Chapter 51
The truth
Hindi natapos ang trabaho ko ng alas nuwebe dahil sa pag code white ng emergency room. Ang ibig sabihin noon ay kailangan kaming lahat sa emergency room simula sa pinakataas na ranko hanggang sa pinakababa to respond in emergency situation. Tatlong bus ang nagsalpukan kaya marami ang mga pasyente at minsan ay hindi na ma kontrol ang sitwasyon.
“Expired,” ang huli kong narinig kay Dr. Dela Fuente.
Alas syete na ng humupa ang sitwasyon. Lahat kami ay pagod sa mga nangyari. Pinagmasdan ko ang loob ng ER at nakikita ko ang mga kamag-anak ng mga mamatay na umiiyak, sumisigaw hindi matanggap-tanggap ang nangyari sa kanilang pamilya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumingala dahil sa mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Ten years ago, I was one of them when I saw the body of my mother lifeless. Crying real hard, unable to grasp the truth that my mother is dead. The cause of her death was an accident, but later they found out that the car of my mother using loses its brake.
Sabi ni papa, iyon ang sasakyan palagi nilang ginagamit kapag pumapasok sila sa hospital. Noong araw na iyon ay pina condition ni Papa ang sasakyan para kay Mama kasi plano ni Mama na i-surpresa ako. Kaya impossibleng hindi gagana ang brake ng sasakyan.
Later they found out that it was intentional. My father had it investigated, and they already captured the person who did it, but they believe that someone is a mastermind behind it. Ayaw nga lang magsalita ng taong iyon.
That person who is the mastermind of her death was furious with her.
I was mad when I heard the news I wanted to kill the person who did that to my mother. Walang ginawa ang aking ina kun’di ang tumulong sa mga taong nangangailangan. She’s a good person. She’s a good doctor, and she’s the best mother. Nawalan kami ng sariling ina dahil sa galit ng kung sino man ‘yan.
But then, I realized wala akong pinagkaiba sa taong gumawa noon sa aking ina kung gusto ko rin patayin ang gumawa noon. Wala akong pinagkaiba sa isang mamatay tao. Kahit gusto ko pa siyang patayin hinding-hindi pa rin maibabalik ang buhay ng ina ko. That’s why all I did was to move on and move forward for my life.
“Uuwi ka na?” tanong ni Jenny na humihikab ba at halata ang pagod sa mga mata.
“Oo…” pagod kong sagot at umalis na ER at pumunta sa quarters namin.
Napadako ang tingin ko sa wall clock ng hospital at mag a-alas syete trenta na. Magdamag kaming busy sa pag responde ng pasyente at ang iba ay kinakailangan ng emergency operation.
“Hind ko mapigilang hindi malungkot sa mga pamilyang nawalan ng kamag-anak,” ani Jenny.
“Sudden death is much painful,” wala sa sarili kong wika.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko Ry na humihikab din at hinihimas-himas ang likurang bahagi niya. Ilang araw ang nakalipas sa pag-amin niya sa akin ay hindi niya ako pinapansin at iniiwasan ako sa tuwing nakakasalamuha ko siya.
Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang inasta niya. I hurt him. Nakakalungkot lang isipin na dahil doon ay nagkalamat ang pagkakaibigan namin. Ry is a good friend. He’s my friend and I can’t give him more than friendship.
Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay.
“Ry is here. May nangyari ba sa inyo at hindi kayo nagpapansinan nitong nakaarang araw?”
“Wala… busy lang talaga masyado,” tipid kong sagot.
Mabuti naman ay hindi na nagtanong si Jenny ng kung ano pa. Habang papalapit kami sa kaniya ay kabado ako. Hindi ko alam kung ano at paano ko siya kakausapin. Sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay titikom na naman ulit ito dahil palagi niya akong iniiwasan.
“Ry!” masayang tawag ni Jenny.
Napaangat siya nang tingin sa amin at sumilay ang ngiti sa labi niya. Nang napadako ang tingin sa akin ay unti-unting nawala ang ngiti nito.
He’s still mad, I guess.
“Uuwi ka na?” Jenny asked.
“Hindi. Duty ko kagabi hanggang ngayong araw,” sagot niya.
