CHAPTER 49

Chapter 49

Father

Walang umimik sa amin ni Ry sa biyahe pauwi ng bahay. He insisted on taking me home, afraid that I might get in an accident because of my state right now. Hindi na ako tumanggi pa at sinunod na lamang siya at baka kung ano pa nga ang mangyari sa akin.

I know he’s worried. Ayaw ko ng makadagdag pa ng problema sa kaniya.

“What are you thinking?” he asked.

“Nothing,” I simply replied.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin. Nalilito na ako sa lahat. Hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala. Sa sarili ko ba o sa kaniya. I don’t know anymore. Litong-lito na ako.

Nakadungaw lang ako sa bintana at pinapanood ang madilim at walang taong daanan papunta sa amin. Hindi na nagtanong si Ry ng mapansin niyang wala akong gana makipag-usap. Tahimik na lang itong nagmaneho.

He always sees me like this. He always wipes my tears away. Simula no’ng nasa Seattle kami. Kung paano ako umiiyak tuwing iniisip ang lahat ng nangyari sa akin. Lahat ng sakit na nararamdaman ko siya ang nandoon. Binalutan ako ng hiya ng ngayon ay umiiyak na naman ako at siya na naman dang dahilan.

Palagi na lang. Palagi na lang siya.

“Thank you for taking me home, Ry. I’m sorry that I bothered you,” sabi ko ng hinihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

“Kahit kailan ay hindi ka naging sagabal sa akin. Nandito lang ako palagi, Henzy.”

Tipid na nginitian ko na lang siya at bubuksan na ang pintoan ng bigla siyang nagsalita na siyang nakapagpatigil sa akin.

“You still love him,” he told me as if he can see my feelings directly.

Natigilan ako at hindi nakapagsaliata. Parang ang bigat ng binitiwan niyang salita sa akin at hindi ko pa ma ito ma iproseso.

Love him? I don’t know… Hindi ko na alam… Maayos naman ako. Okay na ako pero dahil sa gabing ito ay tila bumabalik na naman ako sa dati. Ang lahat ng pinaghirapan at ginawa ko sa sampung taon ay nauwi na naman sa wala.

Masyadong mabigat ang salitang ‘yan sa akin at hindi ko na alam kung totoo pa ba to. Kung totoo pa ang pa ba ang lahat ng iyan. Mahal? Ang bigat para sa akin… ‘di ko na alam kung malalim pa ba ang salitang ‘yan para sa akin.

Kung hindi ko siya pinuntahan hindi sana mangyayari ‘to. Kung hindi ko sinagot ang tawag niya hindi sana ako naguguluhan ngayon.

“I don’t know anymore, Ry… I don’t know. I build myself for years, but at this moment, it slowly falls apart,” nangihina kong tugon sa kaniya.

Pumikit ako at sinandal pabalik ang sarili sa loob. I build and regain myself for so many years, yet it takes a minute to fall apart again.

“He still loves you. I heard it all, Henzy,” nagsalita ulit siya.

Narinig niya pala lahat ng iyon? Naniniwala ba siya sa sinabi ni Reeve? Naniniwala ba siya sa lahat ng binitawan niyag salita sa akin kanina? Kasi kung ako ang tatanungin. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala.

Sa kaniya ba o sa sarili ko.

Binuksan ko ang mata ko sabay tingin sa kawalan.

Yeah, he loves me. He loves me, yet he cheated on me. What kind of love does he have?

He cheated… Niloko niya pa rin ako. Kahit saang anggulo tingnan maling-mali ang ginawa niya. Wala akong naiisip na rason para gawin niya sa akin ‘to. Kahit anong gawin niya, kahit anong pagmamakaawa niya hinding-hindi pa rin maalis na niloko niya ako.

Kaya anong karapatan niya para sabihin sa akin niya mahal niya ako? Na hindi ako nawala sa puso niya kailanman kung niloko niya ako. Ganoon ba kababaw ang pagmamahal niya sa akin para gawin niya ‘yon?

