kapatid ko sa kabilang linya ay siyang nagpasakit pa sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga nangyari ngayon. Masyadong mabilis na hindi man lang ako nakapaghanda. Masyadong mabilis ang pagbawi ng kasiyahan na nararamdaman ko.

Pinipiga ang puso ko sa mga hikbing naririnig ko galing sa kapatid ko…Hindi ko mawari ang sakit na nararamdaman ngayon. This day is too much for me… I just wanted to be happy. I just wanted everything to be back to normal, to the way everyone used to be—to the way I am used to be. Pero bakit ito ang ibinigay sa akin?

Is this the way of how the world would tell me that I don’t deserve to be happy? Masyado ba akong naging masaya nitong nakaraang buwan para iparadamdam sa akin ‘to? Na nakalimutan kong lahat pala may kapalit.

I just wanted to disappear… I wanted to disappear into this cruel world that does nothing but give me pain. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa matitiis ang nararamdaman kong ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

“Ate…” tawag ng kapatid ko sa akin sa nanghihinang boses. Hindi ko siya nilingon at nakakatitig lang sa lamay ng ina ko.

Everything happens so quickly. The next thing I know, I am here in the wake of my mother. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko pa rin kayang paniwalaan ang katotohanan na iniwan na niya ako. Na ang taong pinaka-ayaw kong mawala sa akin ay iniwan din ako.

Tangina… ang sakit ang sakit-sakit.

“Ate kumakain ka na. Tatlong araw ka ng hindi kumakain at tatlong araw ka na ring walang tulog,” nag-aalala na wika ni Yesha sa akin.

“Wala akong gana,” all I could reply to her.

Tatlong araw simula ng nangyaring pananakit niya sa akin at ang balitang narinig ko sa kapatid ko ay wala akong ginawa kun’di ang manatili sa kung saan ang aking ina. Sa tatlong araw na ‘yon ay hindi ko na alam ang naging takbo ng buhay ko. Wala akong alam sa paligid ko.

Wala akong alam kung ano ang nangyayari sa mga tao sa paligid ko kung ano ang ginagawa nila kung masaya ba sila o kagaya ko rin na nagluluksa. Tatlong araw wala akong ganang kumain at matulog. Gusto ko lang makita ang mukha ng ina ko.

“Ate nag-aalala si papa sa’yo. Hindi mo raw siya pinapansin.”

“Wala akong gana, Yesha. Iwan mo muna ako gusto kong mapag-isa,” malamig na sabi ko sa kaniya.

“Pero ate kumain ka man lang kahit kunti. Hindi ko gusto na pati ikaw ay mawala rin sa amin, ate….Please take care of yourself too.”

Ngunit hindi ko na siya pinansin at nanatiling nakatingin sa aking ina. Wala akong ganang kumilos, kumain at matulog gusto ko lang makasama ang ina ko.

That day, I didn’t remember that it was my birthday because my mind was too occupied, yet my mother didn’t forget it no matter how busy she was. She planned to surprise me that day which leads to where she is now.

I blame myself for her death… I blame myself because if she didn’t plan to surprise me on my birthday, she wouldn’t be in a car accident. She wouldn’t be there lying in a coffin.

It’s all my fault…it was all my fault that she’s gone now.

Iniwan ko si Yesha at naglakad papunta kay mama. Habang papalapit ako sa kaniya ay biglang pumatak ang mga luha ko. She looks beautiful in her white dress—the white dress I gave to her.

She was supposed to wear that white dress at my graduation next year, but now she’s wearing it in her wake. Hindi ko inaasahan na susuotin niya ang damit na binigay ko sa kaniya ngayong wala na siya sa tabi ko. Wala na siya dito.

“Ma, bakit naman ganito? Bakit ka nang-iwan bigla. Ang sakit-sakit ma. Ang sakit… hindi ko kakayanin na wala ka. Hindi ko kakayanin na hindi na kita makikita pa. Ma, gumising ka na please… Hindi ko kaya…hindi ko kayang nakikita kang gan’yan ma. Hindi ko kayang makita ka na iiwanan mo na ako.” Hindi ko napigilan at humagulhol na ako sa iyak habang yakap-yakap ang kabaong niya.

