CHAPTER 16

“NABABALIW na ang anak mong iyan, Gertrude!” Galit na singhal ni Jultio sa asawa.

Hindi naman nagsalita si Gertrude. Isang buntong-hininga lang ang pinakawalan.

“Ano? Wala kang balak pigilan ang anak mo? He was asking for his death kapag sinunod niya ang babaeng iyon!”

“Because he loves her.” Humarap si Gertrude sa asawa at inalis ang tingin sa anak na nakatitig lang sa madilim na kalawakan. “Alam kong gusto niya din ang gusto ni Fleure. Gusto niyang mabuhay ng normal kasama ng babaeng mahal niya.”

“Then, do you actually told me that love is suicide? Love means death?”

Isa ulit buntong-hininga. “In their case, yes. Love for them also means death.”

“Then I won’t allow that love between them.” Matigas at nagngangalit ang mga bagang ni Jultio. Even his flaming blue eyes were telling how much anger he had inside.

“Only Helios will decide about it. Hayaan mong siya ang makaalam ng magiging bunga ng mga kabaliwan niya.”

“Damn! Hindi na nag-iisip ang anak mo! Saka pa ba tayo kikilos kapag nasa kuko na siya ng kamatayan?”

NARIRINIG ni Helios ang pag-uusap ng mga magulang maski nasa tuktok na bahagi ang mga magulang niya habang siya naman ay nasa ground terrace. He felt so guilty for putting his family into distress. Maski si Lori ay nagtangka nang hugutin ang anulum commode sa daliri nito at ibigay sa kanya para lang makalabas siya sa ilalim ng araw. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nito mahugot iyon. O maaaring alam ni Lori ang dahilan. Pwedeng ito lang ang nakakaalam kung bakit hindi nito mahugot ang singsing. Kung minsan ay may pagkamasekreto din kasi ang kapatid.

Ang anulum commode ay isang uri ng makapangyarihang gold ring na ibinigay ng isang astral witch kay Lori, si Astrid. Dahil pinakamahina sa kanilang magkakapatid si Lori, masaya na din silang nagkaroon ito ng ganoong uri ng gamit. Lahat ng kaya nilang gawin na hindi kayang gawin ni Lori dati ay nagagawa niya dahil sa anulum commode. Isa ding shield sa araw ang singsing. Ang kapalit nga lang ay kumikinang ang balat sa tama ng liwanag. And people’s skin didn’t sparkle. Kaya hindi pa din eksaktong masasabi na pagiging normal ang ibinibigay ng singsing kay Lori. Bukod doon, sa tuwing may panganib ay nagbabaga sa init ang anulum commode at nagpapahirap iyon ng husto sa kapatid. Kaya kung may maganda mang biyaya ang singsing, isa din iyong sumpang nagpapahirap kay Lori. Not that he can’t endure the pain Lori was enduring while wearing the anulum commode. But… the ring was hers… it was made and meant to be hers. Sino siya para agawan pa ng nag-iisang bagay na nagpapausad kay Lori para patuloy na mabuhay?

Ah… no. Hindi siya magiging makasarili at tatanggapin ang singsing ng kapatid maski pa magtagumpay itong mahubad iyon. He’ll deal with his own problem.

Ilang beses niyang pinag-isipan at pinag-aralan ang mga laman ng folder na iniabot ni Fleure sa kanya. May isang linggo siyang halos wala sa sarili kapag kumakain sa astral plane. Maski ang mga obligasyon niya, halos hindi na niya nagagawa ng tama. And he felt like a dumb ass.

