CHAPTER 37

Chloris

“I am the air that blows in the tree, I am the water that swirls in the sea. I am the fire that gives us light, I am the earth, one too strong to fight. Element gathered in this sacred place. Around the fifth which has no face.”

Hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko. Para akong sinusunog pero biglang sasabuyan ng napakalamig na tubig. Para akong inililipad ng hangin pero biglang iduduyan ng mga dahon. Pero sa isang sandali din, makakaramdam ako ng mga latay sa katawan. Mga mahahapding sugat. Mga hiwa ng espada. Mga pagtarak ng mga daggers. Pagtusok ng mga palaso. Lahat ng iyon, kung hindi sabay-sabay ay sunod-sunod. Hindi ko mabigkas ang incantation dahil mas nangingibabaw ang mga hapdi ng sugat. Ang sunod-sunod na pag-atake sa mga kasamahan ko, lahat iyon, nararamdaman ko. Maaaring astral body nga ako, pero ang lahat ng hapdi at sakit nila, nararamdaman ko. Ang lahat ng mga daing at mga sigaw nila, naririnig kong sumasama sa malakas na pag-ihip ng hanging nakapaikot sa akin.

The clashing of swords, the gashing of flesh. Lahat iyon, naririnig ko. Ang lahat ng ingay, nakaka-distract sa akin dahil patuloy at walang tigil kong naririnig.

Gusto kong magmulat ng mga mata. Gusto kong makita ang nangyayari sa paligid. Gustong-gusto ko. Pero paulit-ulit na sinabi ni Verniechelle, na kahit anong mangyari, huwag kong imumulat ang mga mata ko hanggang hindi natatapos ang ritwal. Masisira ang nasimulan na at hindi na namin pwedeng ulitin pa. So I held myself tightly. Kahit na gustuhin ko pang alamin kung ano na ang lagay nilang lahat, kailangan kong pigilan ang sarili ko.

“Bring me your mercy, bring me your grace. Bring me your protection from the dark lord we aim to cease. In this place and in this hour, marry my veins, Hear my words from moon to moon By the guardians of this world, I call you in haste”

Naramdaman ko ulit ang malakas na pag-ikot ng mga enerhiya sa paligid ko. Sumasanib iyon sa kaluluwa ko. Pinagana ko ang isip ko para mai-shape ang mga energy at mai-channel kay Elwood habang hindi binabago ang posisyon ng mga braso, kamay at mga daliri ko. Nang maramdaman kong may tumamang matulis na bagay sa tagiliran ko. Napadaing ako sa sakit na dala ng kung anong patalim na iyon. Ramdam ko din ang pagtagas ng dugo mula sa sugat na ginawa ng patalim. Isa pang pagtarak at ang kasunod ay ang malakas na sigaw ni Elwood.

“Chloris!”

Napasinghap ako sa hapdi. Gusto ko nang gumalaw at hawakan ang bahaging nasaktan pero katulad ng kanina, pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong totoong sa akin tumama ang patalim. Mas ramdam ko ang sugat hindi katulad nang kung paano kong nararamdaman ang sugat at pahirap sa mga kasamahan ko. Mas mahapdi. Mas masakit.

“Nyamaswa!!!” naririnig ko ang paulit-ulit na pagmumura ni Elwood, nasa tabi ko lang siya base sa lakas ng boses niya.

Mga laslas at hiwa ng laman ang kasunod kong narinig. At natatakot ako, dahil hindi ko alam kung sino ang nakakalamang. Posibleng ang kalaban dahil puro mga daing ni Elwood ang naririnig ko. Mas pinatindi ng malalakas na ingay na katulad ng malalakas na pagsabog ng kalugkog sa kalangitan ang takot ko. May pakiramdam ako na papalapit na ang pagkagunaw ng mundo ng mga Kimburian.

Pero hindi, hindi ako dapat na mag-isip ng negative. Nagpatuloy ako sa pagbigkas ng incantation.

“Take the keys to my heart and blessed us the power we need.”

Napasinghap ako ulit nang tumindi ang kirot ng mga sugat. Isang magaang dampi ng kamay ang naramdaman ko sa bahaging pinakamasakit. Sa tagiliran ko. Narinig ko din ang mahinang pagbigkas ni Elwood ng spell to heal wounds. Kahit paano, naramdaman ko ang sandaling ginhawa. And I have to grab this moment para tapusin na ang nasimulan namin.

“By the power of three by three, So mote it be!”

Malakas kong isinigaw ang huling linya ng incantation kasabay ng pagmulat ng mga mata. Nabuo ang parang buhawi ng iba’t-ibang klase ng napakalalakas na mga kapangyarihan sa harapan namin. Sa tabi ko si Elwood na nakahanda sa anumang oras ng pagsalakay. Ang mga priestess at wizard, nagsipaghanda din ang mga power weapons nila.

