FLEURE was the one who supposed to tour him around. Pero ang nangyari, siya ang ipinapasyal ni Helios. They’re in Tuscany, Italy, right now. No need for passports and plane to travel. Sobrang bilis nang lahat at nagawa agad siyang dalhin ni Helios sa Italia. In a minute or more.
“Seven hours ahead ang Pilipinas sa Italy. So, expect that it was only two in the morning here.”
Walang ibang nagawang sabihin si Fleure kundi ‘Wow’ habang inilalapag ni Helios sa madamong bahagi ng lugar, kung saan man iyon sa bahagi ng Tuscany. Ang alam lang niya, madilim pa, pero dahil sa mga lamp post at sa liwanag na bigay ng buwan, kahit madaling araw palang at kalat pa ang dilim, nagawa pa din niyang i-appreciate ang lugar.
“This. Is…” Humarap siya kay Helios na nanginginang ang mga mata. “Fantastic!” Excited na sambit niya at napahapit ang isang kamay sa braso nito. Walang kahihiyang iniangkla niya ang sariling braso sa bampira saka muling luminga sa paligid.
Maraming beses na din naman siyang nakapag-travel dahil sa profession na napili. Marami-rami na din magagandang lugar siyang napuntahan. Pero hindi niya naaappreciate ang mga iyon dahil focus siya sa totoong dahilan kung bakit nandoon sa lugar. But now, wala namang ibang dahilan kung bakit siya naririto. Sila. Dinala siya roon ni Helios para maglibang at i-appreciate ang lugar.
“How can you do this? As in, talagang nasa Tuscany tayo, right now?”
Gusto na ayaw maniwala ni Fleure. Siguro kung hindi pa niya tuluyang natatanggap kung ano si Helios, baka mahabang sandali siyang natulala nang marating nila ang lugar.
Narinig niya ang pagtawa ni Helios pero hindi na ito nilingon pa ng dalaga. Tuwang-tuwa na sinimulan niyang maglakad sa madamong kaparangan. In barefoot. Dahil nang bumaba siya ng hagdanan, wala talaga siyang pampaa. Hindi niya mahanap ang pambahay na tsinelas.
“Ayaw mo pa ding maniwala? Day light time nang umalis tayo sa bahay mo, ‘di ba?” Narinig niya ang tumatawang sabi ni Helios. Nakasunod ito sa kanya habang si Fleure, walang sawa sa paghaplos sa mga bulaklak na nadadaanan.
“This is real!” Parang nananaginip na sambit pa ng dalaga habang nagtatatakbo sa spring field.
Hindi sobrang matataas ang damo. Parang mga carabao grass lang pero malambot sa paa habang tinatakbo niya ang walang hanggang kaparangan. Mula sa kinatatayuan nila, para siyang pumasok sa loob ng fairy tale movie. Nasa di-kalayuan kasi ang parang ‘yong castle ng prince ni Cinderella, o baka ni Sleeping Beauty.
Namitas siya ng kung anu-anong bulaklak na nadaanan. Napakalawak na parang flower farm na may iba’t-ibang uri ng bulaklak. Sa isang bahagi ay ang stream mula sa kung saang body of water sa lugar. Tahimik ang pag-agos ng malinis na tubig. Tuwang-tuwa na tumakbo siya palapit doon at inilubog ang paa sa tubig. Napakislot siya sa lamig pero itinuloy pa din ang paglubog ng parehong paa. Dahil maliwanag naman ang buwan, kitang-kita niya kung gaano kagaganda ang mga bato at buhangin na naaapakan. Malamig pero relaxing ang pakiramdam habang nagtatampisaw siya sa tubig.
She felt like being transported back in time. ‘Yong mga panahon na dinadala siya ng ama sa countryside kapag summer vacation. Namimingwit ng isda. Nagtatampisaw sa ilog. Magpi-picnic pa kung minsan. At sa lahat ng pagkakataong iyon, hindi kasama ang kanyang ina. Her socialite of a mother didn’t wants to be with them.
Ang kaligayahan ni Fleure, biglang nangulimlim pagkaalala sa mga nakaraang panahon. Natigilan siya at bumalik sa pampang. Naupo nalang doon habang nilalaro pa din ng mga paa ang tubig.Naramdaman niya ang paglapit ni Helios. Naupo din ito sa damuhan, sa tabi niya. Pero naka-yoga sitting position. Takot sigurong mabasa ang paa. Malamig naman nga. At dahil nagbasa siya, mas nararamdaman na niya ang lamig ngayon. Mas nanunuot na sa kanyang kalamnan ang lamig.
“Nagbasa-basa ka sa creek ng ganito kaaga, tapos basta ka sasalampak diyan? E ‘di nilamig ka niyan?”
Naramdaman niyang hinubad ni Helios ang black leather jacket nito at inialampay sa balikat niya. Inayos pa nito iyon para siguraduhing maaalis ang panlalamig niya. Nilingon niya si Helios.
