“Those men are obviously into you! Kaya naging ganoon ang asal ni Kyzyr kay Ry dahil nagseselos siya,” sagot ni Renaissa.
Nang sinabi ni Renaissa nagseselos si Reeve ay napaikot ako ng mga mata. He doesn’t have the right to be jealous.
“Pagkatapos ng ginawa niya sa akin ay magseselos siya?”
“What if he has reasons, Henzy? Would you willing to listen?” makabuluhang tanong ni Renaissa.
“There’s no valid reason in cheating. He cheated. Period.”
“Paano nga kapag may rason siya? Paano kapag pinagsisihan niya naman talaga ‘yon? Makikinig ka ba?”
Ang tanong ni Renaissa na ‘yon ay nagpagulo sa akin. Bakit parang may alam siya? Bakit parang may tinatago siya? Bago ako umalis ay may sinabi rin siya sa akin noon. Na paano kung pinakinggan ko siya noon? Pero masyadong masakit ang puso ko noon at hindi siya pinakinggan. Sarili ko lamang ang inisip ko noon.
At ngayon naman na may sinabi siyang ganito ay hindi ko na maiwasang isipin na parang may alam siya o talagang pinapagulo niya lang ang isip ko. Kaibigan ko siya kaya dapat ay alam niyang galit ako kay Reeve ngunit sa pinapakita niya sa akin at sa mga tanong niya ay parang… may mali.
“Doc. Vasquez pinapatawag kayo ni Doc. Sandoval.”
Nabalik ako sa reyalidad nang biglang nagsalita ang nurse sa akin hawak-hawak ang telepono at may kausap ito. Pagkatapos ng isang araw na pahinga ay balik duty na naman ako. Dalawang araw simula no’ng rest day ko ay bumabagabag pa rin sa akin ang tanong ni Renaissa.
I closed the chart of the patient pagkatapos kong ma check ang progress nito at kunot-noong tiningnan ang nurse.
Ano namang kaguluhan ito at bakit kailangan ko pang pumunta sa kaniya.
“Bakit daw?” sabi ko.
“Punta lang po raw kayo roon. Iyon lang ang bilin niya sa akin eh,” inosenteng wika niya.
Tumango ako at tinalikuran siya. Kahit na ayaw kong makita siya ay kailangan kong magpakita at baka tungkol ito sa isang mabigat na procedure sa pasyente ang pag-uusapan. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap at sa sinabi niyang he will pursue me. Hindi rin ako handang makita siya dahil sa biglaang pag-amin niya ng nararamdaman niya.
May office din ang mga nag fe-fellowship. Nang makita ko ang pangalan niya nakadikit sa pintuan kasama ang isang fellow ay kumatok na ako.
“Come in.”
Naabutan ko siyang nakatingin sa isang CT scan result. Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ito.
“Acute hematoma,” wala sa sarili kong sabi. Kahit na hindi naman sa utak ang specialization ko ay nabasa ko pa rin ang result nito.
“Is that your patient?” casual kong tanong.
“No… Sa kasama ko dito sa loob.” Inikot niya ang swivel chair niya paharap sa akin. He’s wearing a red polo shirt inside at nakapatong ang lab gown dito. He also wore his rimmed glasses.
I admit he looks good, but I will never compliment him. Better keep it to myself.
“Why did you call me?”
May nilapag siyang libro sa harap ko at iilang mga papel. Nagtataka man ay kinuha ko ito. Nakataas ang kilay ko habang binabasa ang nakasulat dito. Case study ito ng CABG procedure. Mga risk factors mga possibleng mangayari sa operasyon kapag ginamit ito.
“Is it your first time performing this kind of procedure, or have you already done it?” Tutok na tutok ang kaniyang mga mata sa akin at nakaramdam ako ng hindi pag ka komportable dahil doon kaya ay iniwas ko ang tingin ko. Ramdam ko ang panititig niya sa akin simula ulo hanggang paa.
I consciously check myself. I wore a blue buttons bow colar casual chiffon blouse partnered with white pants underneath my lab gown. Wala sarili kong inayos-ayos ang buhok ko na baka ay sabog sa harap niya kaya ganoon na lamang siya makatingin sa akin. It made me uncomfortable.
