NAMATAY ang nag-aapoy ko nang pangangailangan sa kanya. Pumalit ang kahihiyan. I felt like a cheap whore na tinanggihan ng costumer. Gusto kong maiyak. Ano bang nagawa ko? Why did I let him kissed me as wild as that.
No, he didn’t just kissed me. He touched me and almost made love to me. Anong kagagahan ang pinayagan kong mangyari? And why do I feel as hot and as wild like that, dahil lang sa maiinit na titig niya sa akin kanina? How do we get that far?
“Bukod sa bata ka pa, priestess should be virgin while doing the ritual. Kailangan na pure or else, mawawalan ng silbi ang lahat.”
Namilog ang mga mata ko. Bigla kong na-gets ang ibig niyang sabihin. Bigla ding kumalat ang pagkabuhay ng dugo at pag-asa sa sistema ko.
“You mean pumapayag ka na?” umaasam na pagco-confirm ko. Parang gusto ko siyang lundagin ng yakap. Kinalimutan ko na ang kahihiyan sa biglaang pagkaputol ng kamuntik nang pagtawid namin sa boundary. I understand why did he stop.
“Kung ako lang ang masusunod, I don’t wanted to. Hindi ako papayag na may mangyari sa ‘yong masama. Hindi ka naman dapat na napapasok sa ganitong delikadong sitwasyon.” Parang nahihirapang sambit ni Elwood. Dahil doon, parang umapaw ang ligaya sa puso ko. He was just hell worried about me and it was not easy for him to spell it out. Mabuhay ba naman siya sa galit sa mahabang panahon, talagang mahihirapan na siyang magpakita pa ng ibang emosyon. But I can feel that he was capable to love though.
“Pero sino ba ako para kwestyunin ang nakatadhana na? Besides, tama si Verniechelle. I’ve been selfish for such a long time. Hirap din akong i-express ang sarili ko because I have doubted myself and my ability. Hindi ko nga naipagtanggol ang sarili ko noon, ang protektahan ang buong Wushimye pa kaya ang magawa ko? At ikaw? Ano nalang ang magiging buhay mo kung katulad ko ang makakasama mo?”
Parang sinakal ang dibdib ko sa sinabi niya. He had doubted himself that much. Na parang hindi na niya kayang paniwalaang makapagbibigay saya pa siya sa iba kung ganitong hindi naman siya masaya sa buhay niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinaplos ko ang gwapong mukha niya. With all the love and care I have for him.
“But then, katulad ng sinabi ni Serene, we should fight until we can. And I will do everything to win this battle, to protect you and the whole Kimbura. Baka… baka pagkatapos ng lahat ng ito, maharap ko na kung anoa ng meron tayo.”
He smiled at me with full of passion and need… and more. Hinapit niya din ako sa baywang, gazed at me with care and love. I couldn’t help but smiled back. I know, kahit hindi naman sabihin, there was something between us. Pero mabuti na din siguro ang malinaw.
“Ano nga ba ang meron tayo, Elwood?” nang-aasar na tanong ko nga.
Kumislap naman ang mga mata niya. Parang may nakakatuwang naalala. “Banterrings. Clashes.”
Napasimangot ako. Iyon lang ang naalala niya na nakapagpakinang ng mga mata niya ng ganoon?
“But I love all of it.” Bawi naman niya.
“Ang sungit mo kasi. Ganyan ka naman eh. Palagi ka nalang nakaangil. Nagsusungit. Tapos parang palaging walang pakialam. Paano kitang hindi aawayin?”
“Kung hindi ako ganito, hindi mo naman ako magugustuhan.”
“Siguro nga.” Napapangiting sagot at pag-amin ko.
Nakakalokong ngumisi ito. “So, gusto mo nga ako? Hinuhuli lang naman kita, umamin ka kaagad.”
“Hindi kita gusto, mahal kita.”
I don’t know where the intense feeling came from. Pero nang bigkasin ko ang mga salitang iyon, buong puso at buong pagkatao, o siguro, pati kaluluwa ko, sumang-ayon at nakiisa sa mga salita. Naramdaman niya din siguro ang katotohanan ng salitang iyon kaya ganoon nalang ang pagliliwanag ng gwapo niyang mukha. Kumikislap din sa tuwa ang mga mata niya.