“Ma, hindi pa nga ako nakapagtapos. Ma, diba nangako ka… nangako ka na hindi moa ko iiwan. Nangako na sasamahan mo ako sa graduation ko. Ma, hindi mo pa nga ako nakitang sumunod sa yapak mo pero iniwan mo na ako. Diba gusto mo pa akong makitang maging doctor? Gusto mo akong maabutan na kasama ka sa trabaho? Kaya ma, nagmamakaawa ako… gumising ka na.”

“Ma, hindi pa ako doctor pero bakit iniwanan mo na ako? Hindi mo pa ako nakitang nagsasalba at nag-aalaga ng pasyente bilang doctor ma, kaya please gumising ka na. Ang unfair mo, ma…” mas lalong lumakas ang iyak sa huli kong sinabi.

This is too much for me… my mother is gone… ang ina kong palagi kong karamay. Ang ina kong palaging sumusoporta sa akin ay wala na. It hurts…it fucking hurt so much.

I don’t know how to continue living like this na ngayon ay wala na ang taong pinakamamahal ko. Ang tanging taong hindi nagsasawa na mahalin ako. Paano ako mabubuhay ng hindi ko na siya nakikita pa.

Nanatili ako ng ilang minutong nakayakap sa kabaong ng ina ko. I cried everything… I cried my pain out, hoping to disappear it so quickly. Pero kahit anong gawing pag-iyak ko ay hindi mawawala ang katotohanan na wala na siya…

“Henzy,” someone called me.

Pinunasan ko ang aking mga luha at kahit masakit sa akin na iwanan ang ina ko dito ay hinarap ko ang taong tumawag sa akin.

“Renaissa…”

Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit at do’n ulit bumuhos ang mga luha ko.

“Condolence, and I’m sorry. I’m sorry kung hindi agad ako nakapunta dito para damayan ka. Sorry kung wala ako sa panahon na kailangan mo ako.”

Binalik ko ang yakap na iginawad niya sa akin at niyakap din siya ng napakahigpit. My tears won’t stop falling now that my bestfriend is hugging me. Hindi na ako nagsalita pa at iniyak na lang ang lahat sa kaniya.

Pagod na ako… pagod na pagod…

The pain I had right now was too much. Everything was too painful and I didn’t know where and how to start again. I hope this is just a nightmare—a painful nightmare. But no, this isn’t a nightmare. It was the reality that slaps me hard. The reality that my mother leaves me.

“You need to eat, Henzy… Nangangayat ka na,” she worriedly told me. After I cried to her ay sinamahan niya ako dito.

Si Renaissa lang ang nakapunta ngayon dito dahil busy ang iba at sa libing na lang daw sila pupunta. I understand them my life is nothing to do with them. Kaya hindi ko rin sinabi sa kanila dahil ayokong maabala sila.

I think Xypheir was the one who notifies Renaissa kasi siya ang kasama no’n papunta sa hospital. And I think she already knows what happened to us… she just keeps her mouth shut and respects me.

“I don’t have the appetite,” the same answer I answered to my sister.

“Do you think tita would be happy seeing you like this? Imbis na namamahinga na siya do’n ay mas lalo pa siyang mag-aalala sa’yo dahil sa ginagawa mong ‘to ngayon. Tito was also worried about you kasi hindi mo raw sila kinakausap.”

“Wala akong gana sa lahat. I just wanted to be alone,” pagod kong sabi.

“I understand you, but please don’t abuse yourself. Eat even just a little. Tatlong-araw ka na raw ‘di kumakain sabi ni tito at Yesha. Kaya please, Henzy…”

Because of my bestfriend persistence, I ate. Pero nakakadalawang subo lang ako ay umayaw na ako. I don’t really have the appetite to eat. Pagkatapos niya akong pakainin ay gusto niya na rin akong patulogin.

“Sleep, Henzy. You need to sleep. Tingnan mo nga mukha mo sa salamin ang itim at lalim na ng eyebags mo,” pagpupumilit niya.

Alam kong hindi niya ako tatantanan kaya hindi na ako umangal pa at sumunod na lang sa kaniya. Sinamahan niya ako sa pauwi sa bahay. Pagdating namin ay hinila niya agada ko papasok sa kwarto ko.

When I felt the soft mattress of my bed ay do’n ko na naramdaman ang pagod at antok. I closed my eyes and tilted my body to the side. Si Renaissa naman ay tinabihan ako hanggang sa makatulog ako. Pero bago pa man ako lamunin ng antok ay hinalikan ako ni Renaissa sa pisngi at bumulong ng mga salita na hindi ko alam kung makakapag pagaan ba ng loob sa akin.

