Chloris
“Elwood?”
Nang walang sumagot, pumasok na ako. Nakakatagos naman ako sa mga pintuan. Sinilip ko lang din sandali ang iba pa na nagpapahinga na at nag-iipon ng lakas bago ako dumeretso dito. May kakayahan din si Hino na manggamot kaya napapaghilom naman niya ang mga sugat ng iba. Pero hindi na ganoon kalakas si Hino kaya hindi na din ganoon kalakas ang nai-channel niyang energy. Si Verniechelle na ang nag-take over sa ginagawa ni Hino at pinamahinga na lamang ang huli.
Nagulat pa nga sina Anika na makita ako. Now it was confirmed, pwede nila akong makita kahit astral ako. Sa Kimbura, everything is possible dahil sa spells na ginagamit.
Back to Elwood. Nakita ko din siya sa wakas. Nakahiga na si Elwood. Natutulog na yata. Nilapitan ko siya.
“Oy, gising ka pa ba?”
Hindi siya kumilos. Naupo naman ako sa gilid ng kama niya. Isang malalim na buntong-hininga. Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. At naiintindihan ko din na malayo sa mga sinabi niya ang gusto niya talagang mangyari.
“I understand you. You didn’t mean what you said, did you?” Sabi ko pang wala nang pakialam kung sasagot pa siya o hindi na. Gusto ko lang naman malaman niya na may tao pa ding naniniwala at naiintindihan siya. May isang nag-aalala para sa kanya. “Deep inside you, gusto mo nang maayos ang kaguluhan dito, ‘di ba? Hindi ko lang maintindihan kung bakit mo ako itinataboy kung pwede naman akong tumulong.”
“Go away.” Narinig kong sabi niya. Pero nakapikit siya. Hindi rin gumagalaw ang mga labi niya. Then I noticed his body was sparkling. Noon ko na-realize na astral niya ang nagsasalita.
“Elwood…”
“I said go away!” pasikmat niyang sabi. Medyo nasaktan ako do’n. Bakit ba siya nagagalit sa akin? “Hindi ka na dapat sumama kay Verniechelle papunta dito. Dadami lang ang mapapahamak. Madadagdagan pa ang mga intindihin ko. Dumadagdag ka lang sa mga pinoproblema ko!”
That’s it. Hindi ko na kayang intindihin pa ang attitude niya. Ang hirap-hirap niyang intindihin. Siguro nga, kaya lang siya naging mabait no’ng huli naming pag-uusap kasi good-bye na. Ngayong nakita niya ulit ako, sa halip na maging masaya siya, nagagalit pa siya. Ang hirap-hirap niyang intindihin. Pero nakakainis ‘yong sarili ko kasi gusto ko siyang intindihin.
“Itinutulak mo ‘yong mga taong pwedeng mag-alala at tumulong sa ‘yo, Elwood… Bakit? Bakit ka ba ganyan?”
Hindi ko napigilang mabasag ang boses ko. Kasi ang sakit-sakit na. Pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, hindi niya ako magagawang papasukin sa buhay niya.
Ah! Bakit ba ako umaasa na makakapasok ako? Kahit silip nga lang ang ginawa ko, nagalit siya. Iyon pa kayang mapapasok ako sa pagkatao niya? Sa buhay niya?
Dream on, Chloris. That was way impossible.
Tumayo na ako para umalis. Pero may malamig na bagay na pumigil sa braso ko. Nang lingunin ko siya, nakabangon na ang astral body niya. Nakahawak siya sa braso ko. Nakatitig siya sa akin pero nang salubungin ko ang mga mata niya, bigla niyang iniiwas.
“Hindi ko din alam. I was just fine without anyone who’ll give a fuck about me.”
“I don’t just give a fuck! I cared about you!” pasinghal kong pagtatama naman sa mga sinabi niya. “And you don’t know why? Sige, alamin mo muna ang sagot sa tanong ko. Kapag alam mo na. Kapag kilala mo na ‘yong sarili mo, saka mo ulit ako pigilan ng ganyan. Saka nalang kita ulit pakikinggan.”
