CHAPTER 18

NAPASINGHAP si Fleure nang bitiwan ni Magi ang kamay niya. Muling tumulo ang mga luha ni Fleure. Nararamdaman niya ang sakit sa dibdib na dala ng nakaraan. Ang mga kasalanang ginawa niya. At ang nakakapagod na buhay niya sa nakaraan. Lahat ng bigat, bumalik sa dibdib niya. Lahat ng bigat ng guilt at lahat ng pagod. Ngayon, malaya na siya. Malaya na siya sa buhay na iyon.

Pero malaya na din ba ang kaluluwa niya sa guilt? Napagbayaran ba ng kamatayan niya ang guilt sa pagkamatay ng bampirang minamahal niya? Hindi yata. Bakit mabigat pa din ang dibdib niya sa kabila ng lahat?

“Let me tell you how you ended your life.” Ani Magi na nagsimulang maglakad.

Parang nawalan ng kakayahang mag-isip si Fleure at sumunod lang rito. Kaagapay niya ito sa paglalakad hindi katulad ng iba na nauuna ang kaluluwa sa soul reaper.

“Siyempre ay sinundan na kita dahil alam kong oras mo na. Nang makarating ka sa lugar na may mataas na bangin, iniwan mo nalang ang sasakyan mo sa highway at lumapit sa bunganga ng bangin. May ilang beses kang humingi ng tawad kay Helios noon bago ka tuluyang tumalon.Sa pagbagsak mo sa ibaba, ang ulo mo ang napuruhan. Basag ang bungo mo nang tumama iyon sa malaking tipak ng buhay na bato. But then, the moment you landed, hindi mo alam na pinilit kang habulin para iligtas ng bampirang dahilan kung bakit ka nagpakamatay.”

Natigilan si Fleure. Napahinto siya sa paglalakad.

“Wait… what did you said?”

Napunit ang manipis na ngiti sa mapupulang mga labi ng soul reaper. Hanggang ngayon, hindi pa din niya nakikita ang mukha nito. O baka wala itong balak na ipakita iyon sa kanya.

“I shouldn’t have said it all pero hindi ko mapigilan. Besides, kahit paano, naaawa ako sa ‘yo.”

“Huh?”

“Isa sa mga rules sa aming mga soul reapers na ‘wag makialam sa issue ninyong mga tao. But somehow, I can’t help myself.”

“Mapaparusahan ka ba?”

Nagkibit-balikat ito. “Anyway. You heard it right. Buhay ang dahilan ng pagsu-suicide mo.”

“P-Pero…”

“Totoo ang lahat ng sinabi ni Lori sa ‘yo. Totoong ibinilad si Helios sa ilalim ng araw pero nagawa siyang iligtas ng mga kapatid niya. Hindi siya tuluyang namatay at nakapagpalakas pa. Thou, nang gabing mag-suicide ka, hindi pa siya ganoon kalakas. Naririnig niya lang ang mga hinagpis mo at paghingi ng tawad. Hindi siguro nakatiis kaya pinuntahan ka. But then, dahil hindi pa siya ganoon kalakas, hindi naging mabilis ang pagkilos niya kaya hindi ka naisalba sa pagtalon sa bangin.”

“P-Pero buhay nga siya?”

Hindi pa din makapaniwalang tanong ni Fleure. Parang mas nahihirapan siyang i-absorb ang mga naririnig ngayon. Ano nalang pala ang dahilan ng pagpapakamatay niya? Nawalan ng saysay iyon. Gusto sana niyang maski paano ay humingi ng tawad kay Helios kung sakaling makikita niya ito sa after life. Pero paano pa kung ganitong hindi naman pala namatay ang bampira?

“Gusto kong bumalik, Magi. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong humingi ng tawad. Hindi ako matatahimik hanggang hindi niya ako napapatawad.”

Nagtangkang tumalikod si Fleure para maglakad pabalik pero wala siyang makita na pwedeng lakadan. Parang isang dambuhalang itim na pader ang bumati sa kanya nang tumalikod sa dapat ay pupuntahan.

“You can’t get away, Fleure.”

Lalong tumindi ang kagustuhan niya na makabalik sa mundo ng mga buhay.

“Kailangan ko pa siyang makausap.” Gusto na yatang maghisterikal ni Fleure. Inabot niya ang isang kamay nito at mahigpit na hinawakan. “Tulungan mo ako. Please! Parang awa mo na!” Punong-puno ng pakiusap ang mga mata ni Fleure habang mahigpit na hawak ang kamay ng soul reaper.

