CHAPTER 17

“FUCK that woman!”

Mula sa madilim na gusali ay nagtipon-tipon ang magkakapatid na Monfort kasama ang pinsang si Axyl.

“Pero nakita niyo naman ang reaksyon niya kagabing kinumpronta natin siya. She was shocked knowing na nawawala si Helios.”

“And do you really believe that, Lori?” galit na singhal ni Lathan sa kapatid. “Kumontak din si Helios sa akin habang nagroronda ako. Between that woman and Helios, mas papaniwalaan ko ang kapatid natin.”

“Right. Besides, kilala natin si Helios. Wala sa ugali niya ang humingi ng back up maski pa nga nahihirapan na siya.”

“At kahit pa itanggi niya na may kinalaman ang babaeng iyon kung bakit naiipit siya sa sitwasyon niya ngayon, I still don’t believe him. Alam kong sangkot ang babaeng iyon sa pagkakakulong ni Helios sa underground laboratory.”

“Dapat itong malaman ng Mama at Papa.” Giit ni Ailister.

“‘Wag na.”

Sabay-sabay na bumaling ang magkakapatid sa pinsang si Axyl.

Patamad na hinarap ni Axyl ang apat. “Kung sa inyo humingi ng back up si Helios, that means na ayaw niyang ipaalam sa mga magulang niyo. Nagtitiwala siyang kaya niyo siyang tulungan na hindi maisasaalang-alang ang kaligtasan ng babaeng ‘yon. Alam natin kung anong kayang gawin ng mga magulang niyo sa mortal.”

“But that was insane, Axyl! Protecting that woman who put him into danger? That’s crazy!” gigil na sambit ni Lathan.

“That was love.” Sagot naman ni Axyl. “You’ll know it when you find one.”

“So, what’s the plan?” si Lori.

Humarap ang mga lalaki kay Lori.

“You’ll play a big part in here, Lori. It’s about time to use your ability for a good cause.”

“What do you mean?” Takang tanong ni Lori.

HINDI nila maitatakas si Helios sa Plan A. Bukod sa nag-iisa lang siyang gagawa para mapasok ang underground laboratory, wala ni isang tao na may mahinang katawan ang sangkot at nakakapasok sa laboratory. Tanging ang mga mahihinang katawan lang ang magagawang i-possess ni Lori.

It’s time for Plan B. Ang palabasing patay na si Helios. At ang unang hakbang ay humanap ng gamot na magpapapigil ng pintig ng puso ng kapatid. Ang problema, ang mga gamot ng mga mortal ay ini-inject sa dugo. Ang mga tulad nila ay walang dugo. But then, walang masama kung susubukan. Ang problema nalang ay paano iyon maituturok sa katawan ni Helios.

Ah, hindi na din pala iyon problema. Si Helios na ang magtatarak noon sa sariling katawan. She’ll meet him in his astral form.

Sa ngayon, nag-aabang ang astral body na si Lori sa mga nurses sa SVMC na pwede niyang pasukin ang katawan at makapagtanong sa pinakamagaling na doctor patungkol sa gamot na pwede niyang gamitin. Kailangang ‘yong pagod na pagod. ‘Yong puyat na puyat. Ang mga may ganoong katawan ang madaling agawan ng kamalayan.

“There you are, Missy! Pahiram muna ng katawan mo.”

Walang pakialam na nilapitan ni Lori ang isang nurse na pipikit-pikit na habang papasok sa nurse station. Bitbit nito ang time card at balak na yatang mag-time out. Pero hindi pa ito pwedeng umalis. Kailangan pa nitong makausap si Doc. Linster San Victorio. Ang pinakamagaling na cardiologist ng SVMC. Kung walang duty ang doctor, pupuntahan niya iyon sa clinic nito na di naman malayo sa SVMC ang location.

“Time to borrow your body, Miss.” Aniya at walang pasabing pinasok ang katawan ng nurse.

Sandaling nawalan ng malay ang nurse at dinaluhan ng mga kasama.

Pero agad ding nakabawi ng huwisyo. Sa pagmulat ng mga ito, masiglang babae na ang kaharap ng mga sumaklolo. And that was because Lori was inside that body.

