CHAPTER 10

MABIBILIS ang mga hakbang ni Fleure. Alas onse na ng gabi nang makapasok ang sasakyan niya sa subdivision. Isang blocks nalang at makakarating na siya sa bahay. Kaya lang, katulad ng madalas niyang problema ay tumirik na naman ang sasakyan niya. Pinili nalang ng dalaga na i-lock ang sasakyan saka nag-decide na maglakad papunta sa bahay nila. Hindi naman siguro delikado since nasa loob na siya ng subdivision.

But… the thing is, nararamdaman niya ang mga papalapit na yabag mula sa kanyang likuran. Sa tuwing lilingon naman siya ay walang ibang nakikita kundi kadiliman at ang mga papundi nang ilaw ng mga lamppost na ang lalayo ng distansya sa isa’t-isa. Naalala na niya ‘yong i-reklamo sa home owner’s club pero palaging nakakalimutang gawin sa dami ng trabaho sa SVMC. Mas binilisan ni Fleure ang paglalakad na halos kumaripas na siya ng takbo. Nagkakandatapilok na din siya pero sige pa din sa mabilis na paglalakad. At bakit ganoon? Bakit kahit anong bilis niya, parang nahahabol pa din siya ng kung sino. Ano na naman bang problema ng humahabol sa kanya?

‘Wag sabihing soul sucker iyon dahil sabi ni Helios, tatantanan siya ng mga soul sucker kung lalayo ang lalaki sa kanya. Mahigit isang linggo na din na wala siyang maramdamang aura na pumoprotekta sa kanya. O baka ang mga nararamdaman dati ay psychological lamang. Dahil alam niyang palaging dumadating si Helios para sa kanya, ini-a-assume ng pakiramdam niya na nandoon nga ito. Pero dahil namaalam na sa kanya ang lalaki, tumatak na din sa isip niya na wala nang nagbabantay sa kanya.

Tama. Iyon na nga iyon!

Bakit ba niya iniisip na pwedeng nararamdaman niya si Helios sa paligid. It was just her imagination. Her mind over her senses. Ayaw pa din niyang one-hundred percent na maniwala sa mga pinagsasabi ng binata. Nalilito pa din siya. Though alam niyang contaminated na ang paniniwala niya sa science. Gustuhin man niyang makipag-usap ulit kay Denise pero wala na naman ang doktora at lumipad ng bansa. Gumawa nalang siya ng sariling analization sa sarili. At iyon ang isinaksak sa utakna contaminated na ng dalawang magkasalungat na paniniwala.

Kaya ngayong nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya, hindi na niya mahabol ang composure. Lumipad na iyon palayo. Lalo na nang may biglang sumulpot sa harapan niya.

Kandatutop sa dibdib si Fleure sa labis na pagkabigla. Nakikilala niya ang lalaki. Si Zeke iyon. Ang mapanganib na soul sucker. Maski bahagya lang ang liwanag sa paligid, alam na niyang si Zeke ang kaharap. Ramdam na ramdam niya kasi ang nakakakilabot na aura nito. Idagdag pang parang nakilala na niya ang boses ng lalaki dahil sa ilang beses na paghaharap nila nito.

“Kumusta, Fleure? It’s been a week.” Nakangisi ang lalaki. At nagdadala iyon ng matinding takot sa dalaga.

Humakbang patalikod si Fleure. Bumubwelo palang siya para tumakbo pabalik nang madaklot na nito ang braso niya. Inihanda ni Fleure ang sarili at itinikom ng mariin ang bibig. Dahil maski paano, naniniwala siya sa sinabi ni Helios na gusto nitong mahigop ang kaluluwa niya. For some reasons ay pinaniniwalaan niya ang kahibangang iyon. Siguro ay instinct of survival. It’s better safe than sorry.

Narinig niya ang tunog ng pagngisi ng lalaki. “So, you have been informed, huh?” Pumalatak ito. Lalo namang tumindi ang takot at kaba niya nang mandilat ang mga mata ng lalaki. Parang luluwa ang mga mata nito nang panlisikan siya. “Tama nga pala ang hinala ko. Kahit ipinapakita ni Helios na wala siyang pakialam sa pag-ali-aligid ko sayo, he was still protecting you.” Bahagyang humulas ang kilabot ni Fleure sa narinig.

