CHAPTER 50

Chapter 50

End up with me

“Bearing my family name must have been painful for you,” nanghihina niyang sabi habang tutok na tutok sa name plate ng suot kong lab gown.

Dr. Henzy Neve G. Vasquez M.D

I am bearing the family name of my step-father instead of his family name. I have no regrets about changing my family name. Papa owns me as his child. He gave me the love my biological can’t give me. He embraces us with open arms, which my biological father failed to provide us with.

Lahat ng nangyari noon ay walang totoo. Lahat ay pagpapanggap. He pretends to love mom in front of my eyes. He pretends that we are happy even deep inside we aren’t, which leads him to do immoral things that cause havoc in my one so-called happy family

Kaya oo, ang dalhin ang pangalan niya ay masakit para sa akin. Every time I hear it, the pain he left us would cloud in my mind. Hindi niya ako masisisi kung bakit pinalitan ko ang apelyido ko.

I don’t know how it happens. I just told mom I want to change my surname. They maybe pull some strings to make it happen.

Tahimik ko lang sinisimsim ang kape na inorder ni Joana at naghihintay ng mga sasabihin niya.

“Tsk. She’s mad at us, dad. How can you forget that?” mataray na wika ni Joana sa akin. Nag-angat ako nang tingin sa kaniya at tinaasaan siya ng kilay.

Ano sa tingin mo ang gagawin ko kapag nakikita kong nasisira ang pamilyang akala ko ay perpekto? Kahit na bata pa ako noon ay alam at tandang-tanda ang pangyayari. Hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan.

“She has the right to be mad at me. I have never been a good dad for her.”

It’s been how many years already. I already lost count the last time I had an interaction with him. Before he left us, I can still remember clearly has his palm landed on my face. Kaya ang makita siya ngayon sa harap ko ay nakakagulat.

Halata na ang katandaan sa kaniyang mukha. Naging kulobot na ang ibang parte ng kaniyang katawan at maputi na ang kaniyang buhok. Nangangayat na rin siya marahil sa sakit na kaniyang iniinda.

He’s here sitting in front of me. After so many years of living with hatred for him, he’s finally now here in front of me—old, sitting in a wheelchair.

Dapat ay galit ako sa kaniya ngayon. Dapat ay sinusumbatan ko siya sa ginawa niya sa amin noon ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit sa kaniya. Hindi ko magawang sigawan siya sa lahat-lahat ng sakit na dinanas ng aking ina nang nasa puder pa niya kami.

Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon para sa kaniya ay awa. Naaawa ako na ginawa niya sa amin ‘yon. Naaawa ako sa kaniya kasi ang bigat-bigat siguro ng konsensya na pinapasan niya.

“Lorry was right. You turn into a fine lady. I have no regrets that I agreed to change your family name when he asks permission from me. Cause you deserve to have a family name that you will not be ashamed of. ”

“Am I that easy to give, ha? Hindi mo man lang ipanaglaban?” Hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.

Kaya pala ganoon kadali naiba ang apelyido ko kasi kinausap pala siya ni Papa. He basically adopted me pero hindi niya man lang ako ipinaglaban bilang anak niya. Hinayaan niya lang ako mapunta sa iba.

Ganoon lang kadali akong itapon para sa kaniya.

“I know it’s my fault. Selfishness consumed my heart, and I told them to do whatever they wanted with you. I’m sorry.” Namumula ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

It’s done. I am happy now. I am satisfied with the family I have I will not ask for more. Wala na siyang magagawa pa kung papabuguhin niya ulit sa akin ang apelyido kung una sa lahat pumayag siya na ipamigay ako.

“I will not ask for more. I will not ask for you to change your family name because I know I am not in a position to do that. I am here sitting in front of you to ask for forgiveness from you. I am sorry for all the trouble and pain I give to you. I am sorry for I couldn’t give you the love you deserved to have… I am sorry if I failed as your father, Henzy.”

Tahimik lang na nakikinig si Joana sa amin. Hindi na siya nag-abala na makisawsaw pa sa usapan namin at nilugar ang pagka-maldita niya.

“Did you ever regret what did you do us?” walang emosyon kong tanong.

I couldn’t feel a thing. Even when he’s my biological father, I couldn’t feel the connection between us anymore. Akala ko kapag nakita ko na ulit siya ay maging iiba ang pakikitungo ko kaso hindi.