MAINGAY ang emergency alert sa silid na kinaroroonan ni Helios. Nagsimula kasing mag-panic ang mga apprentice nang tumunog ang monitor at magsimulang mag-flatline si Helios. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga doctor sa silid at sinusubukang i-revive ang katawan. Pero nakailang CPR na. Naabot na din ang maximum joules for defibrillation protocol sa mga nagkakaroon ng malfunction sa cardiovascular o ‘yong cardiac arrest.

“What is happening? Why did he suddenly gets a cardiac attact?” panic na tanong ng isang chemist.

“We still don’t know yet. We’ll find out later.” Sagot naman ng isa na hindi din magkaintindihan sa pag-revive kay Helios.

“OH, hi Fleure?” masigla ang bati ni Denise sa kanya nang papasukin siya ng guard sa bahay nito.

Medyo nagtataka nga siya kung bakit bantay sarado ang lugar. At ang isa pang ipinagtataka niya, halos hindi na magpunta ang kaibigan sa SVMC. Oo nga at dati pa naman itong parang on-call lang. Pero dati, mas madalas ang inilalagi nito sa opisina kaysa sariling clinic na nasa tabi lang ng bahay nito. Madalas din itong mag-abroad pero nitong nakaraan lang narinig niya na may tinanggihan itong appointment sa Brazil. Hindi na din sila nagkakausap masyado kaya naman siya na ang sumadya rito. Kailangan niya ng kausap at sabi nga nito ay handa itong palaging makinig sa kanya.

Ngayon niya mas kailangan ng tagapayo. Ngayong hindi niya alam kung saan magsisimulang maghanap kay Helios.

“Napadaan ka? Sit down…” Itinuro nito ang couch na nasa front porch lang.

Medyo ipinagtaka niya iyon. Ilang beses na din siyang nakarating sa bahay nito at matic na pinapapasok siya. Pero ngayon, parang wala itong kabalak-balak na ayain siya sa loob. Ipinagkibit-balikat nalang niya. Hindi naman ang bahay nito ang ipinunta niya roon.

“I’ll get straight.” Aniya. Tumango lang ito at tumitig sa kanya. “Kailangan ko kasi ng kausap. May gusto lang akong ikonsulta—”

“Doctora! Doctora!”

Hindi natapos ni Fleure ang sasabihin nang may isang nurse na humahangos palapit sa kanila at halata ang panic.

Teka, nurse? Anong ginagawa ng nurse sa bahay ni Doc. Denise?

Bigla din namang natigilan ang nurse nang makita siya. Parang uurong ito o susulong sa paglapit sa amo. Hindi nakaligtas sa kanya ang pandidilat ng mga mata ni Denise sa nurse. Ewan lang niya. Pero nararamdaman niyang may mali. Talagang may mali. Pero nakapagtataka din naman na sa pagharap ni Denise sa kanya, magiliw at friendly na itong nakangiti.

“Ahm, Fleure, doon muna tayo sa clinic ko. Iwan muna kita doon.” Anyaya nito sa kanya.

“Teka… may pasyente ka sa loob?” nagtatakang tanong niya.

“Uhm, not actually. Lola ko ‘yon. May alzhimer siya at palagi kaming nagkakagulo rito kapag nagwawala. Lalo na kapag nakakakita ng ibang mukha. Kaya please, doon ka muna sa clinic.”

Napatango-tango nalang si Fleure. So, that explains everything. Ang nurse. Ang mga bantay-saradong guard. At ang halos hindi na pag-alis ni Denise sa bahay nito. Pero ang alam niya ay nasa New York ang Lola nito sa poder ng tiyahin?Ah. Anong malay niya kung iniuwi na ni Denise at sinukuan ng tiyahin nito? Tsaka wala namang dahilan para magsinungaling si Denise sa kanya.

Mag-iisang oras na pero hindi pa bumabalik si Denise, nag-decide na siyang lumabas at puntahan ito sa loob ng bahay. Para lang salubungin ng mga armadong gwardiya.

“Saan po kayo pupunta, Ma’am?” tanong ng isa sa kanya.

“Ahm, ano kasi. Puntahan ko lang sana si Denise. Ang tagal niyang bumalik eh.” Itinuro niya ang malaking bahay.

