WALANG rest day ang mga doctor pero pinili ni Fleure na humingi ng ilang araw na pahinga. She felt like she had been hagridden. Mentally and emotionally. Natatakot siya sa nakita nang gabing iyon. Pero mas natatakot siya sa nararamdaman nang maglapat ang mga mata nila ni Helios. It was too early to say she had fallen in love with the gorgeous stranger. Pero bakit ganoon ang pakiramdam niya kapag nasa tabi si Helios? Her heart beats fast. Her feelings went haywire. To think that the man was not a human. He was definitely a vampire and she saw it with his two eyes yet, the feeling didn’t change. It became wilder and stronger whenever they were together.
Yes, sa nakaraang mga araw, palagi niyang nararamdaman ang prisensiya ni Helios. Nalaman niyang ang mga mahihinang boses at mga bulong sa kanyang tainga, si Helios iyon. Kay Helios galing ang lahat ng iyon. Mga babala at pag-aalala. Mga paangil na pag-aalala. At nakakatawang ikinaiinit pa ng puso niya ang mga pag-angil nito, na kasi, halatang nag-aalala lang naman.
She was probably not insane but, for a person who had always believe in science explanation, nahihirapan pa din siyang tanggapin na totoo ang mga dati ay fictional characters lang para sa kanya.
Isang buntong-hininga at pinili ni Fleure na bumaba na ng malaking hagdanan. Sinabihan niya si Manang Karina na ‘wag munang magpalinis at magluto sa mansyon nila. Dahil ano pa ang gagawin niya sa bahay kung may gagawa na noon para sa kanya? Gusto niyang malibang. At ang way niya ng paglilibang ay gawin ang mga gawaing bahay na hindi naman niya dating ginagawa.
Palaging tahimik ang mansyon at nakasanayan na niya ang kalungkutang dala noon. Pero dahil palagi niyang nararamdaman si Helios sa paligid, mas prefer na niya ngayon na mag-isa nalang sa bahay. Ayaw niyang madiskubre ng iba ang patungkol sa weird na paraan ng pagdating at pag-alis ni Helios.
Kabababa lang ni Fleure sa landing ng hagdanan sa ibaba nang mapapitlig sa pagkagulat. Helios was there, sitting freely in her couch while his both big long arms were spread on the backrest. Nakasarado din ang mga panel curtains at ang dilim-dilim sa buong bahay samantalang alam niyang alas otso na ng umaga.
But then, she realized it was his doing. The sun can’t penetrate inside or he’ll get burn.
Ngumiti ito sa kanya. Hindi pa siya nakakabawi ay nasa tabi na niya ang lalaki at iniaakay siya paupo sa couch. Dapat ay hindi na siya nagugulat sa mabilis na pagkilos nito pero hindi pa din niya magawang makasanayan. Hindi niya nga ito maintindihan. Inamin nito sa kanya na ang purpose ng paglapit nito sa kanya noong una ay para alisin ang alaala niya patungkol sa mga kakayahan nito bilang bampira. Pero ngayon, heto ito at parang walang pakialam na ini-expose ang mga kakayahang dapat ay ipinapalimot nito sa kanya.
“You’re here again.” Aniyang magkahalo ang pagtataka at saya.
“Ayaw mo ba?”
Of course not! Being Helios around was definitely fine and perfect.
“Hindi naman. Nagtataka lang ako na hindi ka pa nagsasawang umaaligid sa akin.”
Hindi na niya itinanong kung paano ito nakapasok sa loob ng bahay. He was being invited many weeks ago. And besides, being a vampire, he had his ways.
“Sinisigurado ko lang na walang soul sucker sa paligid mo.” Sabi nito. At hindi niya maintindihan kung bakit nakukulangan siya sa narinig. May gusto at hinahanap siya sa naging sagot nito. “And besides, I wanted to see you again.”
There.
Parang biglang tumambling ang puso niya palabas ng ribcage. Exaggerated it might be. Pero iyon talaga ang pakiramdam niya. She wanted to hear it. Sa mga nakaraang araw na nagkakasama sila, boses man ito o aktwal na nasa harapan niya, nalaman na ni Fleure ang maraming katangian at ugali ng bampira. He was straightforward. Akala niya, siya lang ang taong sasabihin ang mga gustong sabihin ng walang pakialam kung ano ang kalalabasan. At mukhang walang pakialam ang hudyo kung nagsasaya man ng husto ang puso niya sa simpleng sinabi nito. Idagdag pang bigla-biglang na-erase ang pagiging bruho at masungit nito.
Hindi niya alam kung eksaktong ano ba sila. Basta ang malinaw lang, palaging nandoon si Helios at pinoprotektahan siya laban sa mga kaaway ng mga ito na soul sucker. Ayaw niyang mag-assume na may iba iyong dahilan. Lalo at malinaw na parang may guilt sa mga mata ni Helios kapag nababanggit ang angkan nina Zeke na palaging nakaabang sa kanya. Gusto siyang makuha. At palagi nitong sinasabi na siya ang nagpahamak rito.
On the other side, napapaisip din siya. May timbang ba ang halaga niya kay Helios para protektahan siya nito ng ganoon nalang? Hindi nga ba at sinabi ni Azriel minsan na source of food lang ng mga ito ang mga tao? Minarkahan na daw siya ni Helios bilang sariling source of food. That was a silent proclamation kaya hindi nag-a-attempt ang kahit sino sa pamilya na humigop o tumikim ng blood energy niya.
But then, hindi naman ganoon kalakas ang enerhiya niya lalo at madalas siyang kulang sa tulog. Isa pa, wala siyang matandaang pagkakataon na pinasok o nakita niya si Helios sa mga panaginip niya. That means, never itong humigop ng blood energy mula sa kanya.