Gusto ko sana siyang punahin kaso ay baka hahaba na naman ang usapan namin at ayaw ko ng ganoon kaya ay itinikom ko na lang ang bibig ko.
“I haven’t done it personally pero nakapag assist ako ng ganitong operasyon no’ng intern ako.”
Tumango-tango siya sa akin. May nilapag na naman siyang papel sa harap ko at ito ‘yong kaso na na iduscuss namin. The family already signed the waiver and is scheduled for operation next week.
“Study this procedure and be prepared for what might happen during the operation. Dr. Caserial doesn’t want late hands in the operating room. Kung nakikita po no’ng unang operason mabilis ang kamay niya kaya dapat mabilis ka din mag catch up,” seryoso niyang paalala sa akin.
I know that. Pansin ko na ‘yon kaya nga siya ang panay salo ng trabaho ko noon kasi masyadong mabilis si Dr. Caserial. Kaya nong nagkaroon ulit ng operasyon at isa ako sa naging kasama doon ay tutok na tutok ako.
“I know what to do. Thanks for reminding me,” simpleng saad ko at tatalikuran na siya nang nagsalita ulit siya.
“Have you eaten?”
“’Di pa,” I coldly told him.
Narinig ko ang pagtunog ng swivel chair niya dahil sa pagtayo. Pinanood ko siyang may kinuha sa mini refrigerator nila dito sa loob at pinasok sa microwave.
It seems like he wants to eat. At wala na rin naman akong kailangang gawin kaya ay naghakbang na ako papalapit sa pintoan.
“Eat first. I won’t allow you to leave without eating. That chocolate alone in your pocket isn’t enough to energize you,” tuloy-tuloy niyang sabi.
“No thanks. I can eat in the canteen. I don’t want to be with you,” walang preno kong sabi sa kaniya.
Oo alam kong masasakit ang mga salitang binibitawan ko sa kaniya kaya dapat ay alam niya na iyon. Alam kong alam niya rin na hindi ako papayag sa paanyaya niya. Kaya bala siya sa buhay niya.
“Then at least bring this food. I know it’s your favorite.” Tumunog ang microwave hudyat na mainit na ang pagkain. Biglang niluwa nito ang lasagna.
“I haven’t eaten, but I am not hungry also. Eat that for yourself, Doc. Sandoval. Cause I will never eat the food coming from you,” I harshly stated before storming out to his office.
Nagpatuloy ako sa trabaho ko pagkatapos ko sa opisina niya. Pinapunta niya lang ako para doon? Alam ko naman kung ano ang gagawin ko. Hindi ako tanga para hindi pag-aaralan ang procedure na ‘yon.
“Ano kaya ang relasyon ni Doc. Vasquez at ni Doc. Sandoval? Palaging ko kasing nakikita na inaabutan ni Doc. Sandoval si Doc. Vasquez ng kape kaso ay hindi naman ito kinukuha ni Doc. Vasquez.” Ilan sa mga naririnig kong chimis mula sa ibang mga nurse sa tuwing napapadaan ako sa kanila.
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng lalim. Reeve has been giving me food non-stop and every day! It troubles me and also my work. Damn it!
May mga mahahaling bar chocolate rin doon sa binibigay niya sa akin at may mga letters pa! Naiinis ako sa ginagawa niya at hindi natutuwa kagaya na lang ngayon.
“Uy. Henzy. May pagkain na naman na nakapangalan sa’yo r’yan. Kainin mo na samantalang mainit pa at may oras pa,” Jennica said. One of my closest friend ever since I work here and also a resident.
Siya ang palaging nakaabot ng pagkain na binibigay niya. Kaya minsan ay pinapakain ko sa kaniya ‘yon pero ngayon mukhang malabo na mapapakain ko siya kasi aalis siya at panay tunog ng beeper niya.
Pabagsak akong umupo at mariin na tinitigan ang chopsuey sa harap ko. Nagdadalawang isip kung kakainin o hindi. Sa lahat ng mga pagkain na pinapadala niya ay hindi ko iyon tinitikman. Ibang tao ang nakakatikim.