Gusto ko lang marinig sa kaniya na pinagsisihan niya ang ginawa niya sa amin. Na pinagsisihan niyang sirain ang pamilyang binuo nila ni mama. Iyon lang… wala ng iba.

“No… I know it’s not right, but no, Henzy. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko noon. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay hindi ko nagawang ipaglaban ang taong mahal ko kaya nauwi sa lahat ang ganito. Nasaktan kita. Nasaktan ko ang mama mo. Iyon lang ang pagkakamali na nagawa ko.”

“I give up my love for the woman I really love, which leads to all of this. Iyon lang ang anak. Iyon lang ang tanging pinagsisihan ko.”

“Then why did you give her up when you really love her? Why did you choose to follow what others wanted for you than to follow what your heart truly desires?” I asked, creasing my forehead.

I don’t get it. Kung mahal niya edi sana ipinaglaban niya. Kung totoong mahal niya ang ina ni Joana edi sana hindi niya ito sinaktan at iniwan sa ere. Then, I remember what my mom told me.

Natawa ako ng mapakla ng maaala pala lahat ng iyon. They had me accidentally. It’s because of me. Because he has responsibilities with my mother kaya niya nagawang iwan ang tunay niyang mahal.

“Oh right, because you accidentally have me. Kaya mo pala nagawang sukuan ang tunay mong mahal dahil dumating ako. Dahil may responsibilidad ka.”

While I am stating those words, I looked at Joana. Nakayuko lang siya habang sinasabi ko lahat ng ‘yon sa aming ama. I suddenly feel guilty for her. Kung wala sana ako ngayon hindi niya sana mararanasan ang lahat ng ito. Kung hindi ako pinanganak masaya sana siya ngayon.

Kahit na pareho lang naman kaming biktima ng mga maling desisyon ng aming mga magulang.

“I’m sorry. Alam ko ang pagkakamali ko. Matanda na ako at hinihintay na lang ang hatol ni kamatayan sa akin. Gusto ko lang humingi ng tawad sa’yo sa lahat ng pagkakamali ko. Kahit na bago ako mamatay ay sana mapatawad mo ako,” umiiyak niyang wika at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

“My mother forgives you even you didn’t ask for her forgiveness before she died. Hearing how sorry you are for what happens before is enough for me. Live your life well. You’re in good hands, don’t worry.” Iyon ang huli kong sinabi ko sa kaniya bago ako umalis at nagpatuloy sa trabaho.

Mom was right. Time heal all wounds. Maraming taon na ang nakalipas. Kung patuloy akong magagalit sa kaniya ay wala rin akong mapapala. Hindi na maibabalik pa ang dating nasira na at ang kailangan na lang gawin ay tanggapin ito at magpatangay sa agos ng buhay.

Wala na rin naman saysay ang galit ko sa kaniya. Mali ang ginawa niya sa amin at may karapatan akong magalit Pero kung patuloy lang ako mabubuhay ng may galit sa kaniya ay hinding-hindi ko makakamit ang kalayaan sa kalooban ko.

Before my mother passed away, she already forgives him for what he has done without even having a proper closure for them two. Sino ba naman ako para magalit pa sa kaniya? Baliktarin man ang mundo siya pa rin ang tunay kong ama.

I didn’t tell him directly that I forgive him, but I hope he will get the message in there. I hope he will live well.

“How are you feeling?” tanong ko sa isang pasyente ng nakangita pagkapasok sa kanilang kwarto.

He was admitted because of a high fever at ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin ito humuhupa.

“Maayos naman doc. Salamat sa inyo,” masiglang sabi niya.

I checked his chart, and the last record in his temperature ay ganoon pa rin. 39 degree Celsius. Lumapit ako sa kaniya at pinatong ang stethoscope ang kaniyang dibdib. Pagkatapo sa dibdib ay sa likod na naman.

His heartbeat isn’t normal. I can hear murmurs. I rechecked his temperature, and it was still the same. Napadako ang tingin sa kaniyang kamay at may mga maliit na mga bilog dito at kulay pink. Napansin ko rin na nakasuot siya ng medyas. I need to check on his toes to somehow confirm my diagnosis.

“Pwede po bang matanggal ang medyas niyo?”

Pumayag ang pasyente at agad itong tinanggal ng kamag-anak niya. Nang tanggalin na niya ito ay mariin kong tiningan ang kaniyang mga daliri sa paa.