Hindi. Tiningala niya ito.
And beneath the moonlight shining through his handsome pale face, wala na siyang ibang mapuna kundi ang saksakan ng gwapong mukha ng lalaki. Ganoon ba talaga ang mga bampira? Charming and beautiful… Pigil niya tuloy ang sarili na mapasinghap. Idinaan nalang niya sa matamis na ngiti ang lahat.
“Thanks.” Aniya.
“What happened?” tanong naman nito.
“Huh?”
Inginuso nito ang creek. “Kanina lang, para kang batang nagtatatakbo at nagtatampisaw. Tapos bigla kang natigilan at naupo rito.”
Tumitig si Fleure kay Helios. Matagal. Gusto niyang sabihin ang lahat ng nararamdaman. Mga hinanakit at mga damdaming nagpapahirap sa kanya sa madaming taon ng kanyang buhay. Gusto niyang buksan ang sarili rito. Sabihin lahat dito. Lahat-lahat. After all, parang hindi na naman iba si Helios sa kanya. Naging napakabilis nga. Dati, parang ang awkward pa ng pakiramdam niya kapag biglang susulpot si Helios sa harapan niya. Pero magmula nang gabing iyon na tuluyan niyang ma-absorb ang totoong katauhan ni Helios. Nang gabing tuluyan niyang tanggapin sa sarili na bampira ang lalaking palaging umaaligid sa kanya, parang nawala ang awkwardness. Parang naglaho ang invisible wall sa pagitan nila. Ang pumalit, ‘yong pakiramdam na gusto niya itong palaging makita at makasama. ‘Yong hindi na makompleto ang araw niya na hindi kasama si Helios o maramdaman man lang ang prisensiya nito. She will never be safe if Helios wasn’t there beside her. Kung paanong nangyayari at nararamdaman niya ang ganoong pakiramdam, hindi niya din alam. Basta ang alam lang niya, Helios was her anchor in her rough sail in this cruel world.
Binawi niya ang mga mata sa lalaki. Saka nagbuntong-hininga. Anong masama kung i-open up niya ang sarili kay Helios? After all, ipinagkatiwala nito ang katotohanan sa katauhan nito sa kanya. Isa pa, hindi ba’t sinabi ni Denise na kailangan niya din ng kausap?
“Nami-miss ko si Dad.” Sa wakas ay sabi niya. “We used to do this before, you know.” Mapait na napangiti siya.
“Where is he?” walang conviction o kahit anong damdamin na tanong nito.
“Gone.” Buntong-hininga niya. “Masaya na siguro siya sa langit.” Saka tiningala ang kalawakan na puno ng bituin. Pero muling bumalik sa kaparangan ang mga mata. Summer or spring siguro ngayon sa Tuscany. Ang gaganda ng tubo ng mga damo.
“No’ng bata ako. Hindi ko napapansin na abnormal ang pamilya namin. Palagi kasing sinasabi ni Dad na busy lang si Mommy kaya hindi nakakasama sa mga lakad namin. And before, I thought it was better to have a date with my dad than being together as a family. Kapag magkakasama kasi kami, palaging mainit ang ulo ni Mommy. Wala siyang ginawa kundi singhalan ako o si Daddy. Wala siyang ginawa kundi ipahiya si Dad. Walang pinipiling lugar si Mom. Or even pagkakataon. Ipapahiya at sisinghalan niya si Dad kung kailan niya gusto. As I grow up, unti-unti kong nare-realize na may mali sa pamilya namin na noong bata pa ako, pilit pinagtatakpan ni Dad at binibigyan ng justification.” Mapait na napailing siya. “Maybe Dad hasn’t realized yet that I never stay as a child. I grow up. At naiintindihan kong maraming mali sa samahan nila nina Mommy. Hindi ko maintindihan si Mom kung bakit ganoon siya. She will looked at my father with so much hatred in her eyes. Palaging magiging apologetic ang mga mata ni Dad maski ito ang naagrabyado at napahiya. Parang buong buhay o buong pagsasama nila, wala akong ibang nakita kay Dad kundi walang katapusang apologies. And my heart breaks into pieces whenever I saw him like that.”
Naramdaman ni Fleure ang pag-iinit ng mga mata dahil sa awa sa ama habang binabalikan ang nakaraan. Awa na unti-unti ay nagbubunga ng matinding galit sa ina. Kumuyom ang mga palad niya para panghawakan ang sarili. Matagal na siyang nanahimik sa galit sa ina. Dahil iyon ang gusto ng kanyang ama. Kaya hanggang ngayon, pinipili pa din niya ang manahimik. Idinadaan niya sa walang imik ang ina. ‘Yon lang ang paraan para hindi sumabog ang galit niya rito.
Isang tapik sa likod ang pumutol sa kanyang mga hinanakit. Napalingon siya kay Helios. Matipid ang ngiti ng bampira sa kanya.