So, what must be Helios purpose in guarding her and protecting her?
Ah! Ayaw niyang mag-assume ng kung anu-ano. Helios must have his own reasons. At sa ngayon, ayaw muna niyang malaman kung anuman iyon. She wanted to enjoy being with Helios.
Nginitian niya ng matamis ang bampira. “I want to see you also. May kadayaan ka din talaga, paminsan-minsan.”
Kumunot ang noo ni Helios na para bang nagtatanong ang mga matang nakatitig sa kanya.
“You used to follow me, I knew it.”
Tumikhim ang lalaki.
“Wala ka bang ibang ginagawa kundi ang sundan ako? I mean, wala kang ibang pinagkaka-busy-han. Business, etcetera. From what I read, nakiki-blend ang mga bampira sa mga tao. Mostly, ‘yong mga high profile na hindi basta-basta nalalapitan ang disguise ng mga vampires.” Aniya pa.
Bumuntong-hininga ito. Nag-crosslegs at inabot ang remote control para buhayin ang television set niya. Umabot pa sila sa morning news. Pero sa pagtataka niya, inilipat nito sa anime channel. Aba, marunong an ding gumamit ng TV. She knew Helios was brilliant. He can learn in his own way. Siguro ay nangapa lang ito sa una pero mabilis din namang nakakasabay sa agos ng mundo na puro robotic gadgets na.
“Those were fictions. Siyempre iba ang lakad ng buhay naming mga true vampire. And you should take a note that we are not those cultured vampires.” Lumingon ito sa kanya at tumitig. And she wanted to melt from his handsome gaze. “We don’t drink a real blood. We drink energies. We can’t walk under the sun, that’s our weakness. But we can travel ten times faster than our usual when we are astrals. We can follow humans. Hindi kami mga high profile na katulad ng sa mga nasa pelikulang ginagawa ninyong mga tao. Nangunguha nga lang kami ng wallet na nalalaglag sa gabi. Iniipon, tapos ini-invest sa… ewan ko, hindi ko maalala kung saan-saan ini-invest ng bunso namin ang mga funds namin. Basta, ‘yon nga. Diskarte lang para magkapera. You can say they are mean dahil kinukuha nila ang hindi sa kanila. But then, you, humans had that saying “Finders, keepers”. So, hindi din naman siguro masama ang ginagawa nina Ailister at Azriel. They want to blend with humans. Alam kong gustong-gusto nila. Mahirap nga lang.”
Nagbuntong-hininga ito. At parang narinig niya mula sa buntong-hininga nito ang malalim na frustration. Maski ba ito ay gusto ding maki-blend in sa mga tao? Sa mga kauri niya? Ano pa nga ba ang ginagawa nito? Hindi nga ba at kasama na ito sa buhay niya?But then, hindi normal ang pagkakasama nila. They can’t even let people saw them hanging around. They can’t hang around together. Lalo kung daylight time.
“Honestly, hindi namin kailangan ng pera para mabuhay. May kakayahan kami para suportahan ang mga pangangailangan namin sa araw-araw. At kahit hindi necessities, kaya naming makuha at gawan ng paraan para makuha.”
She could only agree. Sabi nga nito ay maraming centuries na itong nabubuhay. Mukhang kinulang lang sa pag-explore sa mundo kaya madami pa ding bagay na hindi alam paano gamitin o paganahin. Ano ba kasing pinaggagagawa nito sa nakalipas na daang-daang taon? Kumain, matulog at magligtas ng mga taong pinupuntirya ng mga soul suckers? That was boring!
At parang may bombilya na biglang nasindihan sa loob ng kanyang isip. Daan-daang taon nang boring ang takbo ng buhay nito, bakit hindi niya baguhin? Bigyan ng bagong yugto. Bagong daloy…
“Gusto mong mamasyal?” bigla niyang naitanong. Nasa TV na ang atensyon nito. Mukhang nalulong na din sa anime. Gusto niyang mapailing. There’s this childish part of him. Ang laki-laking lalaki pero naaaliw sa anime. Akala niya, wala itong ibang kayang gawin kundi ang magsungit lang ng magsungit. Umangil lang at sitahin siya kapag alam na may nakapaligid na kapahamakan sa kanya. Pero hindi pala. Kaya din pala nitong ngumiti. Tumawa. At mag-alala.
“Naka-leave ako, pwede kitang samahan.” Dagdag pa niya.
Kumunot ang noo nito. “In daylight, time? No way.”
Bumalik ulit ito sa anime na pinapanood.
“Why not?”
“Gusto mong masunog ako?”
“Of course not.”
“Tss.”
“May paraan naman para makapamasyal tayo na hindi ka nasusunog, ‘di ba? Nakakalabas ka nga na nakabalot na parang sushi sa katirikan ng araw.”
Tumitig si Helios sa kanya. Pagkuway: “We can’t enjoy hanging around with your idea. Makakaagaw iyon ng atensyon ng mga tao.”
“I know pero ano bang pakialam nila? This is a free country. And besides, may alam akong magandang place na hindi mai-invade ang privacy.”
Tumitig ulit si Helios sa kanya. Parang naeengganyo na. “Where?”
Kinindatan niya ito. Ilang araw lang ang leave of absence niya at babalik na siya sa toxic at nakakapagod na mundo. Why not enjoy her vacation?
“I have a better idea.”
“What?”
Isang nakakabaliw na ngiti ang iginanti ni Helios sa kanya. Parang gustong maglulukso ng puso niya palabas ng kanyang ribcage habang nakatingala rito.