Mataas na ang pride kung mataas pero hindi ako tatanggap ng pagkain mula sa kaniya. Nang napagdesisyonan kong ‘wag na lang itong kainin at ipamigay ulit ay biglang tumunog ang tiyan ko.
Damn it… wala nga pala akong kain simula kanina. I had no choice but to eat this. Hassle na sa akin kung pupunta pa sa ako sa canteen at bigla na naman akong tawagin ‘di pa ako makakain.
Nang buksan ko ito ay may letter na nakapaskil sa baunan.
“I know you aren’t eating the food I gave you, but I won’t stop. I will continue to bring you food until you eat them. I told you, I will pursue you no matter what.”
Nakataas ang kilay ko sa nabasa. So ito ang paraan niya para mabalik ako sa kaniya? Huh… akala niya siguro ay madadala ako. The damage has been done, and it cannot be undone anymore. The scars of my past will always be there in my heart. The scars he left me will forever be there.
Nawalan bigla ako ng gana kaya hindi ko na naman kinain ‘yon. Saktong pumasok si Ry sa quarters at may dala rin siyang pagkain. Iyon ang kinain ko at pinakain ko sa kaniya ang binigay ni Reeve. Hindi rin naman siya nagtanong kung kanino galing ‘yon at kinain na lang din. Akala siguro ay order ko.
“I heard that bastard has been giving you food non-stop,” puna ni Ry nakalipas ang ilang araw.
Pagod ko siyang tinanguan. Ilang araw na niya ‘tong ginagawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatantanan kahit na usap-usapan na sa buong hospital na hindi ko ‘yon kinakain at pinapamigay ko na lang.
Ang tigas niya rin pala.
Hindi na umimik si Ry sa akin at nag-umpisa na sa pag ra-rounds niya at ganoon din ako. Sa kalagitnaan ng pag-ra-rounds namin ay nakasalumuha ko si Reeve na may dala-dalang dalawang kape naman.
Huminto siya sa harap ko at nilahad sa akin ang kapeng dala niya. Ang mga intern sa likod ko ay mahing tumitili kaya ay galit na binalingan ko sila.
“What are you doing? Do your job!” Dahil sa takot sa akin ay agad silang umalis at ginawa ang trabaho nila.
“Your coffee,” malaki ang ngisi niya sa paglahad sa akin ng kape.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan lang ang kape. “Hindi ka pa ba nadadala? Hindi ko kinakain ang pagkain na binigay mo.”
“So?”
Tumawa ako, “Nag-aaksaya ka lang ng oras at pera. Better stop it.”
“I cooked all of them.”
Napaangat ako ng tingin at nanlalaki ang mga mata ko. What? I heard him right? Hindi niya ‘yon ino-order at niluluto niya?
Is he crazy?
“Are you crazy?” hindi makapaniwala kong sambit.
Sa tingin niya ba makukuha niya ako dito? Sa tingin niya ba eepekto sa akin ‘to?
“Yes. I am crazy. Crazy to win you back.
Try harder… kasi hinding-hindi na ulit ako babalik sa’yo.” At iniwan siya roon na hindi tinatanggap ang kapeng nilahad niya sa akin.
Alam kong maraming nakakita ng ginawa ko at wala akong pakialam. Alam kong napahiya ko rin siya roon ngunit ay wala akong pakialam. Sana naman dahil sa ginawa ko ay ititigil na niya ang kahibangan niyang ‘yon.
The following days are still the same. Bigay nang bigay pa rin siya ng pagkain sa akin at hindi ko pa rin ‘yon kinakain. Ibibigay ko sa mga kasamahan ko ang pagkain o sa mga nurses na kilig na kilig sa kaniya.
Nasa nurse station ako nakatambay dahil may mino-monitor akong pasyente ng biglang tumili ang nurse dito nang makita ulit si Reeve na may bitbit na namang kape.
The nurse was expecting that he will gave me the coffee at kilig na kilig ito nang biglang napawi ang kilig niya ng nilagpasan lang kami nito. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. What was that?
Hindi niya ibibigay sa akin ang kape? Para kanino ‘yon? At nilagpasan niya lang ako? Biglang umusbong ang galit ko nang makita kung kanino niya ibinigay ang kape na ‘yon.