“That how life goes. Cruel as it is. At wala ka namang ibang choice kundi tanggapin ang kapalaran mo. Atleast, your father was in peace now. Sabi mo nga ay baka masaya na ito sa langit na tinatawag ninyong mga tao na paraiso. You should be happy now and let go. Sa palagay mo ba, kung nakakulong ka sa nakaraan, natutuwa ang ama mo? Baka restless iyon ngayon at hindi natatahimik ang kaluluwa kasi ganyan ka. Palaging malungkot para sa kanya. Palayain mo na ang ama mo. Masaya na siya. Hayaan mo na ding maging masaya ka at ituloy ang buhay. Bigyan mo ang sarili mo ng chance na mabuhay. Huwag kang huminto sa kung saan ka niya iniwan. Lumakad ka lang. Move forward and learn to let go.”
Sa tama ng liwanag ng buwan, parang kumikinang sa mga paningin niya si Helios. At ang mas nagpapaliwanag sa mga paningin niya rito ay ang mga narinig mula sa bampira. Bakit hindi niya naisip iyon? Bakit hindi niya agad naisip na pwedeng hindi niya pinatatahimik sa kabilang buhay ang ama dahil sa patuloy na pagluluksa niya sa pagkawala nito. She was moving forward, or that was what she thought? Nagpapatuloy siya sa buhay at sa goal na maabot ang pangarap niya na sumunod sa yapak ng ama. Pero deep inside her, nakakulong pa din siya sa galit sa ina, awa sa ama at sama ng loob sa biglaan nitong pang-iiwan sa kanya. And that was not right.
Helios was right. She should move forward. Moving for real. At palayain ang kanyang ama at ang kanyang sarili sa mga negative emotions na dala ng kahapon. As for her mother, siguro… siguro panahon na para kausapin niya ito at mag-pursue para mas maintindihan ito. After all, ina pa rin niya ito maski gaano man ito kasama.
“Right.” Nakangiting sambit niya kay Helios. “He’s happy now, I should be happy too.”
Saka siya tumingala ulit sa kalangitang parang sinabuyan ng buhangin sa dami ng makikinang na bituin.
“Langit…” Napatingala din ito. Mapait na ngumiti. “May langit din kaya para sa mga katulad namin?”
Siya naman ang napalingon kay Helios.
“Kapag namatay ba kami, may paraiso din na naghihintay sa amin?” Napailing ito at ibinalik ang mga paningin sa creek na nananahimik. “Siguro wala. Pagkain kami sa isa’t-isa sa dimension ng mundo kung saan kami nabibilang.”
Tinitigan niya si Helios. Habang nakatitig siya sa malungkot na gwapong mukha nito, parang may piniga sa loob ng dibdib niya. May kung ano sa loob ng sistema niya na gustong umiyak para sa bampira sa dahilang hindi naman niya alam. Hindi niya alam kung bakit parang nahahawa siya sa kalungkutang dala ng mga mata ni Helios habang nakatitig sa tahimik na pag-agos ng tubig.
“Pagkain din ba ang turing mo sa akin, Helios?” Bigla ay naitanong niya kay Helios.
Lumingon ito sa kanya. Ngumiti. “Kung pagkain ka para sa akin, wala na siguro akong ibang gagawin kundi higupin ang nakakatakam na blood energy mo.”
Napakurap-kurap si Fleure. Gusto pa niyang magtanong. Gustong-gusto niya. Gusto niyang malaman kung ano ba siya kay Helios. Pero natatakot siya sa magiging sagot. Paano kung hindi niya magustuhan ang magiging sagot ng bampira? Paano kung masaktan lang siya? Ayaw niyang masaktan. Lalo na kung si Helios ang magiging dahilan.
Dahil magmula nang makilala niya si Helios, hindi nalang pagkalito ang ibinibigay nito sa kanya. But also the contradicting thing. Peace.
Peace inside her heart. Things seem to come to places whenever he was beside her… when he was around her. Kaya kung masasaktan siya sa magiging sagot nito, mas mabuti pang huwag nalang siyang magtanong.
“You are special to me, Fleure. I haven’t felt the same thing, the same way towards you from any other beings. Call it attraction or whatever. But I wanted to be with you. Always. I wanted to protect you even what ever it may cause. I just want to make sure you are happy and safe, Fleure…”
Kung totoo ang langit at mga anghel, siguro ay baka nasa langit na siya ngayon at inaawitan ng mga anghel. Higit pa sa gusto niya ang narinig niya mula sa bampira. At kulang ang sabihing napakaligaya niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung paano i-express ang nararamdaman, sinunggaban nalang niya ito ng yakap na pagkahigpit-higpit. And at that very same moment, alam na niyang pareho sila ng nararamdaman ni Helios. She wanted to be with him always. Kung pwede niya lang itong ibulsa o itahi sa katawan niya, gagawin niya.