“Everything will be fine, Henzy. Just keep on holding.” And after she said those ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

In the middle of the night, I suddenly woke up because of the heaviness I felt in my heart. I stare at the ceiling of my dark room as my tears keep on pooling down. Nagising lang ako para umiyak dahil hindi ko na makayanan ang sakit. Pati sa pagtulog ko ay iniisip ko pa rin kung gaano kasakit ang mawalan ng ina.

I think of those happy memories I had with my mother. The bond that we had since I was a kid, on how she took care of me even when she was also suffering inside. The sacrifices she had just for the sake of me. Lahat ng ‘yon ay inisip ko na siyang mas lalong nagpaiyak sa akin.

Those moments will just remain as memories now, and they will never happen again.

Ma, you leave me too sudden… I haven’t even repaid the sacrifices you made. I haven’t even made you proud of me. You just leave me here hanging alone.

You just leave me in this cruel defenseless.

I don’t know how I survive the remaining days before the burial of my mother. Renaissa has always been by my side to take care of me. My sister and my father also comforted me, but their comfort was never enough to ease my pain.

“Henzy… it’s time. Please let her go,” Renaissa told me, sobbing.

“No…hindi ko kaya. Ma, please d-don’t leave me,” I cried while hugging her coffin unable to let go. Hindi magalaw-galaw ni kuya ang kabaong ng aking ina dahil sa ginawa ko.

Panay ang hagulhol ko sa iyak habang si Renaissa naman ay pinipilit na ilayo ako. This is too painful… I can’t watch my mother being buried. Kung pwedeng sumama sa kaniya sasama ako… kung pwede lang…

My father came to me and he carefully dragged me far from her. “Anak… time to let go your mother needs to rest now,” I heard him sobbing. Patuloy ko siyang inilingan hindi matanggap-tanggap ang katotohanan.

“No… no..”

“Ate…” ang kapatid ko na umiiyak din.

“Let her go, anak. Your mother won’t be happy if she sees you like this,” my father told me.

Letting go of her means I can’t see her anymore. This is just so hard… just so hard and too painful.

Wala na akong nagawa kun’di umiyak at panoorin na nililibing ang aking ina. Renaissa and my other friends hug me nang mas lalong lumakas ang mga iyak ko.

Wala silang sinabing isang salita kun’di ay niyakap lang nila ako hanggang sa matapos ang lahat. Halos ang lahat ng mga bisita ay umalis na at tanging ako na lang at ang mga kaibigan ko ang natira dito.

“Just leave me, guys… I want to be alone,” nanghihina kong saad sa kanila.

“Henzy…” Althea said.

“Please… I want to be alone with my mother,” I told them again.

“No… we won’t leave you here,” si Renaissa.

“I won’t do anything stupid…if you’re thinking like that. I just wanted to be alone…”

“We’ll wait for you in the car, Henzy…. Take your time,” Zenneth uttered.

Wala na silang nagawa pa at umalis na pagkatapos silang pilitin ni Zenneth. I looked blankly at my mother’s grave. Akala ko wala na akong iiyak pa pero meron pa pala. Hindi pa pala nauubos ‘to. May iiyak pa pala ako.

“Ma, hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayong wala ka na dito sa tabi ko. Hindi ko alam kung kakayanin kong bumangon muli.”

“You left without a proper goodbye. Ang dami kong gustong sabihin sa’yo ang dami kong gustong ibahagi sa’yo pero paano ko na ‘yon magagawa kung wala ka na dito? Kung wala ka na para gabayan ako… Ma, Reeve, and I broke up…H-he cheated on me….” Hinawakan ko ang dibdib ko ng nakaramdam na naman ng sakit sa sinabi ko sa aking ina.

Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin. Naalala ko naman kung paano akong nagmukhang tanga sa harapan nila ni Joana. Kung paano ko nakita ang paghahalikan nila.

“Ma, right now I want to hear your motherly words. I want your comfort. I wanted to cry on you and feel your hug, but how am I supposed to that now. You’re no longer beside me.”