He gave the coffee to the girl whom I hate the most. She was laughing sweetly at him as if she has done nothing wrong. Hinimas-himas niya pa ang braso nito at ito namang malanding lalaki at tumatawa lang. Tangina…
Paano siya nakakatulog ng mahimbing sa gabi knowing na may sinira siyang relasyon? Tangina ang kapal!
At ano ang ginagawa niya dito? Alam niya na ba ang pinanggagawa ng boyfriend niya sa akin ha?
Padabog kong nilapag ang chart at umalingawngaw ito sa floor namin. Nagulat ang nurse sa ginawa ko at natakot bigla. Padabog akong umalis doon at hindi sila nilingon.
Huh… may pursue pursue pa lang nalalaman tapos may girlfriend naman pala siya. Napaka gago talaga. Ang gago!
Wala ako sa mood buong araw na ‘yon. Umuwi ako sa bahay ng may sama ng loob. Pumasok ako sa kwarto at padabog na sinirado ang pinto.
Manloloko pa rin pala hanggang ngayon. Asan na ang ‘I will pursue you no matter what’ mo? Eh may girlfriend ka pala!
Hindi ka pa rin pala nagbabago hanggang ngayon. Hanggang salita ka lang din pala!
“Ahh!” I frustratingly shouted.
Henzy? You should not be affected by that! Sinaktan ka nila di’ba? Pero bakit ganito ang reaction mo? Okay ka na! Naka move on ka na! Don’t be affected by it anymore!
Pero kahit anong pang co-console ko sa sarili ko ay naiisip ko pa rin ang nasaksihan ko kanina. Kung paano pinadausdos ng kapatid ko ang kamay niya sa braso nito!
Damn it! I need a diversion. Naalala ko ang magaganap na operasyon next week at ang binigay niyang kailangan kong pag-aralan kaya ay ‘yon ang ginawa ko buong araw na wala akong trabaho. Pinagkaabalahan ko ‘yon.
Nanood ako ng video na ginagawa ang procedure na ‘yon hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong sinagot iniisip na galing ito sa hospital at kakailanganin ako.
Ingay ng mga tugtog ang bumungad sa akin. I checked the number and it was unknown. Wrong call ba ‘to? Papatayin ko na sana ng bigla itong nagsalita.
“Neve.” Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa gulat ng malaman kung kanino nanggaling ang boses na ‘yon.
Isang tao lang tumatawag ng second name ko at siya ‘yon. Nilayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil masyadong masakit ang ingay sa kung saan man siya ngayon.
Walang duda at nasa sa bar siya ngayon. Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang na magsalita siya. Dapat ay kanina ko pa pinatay ang tawag niya. Dapat ay hindi ako makikinig sa kaniya pero heto ako hinihintay na magsalita siya.
Henzy, ano naman ito?
“Neve. I miss you so damn much,” his words were slurry, but I can hear it clearly even the background music was too loud.
He’s drunk. He’s drunk calling. Baka kung sino-sino na ang natawagan nito at sinabihan niya ng I miss you.
“You’re drunk. Go home. May duty ka pa bukas,” all I can say.
“If I explained to you what happened back then, will you listen?” lasing niyang sabi.
Ano ba ang rason mo? I asked you… I asked you that time, Reeve. Kung bakit bigla kang nagkaganoon. Kung bakit bigla kang nagbago pero ‘di mo ako sinagot. Mas pinili mong saktan ako. Mas pinili mong sukuan ang kung ano man meron tayo noon.
Mas pinili mo magloko kesa sabihin sa akin ang problema mo. At kung papakinggan kita ngayon may magbabago ba? Bababalik ba ang mga nawala ko noon?
“Go home. Call your friends to take you home.”
“I was hurt too… I was in pain too… and still am. ” Narinig ko ang mga hikbi niya sa kabilang linya.
Wala akong ginawa kun’di ang ma estatwa sa kinauupuan ko hindi makapaniwala sa narinig.
I don’t know if I will believe him. I don’t know if what he’s saying were true. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko siyang pagkatiwalaan ulit. Masyado niya akong winasak noon. Wasak na wasak. At mahirap magtiwala ulit.
