“GOD, I missed you!”
Sinunggaban ng yakap ni Fleure ang naghihintay na lalaki sa tabi ng sasakyan niya. Ang gwapong bampira na si Helios. Limang araw na walang paramdam mula rito magmula nang manggaling sila sa Italy, impromtu. At kung anu-anong paranoia ang pumasok sa isip niya sa ilang araw na nagdaan. Naroong naiisip niya na baka na-turn off ito sa pagdadrama niya. Baka n-asuffocate at ayaw ng emo kind of a woman. Siyempre, bampira ito at nabubuhay sa bakbakan. Baka ayaw nito ng fragile at pabigat ang tingin sa mga tulad niyang madalas magbago ang mood kapag nakakaalala ng malungkot na alaala. Sobra din ang naging takot niya na sa araw-araw na paghihintay sa bampira, nagtatapos lang iyon na hindi ito nakikita. Baka tuluyan na itong nag-escape sa buhay niya.
“Where have you been? Bakit ngayon ka lang nagpakita?” May halong tampo at sama ng loob na tanong niya habang mahigpit pa din ang yakap rito.
Kumawala lang siya nang ma-satisfy na ang sarili. Pero mahigpit pa din ang pagkakahawak niya sa black leather jacket nito.
“Relax! I’m not going anywhere.” Natatawang sabi nito na sinulyapan ang mga kamay niyang nakakapit sa jacket ng lalaki.
Inirapan lang niya si Helios na parang tuwang-tuwa pang makitang halata ang pag-aalala niyang maglaho na naman ito sa mga paningin niya.
“You couldn’t blame me. Halos isang linggo akong mabaliw-baliw sa paghihintay sa ‘yo. Nakabalik na ako at lahat sa trabaho, ni anino mo, hindi pa din nagpapakita sa akin.” Masama ang loob na sumbat niya rito.
“Nasa paligid lang ako at laging nakabantay sa ‘yo.”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Then, bakit hindi ka nagpapakita.”
“Para hindi magulo ang schedule mo?” Ngumisi ang bampira. And it made him more desirable. Bakit ba kahit anong facial expressions nito, napaka-gwapo pa din? “Alam ko naman kasing nadi-distract ka kapag nasa harapan mo ako.”
Tinampal nga niya ito sa dibdib. Pinanlakihan niya din ng mga mata. “Aren’t we’ve been too confident here, Mr. Monfort?”
“Mali ba ako?” Tila nanunubok ang mga mata nito.
Hindi nagawang makatanggi ni Fleure. Naramdaman niya din ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Senyales na guilty ang dalaga.
What the… paano ako tatanggi? Hindi naman ako marunong magsinungaling.
“See. Inamin mo na.”
Nanlaki ang mga mata ni Fleure. May bigla siyang naalala.
“Can you… can you here my thoughts, already?”
Isang gwapong ngiti at marahang pag-iling. Nanginginang sa malamlam na liwanag ng parking area ng ospital ang mga mata ni Helios.
“Then how…” nalilito pa ding tanong niya.
“Facial expressions and your shining beautiful eyes.” Sabi nitong mataman pa ding nakatitig sa kanya. “Your blushing beautiful face just told me so.”
Natapik niya ang sariling pisngi. Hindi na siya teenager para mag-blush pa. But she couldn’t help feeling the hots in her cheeks. Ganoon siya kapag guilty. Medyo pabebe at feeling niya ay awkward. Kaya lang ay ano bang magagawa niya? Iyon ang isa sa mga hidden characteristics niya.
Naramdaman ni Fleure ang mga daliri ni Helios sa ilalim ng baba niya at marahang iniangat iyon. Nagtama ang mga mata nila. And those fiery bluish eyes of him just bring warmth down her bones and crawled even to her whole internal system. It excites her and made her blood boil in fiery need of kissing and touching him. Kung bakit ganoon katindi ang epekto ng mga mata ni Helios sa kanya, hindi niya din alam. At wala siyang balak na i-analyze pa. She felt it, period.
“You’re lovely, Fleure…” anas nito na unti-unting lumalapit ang mukha sa kanya.
She couldn’t move. O talaga lang ayaw niyang kumilos. She wanted him to do whatever he pleased.
“I wanted to kiss you.” Muling bulong nito pero huminto na sa paglapit ang mukha. His lips were breath away from hers. At nandoon ang matinding pagkatakam niyang matikman ang magagandang mga labi nito. Gustong-gusto niyang kabigin ang batok ng bampira at halikan ito.
“Were you asking permission?” Halos mamilipit siya sa pagkasabik. Gusto na din niyang mapapikit. Sabi nga nito, her eyes told a thousand tale. At natatakot siyang nababasa nito ang nararamdaman niya dahil sa transparency sa kanyang mga mata.
“Yes…” bulong nitong humaplos ang mabangong hininga sa kanyang mukha.
She was going crazy if he wouldn’t kiss her right now.
“Is it necessary for you to ask? You had kissed me before without permission.”
You can do it again.
Gusto niyang idagdag.
“I’m an asshole before. At gusto kong baguhin iyon. I want to fit to a man you would want to have.”
Nakita niya ang insecurity sa mga mata ni Helios habang nakatitig sa kanya. At gustong-gusto niyang pawiin iyon. Gustong-gusto niyang sabihing hindi nito kailangang makibagay sa mga tao na tulad niya o gayahin ang mga lalaking mortal sa mundong ginagalawan niya. Because Helios was already enough. He fits perfectly to a man she dreamed to have.