Kaya matapos ang halos dalawang linggo, nag-decide na siya. Alam niya sa sarili na hindi niya kaya na wala na si Fleure sa buhay niya. His life will never be the same. He’ll never feel the happiness only Fleure can give him. At kung ang paraan lang para muli silang magkasama na katulad ng dati, walang tampuhan o samaan ng loob, ay ang pagpayag sa kagustuhan nito… then he will. Gagawin na niya ang gusto ni Fleure. Kahit pa nga ang kapalit noon ay ang palaging panghihina ng kanyang katawan. Madali nalang naman mag-hunt ng pagkain sa astral plane. Sisiguraduhin nalang niyang palagi siyang nakakakain. Katulad ngayon. Pagkatapos niyang mag-ronda sa designated place kung saan siya nagbabantay, dederetso na siya sa astral plane para magpakabusog. Para bukas, kapag hinarap niya si Fleure at alukin itong simulan nila ang process ng therapy na naiisip nito, hindi siya made-drain ng husto.

That was the rightest thing to do. He wanted Fleure for himself. At hindi siya papayag na mawala ito sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi pa ulit nanggugulo si Zeke. Kundi ay isa pa iyong problema. O baka naman, hindi niya lang alam pero ang mga kapatid na ang humaharang kay Zeke para makapanggulo.

Pinalipas niya lang ulit ang isang maghapon at dumeretso sa SVMC, sa madilim na bahagi ng car port. Sinigurado niyang ahead siya ng ilang minuto sa oras ng paglabas ni Fleure. Kinakabahan siya at gustong ikondisyon ang sarili sa pagharap sa dalaga. Baka kasi galit pa din ito sa kanya matapos ang biglang pagtalikod dito. Alam naman niyang pinagpaguran nito ng husto ang pag-aaral sa kondisyon ng balat niya sa matinding kagustuhan na magkasama sila ng mas matagal pa sa karaniwang ginagawa nila. He already understands her. And he was willing to cooperate.

“Oh, Helios… you’re here already.”

Sa pagbaling ni Helios para kilalanin kung sino ang nagsasalita, isa namang tila nakakakuryenteng bagay ang biglang dumikit sa leeg niya. Mahaba iyon at mga isang dipa ang layo mula sa kanya ng kung sinong may hawak ng pangkuryenteng bagay. Kung may ilang minuto siyang nagkikisay sa tindi ng impact ng kuryente na dumadaloy sa katawan niya. Hindi na din niya nagamit ang kakayahan para alamin ang iniisip ng mga mortal dahil sa ginagawa ng mga ito sa kanya. Mas nagpokus siya sa kung paano makakawala. Pero isa pang bagay ang muling dumikit sa katawan niya bago pa niya mahablot ang kung sino sa kanyang tabi.

“Lumayo ka sa kanya at baka pati ikaw, makuryente!”

Pinilit ni Helios na maghagilap ang mga kamay ng kahit na sino sa malapit sa kaniya. Nahablot niya ang batok ng isa. Nagkikisay din iyon at nawalan ng malay. Isinalya niya ang lalaki at muling naghagilap maski pa nagkikikisay ang kanyang katawan. Gusto niya sanang mag-astral travel pero hindi siya makapokus para makalabas ng katawan. Isa pa, kung mapapatay ng mga hayup na ito ang katawan niya, katapusan na din niya.

“Laksan mo kasi ang electric shock! Hindi gagana ‘yan diyan dahil hindi ‘yan normal! Itodo mo!”

“Kung tumutulong ka dito?”

Bibigwasan na sana niya ang kung sinong nagsasalita na malapit sa kanya nang may dumampi na naman sa kanyang batok. Isa pa sa kanyang gulugod. Sa kanyang baywang at maging sa kanyang sintido. Kumilos ang isa niyang paa para tumadyak sa kahit sino nalang na nagbibigay sa kanya ng electric shock para kahit paano ay mabawasan ang pahirap na kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Pero walang nangyari. Hindi na niya magawang gumalaw pero nananatili pa din siyang may malay. Ayaw niyang mawala sa huwisyo. Hindi pwede. Mga mortal lang ang mga ito, hindi siya kayang talunin ng mga ito!

Pero mas tumitindi ang kuryenteng nagsasalinbayan sa buo niyang katawan. Para siyang isang makina na nagsho-shortcircuit. Nagsisimula na ding maubos ang enerhiya na inipon niya nang nagdaang gabi.

