“I DON’T like him.”
Lumingon si Fleure kay Denise na mukhang asar na asar pa din. Pero hindi siya kayang impluwensyahan ng negative aurae ng kaibigan dahil umaapaw ang ligaya niya nang nagdaang gabi. Ipinasyal na naman kasi siya ni Helios sa isang spring field sa China. Sulit ang limang araw na hindi sila nagkasama dahil ang gabing iyon ang pumuno ng lahat ng pananabik niya dito. There’s nothing intimate that they did. Magkasama lang silang namasyal. Nagkwentuhan at magkayakap sa gitna ng flower field sa ilalim ng mga bituin at buwan. Kahit hanggang mag-umaga, magkasama sila at hanggang makauwi. Iniwan lang siya nito nang nangangatok ang kanyang ina, for the first time.
Err. Nang maalala ang ina ay nayamot siya. Muling ibinalik ni Fleure ang sarili sa ginagawa.
Nasa kasagsagan siya ng pag-aaral sa skin condition ni Helios. Masaya siyang pumayag na din sa wakas ang bampira na makunan niya ito ng skin samples at pictures ang pisngi na nagkaroon ng skin reactions nang matamaan ng sikat ng araw.
“Science can never explain our condition. Hindi pa ba malinaw sa ‘yo na vampiristic reaction ito?”asar pa ding sambit ni Helios habang kinukunan niya ng picture ang parte ng mukha ng bampira.
“I don’t think so, Helios. Lahat ng bagay ay may paliwanag. Hindi palang iyon nadi-discover. And there’s nothing wrong in hoping. Ayaw mo bang magkasama din tayo kahit sa ilalim ng liwanag ng araw?”
Nagbuntong-hininga ang lalaki. “You know the answer.” Bakas sa boses ang frustration nito.
“‘Yon naman pala eh. Just leave this one to me. Hahanapan natin ng paraan ito. Just trust me.”
“You know that I do. Hindi ko ie-expose sa ‘yo ang sekreto ng mga tulad ko kung hindi ako nagtitiwala.”
Napangiti si Fleure nang maalala ang usapan nilang iyon kaninang umaga. Hindi kailangang hawakan o halikan siya ni Helios para kiligin. Ang mga salita nito, sapat na. The manner of trusting only strengthen her feelings for him. Hindi man malinaw kung ano ba ang namamagitan sa kanila, at kung ano ba ang ibigsabihin ng mga pagkakasama nila. Hindi na iyon mahalaga. Ang nag-iisang bagay na mahalaga ay ‘yong katotohanan na pareho silang masaya habang magkasama.
“Are you still with me, Fleure?”
Napalingon bigla si Fleure kay Doc. Denise. May kausap nga pala siya, nawala na naman siya sa sarili.
“May mga ganoon talaga kasi, Doc. Denise. May mga tao na hindi mo ka-match. I mean, may mga tao na sa unang pagkikita palang, ramdam niyo na na hindi niyo makakasundo ang isa’t-isa. ‘Yon bang parang mortal enemy kayo no’ng past life?” nasabi nalang niya. Ayaw niyang patulan ang mga himutok nito kay Helios. Besides, Helios didn’t like her, either.
“And when the hell did you believe in that craft? Past life? Reincarnation? I don’t think so. Hindi naman totoo ang mga iyan. Tsaka hello? Sa reyalidad na tayo. That man is definitely arrogant! Dapat ba niya akong benggahin ng gan’on? Face to face…?”
Ang dami-daming sinasabi ni Doc. Denise. Gusto na niya itong paalisin at nagsisimula na siyang mairita. Isa pa, nasasayang ang oras niya. May mga dapat pa siyang pag-aralan. And there’s nothing important but the rare skin condition of Helios. Maski pa alam niyang astral vampire ang lalaki, matindi pa din ang paniniwala na may paraan para maipaliwanag ang skin condition nito. Baka may paraan din para ma-lessen ang skin irritation sa araw. Ah, hindi siya titigil hanggang hindi nagagawan ng paraan ang sitwasyon ng lalaki.
Narinig niya ang tunog ng cellphone ni Doc. Denise at ‘yon ang nagpatigil sa pagra-rant ng doktora. May sumilip naman sa pintuan sa opisina at hinahanap siya. Dali-dali niyang sinamsam ang mga papeles at mga pictures para itago sa drawers. Ni hindi na niya napansin ang isang picture na nalaglag sa ilalim ng desk niya.
Nagpaalam na din si Fleure kay Doc. Denise na mauuna nang lumabas. Tumango lang ang huli habang may kausap sa cellphone.
“YOU know what? I have a surprise for you.”
Malawak ang ngiti ni Fleure na sinalubong si Helios sa may parking area. She handed him a folder containing the informations which was the source of her excitement. Nakakunot-noong inabot iyon ni Helios at sinimulang basahin.Habang siya naman, matyagang hinihintay ang magiging reaction ng bampira.
It’s been months since she did her research. At maski paano ay may improvement na. May mga rare cases din na tulad ng kay Helios na madaling masunog ang balat sa ilalim ng araw. May mga cases talaga na hypersensitive sa UV radiation. At tama ngang ang mga pale person ang mas sensitive sa araw. Wala kasing pananggalang sa UV radiation ang balat ng mga ito. Ang rapid self-healing ang hindi niya maipaliwanag.
