PAGPASOK palang ni Helios sa loob ng night bar ay nahagip na ng kanyang mga mata ang hinahanap. Kasalo ito ng isang grupo na nagkakasiyahan sa tagong bahagi ng maingay at magulong bar na iyon.
Naglakad si Helios palapit sa grupo na kung hindi siya nagkakamali ay grupo ng mga nakipag-deal sa mga masasamang elemento kapalit ng isang napakalaking hiling at tinatawag ding—Illuminati sa bansa. Nakatitig siya sa partikular na babae na hindi niya pwedeng ipagkamali sa iba. Ramdam na ramdam kasi niya ang pamilyar na pagwawala ng kanyang puso. Naaamoy niya ang nakakatakam na blood energy nito. Sa iisang babae niya lang iyon naramdaman... Kay Fleure. Ang mortal na kanyang minahal at inakala niyang pinagtaksilan lang siya. Hindi sana nangyari ang nangyari twenty-years ago, kung hindi siya nahuli ng dating.
Remembering the old days, it made a pricked inside his heart, so deep. At para bang ang kahapon ay nagaganap lang ngayon. His heart was getting wild while stepping near the group. Habang papalapit ay mas nagiging malinaw ang anyo ng babae.
She was kind of different now. So wild, so hot, and alluringly sexy.
Pero katulad ng dati, taglay pa din nito ang tough image. But the serene beauty was gone. She looks so wild and free while wiggling her perfectly curved body to the tune of the wild and fast music filling the whole place.
Sigurado siyang si Fleure ang babaeng sinusundan kanina pa. But looking at her now, gusto niyang mag-isip muli.
Parang magigiba ang dibdib ni Helios nang sa wakas ay magkaharap na sila ng babae. Itinuturo siya ng mga kasamahan rito, pansin iyon ni Helios.
Sandaling namilog ang mga mata ng babae nang mapansin siya, pagkuway sumalubong din sa kanya palapit.
“Hey! Have we met before?” Malakas na tanong nito, siguro ay para pumaibabaw iyon sa ingay sa paligid.
Hinawakan niya ang babae at sa isang sandali ay nakalayo sila sa lugar na iyon. Sa tagong bahagi ng nagtataasang mga building sa siyudad ay nagawa niyang dalhin ang babae nang walang nakakapansin.
“Oh my God! Is that real?” Halos hindi makapaniwalang tanong ng babae. “Am I dreaming? O baka lasing na ako? Paano tayong nakarating rito ng ganoon kabilis?”
She couldn't be faking the surprised and horror she had in her beautiful face. She is Fleure, he was sure of that! Hindi niya marinig ang iniisip nito at si Fleure lang ang nag-iisang mortal na hindi niya mabasa.
“Fleure...” He whispered and he almost stopped from breathing.
Kumunot ang noo ng babae, nagtataka. Hindi napigil ni Helios ang abutin ang magandang mukha nito at magaan iyong haplusin. And just like before, she felt so soft and so warm. She stirred the same feeling when he touched her like that.
Hindi na siya nakapagpigil at ikinulong niya sa mga kamay ang mukha ng babae. Hinalikan niya ito sa marahas at malalim na paraan. His blood burned and pulse inside his veins. That was it!
She made his cold blood flamed like that! Nang tumugon ang babae sa kanyang halik, it was confirmed. (Figure of speech po ito, Ms. Jen. Naalala ko po kasi na walang dugo si Helios at blood energy ang dumadaloy sa ugat niya. Baka po maging comment din. )
But how? How could this be happening? Matagal nang patay si Fleure, paano nangyaring kahalo ito ng mga mortal?
“H-Huh?” Pagtataka at kalituhan ang makikita sa babae. At gusto na rin niyang malito.
“Buhay ka? Paanong nabuhay ka ulit?”
Nasulyapan niya ang kanang pulsuhan ng babae. Mabilis na inabot niya iyon at ininspeksyon.
And just by then, he knew why.
“You are an Illu?!”
Namilog ang mga mata nito at manghang napatitig sa kanya.
“Paano mong... Nalaman?” Bakas ang kaba at takot sa boses nito. “Bakit kilala mo ako? Sino ka ba? Anong klaseng nilalang ka? Bakit ang bilis mong kumilos?”
Hindi siya kilala ni Fleure? Hindi na siya nito kilala... kung ganoon ay nakalimutan na din nito ang lahat ng atraso nito sa kanya? At ang lahat ng pinagsamahan nila? Ganoon lang ba siya talaga kadaling kalimutan?
Gusto niyang magalit! Gusto niyang magwala. Pero nang muling balingan ni Helios ang babae at matitigan ang napakaganda nitong mukha, gusto nalang din niyang makalimutan ang nakaraan at magsimula ng panibago.