What are these idiot of a human being was doing to him? At sino ba ang mga ito?

“UVR. Ultraviolet radiation. Iyon ang kahinaan niya ayon sa research ni Fleure.”

“At saan tayo kukuha ng sikat ng araw sa ganitong oras?”

Parang naparalisa si Helios sa narinig. Kinaya niyang labanan ang matinding electric shock na animo kasinglakas ng voltages sa poste ng Meralco, pero ang narinig ang parang kumuha ng lahat ng natitirang lakas niya, ni hindi na niya naintindihan kung ano pa ang mga sinabi ng kung sino sa mga alagad nito na itarak daw sa kanya.

May kung anong matulis na bagay ang tumusok sa batok niya at unti-unti, nararamdaman niya ang pananakit ng laman niya. Ang pag-iigtingan ng mga ugat niya. Parang sinusunog din ang internal system ni Helios sa kung anong likido na itinurok ng mga ito sa kanya.

“Another shot!”

“Baka ma-overdose”

“Hindi. Nakita ko sa research na malakas ang katawan niya. Do everything to make him passed out!”

Kilala niya ang boses at sa nanlalabong isip, parang naiintindihan na niya ang lahat. Plinano ba ito ni Fleure? Dahil ba sa hindi siya pumayag, kumuha ito ng ilang tao para sapilitan siyang pumayag sa kagustuhan ng babae?

Damn it, Fleure! You don’t have to do this. I am already willing to give it a try.

At sa kaisipang dadalhin naman siya ng mga ito kay Fleure ay hindi na siya nagtangka pang manlaban. Nanghihina na rin naman ang kanyang katawan at hindi na magamit ang kakayahang alamin ang nasa isip ng mga ito. But thinking that they were associated with Fleure, he knew he didn’t need to repulse. Siguro ay dala na ng matinding kagustuhan ni Fleure na magawan ng solusyon ang problema sa katawan niya ang nagtulak sa babae para gawin ang bagay na ito. He didn’t need to use his telephatic ability to communicate with his family. Ayaw niyang umabot sa sukdulan ang galit ng mga ito kay Fleure.

DALA ng matinding frustration at restlessness, tinabig ni Fleure ang mga papeles na nasa ibabaw ng counter top doon sa mansyon nila. Hatinggabi na at patuloy pa din siya sa mga researches niya patungkol sa kondisyon ni Helios. Mag-iisang buwan na din itong hindi nagpaparamdam mula nang gabing ibigay niya rito ang folder. And she regretted it too much. She missed him so badly. Magpakita lang ito sa kanya at hindi na niya pipilitin ang bampira sa therapy na naiisip niya. But then, ni hindi niya ito nararamdaman sa kahit saang lugar pa siya pumunta.

Mariing naipikit niya ang mga mata habang sinasabunutan ang sariling buhok. Para din siyang wala sa sarili na tumayo at umakyat sa itaas, sa kwarto niya. Lumabas siya sa veranda para doon magpalipas ng hindi magagandang nararamdaman. Ganoon nalang palagi. Sa napakadaming gabi na nami-miss niya si Helios, tumitingala siya sa madilim na kalangitan. Thinking na pareho sila ni Helios na doon nakatanaw. Watching the same moon, the same stars, the same sky. Pero hindi sapat iyon. Gusto niya itong makita. Gusto niya itong makasama!

Hindi na namalayan ni Fleure ang paglalandas ng mga luha sa kanyang pisngi. Ganoon nga yata katindi ang pagka-miss niya kay Helios. Hindi nalang siya simpleng nalulungkot. Naiiyak na siya, isipin palang na hinding-hindi na ito magpapakita sa kanya, dahil sa pagpipilit niya ng gusto rito.

“Helios…” mahinang sambit niya sa tahimik na gabi. “Please… come back to me. Hindi na kita pipilitin. I promised.”