Mahirap ibalik ang tiwala sa isang tao kapag masyado niya itong winasak. Broken glass can be fixed, but it is not the same anymore. May puwang na ang bawat guhit nito.
Trusting the same people who wrecked you is so hard to give.
“Hello, Ma’am? Pwede po kayong pumunta dito? Lasing na lasing po si sir.”
Galit ako. Oo. Galit ako sa ginawa niya noon at hangang ngayon. Pero dito pa rin ako dinala ng paa ko sa kaniya. Nakita ko na lang ang sarili ko na pinagmamasdan siyang lasing na iniinom ang isang shot ng whiskey.
Nang akmang iinom pa siya ay nilapitan ko na siya at inagaw sa kaniya ang shot glass. Nagulat siya sa ginawa ako at naningkit na tinitigan ako tinatansya kung sino ang kaharap niya.
“Stop drinking. May duty ka pa bukas,” malamig kong sabi at kinuha ang cellphone niya dina-dial ang pangalan ng kaibigan niya.
Pulang-pula ang mukha niya at halos hindi na niya maimulat ang kaniyang mga mata. Hindi niya na rin mai-balanse ang katawan niya kaya ay napahawak ako sa braso niya ng muntik na siyang mitumba.
Tsk. Iinom-iinom di naman kaya. Mahina na nga ang alcohol tolerance nagpa sobra pa.
“Am I hallucinating? Or you’re really here?” Halos nakapikit na ang mat anito pero nagawa niya pa ring pansinin ang presenya ko.
“Kanina pa ba siya rito, kuya?” tanong ko sa bartender sabay abot sa card ko. Tsk. Napabayad pa tuloy ako.
“Opo. Kakabukas ng bar kaninang alas 5 ng hapon ay nandito na po siya. Nakailang bote rin po siya ng whiskey.”
Gusto niya bang mamatay? Alcohol poisoning itong ginagawa niya.
“Hello, Ky, what’s up?” Xypheir talked on the other line.
“Xy, si Henzy ‘to. Can you fetch us here in Glam’s bar? Your friend’s wasted,” tuloy-tuloy kong sabi.
“Henzy? Nakauwi ka na? Oh shit! Be there in ten.”
Hawak-hawak niya ang kamay ko at lasing ang mata niyang tinignan ako.
Inalalayan ako ni kuya papunta sa parking lot ng bar. Doon namin hihintayin si Xypheir. Naalibadbaran ako sa ingay sa loob. Pinaupo ko siya sa sa may gutter kahit na halos hindi na niya mabalanse ang katawan.
Tsk. Wala akong pakialam kung hihiga pa siya r’yan.
“Neve… will you listen if I tell you?” nagsusumano niyang wika hawak-hawak ang kamay ko bilang suporta.
Iniwas ko ang tingin ko. “There is no use. Whatever your reason is, it will not change the fact that you cheated on me. You cheated… you fucking cheated. Alam mo ba kung gaano kabigat ‘yon?” matigas kong wika.
Humikbi siya hindi ako nagpatinag. Damn… alam kong lasing siya at makakalimutan niya rin lahat ng sasabihin niya sa akin ngayon. Makakalimutan niya rin lahat ng masasakit na salita na maririnig niya ngayon.
“What if I told you that I didn’t mean to. I didn’t mean to hurt you. I didn’t mean to do it.” Nagiging mahigpit ang paghawak niya sa aking mga kamay.
Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa sinagot niya. Naging mabilis ang paghinga ko at gustong-gusto kong sumigaw. Hind sinasadya? Hindi niya sinasadya na saktan ako? Hindi niya sinasadya na lokohin ko?
Eh ano pala ang ginawa niya sa akin noon? Joke? Laro-laro lang? Na akala niya isang kalabit lang sa akin ay okay na? Tangina! Nagmukha akong tanga. Nagmukha akong tanga sa harap nilang umiiyak habang pinagmamasdan silang naghahalikan sa harap ko.
Galit ko siyang binalingan. “Didn’t mean to? Naririnig mo ba ang sarili mo Reeve?! Ano pala ibig sabihin ng nangyari noon? Huh? Joke lang sa’yo? Hindi mo sadya pero ginawa mo?”