What did he mean to say? Pinoprotektahan pa din siya ni Helios? Paano?

“He was still protecting you by means of uncovering our real identity.” Nakakalokong tumawa si Zeke. “Sa akala ba niya, kahit malaman mo kung anuman ang mga katauhan namin, makakaligtas ka pa din sa amin? Kahit hindi ka willing na ibuka ang bibig mo, I still have the power to force that to open.”

May malisyosong ngiti na napunit sa mga labi ni Zeke. Kung dati, naiisip pa niyang gwapo ang lalaki, ngayon, halimaw na ang tingin niya rito. Puro takot at kilabot nalang ang ibinibigay nitong pakiramdam sa kanya. Unlike the few times she faced him. Maski paano ay may tenderness siyang nakikita na kumikislap sa mga mata nito. But now, puro galit ang nakikita niya.

“Pero ‘wag kang mag-alala. Hindi ko hihigupin ang kaluluwa mo.”

Hindi malaman ni Fleure kung dapat bang makahinga na siya ng maayos since sinabi nitong hindi nito hihigupin ang kaluluwa niya. O dapat na mas matakot siya dahil alam niyang may consequences iyon. Dark entities are naturally clever.

“I want you for myself and I am going to bring you in my world, Fleure.”

“You bet you can do that?”

Bago pa makapiglas si Fleure ay may narinig na siyang pamilyar na boses. At naging eratic ding bigla ang pagpintig ng kanyang puso. Maybe because her heart clearly recognize the voice… and the aurae.

Helios!

Lilingon palang siya sa may likuran niya nang maramdamang may humila sa braso niya palayo kay Zeke. Halos hindi niya din namalayan ang pagsulpot ng dalawa pang lalaki na kahawig ni Helios at umakmang aatake kay Zeke. Pero biglang pinigilan ng una ang dalawa.

“Let’s give him a fair fight. One-on-one. Baka maghamon na naman ng rematch ang mga iyan kapag sinabing hindi patas ang laban. You know bros, losers can’t accept their defeat.” Kumpiyansang sabi ni Helios.

Nagtagisan ang mga bagang ni Zeke na ikinapag-alala ni Fleure. Seeing Zeke, he was triggered to fight to his heart’s content. Kung may puso man nga ang mga nilalang na katulad nito. At kung magkaganoon, malamang na mapasabak sa matinding laban si Helios. Nararamdaman niyang iba ang lakas ni Zeke. Kita at ramdam niya iyon sa intense anger na nasa pulang mga mata nito. Parang nag-aapoy. Parang kayang tupukin ang kahit sino.

“Anong problema mo, Helios? Why don’t you mind your own business? ‘Di ba at wala ka nang pakialam sa kanya?” singasing ni Zeke na sandali siyang nilingon.

“Yes. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya.”

Parang may gumuhit na kirot sa dibdib ni Fleure pagkarinig sa mga salitang binitawan ni Helios. Wala itong pakialam? Wala itong pakialam, then bakit ito nandito ngayon?

“Don’t believe the lies of that bastard of a brother of us.” Narinig niyang bulong ng isang lalaki na kahawig ni Helios. Nasa likuran niya lang ito. Nakahalukipkip at parang bored na nanonood sa eksena.

“Right.” Sang-ayon ng isa pa. “Kung hindi pa naminalam, magmula nang magpaalam ‘yan sayo at lumayo na, palagi na ‘yang wala sa sarili. Kita mo nga at hindi nakatiis nang makaramdam ng panganib na nakaabang sa ‘yo.”

“Shut up, you two!” singhal ni Helios sa dalawa na nahuhulaan niyang parehong kapatid nito.

