“NABABALIW ka na, Helios!”
Nangunot ang noo ni Helios nang lingunin ang amang si Jultio. Kararating niya lang. Nang mag-u-umaga na sa Italia, mas naging maganda ang lugar sa mga paningin nila ni Fleure. Pero dahil hindi siya pwedeng magtagal sa ilalim ng sikat ng araw, pinili niyang ayain nang umuwi si Fleure pagkatapos panoodin ang sunrise.
Kung pwede at likas lang sa dalaga ang makapag-astral travel, mas magiging madali na sana para sa kanila ang mamasyal. Madadala niya kasi ito sa mga astral planes kung saan, walang masakit na araw na makakasunog sa balat niya. Artificial or imaginative ang liwanag. Still, the place seems like the real world. ‘Yon nga lang, hindi ito marunong mag-astral travel. At hindi ganoon kadaling pag-aralan ang pag-a-astral travelling. Ang mga taong may ganoong kakayahan ay ‘yong mga madaling mabuwag ang paniniwala. Sa kaso ni Fleure, parati nitong iniju-justify ang mga bagay-bagay using science. Palagi nitong kinukumbinsi na ang lahat ng bagay at pangyayari ay may explanation. Baka nga pati ang existence niya ay may paliwanag na din ito kaya hindi na masyadong nagtataka o nagtatanong ng mga bagay-bagay patungkol sa kanya.
But then, whatever she believes in, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga, nagkakasama silang dalawa. ‘Yon lang naman ang nag-iisang mahalagang bagay para sa kanya. Tawagin na iyong kabaliwan ng kanyang pamilya, pero iyon lang ang mahalaga para sa kanya.
“Talaga bang binabalak mong i-expose ang sekreto natin sa mga source of food natin?” Nanlilisik ang mga mata ni Jultio. Malayo pa ito sa kanya kanina pero sa isang kisapmata ay nasa harapan na niya ang ama at kinukwelyuhan siya.
Hindi na nanlaban si Helios. Hinayaan niya lang ang ama na maglabas ng galit. Kung may ilang beses siyang isinalya ng ama sa mga dingding doon sa receiving area. Ilang haligi ang nawasak sa lakas ng impact pero ni katiting na paglaban, hindi siya kinakitaan. At mas lalo noong pinagningas ang galit ni Jultio. Nangangahulugan kasi ang kawalan niya ng aksyon ng pag-amin. Hindi naman niya itinatanggi. Ini-expose na nga niya kay Fleure ang patungkol sa kung anong uri siya. Sooner or later, ihaharap niya din ito sa buong pamilya. Hindi palang ngayon. Siguro, kapag bumaba na ang galit ng kanyang ama.
At wala siyang pakialam kung tumututol man ang mga magulang sa mga pinaggagagawa niya. Sa madaming daang taon ng buhay niya, hindi pa niya pinili ang sariling kaligayahan. Ngayon lang.
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kasiyahan. Sa tuwing kasama niya si Fleure. Sa tuwing kausap niya ito. Sa tuwing hahawakan. O kahit nga sa tuwing pinapanood niya lang ito. Hindi pangkaraniwan ang ganoong pakiramdam. Ilang beses niya ding binalewala iyon at pinilit ang sariling paniwalain na walang espesyal sa ganoong pakiramdam. Pero mas malakas ang tawag ng atraksyon. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot. Takot na maiwawala niya ang babae.
Kaya sa halip na matakot, pinagbigyan nalang niya ang sarili na makasama at protektahan ang dalaga. Lalo pa at alam niyang masama ang tama ni Zeke kay Fleure. He’ll do everything to get her. So, he’ll do everything to protect her.
The best and the easiest way was to be with her, always. Pero ang hindi madali ay ang i-encourage ang kanyang pamilya. Lalo na ang kanyang ama. Para rito, pagkain lang ang mga tao. At walang nakikipagrelasyon sa mga pagkain. Isa iyong kabaliwan.
“Hindi ka ba nag-iisip? Ano nalang ang mangyayari sa atin kapag nalaman ng mga tao ang patungkol sa mga tulad natin? You will put us all in great danger, Helios!”
Isa pang sapak ang napala niya. Sumalya na naman siya sa isang bahagi ng malaking mansyon. Naging napakagulo ng loob. Ilang haligi na ang bumagsak dahil ilang beses na din siyang ibinalya ng ama. Nang sa tatayo si Helios ay naroon na naman si Jultio para pulutin at bigwasan siya pero mabilis na lumitaw ang kanyang ina na si Gertrude.
“Tama na!” pasigaw na sambit nito habang pinipigilan ang kanyang ama sa tangkang pagbigwas na naman sa kanya.
Nakaamba pa din ang kamao ni Jultio sa kanya pero hindi na dumeretso sa kanyang mukha dahil napigilan iyon ni Gertrude. Walang pakialam si Helios na sinalubong lang ng tingin ang kanyang ama. Naiintindihan niya ang ipinagkakaganoon nito. Sobra-sobra ang pag-iingat nito sa kanilang privacy. To the point na hindi sila nagtatagal sa iisang lugar. Pinakamatagal na ang isang taon. Pero dahil maganda ang kinatatayuan ng abandonadong mansyon na pinagkukutaan nila ngayon, tumagal na sila doon ng halos isang dekada. Na walang sumisilip o nagtatangkang sumilip man lang. Maski nga yata ang may-ari ay hindi na pinagkaabalahang dalawin iyon.