“Bawal pong pumasok sa loob Ma’am. Iyon po ang bilin sa amin.”

Umarko ang kilay niya sa pagtataka. Pero hindi na nagsalita pa. “Okay. Pakisabi nalang sa kanya na umalis na ako. Baka busy pa siya sa kanyang Lola.” Medyo nanghihinayang na sambit niya.

Nakita niyang nangunot ang noo ng mga bantay pero hindi na nagkomento pa.

“I-escort napo namin kayo, Ma’am.”

Hindi na siya pumalag maski pakiramdam niya, para siyang criminal na itinataboy palabas. Come to think of it. Maging ang sasakyan niya, hindi hinayaan ng mga bantay na makapasok. May mali talaga eh. Parang may itinatago si Denise sa loob. Pero ano bang pakialam niya sa pinagkakaabalahan nito? Walang ipinakitang masama sa kanya ang doktora, hindi tamang pag-isipan niya ito ng may malisya.

“WHAT are we still doing here? Kunin na natin ang katawan ni Helios! Baka matuluyan na iyon!” May pagmamadali sa boses ni Azriel. Halatang hindi na ito makuntento lang sa panonood.

“Nababaliw ka na ba? Nakikita mong nandiyan pa ang mga bantay.”

“Kakaunti nalang iyan. Pinaalis na nila ang iba pa. Pati ang mga scientist nila, umalis na din. Kayang-kaya na nating patayin ang mga iyan!”

“Come on. Let’s wait for a minute hanggang sa umalis na sila. Kapag umatake tayo at may makakita sa atin, mabubuhay ulit ang interes nila kay Helios at malamang na i-hunt down tayong lahat.”

“E’di patayin natin silang lahat!” gigil nang sagot naman ni Ailister.

“Manlaban nga kayong dalawa.” Saway naman ni Axyl na nasa astral form. Lumapit sa puno at tinitigan ng masama. “Helios will be fine. His astral was currently eating now. Hindi mauubos ang lakas niya. Therefore, hindi agad matutupok ang katawan niya.”

Parang pagpapalakas ng loob nito sa kanilang magkakapatid. Alam nilang maski ito ay nag-aalala din pero nag-iingat lang ito sa magiging galaw nila kung paano babawiin ang katawan ni Helios.

Sina Azriel at Ailister ay mga nakaitim na hoody-cloak at shades. Balot na balot ang katawan maging ang mukha dahil sa tindi ng init ng araw. Nakatago sa itaas ng mayabong na puno habang sina Lori, Lathan at Axyl naman ay nasa astral form at nagbabantay sa paligid.

Mga hayup talaga ang mga mortal na ito! Matapos ma-confirm na patay na ang katawan ni Helios dahil huminto na sa pagpintig ang puso, dinala naman nito sa likod ng mansyon at ibinilad sa araw. Doon tutupukin ng mga ito ang katawan hanggang mawala na ang ebidensya.

Ngayon naniniwala ang magkakapatid na Monfort na sangkot si Fleure sa lahat ng iyon. Matapos maideklara na patay na si Helios, umalis na din ang babae sakay ng lumang kotse nito. Hindi maintindihan ni Lori kung bakit ganoon nalang ang pagmamalasakit ni Helios kay Fleure sa kabila ng kawalanghiyaan na ginawa ng babaeng iyon sa kapatid niya.

“Magbabayad siya!” galit na sambit niya at lumutang sa hangin ang katawan palayo sa mga kapatid.

“Lori! Saan ka pupunta!” awat sa kanya ni Axyl na agad humarang sa daraanan niya.

Tinabig niya lang ang pinsan at saka mabilis pa sa hangin na sinundan si Fleure.

PAPASOK si Fleure sa loob ng silid matapos ang hindi na niya mabilang na oras ng pagtunganga sa upper veranda. Hindi na niya alam kung ano pa ang dapat gawin para mahanap si Helios. Ni hindi nga niya alam kung saan magsisimula. Ang starting point niya sana na cellphone nito, pero hindi pa din nakatulong. Nang magsimula namang mag-alert ang tracker, nawala din agad at ang last location ay sa bilihan ng phone accesories.Malamang na nag-change sim si Helios. Paano pa nga niya malo-locate? Back to square one siya. Madalas siyang magpunta sa mga lugar na una niyang nakita si Helios. Sa bakanteng lote sa loob ng subdivision. Sa Rizal. Wala. Maski anino nito ay wala.

