Chapter 26

“WALA naman akong gagawin dito, eh.” Nakalabing wika ni Sophie habang nakaupo sa opisina ni Nicollo. Dahil maayos na naman ang lalaki ay puwedeng-puwede na itong magtrabaho.

Unang araw ngayon ni Nicollo sa pagbabalik sa trabaho. Saktong day-off naman niya kaya noong hapon ay tinawagan siya nito. Pinapunta siya nito sa office nito.

“I need inspiration,”

“Puwede naman tayong magkita mamaya,”

Lumabi si Nicollo. “Ayaw mo yata akong makita, ah.”

Huminga nang malalim si Sophie. “Hindi naman sa ganoon. Pero nakakahiya dito sa office mo. Nang magpunta ako, lahat sila ay gulat na gulat sa pagdating ko.”

“At iyon nga ang purpose mo sa pagpunta mo rito.” Tumayo si Nicollo. Inilagay nito ang kamay sa baywang niya. Pinatayo siya nito. “Ipapakilala kita sa mga empleyado ko…”

“Nicollo, seryoso ka ba?”

“But of course. Girlfriend na kita `di ba? Dapat kilala ka na nila. I thought it would be the perfect time to also introduce you today. Nagpahanda rin ako to celebrate my first day back to work…”

Nakagat na lang ni Sophie ang ibabang labi. Natutuwa naman siya sa gagawin ni Nicollo. It made her feel that he was proud of her. Pero nahihiya siya.

Nang ipakilala nga niya kanina ang sarili bilang kaibigan ni Nicollo ay kakaiba na ang tingin sa kanya ng receptionist. Sophie felt a bit insecure. Pero hindi naman niya masisisi ito. Napaka-simple lang ng ayos niya: isang long sleeves blouse, T-shirt at sneakers. Sa yaman ni Nicollo, palagi sigurong magaganda ang ayos ng mga kaibigan nito. Paano pa kaya kapag girlfriend na? Kilalang tao si Nicollo. Iisipin ng mga tao na mataas ang standards nito. And she felt that she was a low quality one. Kaya minabuti na lang niya na ipakilala muna ang sarili bilang kaibigan. Ayaw niyang magulat ang mga ito. Ayaw rin niyang pangunahan si Nicollo sa mga tauhan nito.

“Sigurado ka ba talaga?” Tanong niya kay Nicollo bago sila pumasok sa kuwarto kung saan gaganapin ang celebration.

“Of course.” Hinalikan ni Nicollo ang ulo niya. “I’m with you. You don’t have to be scared. Lahat ng gusto ko, magugustuhan rin ng mga empleyado ka. Kapag sinuway nila ako, I will fire them.”

Tumawa si Nicollo kaya alam niyang joke lang iyon. Tumawa na lang rin siya. Pinilit niyang magtiwala kay Nicollo. Kumapit na lang siya rito.

Nang pumasok sila sa kuwarto ay hindi na kailangan na tumikhim ni Nicollo para makaagaw ng atensyon. Kahit maraming mga tao ang nasa kuwarto ay tumingin lahat ang mga ito kay Nicollo at pati na rin sa kanya. Puno ng pagtataka ang tingin ng mga ito.

“Ladies and gentleman, we all know that it’s a celebration for welcoming me back to the company. But I also want to take the opportunity to have another announcement. This is another thing to celebrate for…” Tumingin si Nicollo sa kanya. May liwanag sa mga mata nito. “I want you to meet my new girlfriend, Sophie Garcia.”

Natahimik ang lahat. Pinagpawisan si Sophie. Sabi na nga ba, hindi ito magandang ideya. Mapapahiya lang siya!

Pero tinupad ni Nicollo ang pangako nitong hindi siya pababayaan. Tumikhim ito. “Come on, guys. Can’t you be just happy for me? If not for this girl, I wouldn’t be back…”

Doon naman nagpalakpakan ang mga tao.

“Congrats, Sir!” malakas na sigaw ng isa sa mga empleyado. May mga sumipol rin.