Nagiging purple- violet ang iilan sa kaniyang mga daliri sa paa. It’s Osler nodes. It’s a sign of Infective Endocarditis.

“Hindi niyo ba napansin ang mga kulay na ito sa inyong paa?” tanong ko.

Inilingan ako ng pasyente. Napapansin ho pero hinayaan ko na lang kasi baka pasa-pasa lang ito.

“Bakit doc? May kinalaman ba ito sa lagnat ko ngayon?”

Nginitian ko siya at inilingan at sinabing, “Possible po ngunit kailangan namin ng iba pang mga test para ma confirm ang diagnosis sa inyo. Don’t worry for it now and take a good rest. Babalitaan ko kayo agad sa resulta ng mga test.”

Pagkalabas ko roon ay sinabi ko agad sa nurse ang kailangan niyang gawin. “Draw blood from this patient and have it a blood culture test. Order also an ECG. Call me when you have the result.”

Based on his medical history, he had a history of invasive procedures, and it was recent. Base rin ginawa kong check-up kanina ay hindi rin normal ang pag tibok ng puso niya as I can hear murmurs. Ang kaniyang lagnat ay hindi rin bumababa. He also has Osler nodes as it shows in his toes and Janeway lesions in his palms.

I suspect he has Endocarditis. To support my diagnosis, I need to run some tests.

Pagkatapos ko sa ibang pasyente ay nagtungo ako sa quarters namin at nagpahinga saglit. I check my phone and saw my schedule next day. Sa susunod na araw na pala iyong operasyon na si Dr. Caserial ang surgeon and his fellow, Reeve sa pasyenteng kailangan ng CABG procedure.

Oo nga pala. Kailangan ko itong pag-aralan para sa magaganap na operasyon.

Sinisimsim ko ang kape ko at busy sa pag ha-highlight sa libro ng may biglang pumasok. Akala ko isa sa mga kasamahan ko ngunit noong nagsalita siya ay napaangat ako nang tingin.

“Neve. Let’s talk,” ani nito sa malumanay na boses.

Natigilan ako sa ginagawa ko at hindi makaangat nang tingin. Anong ginagawa niya dito? Wala ba siyang trabaho at nandito siya ngayon. Ilang araw na ang nakalipas simula nang gabing iyon ay madalang ko lang siyang nakikita dito sa hospital dahil palagi niyang si Dr. Caserial sa mga operasyon at ako naman ay nasa ER palagi.

Ngayon na nandito na naman siya ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tandang-tanda ko pa ang lahat na nangyari sa gabing iyon.

“What are you doing here? Why are you here? Umalis ka na at maabutan ka pa ng ibang mga residente dito,” pangtataboy ko sa kaniya nang hindi tinitignan.

Wala pa akong gana makipag-usap sa kaniya lalo na noong nangyari ng nalasing siya. Bukod sa wala akong gana ay hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.

Gulong-gulo pa rin ako hanggang ngayon.

“We need to talk.” Umupo siya kaharap ko at inagaw sa akin ang libro.

Mariin ko siyang tinitigan hindi nagustuhan ang ginawa niya. “Wala tayong dapat pag-usapan. Now leave.” At kinuha ulit ang libro.

“I remember what happened that night, Neve. I remember it clearly.” I can feel how intense the way he looks at me. Kung aangat ako nang tingin ay baka tuluyang wala na akong masabi sa kaniya dahil sa paraan ng paninitig niya.

Mahirap aminin pero kinakabahan ako ngayong kaming dalawa lang ang nandito. At hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kinakabahan ba ako dahil takot akong maabutan ng ibang mga kasama ko at ma-issue kami dito sa hospital o kinakabahan ako dahil mismo sa presenya niya.

“Edi naalala mo. Anong pakialam ko kung naalala mo ‘yon o hindi?” Hindi pa rin ako nag-angat nang tingin sa kaniya.

Hindi ko na rin alam kung tama ba itong mga minamarkahan ko. Panay highlight na lang ako sa mga madadaanan ng mata ko ng hindi na binabasa.

I hate it. I hate the way I react to him. I hate that he’s making me nervous. Dapat ay hindi ganito! Dapat ay galit ako sa kaniya ginawa niya sa akin! Dapat ay pinapalayas ko na siya ngayon!

“I mean every word to you that night, Neve. Even when I’m drunk as fuck, I remember it clearly.”

“I told you. Wala akong pake kung naalala mo ‘yon o hindi. Umalis ka na bago ka pa maabutan ng ibang doctor dito,” may diin kung wika.