“Wait… what is this?” Halos lumipad ang kilay ni Helios sa pagkakaigkas noon nang bumaling sa kanya habang hawak ang folder. She knew why. “Gusto mo na i-testing ko ang sarili ko na i-expose sa araw with a stupid sun gel? Repeatedly until I get used to it?”
Tumango siya. Confident pa. “Alam mo kasi Helios, may mga skin condition na kinulang lang ng mga supplements na nanggagaling sa araw. Tsaka, minsan, ang sanayin ang sarili sa mga bagay na kinatatakutan natin o iniiwasan natin ang paraan para ma-endure ang mga iyon.”
“Hindi mo ba talaga naiintindihan, Fleure? Hindi ako normal na tao. Actually, hindi ako tao. I am a vampire.” May diin sa mga salita ni Helios. At kasabay noon, nararamdaman at naririnig niya ang matinding lungkot at frustration sa katotohanan ng mga binigkas nito. “Kahit anong gawin mo, hindi mababago ang katotohanan na bampira akong isinumpa ng araw. Hinding-hindi ako pwedeng lumakad sa ilalim ng liwanag.”
Parang galit na ito na pilit isinisiksik sa kanya ang katotohanang iyon. Sa palagay pa niya, gusto na siyang sakalin ng lalaki sa tiim ng titig nito sa kanya. Para bang sinasabi ng mga mata nito na ano bang hindi niya maintindihan sa mga paliwanag nito at ipinipilit niya ang sariling paniniwala.
“There’s no harm in trying Helios. Besides, you can self-heal easily.” Pagpipilit niya.
She may sounds desperate. Pero talaga namang desperada na siya. Sobrang desperada na siyang masolusyonan ang skin condition nito. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na posibleng Porphyria ang kondisyon ng lalaki maski pa lahat ng researches niya, doon ang ending. Doon siya itinuturo. Ayaw niyang tanggapin na iyon na talaga ang pinakatamang diagnosis para kay Helios. Dahil ang Porphyria o vampire syndrome, wala iyong gamot. At ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Kaya doon siya sa case na medyo malapit at may solusyon.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Fleure.”
“Alam ko!” Giit niya. Nagsisimula na din siyang ma-frustrate. Akala pa naman niya, matutuwa si Helios sa analysis niya. Ano bang problema at tumatanggi ito? Susubukan lang naman nila. Tutal, mabilis ang self-healing nito. In a minute or two, wala nang traces ng serious sunburn. “Ayaw mo ba akong makasama ng mas matagal sa nagagawa natin ngayon?”
“I do. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto—”
“Then bakit ayaw mong subukan?!” Mangiyak-ngiyak na siya. Hindi niya ito maintindihan. Ani ba ang pumipigil dito para sumubok?
Helios heaved a sigh while starring intently on hers. “Ito ba ang basehan mo para malaman kung gaano kaimportante para sa akin na makasama ka?”
Sandaling natigilan si Helios. Ramdam niya kasi ang hinanakit at sama ng loob ng bampira. Para na ding sinasabi nito na tine-test niya ito kung hanggang saan ang pangangailangan nitong makasama siya. But she can’t failed. She can’t afford to fail now. Nakasalalay ang pang matagalang pagkakasama nila ni Helios. And to live a normal life, human do.
“If I… I said yes, Helios. What will you do?”
Nagtagisan ng maigting ang mga bagang ni Helios habang nakatitig sa kanya. He never said a word and turn his back on her. Iglap at nawala ito sa harapan niya. Iniwan siyang halos natutulala at parang nararamdaman pa din ang intensity ng mga titig na iyon ni Helios. Intense in a sad and disappointing manner. And she felt so guilty. At the same time, gusto niyang magalit sa sarili. Sumobra ba siyang ipilit ang kagustuhang mapagaling ang case nito? Pero ginagawa lang naman niya iyon para din sa kanila. She wants him not only by night but everytime. At nararamdaman niyang katulad ng pakiramdam niya ang nararamdaman ni Helios. Hindi sapat ang mahabang gabi ng pagkakasama nila. They can’t even do a normal couple were doing. Ramdam niya ang kagustuhan nito na maki-blend in sa mga tao pero hindi nito alam kung paano. At tinutulungan lang naman niya ang lalaki.
Kaya lang, bakit parang ito pa ang may hinanakit sa kanya?
Siya ba talaga ang may problema o si Helios na?
“Why Helios? Bakit ba ayaw mo pang subukan?” Mula sa madilim na kawalan ay naitanong niya.
Ayaw niyang magalit o maghinanakit sa kahit kanino pero parang gusto na niya talagang kwestiyunin ang nasa Itaas. Bakit ganoon Ito magbigay ng mga taong mamahalin at papahalagahan niya? Hindi long term at palagi pang may consequences. Ang Daddy niya, na mabilis lang ipinahiram sa kanya. At ngayon naman, si Helios, na may curfew pa. Hindi ba pwedeng unlimited 24/7?