“Sorry, Sir. We are just shock.” Lumapit ang isang empleyado kay Nicollo. “Congratulations…”

Binati rin si Sophie ng mga empleyado. “Thank you for bringing our boss back. He’s one of the best. We owe him a lot so we also owe you, too. By the way, you are beautiful…”

Nagulat si Sophie. “Rea---“

Hindi na nakasagot si Sophie nang hapitin ni Nicollo ang baywang niya. It feels so possessive. “She’s mine, Ernest…”

“I know, Sir.” Tumawa ang tinawag na Ernest. “We’re just happy that you’ve already moved on.”

“All right. So back off, Mr. playboy…”

Gumaan na ang pakiramdam ni Sophie. Natawa na lang siya. “Ang seloso mo naman po.”

Pinindot ni Nicollo ang ilong niya. “Bakit po kasi ang ganda mo?”

“Playboy lang talaga ang empleyado mo na `yun…”

“Maybe, but you’re still the most beautiful girl in my eyes.”

“Cheesy,” Naunahan si Sophie na sabihin ang salitang iyon ng isang babae na sa tingin niya ay kaedad lang rin ni Nicollo.

Tumikhim si Nicollo. “Sophie, this is Alessa, my secretary. If you want to be with me, just coordinate with her. She was instructed to free me everytime you need me.”

Kinindatan siya ni Nicollo. Namula si Sophie. Effort ang boyfriend. Kinilig siya. She felt special.

Ngumiti naman si Alessa. Kinamayan siya nito. “I’m glad to meet you, Ma’am. Thank you for bringing our boss back. We are happy that he has moved on.”

Tumingin si Alessa kay Nicollo. “Finally, Sir. She doesn’t look like a bitch like Giselle is. My job will be easy now…”

“She’s the best person in the world, Alessa. And I’m happy that you are happy to meet and welcome her.”

“Of course, Sir…”

Nagsunod-sunod pa rin ang pagbati. Doon napatunayan ni Sophie na wala talaga siyang dapat ikatakot. Mababait at mga genuine ang naging pagbati sa kanya. Nagulat lang siguro ang lahat kaya hindi nakapag-react kaagad ang mga ito.

Nang matapos ang celebration ay dinala ulit siya ni Nicollo sa opisina nito.

“Are you happy?”

Tumango si Sophie. Nawala ang insecurities niya. Kahit naman pala simple at mahirap lang siya, kaya pa rin siyang tanggapin ng mga tao.

Hindi mahalaga ang mayroon siya kay Nicollo. He was still proud of her. Wala siyang dapat ika-insecure. She felt secured on Nicollo’s feelings. Hindi siya pababayaan nito.

Hinalikan ni Nicollo ang tuktok ng ulo niya. “As long as you are with me, you’ll be happy. Pinapangako ko na palagi kitang pasisiyahin.”

Hindi na sumagot si Sophie. Masaya siya na kasama si Nicollo. But she can’t feel that it was complete happiness.

Nakokonsensya pa rin si Sophie. Hindi na ulit siya tinawagan ni Analisse. Nang tawagan niya ito ay hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Nalaman rin niya sa mga kaibigan na hindi rin ito kinakausap ni Analisse.

Hindi magiging lubos na masaya si Sophie kung alam niya na may nasasaktan. Pero kagaya noong una, pinili pa rin niya ang kasiyahan niya.

“PA-KISS naman diyan, Ate Sophie. Baka mas ganahan ako na maglaro,” Tatawa-tawang wika ni Nyke nang lapitan at batiin nila ito. Ngayong araw ay may laro ito ng soccer sa Yankee Stadium. Isang professional soccer player ang kapatid niya. Tuwing may laro ito ay palaging nakasupport ang pamilya niya rito.

Naisip naman ni Nicollo na ito ang perfect time para ipakilala si Sophie bilang official girlfriend niya sa pamilya. Bago ang laro ay nag-lunch date muna sila ng mga magulang niya at si Illeana. Wala si Nyke dahil kailangan nitong mag-practice muna bago ang laro. Sa lunch date ay ipinakilala na niya si Sophie sa pamilya.