Hindi niya ako titinitigan at kay Jenny lang tutok anga attensyon niya. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na hindi kami nagpapansinan.
Hindi na ako nanatili roon habang sila ay nag-uusap pa. Nilampasan ko sila at dumeretso na sa quarters para ligpitin ang mga gamit ko. Wala akong dalang kotse at walang maghahatid sa akin pauwi kaya mag co-commute na lang ako.
Dahil sa mga ganap ganina sa ER ay saglit kong nakalimutan ang pinansisigaw ni Reeve sa hallway at dahil busy din ang lahat ay baka nakalimutan na rin nila ang mga ganap. Though, I know for sure the next day ay kami na naman ang laman ng chismis.
Humihikab ako at napapikit ako habang naghihintay ng masasakyan. Ngayon ko lang naramdaman ang grabeng pagod sa ginawa namin kanina at gusto ko na lang sumalampak sa kama ko at matulog ng buong araw.
Gusto kong mag tricycle para makatipid kaso ay mas kampante ako mag taxi para kahit papaano ay makatulog ako sa biyahe.
May nakita akong taxi na papalapit sa akin at itataas ko na ang kamay ko para pumara ng may biglang humamblot nito at pinaharap sa kaniya.
My eyes widen when our face is closer to each other. I can hear his heavy breath and the ramping of his heart. His scent filled my nose. It took me a minute to realize how close we are, kaya ay marahas kong tinulak.
“Ano ba!” inis kong sigaw nawala ang antok sa aking katawan.
“I told you, I will be driving you home,” madiin niyang salita.
“I’m tired. I badly want to go home, and how do you expect me to wait for you when you’re there in the operating room for how many hours?!” galit na galit na sigaw ko.
At klaro na rin na sinabi ko sa kaniya kagabi na ayaw kong sumabay sa kaniya pero siya itong mapilit.
“I promise to your father, Neve,” may diin niya pa ring wika.
Pumikit ako at inis na sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pagmulat ko ay mga mata niyang pagod din ang bumungad sa akin dahil sa pamumungay nito. Magulo rin ang buhok nito at bahagyang nililipad ng hangin.
“You promise to my father yesterday, so you’re obligated to do that yesterday. Tapos na ‘yon kaya hindi na valid ang promise mo,” I stated thoughtfully.
“Yesterday, today, tomorrow, or forever. A promise is a promise, Neve. And I told you you’ll end up with me.” Ang kaninang pagod na mga mata ay napalitan ng seryosong paninitig sa akin. He slightly leaned his face on mine as if he would never back down in his own words.
Hindi ko iniwas ang tingin ko bagkus ay nilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya. He didn’t expect my move, so he swallowed hard. I raised my brow at him and traced his face using my index fingers.
Unti-unting namula ang kaniyang mukha sa ginawa ko. Tsk. You’re so easy, Reeve.
A promise is a promise ha? Really Reeve? Sa’yo pa talaga nanggaling ‘yan ha. Sa’yo pa talaga na minsan mo ng hindi tinupad ang mga pangako mo. Manga pangako mong hanggang salita lang. Mga pangakong nilipad sa hangin at hindi na nakabalik.
“A promise is a promise, ha?” I mocked.
“You didn’t fulfill your promise years ago. I’m sure you can also do that now. You can’t use your promise card to me cause I know you can also break it just like what you did to me years ago, right?”
I am still tracing his face, and I can see that he lost his focus on it. Trying to follow my traces. In my peripheral vision, I saw some nurses going out in the entrance. I didn’t mind them, kung ma chi-chismiss lang naman kami mabuti pang sagarin na lang.
“So stop telling me that you have promised to my father. Don’t worry, hindi kita isusumbong na hindi mo ako hinatid, I’m sure he’ll understand after all you’re a doctor, and he also knows that you’re busy,” I whispered. I stopped tracing his face and force a smile, “so, if you’ll excuse. I am tired and want to take a rest. I will take my leave now.
Tinalikuran ko siya roon na parang wala pa rin sa sarili. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na lang na nakaangat na ang mga paa ko sa ere. At ang semento na ang nakikita ko.