Kaya lang, ano ang assurance na hindi na mauulit ang mga nangyari? Hindi man nito sinasadya, pero ipinahamak siya ng dalaga.
“KUNG wala ka palang balak sumagot, ibalik mo nalang ako sa pinaggalingan ko. Baka hanapin ako ng mga kasama ko.”
Medyo naaasar na si Dara. Ano bang trip ng lalaking ito? Kikidnap-kidnapin siya tapos tititigan lang sa rooftop? Kahit naman nakakakita na siya ng mga nilalang na may super powers, like Magi, nagugulat pa din siya sa bilis ng estranghero na ito. Siyempre, aware siya na si Magi ang kanyang master at may super powers talaga iyon, pero ang isang ito…
Teka!
Baka soul reaper din ito!
Hala! E bakit nagpapakita sa kanya? Mahaba pa ang oras niya. May forty-five days pa siya, ‘di ba?. Tsaka hindi naman ito ang tagasundo niya.
Pinakatitigan niyang mabuti ang lalaki. ‘Langya! Talagang gwapo ang hinayupak! Kahit pa nga unti-unti nang umiigkas ang kilay nito dahil sa ginagawa niya. Agad na pinalis ni Dara ang papasibol na paghanga sa makinis at tila perpektong mukha ng lalaki. Pinangibabaw niya ang pagkairita.
“Ano ba talagang kailangan mo?!” Naiinis at may halong kabang singhal niya rito.
“Ikaw.”
“Huh?”
“Anong kailangan mo at bumalik ka? Bakit bumalik ka pa? It’s been twenty years at tahimik na ako. Bakit bumalik ka pa?” pasigaw na ding singhal nito.
Siya naman itong napapaigkas ang kilay. Parang ngayon niya gustong mayamot na pumayag na kunin ni Magi ang alaala niya. Hindi niya tuloy alam kung ano ba ang kaugnayan ng lalaking ito sa kanya. Paano pala kung kaaway niya ito?
Naku po!
“I-Ibalik mo na ako.” Kinakabahang sambit niya. Mahirap lumaban kung hindi niya alam kung sino ba ang kalaban. Tsaka nandito lang naman siya para sa isang misyon, bakit kailangan siyang harangin ng… ng gwapong nilalang na ito?
Napakurap-kurap si Dara. Hindi kaya, isa ito sa mga stalker niya noon? Well, maganda naman siya. At kapag ganitong naka-sexy party dress siya, mas lalong lumulutang ang taglay niyang ganda at alindog. Kaya hindi na din nakapagtatakang malaman na may ganito kagwapong nilalang na nahuhumaling sa kanya.
Binigyan ni Dara ng isang nang-aakit na ngiti ang lalaki.“I know you like me. Pero kasi masyado akong busy kaya…” Lumapit siya sa lalaki at nagtangkang abutin ang mukha nito. Hindi pa lumalapat ang palad niya roon nang mahigpit na pigilan nito. Napakadiin ng pagkakahawak na napangiwi siya sa sakit. “A-aah! Ano ba?!” Galit na pinilit niyang bawiin ang kamay.
Lintik!
Hindi yata gumagana ang pang-aakit niya! Paano ba niya tatakasan ang isang ito? Kung sino man ito sa buhay niya, saka na niya iisipin. Hindi siya dapat na nag-aaksaya ng panahon. Kailangan niyang matapos ang misyon bago ang dalawang buwang palugit. Or else, she will be dead!
Nah! She’s dead already!
“Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan ka? Ipinagpalit mo na ba ang kaluluwa mo para sa maikling buhay dito sa mundo?”
Natigilan si Dara. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?
“Please let me go, Mister! May mga kailangan din akong gawin. My time is really precious at wala akong oras para makipagkwentuhan sa ‘yo!” Yamot na nagpipiglas siya.
Hindi pa din siya nito pakawalan. Sa halip, hinapit siya nito sa baywang para mas lalong mapalapit sa katawan nito. Nagsimula siyang makaramdam ng mga damdaming hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Who was this man, really? Matagal itong tumitig sa kanya. At hindi niya maintindihan kung bakit parang nasasalamin niya sa nag-aapoy na asul nitong mga mata ang magkahalong galit at pagkasabik. Nagsimula ding pumintig ng malakas ang kanyang dibdib. Kinakabahan ba siya? Pero bakit nararamdaman niya din na parang kinukurot ang puso niya habang nakatitig sa asul nitong mga mata? Para bang… para bang gusto niyang umiyak. Gusto niyang haplusin ang mukha nito. Gusto niya ang pakiramdam ng pagkakalapit ng mga katawan nila.