And then, I felt his hand touching my face. “At mahal din kita. Sobra. Sobrang-sobra na hindi ako papayag na mawala ka sa akin. I’ll give everything to protect you, Chloris.”
“Siguraduhin mong maipapanalo mo ang laban na ito. From then, I’m already protected.”
At hindi na ako nag-aksaya ng sandali. Hinila ko na siya sa batok at hinalikan ng mariin. Mapusok at naghahanap. Na hindi naman niya pinatagal ang paghahanap ko. He ardently answered my kisses. Hindi pa sana kami maghihiwalay nang makarinig kami ng mga palahaw at iyakan. Mabilis kaming naghiwalay ni Elwood at sabay na lumabas ng silid para hanapin kung saan nanggagaling ang mga hagulhol at pag-iyak.
And I was shattered into tiny pieces nang sa pagpasok ko sa loob ng silid kung nasaan sina Serene at Anika at ang iba pa, nakita kong niyayakap ni Anika ang katawan ng wala nang buhay na si Serene.
“Bakit mo naman ako iniwan kaagad? Ngayon palang kita nakilala bilang ate ko, iiwan mo naman na ako? Bakit ganyan ka? Bakit ganyan kayo? Palagi niyo nalang akong iniiwan.”
Humahagulhol si Anika habang yakap si Serene. Pilit itong inaalo ni Dach pero wala ding magawa ang huli. Si Crius ay tumalikod na pero hindi nakaligtas sa akin ang mga luha at ang matinding sakit na nasa mukha at mga mata niya.
“What is this?” Gulantang na tanong ko kay Elwood. Bakit ganito? Bakit nangyayari ito?
“It was her destiny. Isa sa kanilang magkapatid ang mamamatay. Nakita ko iyon sa locket watch ni Anika.” Malungkot na sambit ni Elwood.
“At hindi mo sinabi sa akin?!” Bigla ay pagalit na sita ni Anika.
Nanahimik si Elwood. Sinugod naman ito ni Anika.
“Alam mong may nakatakdang mangyari sa isa sa amin pero hindi mo kami winarningan? Bakit ganyan kayo ha? Anong klaseng team ito? Lihiman nalang? May alam ang isa na hindi sinasabi sa lahat? Ano? Sino pa? Sino pa ang mamamatay sa amin? Nasilip mo na pala ang future, bakit hindi mo nalang kami deretsahin kung may laban ba tayo o wala? Is this a suicide squad? Nagpapakamatay ba tayo sa mundong ito, ha? Ano pang sense at lumalaban tayo kung sa huli, mamamatay din tayong lahat dito?”
I understand Anika’s anger. Nawalan ito ng isang kapamilya na ngayon lang nakilala. Ang dahilan naman niya ng pagsama sa grupo ay mahanap ang tunay niyang pamilya, tapos ganito ang kahihinatnan ng lahat. Nagulat ako na malamang magkapatid pala ang dalawa. Pero mas ikinagulat kong alam pala ni Elwood na mangyayari ang ganito sa magkapatid.
“Hindi niya alam ang mangyayari sa future, Anika.” Narinig kong sabi ni Crius na humarap na sa amin. Matigas na ang mukha. “No one knew what will happen next. Ang prediction lang sa iyong ina no’ng nagbubuntis pa siya sa ‘yo ang nasilip nila ni Serene sa locket watch mo. And Serene was fine with that. Tinanggap na niya sa sarili niya na isasakripisyo niya ang sarili para sa ‘yo, para ikaw ang mabuhay.”
“What?!”
Maski ako, nagulat sa narinig ko. Alam ni Crius na mangyayari ito. Alam ni Crius ang plano ni Serene to save her sister at pumayag siya? Ganoon lang kadali sa kanya?