Itinaas ni Nicollo ang kamao sa bunsong kapatid mo. “Subukan mo lang at ito ang hahalik sa `yo…”

“So girlfriend mo na talaga siya, ha?”

Inakbayan ni Nicollo ang girlfriend. “Yes. So back off, brother…”

Sa gulat ni Nicollo, hinalikan siya ni Nyke sa pisngi. “Proud of you, Kuya!”

“What was that for?”

“Para mahawa ako ng suwerte,” Tumawa si Nyke. “Congrats,”

“Good luck for your game,” bati ni Sophie.

Kinindatan ni Nyke si Sophie bago umalis. “Thanks!”

Tumingin si Nicollo kay Sophie. Iiling-iling siya. “Ewan ko ba sa kapatid ko na `yun at nanghihingi pa ng suwerte. Hindi na niya kailangan. He’s one of the best. I’m proud of him.”

“Baka gusto na rin niyang magka-love life.”

“Sa dami ng babaeng naghahabol sa kanya, ang kailangan na lang niya ay ang mamili.”

“Hmmm… marami rin naman na naghahabol sa `yo, ah. Bakit ako ang pinili mo?”

“Because you are special.” Hinalikan ni Nicollo ang tuktok ng ulo ni Sophie.

Namula ito. Pero hindi na nagsalita. Bumalik na sila sa kinauupuan sa stadium. Tumabi sila sa mga magulang niya at pati na rin kay Illeana.

Hawak-hawak ni Nicollo ang kamay ni Sophie habang naghihintay na magsimula ang laro. Tumikhim si Illeana.

“Mommy, palit tayo ng puwesto. Kainis naman si Kuya, eh. Ang sweet-sweet. Naiinggit ako.”

Tumawa lang ang Mommy niya. “It’s okay, Anak. Mabuti nga `yun nang maisipan mo na rin na mag-boyfriend.”

Lumabi si Illeana. Tomboy-in ang kapatid niya kaya nag-aalala sila na baka hindi na ito magka-boyfriend.

Nilingon ni Nicollo ang kapatid. “I can’t be forever your date, sis. Mag-boyfriend ka na nga kasi.”

Humalukipkip si Illeana. “Utos ba `yan? So tell me what’s the catch…”

“Hmmm…” Napaisip si Nicollo. Tuso talaga ang kapatid niya. Bata pa lang sila ay palagi na lang itong may hinihinging kapalit kapag may gusto siyang ipaggawa rito. Pero dahil mahal niya ito, hindi naman niya ito mahindian. She’ll always be her little sister. “What about a brand new sportscar? Ano nga `yung matagal mo ng hinihingi sa akin? Aston Martin?”

Nanlaki ang mata ni Illeana. “Yes, yes! Asahan mo after a year!”

Umiling si Nicollo. “Masyadong matagal ang after a year. I want it after a month…”

“What the hell?!”

“A deal is a deal, Illeana.” Nginitian na lang ni Nicollo ang kapatid. Sumimangot ito pero maya-maya ay parang natulala at napaisip.

“You spoiled your sister so much…”

“Because I adore her.” Ngumiti si Nicollo kay Sophie. “Gusto mo rin ba na i-spoil kita? What do you want? An Audi, Porsche, Mercedes, or Lexus? Name it and I’ll deliver it to your apartment tomorrow…”

“Sira!” Himapas ni Sophie ang braso niya. “Hindi naman ako marunong mag-drive. Hindi ko kailangan noon.”

“So ano ngang gusto mo?”

“You. Always you…” Sophie giggled.

Nakagat ni Nicollo ang ibabang labi. Pinigilan niya ang sarili na mamula. Kinilig siya.

Nicollo was about to say something when the people around look at the two of them. Nagtaka siya. Pero nang ituro ni Illeana ang malaking TV sa stadium ay saka lang siya nalinawan.

Natapatan sila ni Sophie ng Kiss Cam!