Nakita niyang muli na namang napunit ang manipis na ngiti sa mga labi nito. Na para bang marami iyong ibigsabihin.

“I have wish to heard those words for so many decades. Finally. May isang kaluluwa din ang humingi ng tulong ko.”

Kung anuman ang ibigsabihin ni Magi ay wala na siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang nasisilip na pag-asa na tutulungan siya nito.

“Gusto mo bang makipag-deal sa akin?”

Sunod-sunod at walang tigil sa pagtango si Fleure. Desperada na siya. Siguro, kahit anong hilingin ni Magi ay ibibigay niya kung kaya din lang niya basta tulungan siya nito.

Sandali pa at iniwasiwas ni Magi ang kamay sa ere. Isang pabilog na enerhiya ang bumalot sa kanila at pagkuway para siyang isinakay sa elevator pabulusok. The next thing she knew, nasa ibang lugar na sila. Isang silid o isang bahay siguro dahil nandoon na lahat maging ang dining at living room. Pati na din ang kama. At ang maliit na pinto na siguro ay comfort room.

“Nasaan tayo?” Nalilitong tanong niya.

“Maupo ka muna.” Sabi naman ni Magi.

Biglang nawala sa kamay nito ang scythe. Kung saan napunta, hindi na niya alam at wala siyang pakialam. Naupo nga siya nang sumalampak din sa couch si Magi. Nakapagtatakang hindi naaalis ang hood nito kahit ano pang drastic move ang gawin.

“Every soul reaper had their inn. At ito ang sa ‘kin. Hindi cozy, I know. Tamad akong maglinis tutal palagi naman akong on-call for duty.”

“Teka? May bahay kayo? Saang bahagi ng mundo ang lugar na ito?”

“Wala sa dimension ninyo. It’s in other dimension only soul reapers would know.”

Napatango-tango siya.

“Soul reapers duty was to collect ninety nine evil human souls and one witch soul. After that duty, pwede na ulit kaming mabuhay. The reincarnation humans were believing.”

Tumango ulit siya. “Nakakailan ka na?”

“You’re the seventy-nineth evil human soul.”

Napasinghap siya. Gustong manlaki ng mga mata. “I-I’m an evil human soul?”

Hah! Anong dapat niyang ipagtaka? Maski ang kanyang ina ay isinusuka siya. Dahil sa isiping iyon mas gusto niyang magalit sa sarili. Anong karapatan niyang mabuhay kung wala naman siyang mabuting nagawa sa mga malalapit sa kanya?

“You are an evil doer. Commiting suicide is an evil deed. That was an immortal sin, right? So, you are considered as one.”

Hindi na siya nagsalita. If she was considered as an evil so be it. Maski naman siya ay masama na din ang tingin sa sarili. Bakit ba ganoon? Parang buong buhay niya, palagi siyang pinaparusahan. Para siyang isang sumpa sa mga minamahal niya. Hindi siguro siya dapat na nagmamahal para walang napapahamak.

“Pinag-iisipan ko pa kung paano ko makukuha ang witch soul.” Sabi ni Magi.

Napabaling siya rito na nagtataka na. “Pero paano ‘yong another twenty evil human souls?”

“You will be the one to get them all for me.”

Isang makahulugang pagsilay na naman ng ngiti ang nakita niya sa mga labi ng soul reaper.

“What!?” Parang nagka-spring ang puwet niya at biglang napatayo.

“So, here’s the deal,” pabalewala namang sabi nito na itinuro siya para maupo ulit. “There’s this Illuminati inside your world who aim to live forever. One illuminati soul equals to ten evil human soul. Dalawa lang sa kanila ang ibigay mo sa akin at tutulungan na kitang makabalik bilang si Fleure. Magagawa mo na ang kagustuhan mong makahingi ng tawad sa bampirang iyon. ‘Yon lang naman ang gusto mong mangyari, hindi ba?”

Napapakurap-kurap siya. Kung magsalita si Magi, parang ganoon lang kadali na gawin ang sinasabi nito. Hindi ba at sinabi nitong ang mga Illuminati na iyon ay planong mabuhay ng pang-forever? Paano niya makukuha ang kaluluwa? At isa pa…

“Ang kapalit ay pagbabalik ko sa mundo bilang si Fleure?”