Nauuhaw siya. Pero hindi sa tubig. Nauuhaw siyang matikman ang mga labi ng lalaking ito.
Damn it! What is really happening to her?!
Hindi dapat ganito. Ano ba itong mga pakiramdam na binubuhay ng estranghero sa kanyang buong pagkatao. Nalilito na siya. Gusto niyang sumigaw para pakawalan ang lahat ng mga nakakalitong damdamin. Hanggang hindi na niya namalayan na may naglandas na luha sa kanyang pisngi. Natigilan si Dara at kinapa ang bahaging dinaanan ng luha.
“What is this? Bakit… bakit ako lumuluha?” Napapamaang at mahinang tanong niya sa sarili.
Bumaling siya sa lalaki pero hindi na nito sinalubong ang kanyang mga titig. Sa halip ay marahan siyang pinakawalan.
“Hindi ko alam kung bakit ka pa bumalik. Pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, wala ka nang maloloko. Hindi mo na ako magagamit ulit. Oo, siguro nga hindi ka kasabwat ng kaibigan mo. Pero kung hindi ka man niya naunahan, malamang na ganoon din naman ang gagawin mo, ‘di ba?”
Napapakunot-noo si Dara. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Nababaliw na ba ito? Sayang. Ang gwapo pa naman pero baliw yata.
“You, humans were all clever. Lahat ng bagay na pwede niyong magamit para umangat, gagamitin niyo. Isa ako sa binalak mong gamiting stepping stones mo, ‘di ba? Pero hindi mo na iyon magagawa ulit sa akin.”
Magsasalita pa sana si Dara nang hablutin siya ng lalaki sa kanyang braso. Sa isang iglap ay nakabalik sila sa bar na pinanggalingan. Pabasta na din siyang binitiwan nito nang sumapit sila sa tabi ng kanyang sasakyan. Kamuntik pa siyang mawalan ng panimbang. Mabuti at may sumalo sa kanya. Sa sobra sigurong bilis ng pangyayaring, idagdag na napakadilim ng parking area na iyon at itim na itim ang suot ng kakatwang lalaki pati na din ang hood nito, kaya siguro walang nakapansin nang dumating at umalis ito sa lugar na iyon.
“Are you okay? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kitang hinahanap.”
Lumingon si Dara sa lalaking nagsalita. Si Larix, sikat na lead singer ng pinaka-latest at hottest rock band sa bansa. Actually sa buong Asya. And even to US countries. Malapit na ngang maabot ng banda nito ang pagpe-perform sa Hollywood. Isa din ito sa mga miyembro ng grupo nila. Alam niyang type siya ng lalaki. At type niya din ito. Type niyang akitin hanggang mapasunod itong i-surrender na ang mahabang buhay.
“Ah… ano. Nagpahangin lang ako dito sa labas. Mausok sa loob. Nasu-suffocate ako.” Palusot ni Dara.
Isang tawa ang pinakawalan nito. “Come on! You were used to it. Ngayon ka nalang na-suffocate?”
Talaga ba?
Ah, oo. May participation nga pala siya sa pagpo-pollute ng hangin sa loob ng bar. Isa din siya sa mahilig manigarilyo sa loob.
Kaya lang…
Bakit ganito ang pakiramdam niya? Parang bago sa kanya ang mga bagay-bagay samantalang sa isip niya, normal at ganito ang gawain niya para maisakatuparan ang misyon. Sanay siya sa lahat ng uri ng party.
Pero…
Ah, ewan! Bakit ba iniisip niya pa iyon? Ang dapat niyang unahin ay ang madaliing maisakatuparan ang misyon.
“Come on! Let’s continue to party, Dara.”
Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang braso nito sa kanyang baywang. And she had that feeling of forcely taking it away from her. Kaya lang, baka mayamot pa ito sa kanya kung gagawin niya iyon. Siguro kailangan nalang niyang pagtiisan ang mga pagte-take advantage nito sa kanya. Ang mahalaga ay alam niya ang limitasyon.
Hahakbang na sila palapit sa bar nang mahagip ng mga mata ni Dara ang pares ng nagniningas na asul na mga matang nakatitig sa kanya mula sa madilim na bahagi ng lugar. Napasinghap siya sa pagkabigla. Bigla din ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya dahil sa matitiim at tila galit na galit na titig na iyon.
Ang estranghero na naman.
“What is it?” Tila nagtatakang baling sa kanya ni Larix.
“Huh? Ah, wala naman. Let’s go?”
Pinilit balewalain ni Dara ang mga matang nakatitig sa kanya at ang damdaming hatid noon sa katauhan niya. Hindi siya makakapagpokus sa misyon kung palaging ganito.