“Don’t get me wrong. I love her. So much. That it hurts to agree with her plan. Pero buo na ang desisyon niya. Noong una, inide-delay niya ang pagsama sa grupo kasi naghahanap pa siya ng paraan para mabago ang nakatakda na, pero nakilala ko siya. Minahal namin ang isa’t-isa. And in the process, natanggap niya ang destiny nilang magkapatid. And she was willing to sacrifice her self. Iniisip ko tuloy kung tama ba na nagkakilala kami. Kung hindi ba kami nagkasama at kung hindi ba namin minahal ang isa’t-isa, hindi siya magkakaroon ng ganitong pagpaparayang desisyon?” Basag na din ang boses ni Crius. “She said she had live her life for more than a century. Okay na siya doon, naranasan na niyang mabuhay. At gusto niyang maranasan mo din ang mabuhay. Kung ano ang purpose ng buhay at kung gaano kaganda ang mabuhay. Kahit nasa gitna pa tayo ng masalimuot na mundo, gusto niyang maranasan mo din ang mabuhay kahit kapalit ang kanya. At hindi mo alam kung paano akong nagalit at nasaktan sa desisyon niyang iyon pero wala akong magawa. I can only agree with her beautiful heart, with her beautiful yet painful decision. And that is why I love her more. Hihintayin ko nalang na magkita ulit kami… kung saan at kailan, hindi ko pa alam. Pero hindi ako papayag na masayang ang pagsasakripisyo niya. Para sa ‘yo, para sa ating lahat.”
Hinugot ni Crius ang mga daggers na nasa scabbard ng boots ni Serene at iniabot iyon kay Anika. Nakita ko kung paano nag-hesitate si Anika na tanggapin iyon. Pero inabot na ni Crius ang isa niyang kamay at inilagay ang dalawang daggers doon. Kasabay ng paghawak ni Anika sa magkabilang kamay sa mga daggers ang pagliwanag ng marka sa hita ng wala nang buhay na si Serene. Umalsa iyon paalis at kumapit sa braso ni Anika. Nagliwanag sa kulay pula at dilaw ang dalawang marka sa katawan niya. Ramdam ko ding mas lumakas ang kapangyarihan ni Anika. Lalo na nang mula sa mga palad niya, nabuo ang dalawang bola ng enerhiya. Hangin at apoy. Mainit at malamig. Pinagsasama sa iisang katawan. Mas lumalakas siya. Mas tumitindi nang kapangyarihan ni Anika.
Nagulantang akong talaga na napalingon kay Elwood. Pwede ba iyon? Pwede bang maisalin ang kapangyarihan ng isa sa isa pa?
“Siya ‘yong pinili ni Serene na tumanggap ng kapangyarihan niya kapag namatay na siya.” Parang paliwanag ni Elwood sa pagkalito at pagtataka ko. “We can still do the ritual. Sigurado akong kakayanin naman ng katawan ni Anika ang force sa gagawing ritwal. Plus the power of her mother was inside her locket watch. Na siya din naman ang nagmana.” Nginitian ako ni Elwood na puno ng pag-asa.
Ganoon din si Crius at ang iba pa.
“May laban tayo. Malakas ang laban natin kay Petunia.” Narinig kong sabi ni Verniechelle na kitang-kita na din ang nagliliwanag na pag-asa sa kanyang mukha at mga mata.
Isang malungkot na ngiti din ang pinakawalan ni Anika nang lingunin ang kapatid. Siguro, maski paano, naisip nito na wala na nga kaming magagawa kundi ang magpatuloy. It was Serene’s brave choice na ibigay ang buhay nito kapalit ng kaligtasan ni Anika. And I admire her for that. Hindi ko akalain na, may ganito pala kalalim at kabuting side si Serene. “Hindi kita bibiguin, Serene. Papatunayan kong hindi ka nagkamaling ibigay sa akin ang kapangyarihan ng fire element.”
Verniechelle
NAKAHANDA na ang lahat ng kailangan sa gagawin naming ritwal. Ah, hindi. Ang mga medium lang o ang mga priestess at wizards. No’ng una ay hindi ko nga alam na kailangan ang mga wizards at may lilitaw na mga wizards na taglay din ang mga elemental powers. Pero siguro, sadyang itinadhana na lumitaw sila para madoble ang pwersa. Mas madaming kaalyado, mas mabisa.
Sa tabi ko, si Hino na kahit nanonood sa gagawing ritwal, nakikiramdam naman sa paligid, sa labas ng hide-out. Madami-dami ding underground hide out ang ginawa namin para incase na ma-track down ang isa ay may pagtataguan pa kami. Hino is my only friend. Siya lang ang naniniwala sa mga predictions ko. Kaya naman, sa maraming mga Wushimyan, siya lang din ang nakaligtas. Kasi alam kong kahit pinagtatawanan niya ang mga sinasabi ko noon, half of himself ay naniniwala pa din sa akin.