Saka agad na umatake kay Zeke. Naging napakabilis na ng mga pangyayari. Nagpapambuno na ang dalawa na parang parehong bihasa sa iba’t-ibang uri ng martial arts. Ang nakakahindik pa ay parang exaggerated ang impact ng mga ito sa isa’t-isa. Binigyan lang ni Helios ng isang jab sa dibdib si Zeke at tumilapon na iyon sa ere. Habang si Zeke naman, kahit hindi pa lumalapat ang kamao sa katawan ni Helios ay sumasalya na ang huli. Sobrang bibilis din ng kilos ng mga ito na hindi na niya makita kung paano gumagalaw ang mga braso at paa ng dalawa. Halos hindi na humihinga si Fleure habang sinusundan ang pagpapambuno ng dalawa.

“This is an exciting fight.” Parang tuwang-tuwa pang sabi ng isa sa mga kapatid ni Helios. Lumingon ito sa kanya saka ngumiti ng matamis at iniabot ang kamay. “Ailister.” Parang pagpapakilala nito.

“Azriel.” Agad na sambit ng isa pa maski hindi pa niya tinatanggap ang kamay ng nagpakilalang Ailister.

Gusto niyang mapanganga. Hayun at parang may tornado sa loob ng dibdib niya dahil sa matinding kaba habang nakikita ang pakikipaglaban ni Helios sa soul sucker pero heto ang mga kapatid nito na parang nanonood lang ng isang boxing match habang nakikipagkilala sa kanya.

“What the heck!? Hindi niyo ba nakikita na nasa mapanganib na laban si Helios but what you were doing was just to stand still, wait and watch! Anong klaseng mga kapatid kayo?!”

Magkahalong galit at pag-aalala na ang umiikot kay Fleure habang sinisita ang mga kapatid ni Helios. Wala na siyang pakialam kung alin ang totoo at imahinasyon. Ang sigurado niya lang ngayon, delikado si Helios dahil iba ang lakas ni Zeke ngayon base sa naramdaman niyang kilabot rito kanina.

Binawi ng dalawa ang mga kamay at parang bored na tiningnan siya.

“Helios can manage. He’s the best from all of us.” Sabi ni Azriel. Pero bigla itong nawala sa mga paningin niya nang lumingon sa direksyon kung saan naglalaban sina Zeke at Helios. The next thing she knew ay nakikipagpambuno na din ito kay Zeke at… sa lima pang bagong dating? So, anim na ang kalaban nito at wala pa silang kamalay-malay? Saan nanggaling ang tatlo at parang mga kabute na sumulpot ng hindi nila namamalayan? Pero may iba pang mga nagsidatingan. Mas madami at mas nakakapangilabot ang lamig sa buong paligid.

Sumugod na din si Ailister at tumulong sa mga kapatid. And right before his eyes, nakita niya kung paano napigtas ang ulo ng mgasoul sucker at instant na naging abo na sumama sa hangin. Habang si Zeke naman ay mataktikang nakatakas sa magkakapatid.

Nanghihinang napasalampak sa kalsada si Fleure. Hindi niya makuhang magsalita matapos ang mga nakita. Bakit ganoon lang kadali para sa magkakapatid ang pumigtas ng ulo ng mga kapwa bampira? Bukod doon, bakit… walang dugo ang mga soul sucker maski napigtas na ang ulo ng mga ito?

“This is… definitely real…” Gulantang pa din si Fleure maski nang lapitan na siya ng magkakapatid.

“I’LL NEVER leave your side again, Fleure.”Mahinang sambit ni Helios sa sarili.

Tulala pa din ang babae at parang hirap makabawi dahil sa mga nakita. Kahit pa nga nainom na nito ang laman ng bottled water na ibinigay ni Ailister. Na hindi naman niya alam kung saan ninakaw ng kapatid. Yes, magaling itong pumuslit sa mga convenience store at kumukuha ng kinaaaliwang mga bagay na gawa ng mga mortal. Kaya kasi nitong patigilin ang oras ng ilang minuto.

Gustong pagsisihan ni Helios ang mga bagay na nagawa na. Kung sana, hindi na niya nilapitan si Fleure. Kung sana, hindi na siya na-curious sa normal lang palang abilidad ng babae. Kung sana, hindi false alarm ang natuklasan niyang blocker ng dalaga. At kung sana, hindi ganito kalakas ang hatak ng atraksyon sa kanya. Hindi sana pinupuntirya ng mga Avergou si Fleure. But hell, nangyari na. Hindi na niya maibabalik pa.