Hinaklit ko na ang braso ko para makawala sa kanya. Deretsong tumagos ako sa pintuan at naglakad nalang papunta sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Malawak-lawak din ang hide-out na ito. At naka-design as a real home. Cozy na sana kaya lang, parang walang umaga. Palaging gabi. Kasi, laging madilim. At mga torches lang ang nagbibigay ng liwanag. Saan ba ako pupunta? Saan ba ako makakasagap ng sariwang hangin dito? Saan nga ulit kami dumaan ni Verniechelle papasok dito?
Gusto ko munang lumabas sandali.
Elwood
“Bakit? Bakit ka ba ganyan?”
Parang ako ‘yong mas nasaktan pagkarinig sa basag na boses ni Chloris. Ayoko siyang mag-alala sa akin. Ayoko siyang magkaroon ng pakialam sa akin. Katulad ng napakatinding pag-aalala ko para sa kanya. Ayoko nang gustuhing mabuhay pa sa mundo niya kasama siya. Kasi… bukod sa imposible, mahirap din. Hindi ko nga maayos ang problema sa mundo ko, tatawid naman ako sa mundo nila para tumakas. At ano? Para magdala na naman ng gulo? Sigurado namang susundan ako doon ng kalaban. Hanggang hindi ako napapatay ni Aunt Petunia, hindi niya tuluyang makukuha ang kapangyarihan ng Earth element.
Tama naman ang sinabi ni Serene. Hindi namin matatakasan ang mga nakatadhana nang mangyari. Ang magagawa lang namin, gawin na ‘yong gusto naming gawin habang may oras pa. Lumaban, habang kaya pa. No’ng sabihin niya iyon sa akin bago ko siya iniharap sa grupo, bigla akong nakaramdam ng takot.
‘Yong takot na, baka hindi ko na nga masabi kay Chloris na mahalaga siya sa akin. Sobrang halaga niya sa akin. Na hindi ko gustong madamay pa siya sa gulo ng mundo namin. Na gusto ko siyang protektahan.
“Kapag kilala mo na ‘yong sarili mo, saka mo ulit ako pigilan ng ganyan. Saka nalang kita ulit pakikinggan.”
Nagawa ko ba?
Siguro?
Kilala ko naman ang sarili ko at ang mga nararamdaman ko para sa kanya. Part of what I feel, nagawa ko namang ipaalam sa kanya. Sadyang nahihirapan lang akong i-express ang sarili ko. Natatakot akong sabihin sa kanya na mahal ko siya. Dahil baka mas tumindi ang kagustuhan kong mag-stay pa sa mundo nila. Na baka hindi ko na gustuhing lumaban para sa mundo ko kasi, gusto kong mabuhay kasama siya.
So there. I am pushing her away. Iyon kasi ang pinakamadali. Ang itulak siya palayo para masigurado kong ligtas siya. Na hindi siya masasangkot sa gulo ng mundo namin.
Pero bakit ganoon? Hindi ko siya maprotektahan kahit anong tulak ko sa kanya palayo? Kahit anong tulak ko sa kanya, nandito pa din siya. Handa pa din kaming tulungan kahit alam niyang delikado. And I admired her for that. I admired her so much for being strong and brave. Bagay na wala ako noon. Ginusto ko noong tumakbo at tumakas. Dahil galit ako. Ginusto kong maging makasarili bilang ganti sa kanila. Pero dahil sa kaguluhan sa buong Kimbura, na-realize kong hindi tama na tumakbo nalang. Hindi nalang kasi ito tungkol sa galit ko sa mga Wushimyan. Tungkol na din ito sa kaligtasan ng mga inosenteng Kimburian.
Kung si Chloris nga na wala namang kinalaman sa amin, handang tumulong, ako pa ba na nakatakdang maging hari sa Hilaga ang dapat na mawalan ng pakialam?