“Kung wala sa ‘yo si Helios, then nasaan siya?”

Bigla ang pagbaling ni Fleure sa narinig na nagsalita. Sa kanang bahagi ng veranda. Madilim doon at may puno ng mangga na ang sanga ay umaabot na sa railings. Nilapitan niya ang bahaging iyon ng veranda. At napasinghap kasabay ng pagdaklot sa dibdib dahil sa pagkabigla. Mga nagbabagang asul na mga mata ang una niyang nakita. Unti-unti, lumalabas sa dilim ang silhouette hanggang maging isang totoong pigura… hindi, mga pigura.

“A-Ailister?” Napabaling siya sa isa pa. “Azriel?” At may isa pa. Babae.

“I’m Lori.” Anito.

Magkakamukha ang tatlo. Ah, magkakahawig. At mukhang si Lori ang pinakabatang version, bukod pa sa sabihing woman version nina Helios at ng mga kapatid. Hindi na mahirap unawaing mga kapatid ito ng lalaki.

“Nasaan sina Lathan at Axyl?” Tanong ni Azriel na nagpalinga-linga sa paligid.

“Pumuwesto na sa mga designated place nila. Kaya naman na natin ito.” Si Lori ang sumagot.

Bigla siyang nahintakutan. Anong ibigsabihin ng mga sinabi ni Lori? May masamang tangka ba ang mga ito sa kanya? Ipinaalam ba ni Helios sa mga kapatid ang napag-usapan nila? But… she didn’t mean any harm.

“Saan mo itinago ang kapatid namin?”

Hindi malaman ni Fleure kung ano ang unang mararamdaman. Pagkalito ba sa tanong na iyon o ang pagkasindak sa labis ang alit na makikita sa mga nag-aapoy na mga mata ng mga bampira?

“Huh? What do you mean?” kandalito niyang tanong at napaatras nang maramdamang humahakbang palapit ang mga ito.

“Don’t you ever try to deny it. Pinuntahan ka ni Helios, two weeks ago para sabihing payag na siya sa mga kalokohan mo. That’s how much he loves and treasured you na kahit sarili niyang kaligtasan, kaya niyang itaya, para lang mapagbigyan ka at ang mga kagustuhan mo!”

Natigilan si Fleure. Pakiramdam niya, nanigas ang katawan niya. Nag-freeze sa pagdaloy ang dugo niya. Anong sinasabi ng mga ito? Mag-iisang buwan na silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Helios. Mag-iisang buwan na siyang halos mabaliw sa paghihintay sa bampira. Bakit sa kanya hinahanap ng mga ito ang kapatid?

“Let’s go.” Mariing biglang sabi ni Azriel.

“Ha? Hindi pa tayo tapos dito.” Angal ni Lori na parang inip na inip na marinig ang mga sasabihin niya.

“I said let’s go!” angil nito sa dalawa. Parang natigilan ang dalawa pa nina Ailister at Lori. Gamit ang mga mata, parang nagkaisa ang mga itong iwan siyang punong-puno ng mga katanungan.

Ano bang nangyayari? Nawawala si Helios? Bakit? At saan ito pupunta? Bakit sa kanya hinahanap? Hindi naman kaya, nakuha na ito ng soul sucker? Pero matagal na silang hindi ginugulo ni Zeke. And besides, alam niyang malakas si Helios. Kahit tatlong Zeke ay kaya nitong labanan!

“Nasaan ka Helios? Anong nangyari sa ‘yo?”

Siya ba ang may kasalanan? Ang labis na pagkagahaman niya sa oras na pupwede silang magkasama, iyon ba ang nagpahamak kay Helios? Sinabi ng mga kapatid nito na pinuntahan siya ng lalaki para sabihing payag na ito sa gusto niya. Pero walang Helios na nagpakita sa kanya, two weeks ago. Saan ito posibleng nagpunta?