Namumula si Sophie nang lingunin niya. But then, hindi nag-aksaya ng oras si Nicollo. He kissed her.

Iyon ang unang beses na hinalikan ni Nicollo si Sophie sa labi. Pero sa halip na matuwa, parang nawala pa ang kilig ni Nicollo. Nawala ang magandang pakriamdam sa puso niya. He felt uncomfortable.

Nicollo tried to make the kiss deeper. Ganoong klase ng halik ang madalas na nakakapagpasaya sa kanya.

But why does it feels like a failure?

Napakurap-kurap si Nicollo pagkatapos. Inobserbahan niya si Sophie. Pulang-pula pa rin ito. Inilihis nito ang tingin sa kanya. Mukhang nahiya ito.

Gusto rin naman niyang gayahin ni Nicollo si Sophie. He felt awkward. Pero kung gusto talaga niya si Sophie, hindi ba dapat ay mas kiligin pa siya sa halik nito?

Why does Nicollo felt something was wrong?

“OKAY ka lang ba?” Hindi mapakali na tanong ni Sophie kay Nicollo. Nanibago siya. Buong araw na hindi siya tinawagan nito. Naiintindihan naman niya na busy ito. Natambakan ito ng trabaho dahil sa ilang buwan na pagkawala. Pero hindi ganoon si Nicollo. Kapag free time nito ay palagi siya nitong tinatawagan at tine-text man lang. Dahil hindi naman mabigat ang trabaho niya, madalas na sinasagot niya ito.

“Yes. Pagod lang ako, but I’m fine. How about you? Bakit ka napatawag?”

“Na-miss lang kita.”

“Gusto mo bang puntahan kita ngayon?”

“Hindi na. Gabi na. Mas maganda kung magpahinga ka na. Pagod ka `di ba?”

“All right. Pauwi na ako. I’ll just call or text you when I got home. Magpahinga ka na rin.”

“Hmmm…” Marami pang gustong sabihin si Sophie sa boyfriend. Na-miss talaga niya ito. Masyado na kasi siyang nasanay na palagi silang magkausap o kung hindi man ay pinupuntahan siya nito.

“What?”

Pero pinili na lang ni Sophie na intindihin ang boyfriend. She couldn’t be clingy. Masama iyon sa isang relasyon. Dapat na intindihin rin niya si Nicollo. He was a huge man.

Gusto man niyang makasama at makausap palagi si Nicollo ay hindi puwede. Hindi lang siya ang responsibilidad nito. Hindi lang sa kanya iikot ang buhay nito. Maraming umaasa rito.

“Wala. I just want to inform you na tutulog na rin ako. Take care while driving. Good night. I love you,”

“Thanks. Good night, too.” Pinatay na ni Nicollo ang tawag.

Ganoon pa man, mas mahirap intindihin naging lungkot ni Sophie. Hindi na nga siya binigyan ng atensyon ni Nicollo maghapon, hindi pa nito sinuklian ang “I love you” niya.

Nagtatampo si Sophie.

“Masaya ako kapag magkasama tayo. I want us to be always together, Sophie.” Naalala niyang ganito nga lang pala ang sagot ni Nicollo nang tanungin niya ito kung mahal siya nito. Hindi siya nito sinagot ng tama.

Pero kung ipinapakilala siya nito sa mga tao ay girlfriend nito. He always secure her that he was special for her.

Iba ang espesyal kaysa sa mahal.

Binalot ng malungkot na damdamin si Sophie. Nararamdaman naman niya ang pagbibigay halaga sa kanya ni Nicollo. It was too much that she didn’t just feel special. She also felt love. Pero bakit hindi iyon masabi sa kanya ni Nicollo? Ilang linggo na rin ang relasyon nila. Iisang beses lang rin siya nitong hinalikan sa labi at dahil pa nga iyon sa kiss cam. At pagkatapos noon, pakiramdam niya ay nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Nicollo.

Dumalang ang naging pag-uusap nila. At ngayon ngang araw ay parang nalimutan siya nito.