“No. I won’t leave unless we talk properly. Wala akong pakialam kung maabutan tayo dito o hindi,” pagmamatigas niya.

Napaangat na ako nang tingin sa kaniya at galit na galit ko siyang tinignan.

“Alam mo ba na laman tayo ng tsismis dahil sa mga pinanggagawa mong pagpapadala ng pagkain sa akin ha? Tapos ngayon dadagdagan mo naman? Wala ka na ba talagang hiya sa sarili, Kyzyr Reeve?”

“I don’t mind what they think about us. Isipin nila kung ano man ang gusto nilang isipin. Ang gusto ko lang ay ang attensyon mo.”

I rolled my eyes in annoyance. Hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya ako na pepeste ano? Tangina. I am trying real hard to be professional with him pero siya ngayong itong kulit nang kulit sa akin!

“What happens to your ‘be professional in work’ thingy, ha? We are on duty, Doc. Sandoval, so stop acting like a brat. You’re disturbing my work,” I frustratingly vent out.

Ngunit hindi siya umimik at bahagyang nakangiti pa sa akin habang tinitingnan akong halos umusok na ang ilong ko dahil sa kaniya. At mas lalo pa akong nainis ng tuluyan na nga siyang ngumisi.

“You’re cute when you’re mad, you know that?” mapaglaro niyang untag.

Padabog kong sinirado ang libro at marahas na tumayo. Fine! Kung ayaw niyang umalis edi ako ang aalis. Sinasagad niya ang pasensya ko!

“Where are you going?” takang tanong niya ng mapansin na unti-unti kong nililigpit ang gamit ko.

“Kung ayaw mo akong tantanan pwes ako ang aalis!”

At umalis na doon at padabog kong sinirado ang pinto. Maghanap siya ng kakausap sa kaniya.

“Doc. Vasquez. Nandiyan na po ang result ng mga test na pinagawa niyo po kanina sa akin.” Bungad agad ng nurse sa akin pagkalabas ko ng silid.

Napatalon ako sa gulat at biglang napahawak sa didbib ng biglaan siyang sumulpot sa harap ko. Kita ko rin ang gulat sa mata niya dahil sa reaksyon ko.

“You startled me!”

“Pasensya na po, Doc.”

Kinuha ko naman agad ang resulta ng test sa isang pasyente na pinaghinalaan kong may Endocarditis. Umalis na rin ako roon at baka biglang lumabas si Reeve at ma issue-han na naman kami ng kung ano-ano dito.

Nang nakita ko na result ay tama nga ang hinala ko. The patient has Infective Endocarditis at mabuti na lang hindi ito gaano ka lala kagaya ng iba na kinakailangan ng surgery.

Nagtungo agad ako sa room ng pasyente at ni-report sa kanila ang resulta ng mga test. Pagkapasok ko ay naabutan kong pinapakain siya ng kaniyang asawa kung hindi ako nagkakamali. Anak niya ang kasama niya rito kanina at ngayon ay ka edaran niyang babae.

Natigil sa pagpapakain ang babae at hinarap ako.

“Nandito po ako para sabihin sa inyo ang resulta ng test niyo.”

“Malala ba ito, Doc?” nag-aalalang tanong ng matandang babae.

“Base po sa mga sintomas na pinapakita nito ay sa confirmation ng mga test ay mayroon po siyang Infective Endocarditis,” panimula ko.

Kunot noo naman akong tinignan ng mag-asawa.

“Ano po iyon, Doc?” tanong ng pasyente.

“Ito po ay isang infection sa inyong endocardium. Ang pinaka innermost layer of tissue na naka linya sa chamber ng puso po natin. Usually sa mga ganitong sakit ay may dalang bacteria o fungi. Mayroon po kayong mga sintomas nito ng chineck ko kayo kanina. Lalo na po sa inyong kamay at sa daliri ng inyong paa,” pagpapaliwanag ko.

“Kakailanganin ba nito ng surgery, Doc?” may bahid pa ring pag-aalala na tanong ng kaniyang asawa.

Umiling ako at nakita ang kaginhawaan sa kanilang mga mata. “Thankfully, hindi ganoon ito kalala at naagapan agad. IV antibiotics lang po ang kailangan at pwede rin pong home IV therapy,” sagot ko.

“Salamat naman at hindi natin ka-kailanganin ng operasyon. Maraming salamat po, Doc.”