Saan pa? Saan pa pupwedeng magpunta si Helios? Maski ang mismong tinitirhan nito ay hindi niya alam. At lumong-lumo na siya kasi wala siyang magawa para mahanap ang lalaki. Ano ang posibleng nangyari rito at biglang nawala?

Isang hakbang nalang papasok nang may humablot sa balikat ni Fleure. Sa paglingon niya, ang nanlilisik at nag-aapoy na asul na mga mata ni Lori ang unang bumati sa kanya. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit na iyon. At para kanino ang matinding galit na iyon?

“Ano? Masaya ka na?” pagalit na singhal nito sa kanya.

“Huh?” Wala siyang maintindihan sa itinatanong nito.

“Come on, ‘wag kang magkunwaring wala kang alam!” Humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya.

Sa isang iglap ay naisalya siya nito sa isang bahagi ng veranda. Sumalpok siya sa railings at parang nabali yata ang tadyang sa lakas ng impact ng pagkakabunggo niya sa bakal.

“H-Hindi kita maintindihan.” Napapangiwing sambit ni Fleure. Wala talaga siyang maintindihan sa nangyayari. At kung bakit parang galit na galit na galit sa kanya ang babaeng bampira.

“Hindi mo maintindihan? Alin ang hindi mo maintindihan? Ang kakaibang genetic order ng kapatid ko? Hindi mo ba maipaliwanag ang resulta ng mga test na ginawa niyo sa kanya? Kaya noong alam niyong patay na siya, sinunog niyo nalang sa ilalim ng init ng araw?”

Nanlaki ang mga mata ni Fleure sa narinig. O tama bang narinig niya ang mga iyon?

“P-Patay? Anong sinasabi mo? Sinong namatay? H-Huwag mong sabihing… N-No… Hindi. Hindi tama ang narinig ko. Ulitin mo. Mali ang narinig ko, hindi ba?” Kahit nananakit ang katawan ay pinilit niyang gumapang palapit kay Lori. Pero isinalya lang siya nitong muli.

Nagsimulang manlamig ang katawan ni Fleure dahil sa pagkagimbal. Hindi na niya iniinda ang pananakit ng katawan sa muling paghampas sa railings. Parang mas gusto niyang mawalan ng ulirat.

“H-Hindi totoo, ‘di ba?” Nagsimulang mamasa sa luha ang mga mata ni Fleure. Para kasing unti-unti nang nagsisink-in sa utak niya na totoo ang narinig dahil na din sa matinding galit na nakikita niya sa mga mata ni Lori. “Hindi siya patay! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pa kami nag-uusap. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya.”

“Huh! At talagang naisip mo na sasapat ang sorry sa ginawa ninyong kawalanghiyaan sa kanya! Mga demonyo kayo! Kayong lahat na mga tao na pinoprotektahan namin, mga demonyo kayo! Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa amin! Haaah!!!”

Akmang susugod ulit si Lori sa kanya, napapikit siya ng mga mata. Pero ang isang segundo na iyon, parang may malamig na hanging humarang sa pagitan nila.

“Bitawan mo ako Axyl! Papatayin ko ang babaeng iyan!” galit na sigaw ni Lori.

Sa pagmulat ng mga mata niya, nakita niyang gagasinulid nalang ang pagitan niya kay Lori habang pigil naman ito ng kung sinong lalaki. Nakita niya ang pagsalya ni Lori sa ere pero sandali lang itong nawala sa harapan niya. Muli itong susugod sa kanya nang harangin na naman ng lalaki.

“Tama na. Tama na, Lori!” sigaw nito sa babaeng bampira. At hinablot sabay hila palayo.

“Papatayin kita! Papatayin kitang babae ka! Ipaghihiganti ko ang kapatid ko! Mga demonyo kayo! Mas masahol pa kayo sa demonyo! Papatayin kita!!!!”