Ibinaba ng mga priestess ang kani-kanilang weapon sa guwang na may katulad ng marka nila saka puwesto sa tapat noon. Si Anika ay sa gitna ng dalawang guwang dahil kakatawanin niya ang kapangyarihan ng apoy at hangin. Sa likod ng mga priestess ang mga wizards na aalalay. Back up sakaling manghina ang mga priestess at kailangan ng magcha-channel ng energy.
Chloris was on top of the table. Hawak niya ang papel na ibinigay ko sa kanya. Obviously, hindi na-memorize ang laman noon at malamang na babasahin nalang. Pero paano ang mga hand gestures?
“Sandali?!” pigil ko sa lahat.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Elwood.
Hinarap ko si Chloris. “Hindi mo memorize ang mga nakasulat diyan?”
Binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti. “Memorize naman pero hindi ako confident. Baka magkabali-baliktad.”
Damn!
“You should be confident. Bumaba ka muna diyan and let me hear how you recite it, first.”
Sumunod naman nga siya sa sinabi ko. Bumaba siya mula sa malaking mesa na inaalalayan ni Elwood. She tried the latin spells pero nagkakandabuhol-buhol ang dila at hindi pa maayos ang pagbigkas. Magbabago ang epekto ng spell kung ganito ng ganito maging hanggang sa pagsasagawa ng ritwal.
“Stop.” Pigil ko sa walang puntriyang pagbigkas niya sa mga latin words na mali naman ang paraan ng pagbigkas. “Try the English translation.” Utos ko sa kanyang ikinaigkas ng kilay niya.
“Akala ko ba mas mabisa ang latin spells?”
“Mas mabisa nga. Pero sa paraan mo ng pagbigkas, malamang na magkanda-letse-letse ang gagawin nating ritwal. Masasayang lang ang lahat ng pagod nating lahat dito.”
Nagbuga ng hangin si Chloris. Parang labag na labag sa loob na sundin ang utos ko.
“We need to perfectly do the rituals and recite the incantation the right way. Pag-aralan mong mabuti, Chloris.”
Para akong nagsesermon sa bata. Pero ano bang aasahan ko kay Chloris? She was just a young adult. Halos kakaunti ang karanasan sa buhay. Parang kailan lang namulat sa tunay na mundo. But still, the desired in her heart to save the world and the future was as big and strong as how we did. Kaya ano pa bang magagawa ko at mairereklamo. Kailangan ko lang talagas ilang pagtyagaan. Besides, hindi pa nga sila ganoon kahanda. Hindi pa ganoon kabihasa ang bawat isa sa kanila sa pakikipaglaban. Maliban kay Crius na ilang century nang nabubuhay na nakikipaglaban bilang isang bampira.
Nagpapasalamat na din ako na maski paano, may mga naituro si Elwood kay Chloris na mga spells namin. Malakas din ang qi nito maski pa nga wala namang kakayahan at kapangyarihan na katulad ng sa isang Kimburian.
Iyon ang malaking problema. Sasapat ba ang mga qi namin? Kung ang kalaban na si Petunia, hinihigop at ginagamit ang qi ng mga pinatulog na Kimburian? Kaya nga ubod lakas ng kapangyarihan ni Petunia. Dahil nasa kanya ang pinagsama-samang qi at kakayahan ng mga mamayan ng apat na bansa sa buong Kimbura.
Sa sandaling mahigop na nito ang lahat ng kapangyarihan at qi ng lahat, mawawalan na ng silbi para rito ang mga iyon. Maaaring papatayin o gagawing mga alipin. At iyon ang ikinatatakot ko ng sobra.
“English na nga lang. Memorize ko na ang English. Madali lang naman, pero gusto ko talagang haluan ng latin translation. You know, para mas mabisa?” Narinig kong sabi ni Chloris.
“Kahit pa latin ‘yan at pamali-mali naman, much better pa din ang english. Bukod sa komportable ka do’n, mas magagawa mo ng maayos ang pagbigkas ng incantation.”
“Fine… fine.”
Tinalikuran ako ni Chloris at lumapit kay Elwood. Ngumiti ito sa aming Prinsipe. At kasing kinang yata ng mga bituin sa langit ang mga mata ng dalawa sa paraan ng patitigan ng mga ito.
“I’ll make you proud, babe.” Pabulong na sabi ni Chloris kay Prince Elwood.