“You don’t have to. You are perfect to me.” Marahan niyang hinaplos ang mukha nito saka ngumiti ng buong init. “Now, shut that mouth and kiss m—”
Hindi pa siya tapos humiling at magsermon ay agad na nitong sinalakay ang kanyang mga labi. Kissing her hotly and tenderly. Full of passion and cravings. He deepened their kisses. Habang siya naman ay nagpapakalunod sa sarap na bigay ng halik ni Helios. She even snaked her arms to his nape and savor the kisses they made. Parang huminto ang pag-ikot ng oras sa mundo. O baka ini-transfort sila palabas ng mundo. Even the galaxy would be ashamed of their tender and passionate kisses.
Ayaw pa nilang huminto at maghiwalay nang makarinig ng tikhim mula sa kung saan. Napilitan lang siyang kumalas kay Helios para kilalanin kung sino ang istorbo.
“Doc. Denise…”
Kandasinghap si Fleure at medyo nahiya sa doktora na naagaw pala ang pansin sa pag-i-sparring ng mga labi nila ni Helios. Kahapon lang ito nakabalik mula sa pagliliwaliw nito sa mundo bilang isang doktora.
“I didn’t know na may lover ka na pala, Doc. Garnett?”
Napakunot-noo si Fleure sa kapormalan ng boses ng kaibigang doktora. Pero mabilis ding gumana ang isip niya. The woman was so conservative and she used to act as her protective elder sister. Ganoon na ito since time they met and been closed together. Siguro dahil kaibigan nga ang turing nito sa kanya. Or maybe a sister who always needs guidance. Hindi niya masisi ang doktora kung bakit parang naninita ang tono nito. She always had the tendency to protect and guide her.
Kumunot ang noo nito. Siya naman ay napatingin kay Helios na mukhang hindi bothered o walang pakialam. Muling bumalik ang mga mata niya kay Doc. Denise. Damn this feeling pero para siyang teenager na nahuli ng kapatid na palihim na nakikipag-date at sinisita na ngayon.
“Mind if you introduced him to me?” Nakangiting lumapit si Doc. Denise sa kanila.Parang sinuri pa ng maigi si Helios.
“Oh, well.” She forced herself to calm her nerves. Wala sanang masama kung makipagmabutihan man siya sa lalaki besides she was her right age to get intimate. Pero ang mali ay nasa public place sila ni Helios at doon naghahalikan. Hindi iyon gawain ng isang professional na tulad niya. “This is Helios…” Hindi niya alam kung dapat pa bang sundan iyon o kung ano ang isusunod. Ni hindi niya nga alam kung anong level ba sila ng bampira. They enjoyed being together. They shared thoughts. She even let him kissed her. Pero paano nga ba sasabihin may namamagitan sa kanila kung wala naman iyong linaw? Binalingan niya si Helios at binigyan ng tingin na nagpapaunawa. “Helios this is Doc. Denise. A friend and almost a sister to me.”
“Hmm…”
Tiningnan niya ito na parang ini-instruct na makipagkamay. Pero hindi yata na-gets ng bampira. Si Denise na ang naghayin ng kamay sa lalaki.
“Please to meet you.” Ani Denise.
Inabot naman iyon ni Helios. “Same here.”
Sandaling kumunot ang noo ni Denise na parang may napansing kakaiba sa kamay ni Helios. Must be the chilly feels of his skin. At mukhang tama siya base sa paraan ng pananalita nito nang bitawan iyon.
“Nervous?” Natatawang sabi ni Denise. “Ang lamig ng kamay mo ha? Para bang guilty ka na may ginagawa kayong mali.”
Binigyan lang ito ng bored look ni Helios. That was him. Rude at times. Hindi niya masisisi si Denise kung biglang titikwas ang kilay nito.
“Tama ba ako?” Parang pang-i-interrogate ni Denise. Ngayon niya naramdaman ang parang nakakainis na pakikialam nito. She knew she was just concerned and all that. Pero kailangan bang ilagay nito sa awkward situation ang lalaki?
“What the heck? I did kissed her. So what? Would you mind your own business? After all, kaibigan ka lang. Don’t act like you are a family because you are not.”
Napasinghap si Denise sa kaarogantehan ni Helios. Nahila naman niya ang braso ni Helios para sawayin ito.
“Jeez! Let’s go, Fleure.”
Nauna nang sumakay ng kotse si Helios. Tigagal naman si Denise at abot-abot ang hingi niya ng pasensiya. Sa huli ay nasita niya si Helios habang nagda-drive siya pauwi.
“Why so rude, Helios? She’s a friend.” Medyo naiinis na sabi niya rito.
“A friend? You called that woman a friend?” Parang hindi makapaniwalang tanong nito.
Medyo nalito siya sa pagkaasar ni Helios kay Denise. Helios was naturally rude. Pero sa pagkakataong ito, parang may ibang ibigsabihin ang disgust na nasa mukha ng bampira. Plus the fact na alam niyang sinusubukan nitong makibagay sa mga tao. Hindi niya lang talaga gets kung bakit ganoon ang pakitungo nito kay Denise samantalang alam niyang ngayon lang nagkaharap ang dalawa.
“I believe I already told you I can read people. And that woman… I don’t like her.”
Muli siyang napatanga kay Helios. Baka naman kasi kaya ganoon ito kasi nahuli sila ni Denise sa intimate situation at nauwi sa paninita ng kaibigan. Denise would naturally react like that dahil alam niyang pinoprotektahan lang siya ng kaibigan. And of course, knowing Helios, he would be pissed by Denise, confronting them.
Napabuntong-hininga nalang si Fleure.
“Keep your distance away from that woman, Fleure.”
Hindi na siya nagsalita. Ano pa bang dapat niyang sabihin? Ayaw niyang magtalo sila. Halos isang linggo siyang hindi dinalaw ni Helios. Mabaliw-baliw siya sa paghihintay dito at ngayong nagkasama na ulit sila, sisirain niya ba ang pagkakataon?