Sophie felt something was wrong. Ito na nga ba ang karma niya? Alam niyang mali na makipagrelasyon siya kay Nicollo dahil sa kaibigan niya. Pero itinuloy pa rin niya.

Siguro ay totoo nga. Lahat ng mga bagay na mali ay hindi nagtatagumpay.

“BREAK UP with Nicollo.”

Namutla si Sophie nang matanggap ang text message na iyon mula sa unknown number. Pumikit rin siya para pigilan ang luha na unti-unting lumabas sa mata niya. But it was hard to suppress it. Naiyak rin siya.

May hinala na si Sophie kung sino ang nagpadala ng text message. It was Analisse. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag-uusap ng kaibigan. Hindi man nito aminin, halatang masama ang loob nito sa kanya.

Nakokonsensya si Sophie. Pero kahit ilang linggo na silang magkarelasyon ni Nicollo ay hindi pa rin niya inaayos ang gulo sa pagitan nila ni Analisse. Natatakot siya. She still doesn’t want to think about it.

Ayaw niyang isipin na may gulo sa pagitan nila ni Analisse. Gusto niyang maging masaya. Ayaw niyang isipin ang mga problema.

Pero lahat ng mga bagay na mali ay hindi nagtatagumpay. Hanggang ngayon ay abala pa rin si Nicollo. Ilang araw na silang hindi nagkikita. Pakiramdam niya ay may mali. Natatakot siyang umpisa na nga iyon ng mas malaki pang problema.

Kaya hanggang maaga pa, mas mabuting ayusin na rin ni Sophie ang problema sa part niya. Gusto niyang magkaayos sila ni Analisse pero hindi niya puwedeng i-give up si Nicollo. Mahal niya ito kahit na ba hindi pa rin malinaw kung kapareho iyon ng nararamdaman sa kanya ng lalaki.

“Siguro ay ito na ang tamang panahon,”

Huminga nang malalim si Sophie. Nag-reach out naman siya kay Analisse. Dalawang beses rin niyang tinawagan ito. Pero wala siyang kahit anong narinig rito. Feeling rin naman niya ay hindi siya nag-effort kaya may kasalanan pa rin siya.

Sophie dialled Analisse’s number again. Ngayon ay sinagot na nito ang tawag.

“Hey, Sophie…”

Umiyak si Sophie. “I’m so sorry, Analisse. Mahal kita. Lahat kayong mga kaibigan ko ay mahal ko. Kaya alam kong mali na pinagpatuloy ko pa rin ang relasyon ko kay Nicollo. Nasaktan kita. But I really don’t mean it. Ayoko pero mas ayoko na saktan si Nicollo kapag tinanggihan ko siya. Mahal ko na siya. Mahal na mahal ko siya…”

Sa gulat ni Sophie ay tumawa ang kaibigan niya. “Naiintindihan ko naman, Sophie. Ako nga itong dapat mag-sorry sa `yo. Mukhang binigyan pa pala kita ng sama ng loob when I confronted you…”

“What do you mean? Hindi ba totoo ang lahat ng sinabi mo sa akin?”

“Hmmm… slight. Gusto ko si Nicollo. Mabait siya. He was probably one of the kindest, responsible man that I’ve ever met. He’s a gentleman. But I just tell myself that I want to be close to him because of that. Kailangan ko ang isang kagaya niya sa buhay ko…”

“Hindi ko pa rin maintindihan.”

Bumuntong-hininga si Analisse. “Palagi niyong sinasabi sa akin na masuwerte ako kasi inampon ako ng isang kagaya ni Jet Martinez. Oo, mabait sila sa akin. Hindi nila ako itinuring na iba. Alam kong mahal na mahal nila ako kahit hindi nila ako kadugo. Mahal ko rin naman sila. But there are a lot of cons, Sophie.