“It’s my job po,” magalang kong sagot habang tinatanaw silang nagyayakapan sa binalita ko.

Hinintay ko lang na matapos sila para makapag-paalam na ako na lumabas. Pero hindi ko pa man naibubuka ang bunganga ako ay may tanong sila sa akin.

“May asawa ka na ba, Doc?” tanong ng pasyente.

Bahagya akong natawa sa inosente nitong tanong sa akin. “Wala po akong asawa, Sir,” natatawa kong sagot.

“Sa ganda mong ‘yan ay walang nagkakagusto sa’yo?”

“Hindi pa po ako handa na pumasok sa ganyang level ng relasyon. It’s a lifetime commitment,” sagot ko naman sa kanila.

“Bakit naman?”

“Takot pa po akong pumasok sa relasyon. Baka kasi masaktan na naman ako,” kagat labi kong untag.

“Nakikita ko ang sarili ko sa’yo, hija,” sabi ng matandang babae.

“Po? Bakit naman po?”

“Ganiyan din ako nang kabataan ko. Takot din akong magmahal at pumasok sa relasyon dahil minsan na akong niloko nito,” sabay turo niya sa kaniyang asawa.

“Noong kabataan pa namin ay niloko niya ko. He cheated on me. Nasa isang long distance relationship kami noon. Ako ay nasa abroad para mag trabaho at siya naman ay naiwan dito sa pinas. Noong una okay pa ang takbo ng relasyon namin hanggang sa nakalipas ang ilang buwan ay naging iba na ang takbo nito,” pagkekwento niya.

Nakatayo lamang akong nakikinig sa kinukwento niya sa amin. Napabaling ako sa matandang lalaki na grabe kung makakatitig sa kaniyang asawa na para siya lang ang isang babaeng nandito sa loob ng silid.

I can see the love in his eyes the way he looked at her. Na kahit matanda na sila ay hinding-hindi pa rin siyang magsasawang titigan ang kaniyang asawa.

“Nagiging malamig na siya sa akin. Hindi na niya ni-rereplayan ang mga text ko sa kaniya. To make the story short nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. At isang araw ay nalaman ko na lang pala na niloko niya pala ako,” kwento niya sa akin pero hindi ko ito nakitaan ng sakit sapagkat ay may halong ngiti niya itong ikinwento sa akin.

“Nagloko po kayo sa inyong asawa?” hindi makapaniwala kong tanong.

“Nakakahiya mang sabihin pero oo. Minsan ko na siyang niloko,” sagot niya sa akin.

“Paano niyo po siya tinanggap ulit kung ganoon?” tanong ko sa matandang babae.

“Sinundan niya ako sa abroad at humingi ng tawad at pinagsisihan ang lahat nangyari. Inamin niya ang pagkakamali niya sa akin. Inamin niyang kasalanan niya at sinabing walang kapatawaran ang kaniyang ginawa. Pero siyempre para sa pusong wasak hindi ganoon kadali magpatawad lalo na at sinira niya ang tiwala ko sa kaniya.”

“Nakikita ko ang sarili ko sa’yo kasi pagkatapos niyang gawin sa akin ‘yon at takot na akong sumubok muli. Takot na baka pagbigyan ko ay mauulit na naman,” pagpapatuloy niya.

“Isa iyon sa mga pinagsisihan kong gawin. Ang lokohin siya. Kaya naiitindihan ko kung bakit ayaw niya akong pumasok ulit sa buhay niya kasi wala naman talagang kapatawaran ang ginawa ko,” singit naman ng matandang lalaki.

“Paano kami nagkabalikan ulit? Pinakita ko sa kaniya na nagsisisi ako. Ako ang nagkamali kaya ako ang maghahabol. Hinabol ko siya hanggang sa maibalik ko siya sa akin,” dagdag nito.

“Hindi pa rin naging ganoon kadali ‘yon. Maraming mga katanungan ang nasa isip. Pagdududa at pagdadalawang isip ang palaging nasa isip, pero isang araw napagdesisyonan kong bigyan siya ng pangalawang pagkakataon at doon ipinakita niya sa akin na nagsisisi na siya sa kaniyang ginawa,” sabi ng matandang babae.

“Ganoon kadali po? Pero kung totoo mo siyang mahal hindi mo siya lolokohin di’ba?” Hindi ko napigilang itanong sa kaniya.