“Oo. Pero habang ginagawa mo pa ang deal natin, kukunin ko muna ang memory mo. Baka kasi dayain mo ako at gawin mo na ang unfinished business mo na hindi pa tapos ang deal natin. Ibabalik ko sayo ang alaala mo kapag nakuha mo na ang kaluluwa ng dalawang Illuminati. But, there’s more!”

Iniangat ni Magi ang isang paa sa ibabaw ng center table. Saka itinukod ang siko sa tuhod kasunod ang pagsalo sa baba nito paharap sa kanya. Tanging ang mapupulang labi nito ang nakikita niya. At ang paggawa nito ng mga ngiting tila may malalim na ibigsabihin.

“I’ll light your life candle, Fleure. Forty-five days. Kailangang magawa mo ang deal within forty-five days. Kapag naubos ang life candle mo at ‘di mo nagawa ang pinapagawa ko, then the deal is over.”

“Teka… teka lang. Anong life candle?” Parang gustong mataranta ni Fleure sa kondisyon. Forty-five days lang ang ibibigay nito sa kanya? Paano kung hindi niya magawa iyon sa loob ng forty-five days?

“‘Di ba may unfinished business ka? May allotted time para ma-resolve iyon or else you will become a soul reaper na walang alaala sa nakaraang buhay. That allotted time was three years. Pero dahil nag-suicide ka, binawasan ang allotted time. Three months nalang. I’ll light the allotted forty-five days of your life candle para sa deal natin. Then, the other allotted forty-five days will be yours.”

“You mean sadyang may ibibigay na panahon para sa akin para ma-resolve ang unfinished business ko?”

“Yes. As a lost soul without your memory. But still, your soul reaper was the one to decide if you are worthy of it. Since ako ang kumolekta ng kaluluwa mo, ako ang tatanungin sa bagay na iyan. Dapat ba o hindi dapat na i-grant sa ‘yo? Hmm…”

Natigilan siya. Mukhang naiintindihan na niya ang lahat. Ginagamit nito ang kahinaan niya at kagustuhang makausap si Helios para makuha nito ang deal sa kanya. Dinadaya siya nito. Para kasing lumalabas na tutulungan niya lang itong matapos ang misyon nito. Pandaraya iyon!

Tapos siya, kapag na-resolve ang unfinished business, saka palang huhusgahan kung anong mangyayari sa kanya. Paano kung maging soul reaper lang din siya? Parang siya lang ang papalit sa sitwasyon nito habang ito ay makakalaya na sa duty nito.

That was so clever!

“Since naiintindihan mo na pala, so, let’s sign the contract!”

Sa isang iglap ay may lumitaw na black paper sa harapan nila. Parang may invisible typewriter din na gumagawa ng kontrata sa harapan nila at mag-isang naita-type iyon sa black paper. Hiniwa ng matulis na kuko nito ang thumb finger at idiniit sa black paper. Saka siya hinarap.

“Your turn.”

Inabot nito ang isa niyang kamay at hiniwa din ng matalim na kuko ang right thumb niya. Agad lumabas ang mapulang likido doon. Hindi siya nakakilos kaagad. Kung hindi siya papayag sa kasunduan, posibleng isabotahe nito ang pagga-grant sa kanya ng allotted time para sa kanyang unfinished business. Mas hindi wise choice iyon. Mas mabuti pang pumayag nalang siya sa pandaraya nito.

“What are you still waiting?”

Iniangat ni Fleure ang thumb finger at inidiit sa black paper. Agad na nasunog ang black paper. Senyales na wala nang makakapigil sa deal nila.

“You’re now set!” parang excited na sabi nito. Halatang tuwang-tuwa. Akala niya, sa human world lang may nagaganap na corruption. Kahit pala sa papuntang after life, nangyayari din iyon. At isa siya sa biktima ng korupsyon.

Gusto niyang manlumo. Pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon nang maramdamang parang naalog na naman ang mundo niya mula sa kinauupuan. Sa isang iglap, nagbago na naman ang environment niya.

“This will be your hiding place. It’s twenty years after your death. Buhay pa din ang Mommy mo sa panahon na ito pero imposibleng magkita kayo.”

Napatayo si Fleure at sinuyod ang bawat bahagi ng lugar. Hinawi niya ang panel curtain at agad na nakita ang mailaw na bahagi ng Makati. Ngayon, sigurado siyang nasa isang unit siya ng isang tower building. Kung paanong nagawa ni Magi, hindi niya alam at hindi na niya ipagtataka. She’s a soul reaper, she can do everything.