Pumasok si Fleure sa loob ng silid at hinanap ang cellphone. Bakit hindi niya agad naisip? May location tracker ang cellphone ni Helios. At palaging dala ng lalaki ang cellphone nito. Anytime kasi na mag-miscall siya rito ay agad na sinasagot. Nitong nakaraang buwan lang ay hindi niya nagawang mag-miscall man lang sa lalaki. Nahihiya siya bukod sa natatakot na masinghalan nito. Alam niya kasing masama ang loob ni Helios sa kanya. Kaya siya nalang ang naghintay rito na magparamdam. Pero hindi nangyari ang hinihintay niya.

Ini-check niya ang location ng cellphone. At nasa malapit lang iyon. Nasa… SVMC?

Mabilis na bumalik siya sa SVMC. Sinundan ang tracker. Sa parking area. Iyon ang sinasabi ng tracker. Nandoon na siya sa mismong pwesto na sinasabi ng tracker pero bakit wala? O baka… baka iyon ang huling location bago nalobat ang gadget ni Helios… pero bakit? Anong nangyari?

“SMARTPHONE. Magandang brand ‘yan.”

“Icha-charge ko muna. Lobat na eh. Sa ‘kin nalang ito. Tutal hindi na naman niya magagamit.”

“Magpaalam ka na muna kay doktora.”

“Hindi mahalaga sa kanya ang gamit ng halimaw na iyon. Ang katawan at genetic no’n ang mahalaga.”

Nagtatagisan ang mga bagang ni Helios habang nakapikit at naririnig ang nagsasalimbayan na iniisip at pag-uusap ng mga taong nasa paligid niya. Madilim ang buong silid lalo na kapag nag-iisa nalang siya at wala ang mga tumitingin sa kanya. Nakakadena siya sa ibabaw ng hospital bed at ang mga kadenang iyon, naglalabas ng electric shock sa tuwing gumagawa siya ng paraan para makakawala. Ang buong silid na kinaroroonan niya, powered by electric shock din ang mga dingding at lalo na ang pintuan. May code na ginagamit ang mga tao para maging resistor sa tuwing hahawakan iyon o baka sandaling inide-deactivate ang electric shock. Matatalino nga siguro ang mga tao para makagawa ng mga ganoong uri ng makinarya. Na kahit siyang isang malakas na bampira, hindi magawang makakawala sa kadena at sa silid na iyon.

Isang bagay nalang na ipinagpapasalamat niya ay nakakakain pa din siya sa panaginip ng mga nagbabantay sa kanya. Hindi niya magawang sumampa sa mga astral planes at pinagtyatyagaan ang panaginip ng mga taong sangkot sa pagkukulong sa kanya. Nasa underground place ng isang mansyon ang kinaroroonan niya. Hindi nga lang niya magawang makaalis. Kung iiwan niya ang katawan doon, manghihina iyon ng husto dahil sa ginagawa ng mga ito, hanggang sa tuluyang mamatay. Pati siya ay mamamatay na din ang astral body sa sandaling maputol ang silver cord niyang nakakabit sa pisikal na katawan tuwing nag-a-astral travel.

Hindi makapag-isip ng maayos si Helios kung paano makakatakas. Pwede siyang humingi ng tulong sa pamilya. Pero ang inaalala niya ay si Fleure.

Damn it!

Parati niyang naririnig mula sa isip ng mga nasa paligid ang pangalang Doc. Enriquez na palagay niya, pasimuno sa lahat ng iyon. Dahil ito ang madalas na laman ng isip ng mga tao sa paligid niya kapag patungkol sa pagdedesisyon at consultations. Ilang beses din na nabanggit ang Doc. Garnett na sigurado siyang si Fleure. Nakita niya ang pangalan na iyon sa nameplate ng dalaga. Lahat ng data informations ay galing kay Fleure. Kapag may iba pang kailangan na informtions, palagi niyang naririnig na kukunin kay Doc. Garnett. Ibigsabihin, talagang pinag-aaralan ni Fleure ang kondisyon niya hindi para tulungan siyang magkaroon ng lunas kundi para sa sariling kapakinabangan nito, at ng kung sinong Doc. Enriquez na partners in crime nito. Mas lalo tuloy tumitindi ang paniniwala niyang hindi totoo ang mga ipinakita ni Fleure sa kanya nitong nakaraan.