“Magaling na tao sina Daddy, Mommy at pati na rin si Kuya Jacobo. They are successful, lalo na sina Daddy at Kuya Jacobo. And I feel like I am not…”

“Ano bang sinasabi mo, Analisse? Magaling ka rin. Matagumpay ka. You’re a nurse and---“

“I just don’t want to be a nurse, Sophie. Gusto kong maging kagaya ni Daddy, Kuya Jacobo at pati na rin ni Liza…” Ang tinutukoy ni Analisse na Liza ay ang kakambal nito. Kapareho nila ay isa rin itong orphan na galing sa Safe Haven Orphanage. Pero hindi nila ito naging ka-close dahil bata pa lang sila ay may nag-ampon na kaagad rito. Matalinong bata kasi talaga si Liza. Marami ang natuwa rito. Ngayon ay isang matagumpay na Doctor na ito sa Pilipinas. “I want to be a Doctor, too. Pero hindi ako kasing galing ni Liza. Naka-ilang try na akong mag-entrance exam para sa kursong medicine but every time, I fail. I’m a failure, Sophie.”

Napaiyak na si Analisse sa kabilang linya.

“`Wag mong sabihin `yan, Analisse…”

“But it’s really the truth, Sophie. Oo, maganda ang buhay ko. Mayaman ang nag-ampon sa akin. But I feel very pressured on their success. Gusto ko na maging kagaya rin nila. And I believe that being with one of the most successful guy can be a prove that I’m successful, too. Si Nicollo ang napisil kong perfect choice. Sa lahat ng mga successful na taong kilala ko, siya lang ang pinakamabait sa akin. Binigyan ko ng malisya iyon, kahit alam ko na may girlfriend siya. After all, everyone didn’t like her ex-girlfriend, Giselle.”

“Pero matagumpay na rin na tao ngayon si Simon. We know that you have feelings for her.”

“She’s in love with Liza, not me.” Humikbi si Analisse. “See? I’m unlucky, Sophie. I’m a failure in life and even in love. I’m still an International Billionaires Wannabes. I can’t be successful as them…”

“Oh, Sophie. I’m sorry…” Ngayon lang niya nalaman na ganoon pala ang nararamdaman ni Analisse. Hindi naman kasi ito palakuwento.

“Sa sitwasyon natin, ako ang mali. Ako dapat ang humihingi ng sorry sa `yo. Nakonsensya ka pa dahil sa akin. I’m really sorry, Sophie. `Wag ka ng mag-alala, okay? What I feel for Nicollo is not real. Well, hindi ganoon katindi. At naka-move on na rin ako ngayon.”

“So bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko dati?”

“Oh, naging busy lang ako noong mga nakaraan. Nakalimutan ko na mag-call back. I’m sorry again. But are we okay now? Nakonsensya rin tuloy ako. Kainis!”

“Yes, pero teka lang!” Naalala ni Sophie ang na-receive na text message. “Kung hindi ka galit sa akin, why did you send me a text message asking me to break up with Nicollo?”

“Text message? Seryoso ka ba? Hindi ako nagtetext sa `yo…”

Napakurap si Sophie. Naalala niyang hindi naman number from Spain ang nagtext sa kanya. It was a number from New York. While she knew that Analisse was in Spain. Bihira lang rin na pumunta ang pamilya nito sa New York dahil hindi naman hands-on ang pamilya Martinez sa HGC. Bakit ba naisip niyang si Analisse iyon?

“Oh, okay. I’m sorry. I just thought…” Napailing-iling na lang si Sophie. “Thanks for answering the call. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nagkalinawan na tayo.”

“Me, too. Salamat for understanding. I’ll call you soon. Marami akong kailangang gawin sa ospital.”

Ibinaba na ni Analisse ang tawag. Pero si Sophie ay nanatili pa rin na nakatitig sa cell phone. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi sa kaibigan. Hindi magaan ang pakiramdam niya.

Kung hindi si Analisse ang gustong paghiwalayan sila ni Nicollo, sino iyon?