Bigla akong napatayo nang may ma-realize na naman. Ako ang hari ng Wushimye. Ako din ang medium body na lalaban kay Aunt Petunia. Nasa mga kamay ko at sa kakayahan ko ang ikakapanalo ng laban naming ito. At mapoprotektahan ko lang si Chloris kung maipapanalo namin ang laban.
Kailangan kong maipanalo ang laban.
Lumabas akong nasa anyong astral body pa din para hanapin si Chloris. Kung saan-saan na ako naglibot at tahimik na tahimik sa buong lugar. Walang bakas niya. Wala naman nga siyang bigat na pwedeng gumawa ng ingay dahil astral body siya. Pero nasaaan nga siya?
Mabilis ang paggapang ng kaba sa akin nang hindi ko makita si Chloris.
“Nasaan ka na naman ba, Chloris? Heck! Why are you doing this to me? Why the fuck you were making me hell worried about you!?” Yamot na yamot ako habang naglilibot sa buong lugar para hanapin siya, nang makita kong may kumikinang sa isang madilim na bahagi. Sinundan ko iyon para lang malaman na si Chloris nga ang makinang in silvery color. At papunta siya sa portal palabas ng hide out.
“Fucking fuck!”
Sa isang iglap, nasa tabi na niya ako at hinihila siya palayo doon. Nakakainis ang babaeng ito. Alam na niyang delikado, lalabas pa?
Chloris
NAPAPITLIG ako nang maramdamang may humihila sa akin palayo sa destination ko. Nang lingunin ko iyon, si Elwood na naman. Nasa astral form din siya katulad ko. Siguro ay para hindi makagawa ng ingay na makakaabala sa pamamahinga ng iba pa?
“What do you think your doing?” galit na sita niya sa akin.
Nagpumiglas ako pero ayaw niya akong pakawalan. “Gusto ko lang namang huminga!” Asik ko sa kanya.
“Huminga? Bakit? Hindi ka ba makahinga dito? Full supplied ng oxygen ang lugar. And I’m sure Verniechelle had pretty handled it.”
Naipaikot ko ang mga mata ko. Kakaasar ang lalaking ito. He can’t even read between the lines. “Parang ang sikip-sikip na kasi ng lugar na ito para sa atin. Kaya gusto ko naman ng space. Sa labas, malawaka ng space. Gusto ko din mag-isip-isip. Gusto kong ma-refresh. At tsaka, teka nga? Bakit mo ba ako pinipigilan? ‘Di ba nga, pinaaalis mo na ako?”
Isang maigting na hininga ang pinakawalan ni Elwood. Pagkuway matiim na tumitig sa akin. “Let’s talk.”
Bago pa ako makatanggi, nahila na niya ako palayo sa portal ng hide out. Nag-teleport yata kami kasi sa isang sandali, nasa loob na kami ng isang silid. Err. Ito ‘yong silid na una naming pinasok ni Verniechelle kanina. ‘Yong silid na walang laman kundi isang malaking pabilog na mesa.
Magtatanong pa sana ako nang maramdaman at marinig ko ang pagla-lock ng pintuan. Naka-point doon ang kamay ni Elwood and I am pretty sure na ginamitan niya ng spell para mag-lock iyon.
“Now what?” Pabalewalang tanong ko at lumapit sa mesa.
Sumampa din ako doon at umupo sa space na walang guwang. Apat kasi ang guwang ng pabilog na mesa. Luckily, may space naman na pwedeng upuan. Nanguyakoy ako doon habang hinihintay si Elwood na magsalita. Mag-explain or whatever na gusto niyang pag-usapan namin.
But what he did was just stared at me. At lalo akong nagiging uneasy kapag ganitong wala siyang ibang ginagawa kundi titigan ako. And what made me more uneasy was when he silently, carefully and slowly walks towards me. Habang ang mga mata ay hindi inaalis sa akin.