Bumubulong sa hangin si Petunia at nakikita kong papalaki ng papalaki ang nabubuo niyang ball of power. Hinihigop niya ang qi at powers ng mga kampon niya at pinagsasama-sama sa ball of powers na alam kong balak niyang isalya sa direksyon namin.

“Aim!” sigaw ni Elwood.

Nagsipagtutok ang mga weapons ng lahat sa direksyon ni Petunia. Pero bago pa kami makapag-fire up, naunahan na kami ni Petunia. Isinalya na niya sa amin ang ball of powers niya. Kahit huli na, sinalubong ng mga kapangyarihan namin ang sa kalaban. Pumagitna sa harapan ko si Elwood, as if he was protecting me from the danger in front of me. Na para bang sinasabi niya nab ago ako masaktan, siya muna.

“Elwood…”

Hindi ko napigilan ang mapahikbi. He was risking his life for me. At hindi ako papayag. Sabay nalang kaming mamatay.

Lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Umikot ng napakabilis ang buhawi na nagawa ng pinagsama-samang kapangyarihan ng apat na elemento at sinugod ang kapangyarihang pinakawalan ni Petunia. Pero hindi pa nagsasalpukan ang mga iyon nang sumulpot sa harapan namin si Petunia. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung paanong ganoon niya kabilis na naitarak sa dibdib ni Elwood ang hawak niyang dagger na nababalot ng itim na usok. It was certainly a spell casted dagger.

Napitili ako ng malakas habang nagsunod-sunod naman ang pagtira at pag-atake ng mga kasamahan namin kay Petunia. Mga palaso, daggers at ang chain ni Anika na nagsalya kay Petunia papasok sa tornado of powers. Isang napakalakas na sumusumpang sigaw ang pinakawalan ni Petunia pero agad ding nilamon ng buhawi. Hanggang tuluyan iyong maglaho. Kasabay ng pagtigil at pagkawala ng tornado of powers ang pagtigil din ng kaguluhan at ang katapusan ni Petunia.

“Elwood! No, please!!!”

Kung paano kaming nakababa sa lupa mula sa ere, nawalan na ako ng pakialam. Natataranta ako at nilulunod ng takot nang makita kong parang nahihirapang huminga si Elwood. Hinawakan ko ang spell casted daggers at pinilit alisin ang pagkakatarak sa katawan niya.

“May lason ang dagger, Chloris.” Pag-inform ni Verniechelle.

“Gumawa ka ng paraan para maalis ang lason!” Histerikal na ako at wala na akong pakialam kung anuman ang iisipin at sasabihin nila. Ang gusto ko lang, pagalingin at iligtas nila si Elwood.

Gumamit ng spell si Verniechelle na kahit hindi sabihin sa akin alam kong para maaalis ang lason o kung anumang nagpapahirap kay Elwood.

Umangat ang kamay ni Elwood sa mukha ko na agad ko namang hinawakan. Sobrang higpit. Hindi ko maipaliwanag ang takot ko habang nakikita kong nagsisimula nang mangitim ang mga labi niya. Lalo akong nag-panic nang pilit siyang ngumiti.

“No! Don’t do this to me Elwood. Don’t do this to me. Fight for me! Please, fight!”

Napakahigpit ng paghawak ko sa kamay niyang nanlalamig na din. Kung tama ba ang hinala ko, nagyeyelo iyon sa lamig. Kung napansin ko man na kumakalat na ulit ang liwanag sa paligid, nawawala ang pulang hamog at unti-unting nabubuo ang mga nasira, nawalan na ako ng pakialam.

“M-Masaya a-akong nakasama… at nakilala kita, C-Chloris. S-See y-you o-on the n-next life… M-mahal…k-kit…” Bumigat ang kamay ni Elwood na hawak ko. Nawalan na ng pwersa. Pumikit na din ang mga mata na ipinaghurumentado ko.

“No!!!” Naging napakalakas ng sigaw at hagulhol ko na wala akong pakialam kung mabibingi man ang lahat ng nilalang na nasa paligid ko.

Hindi! Hindi ito nangyayari. Hindi ito pwedeng mangyari.

“Gumising ka na, Elwood! Huwag mo nga akong biruin ng ganito!” Patuloy kong yugyog sa kanya.

Inawat ako ni Hino at Verniechelle at ng iba pa pero hindi ako nagpaawat. Patuloy ako sa pagyugyog sa kanya. Pinaghahampas ko pa ang dibdib ni Elwood na para bang magigising siya sa ginagawa ko.

“Sabi mo sa akin, mahigit isang millennium ang buhay niyo ‘di ba? Bumangon ka na diyan. Huwag mo akong pagtrip-an. Hindi ka na nakakatuwa!”

“Tama na, wala na siya. Malakas ang spell na ini-cast ni Petunia sa dagger na isinaksak niya sa dibdib ni Elwood. Katulad ito ng ipinangsaksak din ni Petunia sa dating hari.” Saway at pilit pagkumbinsi sa akin ni Verniechelle.