“Putangina, Reeve! What are you doing!” Hinampas-hampas ko ang kaniyang likod gamit ang bag ko ngunit hindi man lang ata siya nasaktan sa ginawa ko.
I’ve been shouting and cursing, yet he doesn’t seem to mind it. Prente lang siyang naglakad patungong parking lot hindi inaalintana ang tingin ng mga tao sa amin.
He lifted me up like he’s lifting one sack of rice! What the heck! Kung bubuhatin niya ako ‘yong matinong buhat naman sana hindi ‘yong ganito!
“Putangina! Put me down!” I cursed so loud.
“Damn, baby, you cursed so well. Is that what you learned when you’re away, ha?”
“Tangina! Isa Reeve ibaba mo ako!”
“Yes, I’ll put you down once you’re in my car. So, for now, enjoy the moment of being lifted by Doc. Sandoval. Don’t you know that many nurses and even residents like you, want me?” Nakikita ko ang mukha niyang nakangisi.
“Tangina! Edi sila ang buhatin mo hindi ako! You’re making my life harder and harder each day!”
“I’ll make up with you, Neve. I’ll make up for the lost years without you,” biglang naging seryoso ang tono ng boses niya. ]
Natahimik ako sa sinabi niya. I stopped being stubborn and stay still. Kahit ano pang gawin ko ay hindi niya pa rin ako ibababa. He can’t do that. He can’t make up with me now that I am still mad at him. Now that I am still in trouble with myself.
He can’t make up with me cause, after all these years, I am still lost.
Nang makarating na kami sa parking lot at malapit sa mamahaling kotse niya ay binababa na niya ako at binuksan ang pinto. Pabagsak akong pumasok sa loob ng sasakyan niya at pinikit ang mga mata ko.
He closed the door and went to his seat also. Ilang segundo pa ang nakalipas ay hindi niya pa rin pinaapandar ang sasakyan kaya minulat ko ang mata ko.
Bigla kong hinugot ang hininga ko ng maramdaman ko na naman ang kaniyang mukha sa akin. Kinuha niya ang seatbealt at nilagay ito sa akin.
“W-what are you doing.”
“You always forget to fasten your seatbelt. Ganito ka ba palagi sa ibang bansa? You know how dangerous it is,” malamig niyang wika.
“Ry was always there to fasten my seatbelt,” I said out of nowhere with my eyes directly darted at him.
Natigilan siya ginagawa niya at nagtiim bagang dahil sa salitang lumabas sa bibig ko. Ang kaniyang isang kamay na nasa steering wheel ay unti-unting niyang kinuyom. Naging mabilis din ang paghinga niya.
Bigla niyang nilayo ang sarili sa akin ay kumawala ng malakas na buntong hininga.
Oppss… Did I say something terrible? Indeed, Ry was always there to fasten my seatbelt whenever I forgot about it. I am just telling the truth because he asked.
Is it that bad to answer him honestly?
Without looking at me, he started the engine and drive. Naging tahimik ang biyahe namin dahil hindi niya ako pinapansin. Tsk. Kung ganito lang naman ang inaasta niya ay sana hindi niya na lang ako pinakasakay.
Malayo-malayo pa naman kami sa bahay namin kaya ay napagpasiyahan ko na lang na matulog sa sasakyan niya. Gigisingin naman niya siguro ako kapag nasa bahay na ako.
May GPS naman kaya alam na niya kung saan ang bahay namin. Siya ang nagpumilit sa akin na sumabay sa kaniya kaya siya ang gagawa ng paraan para mahanap ang bahay namin dito. Though, I doubt that he doesn’t know about it. Bukambibig siya ni Papa kapag nasa hapag kami kaya panigurado akong nakapunta na siya doon.
Pero sa pagpikit ko ay hindi naman ako makatulog. Para lang akong lumulutang sa hangin. Nakapikit pero ang diwa ko ay kung saan-saan umaabot. At sa inis ko dahil hindi rin naman ako makatulog ay minulat ko na lang ang tumingin sa bintana. Pinagmamasdan ang mga taong naglalakad at ang iba naman ay nagbubukas ng mga paninda nila.