“And besides, hindi ka niya makikita kasi bulag na siya.”

“B-Bulag?” Bigla ang pagbaling niya kay Magi na busy sa pagpitik ng mga daliri.

“Yes, nabulag siya sa isang car accident sa kakahanap sa ‘yo no’ng mawala ka. ‘Di ba nga, nagsuicide ka? Wala namang nakaalam na nag-suicide ka. No’ng nahanap ang bangkay mo, ipina-cremate nalang. But don’t worry. ‘Yong abo mo naman, nabuhay na ulit. Look at you now.”

Parang gustong sumabog ng utak niya. Nabulag ang kanyang ina dahil sa paghahanap sa kanya? Ilang tao pa ba ang ipinahamak niya? Bakit kahit wala na siya sa mundo, patuloy ang sumpa ng existence niya sa mga taong may kaugnayan sa kanya? At ngayong bumalik ang katawang-lupa niya, nag-aalala siya na baka may maipahamak na naman siya.

“Kaya nga mas mabuting nasa akin ang alaala mo. Hindi mo na malalapitan ang dating mga tao na may kaugnayan sa ‘yo.” Para bang nababasa ni Magi ang iniisip niya.

Ah, hindi na niya iyon dapat na ipagtaka. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Fleure.

“S-Sino ang may kagagawan ng lahat ng pahirap kay Helios? Bakit ako ang sinisisi ng mga Monfort?”

“Dahil malapit sa ‘yo ang may pakana ng lahat. Nandoon ka sa lugar kung saan at kailan sinusunog si Helios.”

Napasinghap si Fleure. Nanlalaki ang mga matang napatitig kay Magi.

“Walang iba kundi ang pinagkakatiwalaan mong doktora.”

“N-No…” Gusto na naman niyang matigilan. Hindi pwede… imposibleng… Hindi iyon kayang gawin ng babaeng iyon. Tinuring niya itong kaibigan at—

“Yes. Si Doc. Denise. Kinopya niya ang mga researches mo at kinontak ang mga pwedeng magkaroon ng interes sa genetic ni Helios.”

I don’t like her. Keep yourself away from her.

Bigla niyang naalala ang sinabing iyon ni Helios. Bakit ba hindi siya nakinig sa bampira? Bakit ba ang tanga-tanga niya? Siya nga ang nagpahamak kay Helios.Wala talagang ibang dapat sisihin kundi siya!

“Don’t worry, nalaman din naman ng mga Monfort kung sino ang totoong may pakana ng lahat. Actually, alam na ni Helios kahit noong nasa laboratory palang siya. But then that time, inakala niya na magkasabwat kayo kasi nga magkaibigan kayo. Plus, mga researches mo ang ginagamit nila. Pero hindi nawala ang galit ng pamilya ng mga bampira sa ‘yo. Why? Simple as this…” Pumalatak si Magi. “Masyado kang pakialamera. Kung hindi mo pinag-aralan ang kondisyon ng balat ni Helios, wala sanang magle-leak na informations. At hindi sana napahamak si Helios.”

Hindi siya nakapagsalita. She can’t blame Helios’ family. Tama naman at totoo. Kung hindi niya ginawa ang nagawa na niya, hindi sana nangyari ang mga nangyari na.

“At… At ano nang nangyari kay Denise ngayon?” Nanginginig ang boses na naitanong niya. Gusto niyang balikan ang babae at gantihan.

“Well, she lived a happy life in New York now. May dalawang anak—”

“That was unfair!” Bigla ay singhal niya kay Magi.

Bakit gano’n? Bakit maligaya si Denise ngayon? Bakit nabiyayaan pa ito ng magandang buhay kung may kasamaan itong ginawa? Kung tutuusin ay ito ang may mas malaking kasalanan kaysa kanya.

“She’s not totally evil. Ikaw ang makapagsasabi niyan dahil mahaba ang pinagsamahan niyo. Tumutulong din siya hanggang sa makakaya niya. Nagkataong may pagkagahaman ang babaeng iyon kaya nakagawa ng napakalaking kasamaan. But then, cleverness is one of a human nature, so…” Tumikhim ito at parang may naalala. “Alam mo, nagsisi din naman ng sobra si Denise sa nagawa niya. Hindi niya inasahan na aabot sa point na magus-suicide ka. Kung may ilang buwan din siyang down. Hindi mapakinabangan ang sarili. At ‘yong nangyari sa ‘yo, hanggang ngayon, dala pa din niya sa dibdib ang guilt na iyon maski maligaya na siya sa kanyang pamilya. His family cured her guilt, but not totally. Hindi niya pa din napapatawad ang sarili at palagay ko, hanggang kamatayan niyang dadalhin nag guilt na iyon.”