Buong-buo ang kumpiyansang tinanguan ito n gaming Prinsipe. Goodness! Our Prince just made himself fall deeply inlove with the soul priestess. Hindi naman ako tanga para hindi iyon mapansin. Alam kong ang nag-iisang dahilan kung bakit ayaw niyang isama pa si Chloris sa misyon na ito ay para masiguradong ligtas ang babae. Pero kung hindi din naman namin magagawa ang ritwal, then hanggang kailan lang mananatiling ligtas si Chloris? Sooner, kapag hindi na kontento si Petunia sa pananakop sa buong Kimbura, magbabalak na itong sakupin ang iba pang mundo.
“I know you’ll do.”
Isang mabilisang halik ang pinagsaluhan ng dalawa bago tuluyang umakyat papunta sa pinakagitna ng mesa si Chloris. Nawalan na din ng pakialam sa magiging reaksyon ng iba. Napaka-insensitive lang. Nagluluksa pa sina Anika at Crius sa pagkawala ni Serene. Pero alam ko din naman na hindi magugustuhan ni Serene ang mahabang mourning. She said we should enjoy life until we can. Maigsi ang buhay ng mga mortal para ubusin lang iyon sa pagiging malungkot at pag-aalaga ng galit sa dibdib. At alam kong iyon ang nasa isip nina Elwood. They only had limited time together so why not enjoy it until it last?
Matapos makapwesto ng lahat ay sabay-sabay na binigkas ng mga priestess ang incantation ng mga ito. Nagsimulang mag-shape ang mga kapangyarihan into tiny balls of energy at pumalibot iyon sa nakapikit na si Chloris. Katulad ng instruction ko, sabay-sabay na naglapat ang mga kamay ng mga priestess sa tapat ng mga dibdib ng mga ito. Ganoon din ang ginawa ni Chloris. Para ngang inensayo sa pagkakasabay-sabay ng bawat isa.
Nagsalikop ang mga daliri ng mga ito mula gitna, palasingsingan at hinliliit. Nanatiling nakatayo ang mga hintuturo at hinlalaki na nakalapat din sa bawat kaparehang daliri. Nagsimulang umihip ang napakalakas na hangin, lumitaw ang tila malalakas na mga enerhiya. Ang kapangyarihan ng tubig at apoy ay nag-form into blue and red dragons na pumapaikot sa lumulutang na katawan ni Chloris. Pumaikot din ang yellow air tornado sa kanaya. Ang green orbs na nasa tuktok ni Chloris habang ang black and white globe sa gitna ng dibdib niya. Naghahalo-halo ang malakas na mga enerhiya na ang lahat ng mayroon sa silid na kinaroroonan namin, sumasalya sa iba’t-ibang bahagi. Nagliliwanag ang mga marka ng mga priestess at lumulutang sa paligid ni Chloris. Lumulutang din ang marka ng ika-limang elemento at nagfo-form as pentacle na dumeretso sa noo ni Chloris kasama ng apat pang marka ng apat na elemento ng mundo. Nabuo iyon sa noo ni Chloris, tanda na nagsisimula nang maghalo ang lahat ng kapangyarihan papunta sa kanya.
Habang lumalakas naman ang mga pagyanig na para bang magkakaroon ng napakalakas na lindol. Mawawasak ang hide out namin at ni hindi pa nabibigkas ni Chloris ang pinakamahalagang incantation. Hindi ko napaghandaan ang bagay na ito. Posibleng hindi kayanin ng kinaroroonan namin ang napakalalakas na mga kapangyarihan.
At hindi nga ako nagkamali, gumawa ng napakalaking hollow sa itaas ang pinagsama-samang kapangyarihan. Bumulusok iyon paibaba at umahon pataas hanggang kumawala sa kalangitan.
“Nalintikan na!”
Humanda din si Hino at ang iba pang wizards na mga nakaalalay sa mga priestess. Sumabog ang liwanag sa underground na kinaroroonan namin dahil sa pagkawasak ng upper part.
Ang pagkawala ng kapangyarihan paakyat sa kalangitan at pagbubukas ng hide out namin, nagdeklara lang iyon ng panibagong giyera laban sa pwersa nina Petunia. At halos nasa kalahati palang kami ng ritwal. Mahina ang laban namin.