At ganoon nalang katindi ang galit na nararamdaman ni Helios. Kaya pala ganoon ka-eager ang dalaga na tuklasin ang mga bagay na may kinalaman sa genetics niya ay dahil kailangan siya nito, ginagamit lang siya nitong stepping stones!

Naramdaman ni Helios ang pag-iinit ng mga mata. Nagbabanta ang mga luha ng galit at sakit na si Fleure ang may kagagawan. Nagagalit siya ng sobra rito sa ginawa sa kanya. Sobrang galit na galit siya. Hindi niya lubos-maisip na magagawa iyon ng babae sa kanya. Pinagkatiwalaan niya ito ng sobra pero ang kapalit ay ganito. Iyon ang labis na nagpapahirap ng dibdib ni Helios. Hindi niya matanggap na magagawa iyon ni Fleure. Inakala pa naman niya na maski paano, may damdamin din ito para sa kanya dahil madalas na hinahanap siya nito at gustong palaging makasama. Akala niya, katulad niya ay masaya lang din si Fleure na makasama siya palagi. ‘Yon pala, humahanap lang ito ng tiyempo para mapag-aralan siya.

Pinag-e-expirementuhan siya ng mga scientist at dermatologist na halatang mga hindi Pilipino. Saan kumuha ng ganoon kalaking koneksyon si Fleure at nakapag-import ito ng ganoong uri ng mga scientist? Hindi ba at nagte-take palang ito ng residency? Oo at hindi pa niya nakikita si Fleure sa lugar na iyon. Pero sa tuwing babanggitin ng mga nasa paligid ang salitang Doc. Garnett, alam niyang si Fleure ang tinutukoy ng mga ito. Walang ibang doktora na Garnett ang apelido na nakakaalam ng skin condition niya maliban sa dalaga. At sa tuwing mag-a-astral travel siya para silipin si Fleure sa bahay nito o sa ospital, nakikita niya ang puspusang pag-aaral nito patungkol sa kondisyon ng balat niya. That only confirms na ginagamit nga ng mga ito ang katawan niya para pag-aralan. A new discovery was a big break for someone like her who was new in the field.

Kung paanong nalaman ng Doc. Enriquez na madalas laman ng isip ng iba pang scientist at dermatologist ang patungkol sa kondisyon ng balat niya, hindi niya alam. Siguro dahil din kay Fleure. Kung magkasabwat ang dalaga at ang Doc. Enriquez na iyon, normal lang na malaman ng huli. Nakapagtataka lang na bakit ang huli ang mas priority na hingian ng huling desisyon ng mga naroroon? Dahil ba mas senior sa field ang kung sinong Enriquez na iyon? Maaari. Hindi kukuha ng pipitsuging kasabwat si Fleure kung aim talaga ng dalaga ang magkaroon ng big break.

Pero sa kabila ng galit niya sa pagiging gahaman ni Fleure, hindi niya magawang ipahamak ang babae. Maski paano ay may mabigat na timbang ito para sa kanya. Isang katangahan na nga siguro, pero ang galit niya para sa dalaga, nadadaig ng matinding pag-ibig niya para rito. Alam niyang hindi mapapatawad ng kanyang pamilya ang babae kapag nalaman kung anong ginawa nito sa kanya. Baka mapatay ng mga ito si Fleure. At kahit sukdulan ang galit niya sa babae, hindi niya ito kayang ipahamak. Kahit pa nga nagawa iyon ni Fleure sa kanya.

Kaya lang ay hanggang kailan? Hanggang kailan niya paninindigan ang katangahan?