Nagkandabuhol-buhol na ang paghinga ko habang hinihintay siyang makalapit. Ang mas nakakahindik pa, may eyes stops right through his sensual red lips. They looks so luscious and tempting. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kaisipan na gusto ko siyang sugudin at hablutin siya sa batok saka siilin ng nag-aalab na halik.
God! Where the hell did it came from? Oo at nanonood ako ng mga anime na laging naghahalikan but I never get to think of how it really feels. Ngayon lang. Ngayon lang habang nakatitig ako sa mga labi ni Elwood. How would it feels if my lips touched his? How would it feels to get a passionate hot red kisses from those luscious lips of him?
At napigil ko ang paghinga ko nang huminto siya sa harapan ko. Itinuon din niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Locking me with his arms on my both side. Pwede naman akong mag-shrink para makatakas sa mga bisig niya. But I don’t want to do that. I still wanted to be locked inside his arms. I wanted to feel him, hugged him, again. Pero hindi yata mangyayari iyon.
He was still watching me. Close like this, as if we were breathing the same air. At ayoko na yatang magkaroon ng pakialam sa mundo habang nasa ganito kaming posisyon.
My heart was yelling its anticipation that he will gonna kiss me. God! I wanted him to kiss me.
“Kiss me, Elwood…” Hindi ko napigilang ibulong ang piping hiling ng puso at katawan ko. Hindi ko na din namalayan kung paanong naipaikot ko ang mga braso ko sa batok niya. “Kiss me, crushed me for all I care. I just wanted to feel you. Touched you, kissed you.”
Naramdaman ko ang paggapang ng isang kamay niya sa likod ko. It bring chills to my bones, crazy hot chills that I enjoyed the feeling. Gusto kong magtampisaw sa ligaya na dala ng mainit na haplos ng kamay niya sa likod ko. How could he do that? Ganito ba ang effect kapag astral body? May pakiramdam ako na triple ng intense feels ng physical body ang intensity na nararamdaman ko ngayon sa mga haplos ni Elwood.
I felt his hand on my nape, touching me there. Caressing me there. His face inched on me, his warm breath fanning my face. Mas lalo yatang sumiklab ang apoy ng pangangailangan ko na mahalikan siya.
“I wanted to kiss you either.” I heard him say.
“Then what the fuck are you doing?” Gusto ko nang magwala. Why can’t he just kiss me and stop talking?
“I was just igniting your need.”
Magrereklamo pa sana ako. Manunulak na din ako. Pero naramdaman ko ang paghila niya sa buhok ko. Pulling my hair to look up on him. And in a brief movement he claimed my lips with an ardent kiss I could ever had. Hindi pa ako nahalikan minsan man pero hindi naman ako inosente pagdating sa halik. I watched erotic movies twice. ‘Yong fifty shades of Grey. Wala, nakikiuso lang. I read books with lots of passionate scenes. Nahihiram ko ang pakirdamdam sa mga nababasa at napapanood ko. Pero iba pala kapag totoong ginagawa, kapag totoong nararamdaman. It was intense, passionate, fiery and wild. I never felt wild just how I feel right now. I wanted him more. Na hindi ko napigilan ang pagkawala ng mga ungol sa mga labi ko habang ninanamnam ang mga halik ni Elwood. He made the kiss deeper and wilder. Hotter and hotter.
Lumusot ang isang kamay niya papasok sa blouse ko. He fondled my right breast that I groaned wildly. Pumipilantik na din ang balakang ko sa pagkakaupo. I wanted to meet his body, feel him right now. Touched him as hot as he did to me. His lips made its way to my neck down to the hollow of it, sipped and drink on it. A soft moan of pleasure escape on my lips when his other hand travelled on my inner thigh and up. Touching me there, feeling my wetness. There. I can feel his one finger trying to slip inside.
Nang bigla siyang huminto. He kissed me on my lips again at pinakawalan na ang dibdib ko. Nawala na din sa loob ng skirt ko ang isa pang kamay niya. Inayos niya din ang damit ko.
“We can’t do this.”