Nakapikit pa din si Chloris na nakalutang sa ere sa tapat mismo ng soul element ng ritual table. Detached ang isip niya sa nangyayari sa paligid dahil ang concentration niya, nasa pag-shape ng mga kapangyarihan at kung paano iyon maita-transfer sa medium body na si Prince Elwood.
Nagsimulang magsipagsugod ang mga kalaban. Ang mga kapwa din namin Kimburians pero mga naka-black hood and cloaks at may mga marka ng grupong binuo ni Petunia. Dalawang triangle na magkapatong pero magkareverse at kulay itim.
That means they had the black magic Petunia taught them.
“Prince Elwood, ngayon na!”
Naisigaw ko nang magsimula umakyat paitaas si Hino at hinarang ang mga paparating. Umakyat na din si Prince Elwood at hinarap ang mas mabigat na kalaban na nasa gitna ng papasugod na grupo.
Mas maco-corner kami kapag nagsipagbabaan ang mga kalaban sa underground hide out kaya pinalutang ko ang kinatatayuan ng ritual table at ng mga priestess. Mas madali man kaming malalapitan at masusugod, mas may space naman kami para lumaban. Nagsipaghanda din ang mga wizards na pumuwesto sa kanya-kanyang priestess. Si Prince Elwood ay sinabayan sina Crius at Hino na salubungin ang may isang batalyon yatang kalaban. Habang ang mga priestess, patuloy sa isinasagawang ritual. Gumawa din ako ng spell na magpapabuka ng lupa para lamunin ang malaking porsyento ng mga kalabang kampon ni Petunia at makulong doon. Karamihan naman kasi ay mga low class Kimburians nalang na nahigop na din ni Petunia ang mahigit kalahati ng kapangyarihan at kakayahan ng mga ito. Pang-distract lang nila sa amin ang dami nila.
Sa pinakagitna ng hukbo, ang pinuno ng lahat ng kasamaan na nangingibabaw sa buong Kimbura. Nakasakay ito sa mahabang stick na ang dulo ay hindi na katulad ng sa walis, parang tambutso pero sa isa pang dulo ay orb na katulad ng sa cane ni Elwood. Hindi kulay green kundi pinaghalo-halong dark colors. Kasing dilim ng all black outfit nito ang aura nito. Kasing lagim ng mga mata nito ang paparating na gabi. Hindi ako sigurado sa kalalabasan ng laban, pero kailangan kong umasa. Kahit kakatiting na ang pag-asa, kailangan ko pa ding kumapit. Kailangan kong magtiwala sa grupo.
“Kamusta, traydor kong pamangkin?” nang-uuyam na bati ni Petunia kay Prince Elwood. Inilibot ang paningin sa paligid. “Kumuha ka na din lang ng mga kakampi, mga mahihinang Kimburian pa?”
Nainsulto ako sa narinig ko at malamang na ganoon din ang iba pa. pero sanay naman na ako sa insult. Si Prince Elwood ang sigurado kong kahit kailan, hindi masasanay sa insulto.
Kinabahan ako nang mapunta sa mga priestess ang atensyon ni Petunia. Lalo na kay Chloris na nananatiling detached sa kasalukuyan. Lumutang din si Petunia at nagtangkang lapitan si Chloris nang harangin ito ni Elwood.
Walang kaabog-abog na bumigkas ng spell si Elwood. Sumalya palayo si Petunia.
“Bastos ka!”
Nag-shape ng kapangyarihan si Petunia at isinalya kay Elwood. Hinarang iyon ni Elwood at gamit ang sariling shaped energy, isinalya iyon pabalik sa tiyahin nito. Lalong nagsumiklab ang galit ni Petunia.
“Patayin sila! Wala kayong ititirang buhay!!!”
Napakalakas ng naging pagsigaw ni Petunia. Para itong nababaliw sa pinaghalong halakhak at panlilisik ng mga mata na susundan pa ng nagngangalit na sigaw. Sinimulan ko namang bumuo at mag-cast ng spell na poprotekta sa mga priestess na patuloy sa isinasagawang ritwal. Sina Crius at Hino, halos hindi ko na makita sa dami ng mga kalabang sumusugod sa mga ito. At si Elwood, patuloy ang pakikipaglaban sa tiyahin niyang sukdulan ang kasamaan.
Sa labas ng shield ang iba pang wizards na hindi umaalis sa mismong tabi ng bawat priestess ng mga ito. Iyon naman talaga ang role nila, ang pangalagaan ang priestess.