“Nawala ako ng landas. Nagpadala sa tukso kaya ko na gawa iyon. At noong nawala ng tuluyan sa akin ang asawa ko ay doon na ako natauhan. Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala sa akin.”

“Bakit niyo po siya binigyan ng pangalawang pagkakataon kung ganoon?”

“Kapag nagmamahal ka puso mo ang pinapakinggan mo at hindi ang puso ng iba. Maraming nagsasabi sa akin noon na bakit ko pa siya binalikan kahit na niloko na niya ako? Kasi aminin ko man o hindi siya pa rin ang tinitibok ng puso ko,” nakangiti niyang tugon sa akin halata ang kasiyahan sa mga mata. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at hinalikan ito.

“Binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon para mapatunayan niya ang kaniyang sarili kahit hindi naging madali sa akin. Kahit na may pagdududa pa rin. Ngunit hindi naman ako nabigo dahil pinatunayan niyang nagbago na siya at pinagsisihan niya ito,” ani nito sabay tingin sa akin.

“Ang pangalawang pagkakataon ay binibigay kung karapat-dapat siyang pagbigyan ulit,” she added.

I can’t help but feel happy about their relationship. Na kahit ganoon ang nangyari sa kanilang dalawa ay sila pa rin ang nagkatuluyan hanggang ngayon. Na kahit niloko na siya ay nagawa niya pa rin itong patawarin at binigyan niya pa ng pangalawang pagkakataon.

She’s right. A second chance is for those people who deserve to have it. Hindi ko rin mapigilang itanong ang sarili ko nito. Kaya ko bang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa taong grabe ang sakit na idinulot sa akin. Sa taong winasak ng wagas ang puso ko?

Kasi kahit anong gawin ay hindi mawawala ang takot sa puso ko. Hindi mawawala ang mga pagdududa na baka kapag bibigay na naman ako ulit ay mapunta lang ito sa wala at ulitin ang kaniyang pagkakamali.

Sana kagaya ako ni nanay na kayang magbigay ng pangalawang pagkakataon. Na kayang panindigan ang desisyon na pinili.

But the truth will always slap me. I am not like them, and I will never be. I am not strong like them to give another chance. Takot ang siyang nanaig sa puso ko at hindi pagmamahal kagaya ng sa kaniya.

Pagkalabas ko ng kwarto nila ay nakabunggo ko si Reeve na busy sa paglipat sa isang page sa chart ng pasyente. Hindi ko na sana siya papansinin at lalagpasan na lang ng bigla niyang hinigit ang kamay ko at pinaharap sa kaniya.

“What is it again, this time?” I hissed.

He checked his wristwatch and stated, “Off duty muna pagpatak ng alas nuwebe. I know you don’t have a car so wait for me I will drive you home,” seryosong ani niya.

Iwinakli ko ang kamay ko at nirolyohan siya ng mata. Anong akala niya sa akin? Hindi alam kung anong oras ang off duty ko? At anong sabi niya? Ihahatid niya ako? Tsk. In his dreams.

“In your dreams. I won’t allow myself to be in the same place with you. My father is here at sasabay ako sa kaniya pag-uwi,” angal ko.

Ngumisi siya ng nakakaloko, “Really? Your father told me to drive you home because he can’t go home early. May pupuntahan sila. Sa akin ka niya ibinilin kaya sa akin ka sasabay,” nakataas ang kilay niyang wika.

Pinagmasdan ko ang mga taong nakatingin sa amin at ang iba ay nagtataka kung bakit parang nagbabangayan kami ni Reeve at ang iba ay may binulong na baka nagkaroon kami ng LQ.

Damn this chismis. I want to avoid it, but this crazy guy over here won’t stop bugging me!

“Bahala ka sa buhay mo. Hindi ako sasama sa’yo! I’d rather commute than to be with you!” sigaw ko na siyang mas lalong umagaw ng pansin ng mga tao sa paligid sa amin.

Hinarang ko ang chart ng pasyente sa mukha ko at napagpasiyahang umalis ng bigla siyang sumigaw ng napakalas na panigurado akong magiging laman ng chismis dito sa loob ng hospital.

“You have no choice but to with me. It’s either you will go with me without forcing you or I’ll drag you to be with me!”

Pinamulahaan ako ng mukha sa ginawa niyang pagsigaw. Pinikit ko ang mata ko at hiniling na sana kainin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

“Nevermind my choices. I’ll make sure that you will end up with me.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.