Parang hindi na nagsisink in sa isip ni Fleure ang mga huling sinabi ni Magi. Nakapokus siya sa naunang impormasyon. Hindi niya mapaniwalaang naririnig niya ang lahat. Hindi pwedeng maging masaya si Denise. Siya dapat iyon. Siya dapat ang masaya kapiling si Helios.

“Ako dapat ‘yon eh.” Tahimik na nguyngoy ni Fleure. Para siyang na-drain matapos ang mga nalaman. “Bakit ang lupit-lupit ng mundo sa akin? Bakit ang unfair ng nasa Itaas? Naging masama ba ako no’ng past life ko at pinaparusahan ako ng ganito? Bakit ako? Bakit hindi ‘yong ibang mas masasama pa sa akin?”

“Life is a choice, Fleure. Pinili ng mga magulang mong maging ganoon kaya ang bunga ay ikaw. You have to deal with it.”

“That was still unfair! Bakit kailangang ako ang mag-suffer sa choices ng mga magulang ko?” galit na sikmat niya.

Tumitindi nang lalo ang pagkwestyon ni Fleure sa mga nangyayari. Sa isip niya, hindi tama ang lahat. May favouritism ba si Lord kaya ang napupunta sa kanya ay mga pangit na sitwasyon?

“Anyway… papalitan ko ang pangalan mo kasi baka mamaya mahanap mo kaagad kung sino ka dati kahit wala kang memory. Pangalan lang ang meron ka pero walang apelido. Mananatiling incognito ang katauhan mo.” Ibinuka ni Magi ang isang palad at lumabas ang isang mataba at itim na kandila. Nasindihan din iyon bigla at sa isang iglap ay nasa isang bahagi na ng condo unit. Natatakpan ng isang glass enclosure para siguraduhing hindi mamamatay. Hindi na siya kumilos o nagsalita. Lunod pa din siya ng matinding sama ng loob.

“You’re time will starts now. I’ll take your memory now. Kung ako sa ‘yo, pupunta na ako sa bar kung saan madalas nagpupunta ang mga Illuminati at makikisalamuha sa kanila.”

Sa isang pitik ni Magi ay naramdaman niyang parang may tumusok sa kanyang kanang pupulsuhan. Nang i-check niya iyon, naramdaman niya ang isang microchip na tila itinanim doon. “That will serve as your ID. Hindi ka makakasama sa mga gigs nila kung wala iyan.” Anito na naiintindihan niyang ibigsabihin ng gigs ay mga secret activities ng mga Illuminati.

Maski paano ay may alam siya patungkol sa mga Illuminati. Dalawa daw ang uri ng mga Illuminati. Isang nagpapakalat lang ng kaliwanagan sa isip ng mga tao sa mundo, organisasyo na binibigyan ng tama at malinaw na paliwanag ang mga bagay at pangyayari. At ang isa ay demonic organization. Ito ‘yong mga taong may ginawa ding deal para makuha ang gusto. Isang kahilingan kapalit ang kaluluwa. May mga article na nagsasabi na hindi totoo ang bagay na iyon na nagde-describe sa mga Illuminati. Pero hindi na din niya alam kung ano ba talaga ang totoo patungkol sa mga Illuminati. Siguro nga ay may iba-ibang klase ng Illuminati. Hindi lang ang dalawang grupo na ito. But then, ang target niya ngayon ay iyong grupo ng mga demonic illuminati. She should focus with them.

Hindi siya dapat magkamali. Kung may mga Illuminati na normal lang at walang mysterious activities, hindi niya dapat na pasukin at dapat pa nga niyang layuan. Hindi siya pwedeng mandamay ng iba.

“Sa akin muna ang memory mo ng past life mo, ha? Ang alaala lang na matitira sa ‘yo ay kung sino ka ngayon at ano ang iyong misyon.You should trust no one but me, Fleure. Only me…”

Sa isang pitik ay nawala na si Magi at naiwang nag-iisa sa condo si Fleure. Napakurap-kurap siya at saka hinanap ng mga mata ang wall clock. Ten in the evening. Kailangan na niyang kumilos at late na siya sa hang outs nila ng mga co-member.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.