He loves me, yet he cheated. Ang babaw naman ng pagmamahal na sinasabi niya. Kasi kung tunay na mahal niya ako hindi niya sana ginawa ‘to sa akin. Sana sinabi niya sa akin ang problema niya hindi ‘yong ganito ang gagawin niya. Iyong bigla-bigla niya akong lolokohin.

Sana sinabi na niya lang sa akin ng deretsahan na pagod na pala siya sa relasyon naming dalawa. Na pagod na pala siyang mahalin ako. Kaso hindi eh, mas pinili niya ang magloko kesa ang sabihin sa akin ang totoo.

“Tell me. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon maniniwala ka pa ba sa salitang ‘yan? Papaniwalaan mo pa rin ba ang pagmamahal na sinasabi niya?”

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay deretsong nakatingin sa manobela na tila pinag-iisapan ng mabuti ang sinabi ko.

“There’s no valid reason for cheating. Kung ano pa man ang magiging rason niya hinding-hindi mawawala ang katotohanan na niloko ka niya samantalang ikaw ay walang ginawa kun’di mahalin siya. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi na ako maniniwala. He cheated once surely he will do it again,” he looked at me directly as he stated those words.

“Mahirap ibalik ang tiwalang nabasag,” dagdag nito.

Paano kapag ang taong bumasag ng tiwala mo ay may kakayahan din itong bubuin? Paano kapag siya lang din pala ang makakabuo sa’yo ulit? Tatanggapin mo ba? Hahayaan mo bang buuin ka niya ulit?

“What if he’s also the one who can make your trust whole again. Would you willing to give it again?” I stated my thoughts.

I need someone who can bitch slap me with the truth. I need someone who can tell me that it’s impossible. Na impossibleng ang taong sumira ng tiwala mo ang siyang makakapagbubuo ulit ng binasag niya.

Kasi kung ako ang masusunod. Hindi ko talaga alam at wala akong balak alamin.

“If he can make you whole again, it’s not the same as before. Your trust will not be the same as you used to. You will doubt every move he has. Your trust will be back, but doubt will consume your heart.”

He’s telling me indirectly that it’s impossible. Impossibleng mabubuo niya ulit ang nasirang tiwala. Kasi mas lalong mababasag ito sa pangalawang pagkakataon. He has a point. Once he gains my trust again, doubt will always be there. Hindi na ‘yon maiiwasan.

“You’re always visible in my eyes, Henzy. I have been with you for ten years. Nababasa ko ang bawat galaw mo ang iniisip mo.”

Napabaling ang tingin ko sa kaniya at hinihintay ang kung ano man na idudugtong niya. I am visible in everyone’s eyes. Pati sa mga kaibigan ko ay basang-basa nila ang galaw ko. I can’t lie to them. They knew my every goddamn move.

“Yes. You’ve been happy for ten years. I can see that, but you’re eyes tell otherwise. Whenever you smile, you laugh. There’s a gap in your eyes that I can’t tell. Parang lahat ng pinapakita mo ay sapilitan,” pagpapatuloy nito.

“What do you mean?” Kumunot ang noo ko hindi sang-ayon sa sinabi niya.

Masaya ako. Masaya ako sa mga taon na ‘yon. Nakalimutan ko ang lahat ng sakit sa mga panahon na ‘yon.

“You lie to yourself too much.”

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagpatuloy sa pagsasalita.

“You’ve been telling me you don’t love him anymore that you forget about him. It’s so selfish of me to think that you did really forget about him. I was so happy that finally, he left in your heart, and I can fulfill it again. Yet it takes one night to swallow the word you uttered to yourself and to me.”

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. What does he mean by that? What does he mean he will fulfill my heart?

“You’re still into him. You still love him. Hindi mo pa rin siya nakakalimutan.” Iniwas niya ang tingin niya sa akin samantalang ako ay gulong-gulo sa mga binibitawan niyang salita.