Which was really good for them. Hindi masisira ang plano nilang pagkukuta ng matagal. Settled na settled na din sila ng kanyang pamilya sa mansyon. Aminin man nila o hindi ay napamahal na sila sa tirahang iyon. Tinubuan na sila doon ng pakiramdam. At ngayon, sa ginagawa niyang pakikipaglapit kay Fleure na isa pa namang doktor, hindi kataka-takang napaparanoid itong manganib ang privacy nila at kailanganing lumipat na naman. Kung mas malapit kay Fleure ang lilipatan, bakit hindi? Pero crowded, affordable ang value ng property at madaming residente sa lugar nina Fleure. Hindi sila pwedeng tumira doon.
“I’ll talk to him. Hindi madadaan sa init ng ulo ang kahit na sinong nagmamahal. Hindi ka niya papakinggan kahit patayin mo pa siya ngayon.” mahinahon nang sabi ni Gertrude sa asawa.
Napamaang na lumingon naman si Helios sa ina habang ibinababa ni Jultio ang kamao. Sa isang iglap ay nawala sa harapan nila ang huli. Aangal pa sana siya sa sinabi ng ina nang magsalita ulit ito.
“Huwag mo nang itanggi, anak.” Anito na mabagal na lumapit sa kanya. Hinila siya sa couch na himalang hindi nawasak sa kabila ng katotohanang halos gumuho ang buong mansyon dahil sa galit ng kanyang ama.
“Kaya mong iwan ang lahat Helios, para sa kanya. Kaya mong kalimutan kung ano at sino ka talaga. Kaya mong isugal ang privacy na noon pa man, sa ating lahat, ikaw ang unang-unang pumuprotekta. Sa tingin ko nga sa ‘yo, kung may paraan para ma-convert tayo at maging kauri ng mortal na iyon, gagawin mo.”
Nagtangkang magsalita si Helios. Gusto niyang pasinungalingan ang mga sinabi ng ina. Pero hindi niya mahanap ang boses. O baka, dahil deep inside, aminado siyang tama ang kanyang ina.
“How else do you call that craziness, son?”
Nagbawi ng mga mata si Helios. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ng ina. At sa pagbaling naman niya sa ibang bahagi ng mansyon, si Fleure at ang malulungkot na mga mata nito habang nakatitig sa batis, ang tanging nakikita niya. From that moment she started to kill her happy aurae, nakaramdam siya ng awa at lungkot para sa dalaga. She was just a woman who was so thirsty with her mother’s love. May pagkakataon na gusto niyang sakalin ang ina nito. Bakit ba may mga ganoong uri ng nilalang? Hindi niya maintindihan. At siguro, hinding-hindi niya maiintindihan dahil namulat siya sa isang pamilya na may pagmamahalan sa bawat miyembro ng pamilya. Sa hirap at saya, magkakasama sila.
At gusto niyang iparamdam ang ganoong pakiramdam kay Fleure. Iyong tipong mararanasan nito na sa bawat segundo ng buhay nito, mararamdaman nito na hindi na ito nag-iisa. May nagmamahal at pumoprotekta rito, maski na nga hindi nito totoong pamilya. Right. That was the meaning of everything he was doing for her.
Really?
“I just don’t want her to feel alone, anymore, Ma.” Aniyang pilit itinatanggi sa sarili ang kumakatok na damdamin.
“Silly.” Nagbuntong-hininga si Gertrude. “You’re inlove son.” Anito na tinapik ang kanyang balikat. Natigilan naman si Helios.
In love.
Being inlove was the hardest feeling to understand. ‘Yon lang ang tanging kahulugan na nasa isip niya sa mga sandaling iyon nang marinig ang salita ng ina. Dahil sa totoo lang, nahihirapan na din siyang i-justify ang sariling mga kilos. He once told himself that he was just attracted with the beautiful mortal. At mawawala ang atraksyon na iyon kung mauumay siyang palagi itong nakikita. Yet, the feelings or the attraction never fades. Instead, it seems to be growing wilder and crazier. Hindi na niya gustong nawawala sa tabi ng babae kahit sandali. At sa point of view ng ina, mas lumalala siya dahil nakikita nitong nagkakaroon na siya ng kagustuhang magpa-convert bilang isang mortal, kung posible man iyon.
And that was way crazy!
“Mahirap pa sigurong aminin para sa ‘yo sa ngayon. But that was what I saw from you.”
Naupo sa harapan niya ang ina at pinakatitigan siya. He was getting uneasy with his mother’s gaze. Patunay na guilty siya. Ang hirap na ang ina ang kaharap at kausap. Hindi siya makapagtago o makapagsinungaling. Nang bigla itong ngumiti.
“I understand you. At gusto kitang pagbigyan sa kahibangan mo. Let see where all of your whims and caprice will bring you.”
Hindi eksaktong maintindihan ni Helios ang sinasabi ng ina. Hindi niya gets kung approve o disapproved ito sa mga choices at mga pinaggagagawa niya. Para kasing may pagpayag pero may pagbabanta. Naririnig naman niya ang iniisip nito na:
‘Learn from your own, hijo. Soon, you’ll understand.’
Still, hindi niya gets kung para saan ang babala na iyon.
Ah, bahala na. Ang mahalaga, may basbas ng pagpayag ang kanyang ina sa pakikipaglapit niya kay Fleure. Pero kahit naman nga hindi pa pumayag ang mga ito, hindi pa din naman niya titigilan ang palaging pagprotekta sa mortal. Hindi lang dahil isa ito sa mga source of food nila. Kundi dahil, espesyal si Fleure para sa kanya.