Then Reeve spoke, asking me an obvious question, “What’s going on between you and that Fuentabella?”
“’Di ba obvious sa’yo?” maldita kong tanong pabalik.
“I am asking because I don’t know,” pilosopo niya ring sagot.
Sinagot ko rin siya ng pabalang ng ‘di pa rin siya tinitignan.
“What do you think the score between us?”
“Tsk. Just answer me directly, Neve,” he stated impatiently. Lumalabas ang ugat sa kaniyang mga braso dahil sa mahigpit niyang hawak sa steering wheel ng nakatingin na ako sa kaniya.
“If I tell you would you stop pestering me?” I stated seriously.
“That depends on your answer. I told you, I will pursue you.”
“Then I won’t answer your question! Bahala ka mag-isip kung ano gustong mong isipin. Tsk.”
“Stay away from him. He’s dangerous,” he said that and took a quick glance at me.
“How can you say that he’s dangerous, ha? I’ve been with him for ten years, and he’s harmless. Nakasama mo na ba siya para sabihin ‘yan sa akin?”
My relationship with Ry is now is a little bit shaky and blurry, but it doesn’t mean I won’t protect him if someone is talking ill to him, especially when I know that it’s falsely accused. I have been with him for ten years, and that guy over here is spitting nonsense.
“Tsk. Believe me, he’s dangerous,” giit niya pa.
“Stop spitting nonsense. You don’t know him. He’s a good friend and I won’t allow you to talk ill about him,” naging seryoso na ang boses ko.
Magsasalita pa sana siya kaso ay pinikit ko na ang mata ko at nagkukunwaring natulog na lang. Ayaw ko ng makarinig ng kung anong salita pa sa kaniya.
Hanggang sa pagdating namin sa tapat ng bahay ay hindi ko pa rin minumulat ang mata ko. I am waiting for him to wake me up or somehow call my attention to open my eyes, but he didn’t do it.
Naramdaman ko na naman ang hininga niya sa akin kaya alam kong nilapit na naman niya ang mukha siya sa akin. Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. I am trying to hold my breathe and not to open my eyes. Takot na malaman niyang nagtutulog-tulugan lang ako.
I suddenly felt his lips pressed on my forehead and said, “I did not able to fulfill my promise to you before, but this time I will if you’ll give me a chance again. If I could only tell you the truth.”
“I truly regret what happened that day. Every day is torture for me. I am stupid for doing that to you, for making you believe that I really did that. That’s why I understand you, being mad at me, and I accept that, because I deserve that.”
Naramdaman kong lumabas siya at umikot papunta sa akin. Malapit na akong mapasinghap ng bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal at walang pag-aalinlangan din siyang pinapasok ng guard namin.
Gusto kong pumiglas pero pinigilan ko. Ayaw kong malaman niyang nagpapapanggap ako at narinig ko lahat ng sinabi niya. Narinig ko si ate Nena na nagulat sa presensya namin ngunit kaulaunan ay humina rin ang boses niya siguro ay nakita niya akong buhat-buhat ni Reeve.
Naramdaman ko na ang kama ko pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Kinuha niya rin ang aking sapatos at inayos ang aking pagkakahiga. Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang dahan-dahan na pagsirado ng pinto.
Nabunutan ako ng tinik ng nakaalis na siya. Tumayo ako at pumunta sa bintana para pagmasdan siyang papalabas ng gate namin. Nang bahagyang natigil siya ay nagtago ako sa gilid.
Hindi ko na siya tinignan pang muli at naagaw ang attensyon ko sa cellphone kong biglang tumunog.
Nang buksan ko ito ay nakita kong galing ito sa isang hindi kilalang number. Pero nang makita ko na kung kanino galing ay nagulat ako.
Unknown:
Are you free this Friday? Or can you spare a moment with me? This is Joana.
I was about to ignore her text when it pops again on my phone.
Unknown:
I have something to talk to you and it’s about you, me and Ky.
I will discuss the truth about that day—the truth behind all of this. And you deserve to know the truth.
Naguguluhan ako sa text niya sa akin. Anong katotohanan? Anong tungkol sa aming tatlo? What is she talking about?
What is the truth that I have to know?