Totoong gulong-gulo ako ngayon at hindi alam ang gagawin, hindi alam kung papaniwalaan ang lahat nang narinig mula sa kaniya ganoon pa man ay hindi ko sinasabing mahal ko pa rin siya. Hindi ko sinasabing siya pa rin ang nasa puso ko.

I was confused.

“Paano mo nasasabi ang lahat ng iyan? How can you conclude that my heart still belongs to him? Oo, gulong-gulo ako ngayon bagamat hindi ko sinasabing nasa puso ko pa rin siya,” litong-litong pagkakasabi ko.

“Really? Date me then.” His eyes suddenly pierced on me. He leaned his face on mine and held both of my hands.

Wala akong ginawa kun’di pagmasdan ang biglang paghawak ng mga kamay niya sa akin habang seryosong tinitigan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso hindi dahil sa ibang rason kun’di ay sa kabang nararamdaman ko. Kahit nan aka aircon ang loob ng sasakyan niya ay bigla akong pinagpawisan.

Umiling-iling ako sa kaniya. No… no… it’s impossible. May gusto siyang babae. Baka nagkamali lang siya ng nararamdaman. Baka nakikita niya lang sa akin ang babaeng gusto niya. It’s really impossible.

“I waited for so long years. I always watch you from afar, always waiting for the right time to be with you Hanggang nakasama na kita. You’re right. Time will not wait for me anymore. Na baka sa palagi kong paghihintay ay mawalan ako ng tyansa.” Naging mahigpit ang hawak niya sa kamay habang sinasabi niya ang mga katagang ‘yan.

Panay iling lang ako sa kaniya hindi magawang ialis ang kamay niyang nakahawak.

“W-what are you doing, Ry.”

“It’s impossible. May gusto ka. Baka nalito ka lang sa aming dalawa, Ry. It can’t be.” Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring sabihin sa kaniya ang nasa loob ng aking utak.

Umiling siya at malalim ang mga paninitig niya sa akin.

“No. I’ve been giving you hints, Henzy. Nagpapakita ako ng motibo sa’yo noon pa man pero hindi mo lang pinapansin kasi nakatuon ang attention mo sa iba.” Iniwas ko ang tingin ko at dahan-dahan hinawi ang kamay niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. I couldn’t say the right words. Since when? Noong nagkasama na kami sa Seattle o mas matagal pa doon?

Nanlaki ang mata ko ng biglang naalala ang kaniyang sinabi noon. Don’t tell me, ako ‘yong tinutukoy niyang pinagmamasdan niya sa malayo?

Oh my gosh.

Ang babaeng nilalarawan niya sa akin. Ang babaeng sinasabi niyang matagal na niyang hinihintay. Lahat ng iyon… It makes sense now. Kaya ayaw niyang umamin dahil ako ang hinihintay niya na handang pumasok ulit.

Nangangaligid ang mga luha kong hinarap siyang muli. Nakita ko ang pagdaplis ng sakit sa kaniyang mga mata ng kinuha ko ang kamay ko. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa awa… Awang hindi ko kayang maibalik ang nararamdaman niya.

No… this can’t be… I don’t want to hurt his feelings. I don’t want to lose this friendship. I don’t want to lose him just because of his feelings for me.

“Nang wala na kayo ay nagkaroon ako ng tyansa sa’yo ngunit ni-respeto ko ang decision mo na ayaw mo pang pumasok sa relasyon. I know this is not the right time, obviously, yet I am scared. Scared that I might l-lose this chance,” basag ang kaniyang boses na pagkakasabi nito.”

“Ry… Kailan pa?” Pagod ko siyang tiningnan.

Ayaw kong makasakit ng damdamin. Ayaw kong pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan kasi kahit mismo sa sarili ko gulong-gulo ako sa nararamdaman ko. Ayaw ko siyang saktan ngunit mas mainam na gawin ko ito para sa ikakabuti ng lahat.

I don’t want him to be stuck with me. His feelings will eventually fade in time. Kasi pareho lang kaming masasaktan. Masasaktan at masasaktan ko lang siya.