“Babalik na din ako sa pwesto ko.” Pamamaalam ni Ailister sa kanya. Tumango lang siya sa kapatid. Si Azriel, kanina pang nakalayas matapos pumuslit ni Zeke.

Gusto niyang patayin nalang si Zeke para matapos na ang panggugulo nito. Pero alam din ni Helios na kung gagawin niya iyon, mas magiging magulo ang lahat. Magkakaroon na naman ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Monfort at Avergou. Pero ano pa bang bago? Simula’t-sapul, imortal nang magkaaway ang mga pamilya nila. Humupa lang ang init ng labanan pero hindi ibigsabihin na nagkaayos ang dalawang angkan. Mananatili na silang ganoon hanggang sa magwakas ang mundo.

Isang malalim na buntong-hininga at nilapitan niya si Fleure na nakaupo sa driver seat pero nasa labas ng sasakyan ang mga paa.

“I’ll throw you home.” Aniya.

Tiningala siya ng babae. Puno ng pagkalito at mga tanong ang mga mata. “All of those… those I saw were real? O nababaliw na ako kasi kung anu-anong nakikita ko?”

Lumambot ang pakiramdam ni Helios nang makita ang gulong-gulong ekspresyon sa mukha ni Fleure. Kinabig niya ito sa baywang patayo. Saka matipid na nginitian kasabay ng mahinang pagtango. “All of it was reality.”

Gusto niyang angilan si Fleure. So she will be back to senses. Pero naubos na ang persuasion niyang maging arogante sa babae. Besides, paano niya magagawa iyon kung ganitong nakikita niya na any moment ay magbe-breakdown na ito? Alam niyang matatag ang isip ni Fleure at hindi basta-basta masisira ng mga nakakahindik na nakita. But still, alam niyang mahinang mag-absorb ng shock ang damdamin nito. Paano kung may internal sickness pala ito at nagpipilit lang magpakatatag sa kabila ng shock?

Gusto na naman niyang mapapikit ng mariin at magbuntong-hininga.

“Ano bang koneksyon ko sa inyo at ganoon nalang ang obsession ni Zeke na guluhin ako? Bakit ako ang magiging ganti niya sa ‘yo?” Mangiyak-ngiyak na si Fleure.

For a moment, gusto niyang kabigin payakap ang dalaga. Gusto niyang pakalmahin ito. Ayaw niyang makitang nahihirapan itong intindihin ang mga nangyayari. And how come things had gone this far? Huh. Kasalanan niya. Kasalanan niya ang lahat. He and his kind must seclude from humans. Hindi niya dapat binibigyan ng ganito kalaking importansya ang source of food niya. Madaming source of food na nasa ibabaw ng mundo. Hindi lang si Fleure. But still, he had this feeling of protecting her. Treasuring her. And… adoring her.

What’s gotten into him, really?

Hindi niya din alam. For the first time in many centuries he had been living, ngayon lang siya naghanap ng sagot kung bakit ganito ang pakiramdam niya sa isang nilalang.

“Sinabi ko naman sa ‘yo, ako ang may kasalanan ng lahat.” Pabuntong-hininga na sabi niya. “Akala ko, kapag lumayo na ako sa ‘yo, titigilan ka na din niya. Hindi pala. Mas tumindi pa ang kagustuhan niya na makuha ka. And hell, I will never allow that. I’m going to protect you even whatever it takes.”

Hindi nakuhang magsalita ni Fleure. Maski si Helios ay nagulat sa sincerity at conviction ng sariling boses. But that was true. Hindi niya papayagang may mangyaring masama kay Fleure. He’ll going to protect her with all his might. Kung bakit at anong dahilan, hindi na rin niya alam. Basta ang malinaw nalang, may napakalakas na urge sa kanya na protektahan ang babae. Na para bang kung magfe-failed siyang gawin iyon, mahigit kalahati na din ng buhay niya ang mawawala sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.