“Ma… I couldn’t promise if I was able to move on, but I will try my best. I will try my best to live my life and continue my dream for you. I-I will try…”

“Goodbye, Ma… I will always be missing you…” I was about to leave when a figure of a man behind capture my attention.

Nakasuot siya ng putting t-shirt at may sunglasses pa. At basi sa tindig niya ay kilalang-kilala ko kung sino ang lalaki na ‘to.

“What are you doing here,” malamig kong usal sa kaniya. Ang kapa niyang pumunta dito at magpakita sa akin. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya sa akin. Pagkatapos niya akong lokohin ay magpapakita siya sa akin na parang walang nangyari.

Na parang hindi niya ako sinaktan. Na parang hindi niya ako niloko.

Hndi niya ako sinagot at tinanggal ang sunglasses niya. Maga ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan niyan pero siya ang pinaka ayaw kong makita ngayon. At wala siyang karapatan na magpakita sa akin.

“Wala kang karapatan na pumunta dito at magpakita sa akin. Ang kapal naman ng mukha mo. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin. Nandito ka sa harap ko magpapakita? Wala ka bang kunting hiya ha?” I gritted my teeth.

“C-condolence,” na uutal niya pang saad.

“You don’t have the right to say that…and most especially you don’t have the right to be here. You’re not welcome here so just leave,” malamig kong saad.

“N-neve… if I tell you the truth w-would you believe me?If I explained everything to you would you still believed me?”

I laughed sarcastically and my tears started to pool again, “Truth? About you cheating on me? Saang parte pa ba ang katotohanan sa ginawa mo? You cheated on me and that’s it. I wish you two happiness pero bakit nandito ka pa?” nakakuyom ang mga kamao ko nagtitimpi ng galit, “ganoon ka ba ka gago para pagsabayin kami ng kapatid ko?”

“N-neve… I don’t expect you to forgive me and you have the right to be mad at me because what I did was unforgivable but please believed my love for you…” he said softly.

“Believed your love for me? Nagpapatawa ka ba, ha? Tangina, Reeve! Kung mahal mo ako ba’t mo ako niloko? Ba’t mo pa kailangang gawin sa akin ‘to? Edi sana no’ng mga panahon na may nararamdaman ka na sa kapatid ko sana nakipaghiwalay ka na lang! Sana sinabi mo na lang sa akin ang totoo!!” I yelled at him.

“Tangina, Reeve! Sa lahat pa talaga ng babae ang kapatid ko pa? Oh, well… tama nga naman at gustong-gusto siya ng pamilya mo para sa’yo. Magiging masaya na kayo. Congratulations,” sarkastiko kong saad.

He didn’t utter a word and take all the painful words I throw at him. Nakayuko lamang siya at nakikinig sa galit ko.

“Don’t come closer to me anymore. Seeing you pains me more,” the last word I told him before turning my back at him.

“Sigurado ka na ba diyan, Henzy?” tanong sa akin ni Renaissa.

Nandito kaming dalawa sa apartment at nag-iimpake ng mga gamit. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang kwarto na unti-unti ng nawawalan ng buhay.

Nag-iimpake ako ng gamit dahil gusto kong umalis. Magpakalayo-layo upang hindi ko na siya makita pa. I need to heal myself for me to continue living my life. What he did was too much for me handle.

What happened to me was too much… and I don’t know what to do anymore.

Right after my mother's funeral, my step-sister offered on coming with her abroad when she saw my situation. When she saw how hopeless I am. I was just merely trying to survive on day to day basis. I lost motivation and inspiration. I lost the will to live. Parang nabubuhay na lang ako sa mundo ng hindi ko na alam ang dahilan.

I had trouble moving on for the things that happened especially on him. I always saw him at school and seeing him pains me more. Kapag nakikita ko siya ay naiiyak ako sa sakit. Naalala ko ang mga halikan nila ng kapatid ko.

I never expected this to happen. I never expected that he will do these things to hurt me. Am I not worthy to love? I gave everything. I gave it all just for him and it turns out that he will hurt me more than I deserved.

“Oo kailangan kong umalis. Alam mo naman ‘di ba? I can’t take too much pain anymore. Marami ng nangyari s buhay ko,” sabi ko sa kaniya habang tinutupi ang mga damit ko.

Hindi ko naman dadalhin ang lahat. ‘Yong mga importante lang at iwanan ang dapat iwanan. I should move forward. . . I don’t want to be stuck in my past.