“Ano pang possibleng rason mo ha? Kasi sa totoo lang wala akong nakikitang rason sa ginawa mo!”
Unti-unti kong nararamdaman ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Sumabog na ang nararamdaman ko. Ayaw kong magsalita. Pero tangina… Ito pa rin ako umiiyak at siya na naman ang rason.
Siya na naman ang dahilan kung bakit nasasaktan naman ako. Akala ko maayos na ako. Okay na ako… Bumalik ako rito kasi alam ko sa sarili ko na wala na. Na okay na. Pero tangina.. Siya pa rin pala. Siya rin pala ang magbubukas ng sugat na matagal ko ng pinahilom.
“I still loved you and I still do. Kahit kalian…kahit kalian ay hindi ka nawala sa puso ko. Walang iba. Ikaw lang.” Nakayuko siya at may diin niyang hawak sa mga kamay ko. Naramdaman kong basa ang kamay ko dahil sa mga luhang nilalabas niya.
He’s crying… he’s crying so hard, and I don’t give a damn.
Kahit umiyak pa siya ng dugo wala akong pakialam.
“You loved me? Damn Reeve? You love me, yet you cheated?! How could you say that to me? How could you say that when you were the one who made me feel like I’m trash?!”
Hindi ko na rin napigilan at tuloy-tuloy na ang agos ang luha ko. Bumalik lahat ng sakit na nangyari noon. Bumalik kung paanong ako na lang ang kumakapit samantalang siya ay nahuhumaling pala sa iba.
Pinikit ko ang mata ko at ang imahe nilang naghahalikan ng kapatid ko ang nakikita ko. Tangina…. Akala ko okay na… maayos na ako pero hindi pa pala kasi sa tuwing babalikan ko ang nangyari noon ay nasasakan pa rin ako.
Masyado akong galit. Galit ang sumakop sa puso ko na inakala kong maayos na ako. Iyon pala ay hindi… kahit kalian ay hindi ko pa rin pala makakalimutan ang mga senaryong iyon.
Ako rin pala ang kakain sa binitawan kong salita sa kaniya.
Hinarap ko siya at pareho ang mga luha namin ang ayaw tumigil. Kahit na lasing siya ay alam kong naiintindihan niya pa rin ang mga sinasabi ko.
Damn him for making me feel like this. For making me feel like trash that can be easily thrown away.
At iyon ang ginawa niya sa akin noon. Pagkatapos niya akong gamitin. Pagkatapos niya akong pinagmukhang tanga sa pagmamahal niya ay tinapon niya lang ako na parang wala. Tinapon niya ako sa isang madilim na parte kung saan mahirap makita ang liwanag.
“You made me feel worthless. You made me feel like I am a piece of shit that can be thrown away so easily. Yes, right! You made me whole, you made me complete, yet you were the one who also torn my heart, and what’s worst is mas triple pa kesa sa naramdaman ko noon. Mas triple pa ang sakit na naibigay mo sa akin dahil pinagkatiwalaan kita ng buo!”
Wala na akong pakialam kung may mga taong nakapansin sa amin dito at kung sasabihin nilang para akong tanga na kinakausap ang isang lasing na alam kong makakalimutan din naman niya.
Wala akong pakialam kung nasasaktan ko siya ngayon sa mga salita ko. Wala na akong pakialam sa lahat. Ang gusto ko lang ay maghilom na ng tuluyan ang sugat na akala ko naghilom na. Na akala ko ay wala na.
Just when I thought I am healed was the pain that hides inside my broken heart.
Bigla siyang tumayo kaya ay malapit na rin siyang masubsob. Hindi ko siya inalalayan at pinanood lang na ayusin ang sarili. Hinarap niya ako at ang mukha niya ay pulang-pula na basing-basa ng luha at ang mata ay pula rin dahil sa pag-iyak.
“What I did was wrong and I admit it. Yes, ang gago ko. Ang gago ko dahil nasaktan kita. Dahil sinaktan ko ang babaeng mahal na mahal at tanggap ako. Ang gago ko dahil akala ko ‘yon ang paraan para maging maayos ka. Iyon ang paraan para mailayo ka gulong sinimulan ko!”
Ang mga luha sa kaniyang mga mata ay walang tigil sa pag-agos.