“High school pa. I like you since high school—no, it wasn’t like. My feelings grew deeper. I love you since high school, Henzy,” sagot nito.

Napasinghap ako at mas lalong bumuhos ang luha ko. Oh my gosh… ganoon ka tagal? Ganoon katagal niyang tinago ang nararamdam niya sa akin. Paano?

“P-paano?”

“I just woke up realizing that I am in love with you.”

“Ry… hindi ko alam. I’m sorry.” Yumuko ako hindi ko siya kayang tingnan. Paano niya natago ‘yon? Paano niya na kayanan itago ang nararamdaman niya sa akin ng ilang taon?

He’s been liking me for ages, and I didn’t even notice it!

“No. It’s not your fault. It’s my fault that I am in love with you secretly. That I am admiring you secretly.” Hinawakan niya ulit ang kamay ko at pinatong ito sa kaniyang didbib na sobrang lakas ang tibok.

Hindi ko maiangat ang tingin ko kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kaniya. Nasasaktan akong masasaktan ko siya sa gagawin ko. Na ang ilang taon niyang pagtatago sa kaniyang nararamdaman sa akin ay mauuwi sa wala.

“Feel it? My heart has constantly been beating just for you. Ikaw lang, Henzy. Ikaw lang ang nakakapagtibok ng ganiyan sa puso ko,” he uttered softly at mas lalong diniin ang kamay ko sa kaniyang puso na malakas ang dibdib.

“Please… please allow me… Allow me to express this feeling I have for you. I love you, Henzy… so damn much.”

Hinawakan niya ang baba ko at pinaangat nang tingin. Ang mga luha ko ay tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Kumurba ng maliit ang kaniyang labi. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

“Earlier, you cried because of him. Now, you cried because of me, and I am here wiping your tears away.”

Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin ito sa pagpunas ng luha ko. I cried because of him because I was hurt. Now, I cried because of you because I am hurt too.

I am hurt because I am going to hurt you with my decisions.

“Ry… I don’t want to lose you. I don’t want to lose our friendship,” basag na basag ang boses ko habang sinasabi ko ‘yon. Kinukuyom ang puso ko dahil sa gagawin kong ito.

I hope he will understand. I hope he will not be mad at me.

“We won’t lose it, Henzy. Just date me… date me, and please consider my feelings for you.” Dinig na dinig ko ang pagsusumano sa boses niya. He’s begging… and I can’t consider it.

Damn… bakit umabot sa ganito ang gabi ko? Bakit nauwi sa lahat ng ganito?

“Ry… I’m sorry.”

“Let’s try, Henzy… I will try my best to work this relationship. Don’t reject me, yet… I will help you to forget him. Just try, Henzy please,” he begged.

“No, Ry. I won’t use you just to forget him. I am not like that, Ry. I don’t want to hurt you more. Please don’t torture yourself. You can find someone better. Better than me.”

“No, Henzy. Please, let’s try to workout this out…” he begged.

Patuloy ko siyang inilingan. Hindi ko kayang gawin ang gusto niyang mangyari. Hindi ko gustong makasakit pa lalo sa kaniya. Kung susundin ko ang gusto niya ay mas lalo lang siyang masasaktan. Magkakasakitan lang kaming dalawa.

“I’m sorry. Hindi ko kayang gawin ang gusto mo. I’m sorry I can’t reciprocate my feelings for you,” I told him before I stormed out in his car crying.

I’m sorry I can’t do it because I am so confused with myself. Gulong-gulo pa ako mas lala lang kung gagatungan ko pa ang gulong ito sa sarili ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko at mensahe galing kay Renaissa.

“Henzy, how are you? Are you home?”

Ako:

Yup. I’m fine. Thank you 

Renaissa:

Kyzyr and Xypheir are drinking. Ayaw paawat ni Ky. He’s crying real damn hard.

I closed my eyes as another tear fell on my eyes. Gulong-gulo na ako sa sarili ko.