Papalayo ng papalayo ang tinig pero parang papalakas iyon ng papalakas sa kanyang pandinig. Nangingilabot pa din siya at parang sumisiklab ang magkakahalong lungkot at galit. Isabay na din ang confusion. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang galit ni Lori sa kanya. Ano bang ginawa niya? Anong pinagsasabi nito na sinunog daw nila sa ilalim ng araw si Helios?

Hindi niya magagawa iyon. Bakit niya gagawin iyon? Mahal niya ang bampira. At ang nag-iisang dahilan kung bakit niya pinag-aaralan ang kondisyon nito ay para makasama ito ng mas higit pa sa nagagawa nila.

At sinong sila? Sinong tinutukoy ni Lori? Napasinghap bigla si Fleure nang may maisip. Posible bang may nakaalam ng research niya at inunahan siya? Kinuha ng mga ito si Helios?Iyon ba? Iyon ba ang naging mista ng lahat?

Kung ganoon nga, tama si Lori. Siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit napatay si Helios. Kasalanan niya! Lahat ng iyon, sa kanya at sa pagiging gahaman niya dapat na isisi.

Masyado siyang naging sakim. Nakakasama naman niya si Helios sa ilalim ng madilim na mundo pero hindi iyon naging sapat para sa kanya. She wanted him all the time. Day and night. Kung nakuntento sana siya, hindi na aabot sa ganito. Hindi mapapatay si Helios!

Nanlalambot na napasalampak si Fleure sa sahig. Wala siyang ibang maramdaman kundi galit. Galit sa sarili. Siya ang pumatay kay Helios. Siya ang dapat sisihin. Tama lang na nagagalit ng sobra si Lori sa kanya. Dapat nga pinatay na din siya nito. Dapat lang na pinatay na siya ni Lori.

Pinagsasampal niya ang sarili. Pinagsusuntok niya ang dibdib. Sinabunutan niya ang sariling buhok. Nang hindi makuntento, pumasok siya sa loob ng silid at ipinagsasalya ang lahat ng gamit na naroroon habang walang tigil sa pagsigaw.

Kung napansin man niyang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang kanyang ina, wala siyang naging pakialam. Lahat ng bagay na maabot niya, ibinabato niya. Winawasak niya.

“Ano bang nangyayari sa ‘yo Fleure? Tumigil ka na!” galit na saway nito sa pagwawala niya.

Noon nabaling dito ang atensyon niya. Mabilis na sinugod niya ito.

“Ikaw! ‘Di ba galit na galit ka sa akin? Gusto mo na akong mamatay ‘di ba?”

Parang natigilan ang kanyang ina sa narinig. Paano, ngayon lang siya nagkaganito. Kahit hindi sila nagpapansinan at kahit masama ang loob niya rito, ni minsan ay hindi niya ito sinigawan. Kaya siguro ganoon nalang ang pagkagulat na maringgan siyang ganoon.

“You even wish you never had me. Bakit hindi mo nalang ako patayin ngayon? Tutal wala naman akong kwenta. Isa akong salot! Salot ako sa buhay mo at sa mga taong napapamahal sa akin! Isa akong sumpa! Patayin mo na ako!Patayin mo na ako, parang awa mo na!” Puno ng pagmamakaawa ang boses ni Fleure. Muling umagos ang masagana niyang mga luha. “Putulin mo na ang paghihirap ko! Ayoko naaaa!!!”

At nagsimula ulit siyang magwala at mamasag ng mga gamit. Natulala lang ang kanyang ina at gimbal na pinanood siya sa ginagawang pagwawala at pagsisigaw. Nang mahimasmasan siguro ito at makuhang makabwelo para awatin siya, bigla naman niya itong tinabig. Parang ang lakas-lakas niya at walang iniindang masakit na katawan. Siguro ay dahil sa galit na pumupuno sa kanyang dibdib. Galit niya sa sarili. Hindi na niya matatagalan ang buhay niyang ito, gusto na niyang tapusin.

Lumabas siya ng bahay at pinaharurot ng mabilis ang sasakyang kataka-takang nakikisama. Kung saan nalang siya mapunta, wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay takasan ang buong mundo. Pagod na pagod na siya sa buhay na ipinahiram sa kanya. Ayaw na niya. Gusto na niyang isauli iyon. Pagod na pagod na siyang alagaan ang buhay na ipinahiram sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.