“Ang gago ko kasi nagawa ko ‘yon sa’yo but please Neve, believe me… I never cheated my feelings for you. I never did.”
“Stop it! Stop it! I don’t want to hear it from you again. Please… please…Reeve, I beg you. Let me heal, let me heal peacefully.
Umiling siya. At ang kaniyang mga mata ay puno ng pagsusumano. “I can’t fucking let go of you.”
“May girlfriend ka! May girlfriend na naghihinay sa’yo at iyon ang kapatid ko! Paano mo to nagagawa, Reeve ha?”
“I don’t have a girlfriend, Neve! Ikaw pa rin hanggang ngayon! Joana…Joana is just a friend! I just used her to made you believe that I am in love with her! I never had any feelings for her! Ikaw pa rin. Ikaw lang, Neve walang bago!”
Nabigla siya ng biglang dumapo ang kamay ko sa pisngi niya.
“Ang gago mo. Ang gago.”
“Alam ko…”
Humagulhol na ako sa lumabas na salita sa bibig niya. Hindi alam kung maniniwala ba. Hindi ko alam kung totoo lahat ng ‘yan. I don’t know anymore. I don’t know anymore which is true and lies.
“Tell me, Neve. Do you really forget about me? Hindi mo na ba talaga ako mahal?” nanghihina niyang tanong sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at kinagat ang labi walang maisagot sa tanong niya. Maayos na ako eh. Naka move on na ako, pero bakit masakit pa rin? Bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin ang nararamdaman ko?
‘Di ba dapat ay wala ng sakit? Wala na akong sakit na mararamdaman pero tangina mas lalong naging masakit lalo na sa mga tanong niya.
Nagsisinungaling ba ako sa sarili ko o ako itong ayaw aminin ang katotohanan. Pinipilit ko bang ang sarili ko na wala na? Na ayos na? Niloloko ko lang din ba ang sarili ko kagaya ng panloloko niya sa akin? Tangina… isang salita lang niya na mahal niya ako ay nasayang lang ang lahat ng paghihirap ko sa sarili ko.
Umiling ako at humahagulhol. Hindi ko na alam.
Renaissa was right escaping won’t solve the problem. All I did was a form of escape. Those years that I thought I already build myself was to escape from all of this. Afraid of facing it. And those ten years were never healing and forgetting—it’s a form of running from all of these.
What I had that time is never healing nor forgetting. Just merely an escape from all troubles and problem. I am a coward of facing them all.
Umilaw s abanda namin at lumabas doon si Xypheir kasama si Renaissa. Agad akong nilapitan ni Renaissa at biglang niyakap at mas lalo akong naiyak sa yakap na binigay ng kaibigan. Samantalang si Xy ay agad na dinaluhan si Reeve na ngayon ay nakatingala na para pigilan ang luha.
Bakit kami nauwi sa ganito? Sana pala ay di ko na lang siya pinuntahan. Sana nanatili na lang ako sa bahay.
“Let’s go, Ky. You’re drunk. Sober up first.”
“Henzy? Wanna come with us?”
Umiling ako. May dala akong sasakyan. Kaya kong umuwi mag-isa. Gusto ko lang mapag-isa muna.
Tiningnan ako ni Renaissa at nagdadalawang isip na iwanan ako.
“You go with them. I am fine here. May dala akong kotse.”
Wala pa sana siyang balak pero alam kong alam niya na desidido ako sa decision ko. Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Inalalayan ni Xy si Reeve na pagewang-gewang ang lakad.
Unti-unti ng nawala ang sasakyan nila at doon na tuluyang nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang lamig ng sahig habang humahagulhol sa iyak.
“When will you stop crying because of him?” Napaangat ako nang tingin ng may biglang nagbigay ng panyo sa akin.
Nagulat ako ng si Ry ito.
“I always see you cry, and it was always because of him. When will you stop crying because of him?”
Tumayo ako at nag-iwas nag tingin sa kaniya ngunit hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya. He gently wipe the tears away.
“I’m sorry, Ry. I’m sorry if you always see me cries. I am sorry because he was always the reason of my tears.”
“I am here. I am here always to wipe your tears away.”