Renaissa has always been there for me since then, she witnessed all of my miserable days. Hindi nab ago sa kaniya kung ano man an nangyayari sa akin.

Leaving them was not part of my plan. I treasure every moment the times I was with them. But everything turns out to be chaotic for me. I can’t handle it anymore. . . everything is too much. . . too much for me to handle.

I told everyone about my plan and they all respected it. They knew how much pain I am right now. I can’t think straight and everything turns black for me.

I know leaving isn’t the solution but for me, leaving everything behind is my way to escape this pain. Isa na naman ako sa mga taong minalas sa taong minamahal. Akala ko, maayos na kami pero hindi siguro ako sapat para sa kaniya.

Kaya naghanap siya ng iba.

Habang nilalagay namin ang mga damit ko sa maleta napatingin sa akin si Renaissa. Nakikita ko ang awa at lungkot na napadaan sa kaniyang mata. She was there from the start, she was there when how my first love failed now another love been failed again. Malas ba talaga ako sa pag-ibig?

Do I not deserve to be happy? Just like everyone does? Why do people always do this to me? Hindi ba talaga ako ka mahal-mahal para gawin sa akin ‘to?

“Huwag mo akong titigan ng ganiyan, babalik naman siguro ako kapag okay na ako,” pilit na ngiting pagsasabi ko sa kaniya.

I hope so… I hope I will be okay…

Bukas na ang araw ng pag-alis ko. I don’t want to be stuck here anymore. Ang lugar na ito ay napakaraming ala-ala na dapat nang kalimutan. I don’t want to remember everything, all I wanted was to forget every memories I have with him and the memories that cause me pain. I wanted to escape this pain immediately.

“Bakit ayaw mo siyang pakinggan? Willing naman siyang mag explain sa’yo.” Hindi ko alam kung bakit nasabi ‘to sa akin ni Renaissa pero sarado ang puso ko.

Explain? Saan pa banda ang kailangan niyang mag explain? Tama na ‘yong nakita at narinig ko. Masakit makita ang mga lahat ng iyon. Masakit dahil nagawa niya ‘yon sa akin.

I closed my eyes as I remember everything clearly on what happened that day. Everything… the way I lost everything to me—including my mother. Nandito na naman ‘yong parang punyal na tumutusok sa dibdib ko kapag na-aalalal ko ang lahat ng ‘yon.

There’s no way he had any reason to do it. There’s no valid reason in cheating. Cheating to your partner is the most painful thing you could give to her. It will leave a great scar on her heart. Cheating to your partner can be traumatizing. Kaya saan pa lulugar ang paliwanag niya?

Unti-unti kong inangat ang sulok ng aking labi, a forced one. “Ano pa ba ang dapat niyang ipaliwanag? Masaya naman siya eh. Ako na lang ‘yong naiwan pa sa nakaraan namin.”

Just when I thought everything seems okay. Just when I thought that I never do wrong for him to do this to me. Hindi ko namalayan na unti-unti na rin palang nawawala ang namamagitan sa amin.

I keep holding to his promises, yet none of those he fulfilled.

“But leaving everything behind wouldn’t solve your problem, Henzy. You’re just escaping again and again,” Renaissa trying to give me a piece of advice while she was helping me to fold some of my clothes.

I didn’t intend to leave to escape my problem. I decided to leave to help me heal again. Paano ako magiging maayos kung sa lahat ng parte na lugar na ‘to ay siya ang naalala ko?

I stopped what I am doing and looked at her directly to the eyes, “Leaving everything will help me to be whole again. I don’t want to cling to everything that’s happening to me. I just can’t. I just can’t. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko, Renaissa. Parang lahat pinagkait sa akin.” I broke down in front of her again.

Pa ulit=ulit na lang ang pag-agos ng luha ko. Pagod na ako, pagod na ako sa lahat na nangyayari sa akin.

Nasaan na ang pangako niya? Mga pangako niyang lumipad na sa hangin at di na nakabalik sa akin.

“Ikaw bahala, desisyon mo din naman ‘yan. Sana maging maayos ka na. Always remember that I am here. We’re’ all here. We wish you happiness and healing, Henzy.”

Sana nga maging okay ulit ako at mahanap ang sarili ko.

“I promise. I will be better.”

And the following day, I left everything that pains me and start something new.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.