Naramdaman niyang nagbukas at nagsara ang silid na kinaroroonan. Nagpanggap siyang tulog. Siguradong kukuha na naman ang mga ito ng samples sa kanya. At hindi nga siya nagkamali nang maramdaman ang pagtusok ng karayom sa kanyang ugat.

“Why there was no blood in here?” narinig ni Helios ang magkahalong pagtataka at pagkamangha sa boses ng foreign scientist na bagong dating.

“That’s what I am saying. He had no blood inside his veins. Only… oxygen?” Isang buntong-hininga. Hindi yata ito sigurado sa sinabi.“But the whole internal system didn’t seems to be different. It works well. Definitely well. The only preposterous thing was he had no blood running inside.”

“Then he was not a human.”

“Definitely.” Narinig niyang sabi ng boses ng isang babae. Kilala niya ang boses maski hindi siya magdilat ng mga mata. Iyon din ang boses ng babaeng nag-utos sa kung sinu-sino para kuryentehin siya hanggang tuluyang mawalan ng malay… it was… it was her voice.

“Doc. Enriquez.” Parang masayang bati ng nasa kaliwa ni Helios.

Gulantang si Helios. Pero pinilit niyang pigilan ang sarili na makagawa ng kahit anong kilos. Maski yata paghinga niya ay pinipigilan na din niya dahil parang gusto niyang sumabog sa matinding galit. Ito pala ang Doc Enriquez na tinutukoy ng mga nasa paligid niya.

That cunning bitch!

Sinasabi na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon!

“Hi.” Boses ulit ni Denise. “So, how was the research going on, so far?”

Sandaling nanahimik ang mga ito. Ramdam niya ang pagtitig sa kanya.

“His whole body was excellent! Yet preposterous. He had no blood to circulate inside.” Sabi ng nasa kanan niya, in deep British accent.

“But how come he had that kind of internal system only human had? Even his appearance. He looks like a human.”

“His skin isn’t even normal. Take a look.”

At katulad ng inaasahan niya, may pinipindot lang na button at bubukas na ang isang siwang sa ceiling para bigyang daan ang liwanag ng panghapong araw, direkta sa braso, balikat at pisngi niya. Pinilit niyang hindi magbigay ng reaksyon sa ilang sandali na pagkakabilad ng mga ito sa kanya sa liwanag ng araw. Nawala din naman ang masakit na sinag ng araw matapos ang halos isang minuto din.

Fuck this human!

Gusto niyang patayin ang mga ito. Sinusumpa niyang gaganti siya sa sandaling makakawala sa pagkakakadena.

“God! He was no human!” Shock ang narinig niya sa Briton. Oo, alam niyang Briton iyon dahil sa accent nito.

“That’s what I’ve thought, too.” Segunda ng nasa kaliwa niya.

“About the internal system, I’ll refer to Fleure’s research. I assume she knew it already and she found an explanation to that. If she hadn’t, then she should be freaking out right now.” Sabi ulit ng boses ni Doc. Enriquez.

“Whose Fleure?”

“Doc. Garnett. She was the one who found this man first and had the initial researches.”

Parang gusto niyang manigas at tuluyang maging bato sa kinahihigaan. Kahit paano kasi, kahit naghihinala siya na si Fleure nga ang Doc. Garnett na tinutukoy ng mga nasa paligid, kalahati pa din ng puso niya ang naniniwala na hindi magagawa ni Fleure ang mga naiisip niya. Gusto pa din niyang paniwalain ang sarili na walang kinalaman si Fleure sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Pero itong narinig niya sa babae, isang masakit at mapait na kumpirmasyon. Ayaw na niya... Suko na siya. Tapos na siya sa pagprotekta sa mortal na iyon. Panahon na para isipin naman niya ang sarili. Tama ang mga magulang niya, walang mabuting idudulot sa kanya ang kahibangan niya sa mortal. Kung tuso silang mga bampira, ganoon din ang mga tao. O baka nga higit pa.

At siguro, oras na din para humingi ng tulong sa kanyang pamilya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.