DINAMPOT ni Nicollo ang picture ni Sophie na nasa ibabaw ng office table niya. Habit niya ang maglagay roon ng larawan ng mga espesyal na tao sa buhay niya. He feels inspired. Nakatulong rin naman ang larawan ni Sophie. Sa mga nakalipas na araw ay palagi niyang tinitignan iyon. Magaaan ang pakiramdam niya kapag tinitignan ang babae. Mas ginaganahan siya sa pagtatrabaho. Kaya ang resulta: mas naging abala siya sa trabaho.

Nami-miss na niya si Sophie. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita nito. Pero bukod sa busy sa trabaho, may iba pang dahilan si Nicollo kung bakit pinipili niyang huwag puntahan ito.

Gusto niyang siguraduhin ang totoong nararamdaman sa babae.

Naguluhan si Nicollo sa nararamdaman sa girlfriend nang araw na hinalikan niya ito sa labi. Isang malaking palaisipan sa kanya kung bakit parang may kulang sa halik. It was not the way he had expected the kiss. Parang may mali at hindi niya maintindihan kung bakit.

Ganoon pa man, nanatili pa rin naman ang ibang matinding nararamdaman ni Nicollo kay Sophie. Masaya siya kapag naiisip ito. Magaan ang pakiramdam niya. Isa pa, nami-miss rin niya ito. Naiinis na siya sa sarili dahil tinitikis niya ito. Gusto niyang makasama ito. Kaya lang ay gusto pa rin talaga niyang siguraduhin ang nararamdaman.

Gusto ni Nicollo si Sophie. Sa tingin niya ay mahal na rin niya ito. Pero nag-aalinlangan rin siya. Hindi kagaya ng nararamdaman niya kay Giselle na para sa kanya ay minahal niya.

What he felt for Sophie was so wholesome. Malayong-malayo iyon sa relasyon na mayroon sila ni Giselle. Their relationship was so mature.

Pero tama nga ba na ipagkumpara niya ang dalawang babae? Malaki ang pinagkaiba ng mga ito. Sophie was his light. Binago siya nito. Simple at inosente rin ito. Samantalang hindi ganoon si Giselle.

Giselle was rich and elegant. Hindi rin ito inosente. As a matter of fact, she was an expert in bed. She was mature and liberated. Ni hindi nga ito marunong mamula. Hindi siya na-amuse rito. But then, sa tingin niya ay nakatulong sa nararamdaman niya rito ang marami nilang pagkakapareho. Makakatulong rin sa business nila ang pamilya ni Giselle. Giselle’s family is powerful.

Nasa ganoong pag-iisip si Nicollo nang tawagan siya ng sekretaryang si Alessa sa intercom. May takot sa boses nito. Iilang pagkakataon lang niyang nariringgan ang ganoong tinig ng sekretarya---kapag naroroon si Giselle. Hindi sikreto sa kanya na inis si Alessa sa dating girlfriend. Aminado rin naman kasi siya na pagka-maarte talaga ang dati niyang girlfriend. But he can’t blame her. She was raised like a princess. She was spoiled.

“Sir---“

“I will enter in his office! I won’t need any permission from anybody else!” narinig nga ni Nicollo ang boses ng babaeng iniisip.

Pero nang bumukas ang pinto at iniluwa nga noon si Giselle ay nagulat pa rin si Nicollo. Naibaba niya ang larawan ni Sophie.

“I missed you…” Lumapit sa kanya ang dating ex-girlfriend. Inilagay nito ang malambot at makinis na kamay sa balikat niya. He massaged it a little.

Lumayo si Nicollo rito. “What are you doing here?”

Tumawa si Giselle. “I’ve already answered you. I missed you. Don’t you missed me, too?”

Umiling si Nicollo. “You left me, Giselle. I’m not stupid to love or even missed you anymore.”

Naningkit ang mata ni Giselle. “But I still love you!”

“I am not Steven, Giselle.”

Bumuntong-hininga si Giselle. “I’m sorry, Nicollo. The truth is that, I really don’t love Steven. It’s just that I was so sad with what happened to you. I need someone else. I cling with Steven and, that’s it. But it’s not important now. I am back now. And I still love you.”