“Ayoko! Hindi pa siya patay. Natutulog lang siya. Hobby niya ‘yan eh. ‘Yong matulog. Tapos kunwari hindi niya ako naririnig pero alam naman niyang nagwawala na ako sa tabi niya. Elwood! Gumising ka na nga!”

Para akong mababaliw sa sakit habang nakayakap sa walang buhay niyang katawan. Alam kong wala na siya pero ayaw kong paniwalaan. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na mabubuhay siya. Hindi siya pwedeng mawala. At ang isipin palang na talagang hindi ko na siya makikita o makakasama, na wala nang chance para makasama ko pa siya, talagang napakahirap at napakasakit. Walang-wala ang mga sugat na nararamdaman ko sa katawan ko kumpara sa hapdi at kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

“Bakit ka ganyan Elwood? Okay lang naman sa akin kung magkahiwalay tayo ng mundo basta sure ako na okay ka at safe ka. Kakayanin kong magpatuloy. Pero kung ganito matatapos ang lahat, paano ko magagawang humakbang sa next journey ng buhay ko? Ganito na alam kong hindi na ako pwedeng umasa na pwede pa tayong magkita ulit. Na imposible na tayong magkita at magkasama ulit. Kahit ‘yong umasa nalang ang ipabaon mo sana sa akin sa pagbalik ko sa mundo ko, kinuha mo pa sa akin. Pinagdamot mo pa sa akin. Bakit ganyan ka? Napakadaya mo. Napakadaya mo lang!”

Niyakap ko ulit ang katawan ni Elwood na unti-unti nang naglalaho. Hanggang sa maging abo at lipadin ng hangin. Lalong lumakas ang hagulhol ko. Pati ba naman ‘yong oras ng pagluluksa ko, may time limit din? Bakit ang unfair? Gusto ko pa siyang yakapin. Nang matagal. Hanggang hindi pa ako hinihigop ng mundo ko pabalik, gusto ko pang yakapin siya. Pero pati iyon, ipinagdamot na sa akin. Napakadamot ng mundo. Napakadamot ng buhay.

“Tama na. Ide-drain mo lang ang energy mo. Baka hindi ka makabalik sa katawan mo.” Narinig kong sabi ni Soleih.

“Wala akong pakialam. Gusto ko lang ilabas ang sakit by means of crying. Kasi sobrang sakit eh. Parang hindi kakayanin ng dibdib ko kung hindi ko ilalabas.”

Naramdaman ko sa bandang likod ko ang pagyakap ng tatlong priestess sa akin. Sugatan din ang mga braso at maraming galos sa mukha. Noon ko lang nakita ang bakas ng naging paghihirap nila sa labanang iyon. At ang liwanag sa buong paligid. Ang pagkabuo ng mga nawasak. Ang pagkabuhay ng mga puno at halaman. Ang ingay sa pagbabalik ng buhay sa pamayanan. Ang pagkagising ng mga mamamayang Kimburian.

Bagong buhay, bagong pag-asa.

Dapat akong maging masaya kasi nanalo kami. Pero hindi ko mahanap ang buong kaligayahan sa puso ko dahil wala na si Elwood. Ang natitira nalang, ang cane niya na bumagsak sa lupa. Pero bigla ding lumutang sa ere at deretsong lumapit kay Hino.

Nag-swirl ang green smoke sa loob ng orb at nag-form ng mga letters. H-I-N-O.

Pangalan ni Hino ang naka-form sa loob ng orb.

“Oh my! Ipinapamana ni Elwood ang powers niya sa ‘yo.” Bulalas ni Verniechelle sa katabing si Hino. “Ikaw ang pinipili niyang pumalit na pinuno ng buong Wushimye. Ikaw na ang mangangalaga sa kapangyarihan ng Earth element!”

Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Hino. Hindi niya siguro inaasahang siya ang magiging successor ni Elwood. Maski ako, hindi ko iyon inasahan. At kahit masakit pa sa akin, pinilit kong ngumiti kay Hino. He deserves it. Sa lahat, siya at si Verniechelle lamang ang nagkaroon ng tapang para i-pursue si Elwood na iligtas ang buong Kimbura. Hindi biro ang naging papel ni Hino sa lahat ng iyon.

“Congrats, Hino.”

Bago ko pa marinig ang sagot ni Hino naramdaman ko na ang napakalakas na pwersang humila sa akin papunta sa kung saan. Hindi na ako nagtaka pa, babalik na ako sa mundo ko. Babalik na ako sa dati kong buhay. Sa buhay na, wala nang Elwood na makukulit at mabubungangaan. Wala nang Elwood na kaaasaran. At wala nang Elwood na palihim na sinusulyapan, pasekretong minamahal.

But one thing I am sure of, he will reside inside my heart. Forever.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.