Dahil sa pagod ko sa pag-iyak ng gabing iyon ay nakatulugan ko ito. Gumising ako kinabukasan na mugto at mahapdi ang mata. Nagulat pa ako ng maabutan ko si papa sa hapag sinisimsim ang kape niya.

“You look tired,” puna agad niya ng nakaupo na ako sa harap niya.

Pilit ko siyang nginitian. Ayaw ko na mag-alala siya sa akin. It’s my own problem, and I want to solve it on my own. I don’t want to be a burden to them anymore. They’ve been taking care of me for so many years already. It’s enough for me.

“I’m fine papa. Napuyat lang ako kagabi kaka-aral sa isang procedure,” I lied.

Good thing he didn’t ask any further questions. Tahimik lang ako pinagmamasdan ni papa habang kumakain sinusuri ang bawat galaw ko.

“How’s working with Doc. Sandoval?”

“We’re both civil, pa,” tipid kong sagot.

“Ayaw kong manghimasok sa relasyon niyong dalawa, anak. Gusto kong kayong dalawa ang magkalinawan.”

“We’re okay. Being civil with him is fine with me pa. I don’t ask for more.”

“I know what he did to you, and I know you can’t forgive him. Kahit saang anggulo tingnan. Maling-mali ang ginawa niya. But believe me, anak. He regrets it. He suffered too.”

Ano bang pinakain ni Reeve sa kanila ang ganito na lang ang reaksyon nila sa lahat? Si papa ang mga kaibigan ko. Bakit hindi nila magawang kahumian siya sa ginawa nito sa akin? Ano bang ginawa niya at nakuha niya ang loob ng lahat?

But then again, it’s not my right to ask them to hate him. Labas sila sa lahat ng ito. Sila na ang bahala mag husga kung alin ang tama at mali.

Hindi ko na sinagot si papa at tahimik na kumain na lang. Sabay din kaming pumasok sa hospital dahil ang sasakyan ko ay nasa bar pa.

Nagpatuloy ako sa trabaho ko sa araw na ‘yon. Naging busy ang hospital lalo na sa ER at kinakailangan kami roon.

“Order a CT scan and X-ray to this patient. He hit his head so bad and fractured his abdomen.” Agad itong sinunod ng intern.

Kinausap ko ang pasyente at tinanong pa ang detalye ng pagkakahulog niya sa puno. There might be internal bleeding in his head or in his abdomen.

Sa araw na ‘yon ay hindi ko nakita ang anino ni Ry at ni Reeve. I don’t know if it’s a good thing or a bad thing. Kailangan sila ngayon dito at ngayon pa sila nawala.

Nagpatuloy ako sa araw na ‘yon ng biglang sinabi ng isang nurse na may naghahanap daw sa akin at sa canteen daw kami magkita. Tinapos ko muna ang trabaho ko bago ako pumunta sa canteen.

Hindi marami ang tao sa canteen pero hindi ko nahanap ang taong gusto akong makita. Nanatili pa ako ng ilang minuto pero hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag ng attensyon ko kaya napagpasiyahan ko na lang na bumalik.

Baka naiinip kakahintay sa akin dahil sa mga tinatapos kong trabaho kaya umuwi na lang.

Nang palabas na ako ng canteen ay may biglang tumawag ng pangalan ko.

“Henzy, anak.”

That voice… that voice I didn’t hear for how many years. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay tandang-tanda ko pa rin ang boses niya. Kahit na nabuhay akong may galit sa kaniya alam na alam ko pa rin ang boses na ‘to.

Ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa ng aking lab gown at hinarap ang pinanggalingan ng boses na ‘yon. My eyes widen as my feet got stuck on the floor unable to move when I saw the man who calls my name.

Kasama ang kapatid ko na bored akong tiningnan ay ang taong matagal ko ng hindi nakita ang bumungad sa akin.

He’s in his wheelchair wearing our hospital patient’s dress is my biological father looking at me, smiling.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.