Umiling ulit si Nicollo. “You can’t be with me on my worse. That’s not love.”

“I broke up with him because of you. I’ve realized my mistake. Take me back.”

“I have a girlfriend now, Giselle.”

“She’s so simple. She’s pathetic! She’s poor. Sooner or later, you will break up. You’re not match with each other.”

“I love being with her…”

“No! I will not accept it,” Namumula na ang mukha ni Giselle. “I always get what I want, Nicollo. And I will get you back. I know you for long. I know your weakness and I will use it!”

Sa gulat ni Nicollo ay naghubad sa harap niya ang dating girlfriend. Natulala siya.

Idinikit ni Giselle ang katawan sa kanya. He even kissed her. Pero nanatili pa rin na nakatulala si Nicollo.

“You love me, Nicollo. Say it! You once lust this body of mine and I’m willingly will give it to you if you will just take me back again.”

Saka lang napakurap si Nicollo nang may ma-realize sa sinabi ni Giselle. Pero kahit ang mga sumunod niyang reaction ay naging kagulat-gulat rin para sa kanya.

NAIBAGSAK ni Sophie ang natanggap na brown envelope nang makita ang laman noon. It was consist of photos of Nicollo and his ex-girlfriend Giselle. At hindi lang basta mga larawan iyon. There were intimate and even nude photos.

Namutla at nanghina si Sophie. Hindi talaga si Analisse ang may gawa ng lahat. It was Giselle. Sino pa ba ang magtatago ng mga ganoong larawan? It was either just Nicollo or Giselle. Kahit pakiramdam niya ay nanlalamig ito sa kanya, napakasamang paraan naman ng pagpapadala nito ng mga ganoong larawan para lang makipaghiwalay sa kanya. Kilala niya ang boyfriend. Hindi sira ang ulo nito.

At sa tingin ni Sophie, isang taong sira lang ang ulo ang gagawa noon. It was just Giselle. Gusto nitong sirain ang relasyon nila. Hindi man niya ito ganoon kakilala ay marami na siyang narinig rito. Masama raw ang ugali nito.

“Oh My God…” Nakita si Sophie ni Aunt Amy. Mula sa wheel chair nito ay napulot nito ang mga larawan. “It’s Nicollo and someone else…”

“It was his ex-girlfriend…”

Tumango si Aunt Amy. Kinuha nito ang mga larawan. “And even the photos look old. It’s already the past…”

“I-I don’t know what to say…”

“You love Nicollo. You should trust him…” Hinagod pa ng matanda ang likod niya.

Gustong umiyak ni Sophie pero hindi niya maggawa. Was it worth it? Tama naman talaga si Aunt Amy. Mahal niya si Nicollo kaya dapat na pagkatiwalaan niya ito.

Pero nasasaktan siya sa nakita. Bakit ba kailangan pa silang guluhin ni Nicollo? Hindi ba talaga sila puwede na maging masaya?

Okay na si Sophie. Wala na siyang insecurities. Maayos at nagkalinawan na rin sila ni Analisse. Pero sa mga nangyari, parang bumabalik ang lahat.

“Talk to him about this, Sophie. He has to know about this. Someone is ruining your relationship with him…”

Tumango si Sophie. Kailangan na maayos nila ang lahat. Nasasaktan siya pero mas masasaktan siya kung itatago niya ang lahat kay Nicollo. Kailangan niyang magtiwala rito na tutulungan siya nitong ayusin ang lahat.

Pero bago pa man makuha ni Sophie ang cell phone at makausap si Nicollo ay may nag-door bell sa apartment. Inuna niya muna na buksan ang pinto.

It was Nicollo.

Lumakas ang tibok ng puso nang makita ang boyfriend. Missed na missed na talaga niya ito. Hindi niya inaasahan na darating ito ngayong araw.

“I missed you, Babe….” Niyakap at hinalikan siya ni Nicollo. “I love you…”

Pero sa halip na masiyahan si Sophie sa mga narinig, mas lalo pa siyang namutla. Nicollo’s love confession felt wrong…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.