“WHAT’s the news?”
Pabiglang napabaling si Dara nang may marinig na nagsasalita. Nasa sink siya at naghuhugas ng pinggang pinagkainan. Nasa living area naman si Magi at doon nalang biglang sumulpot. Katulad nang huli niya itong makita, ganoon ulit ang suot at nakasaklob pa din ang hood sa ulo, iba lang ang kulay. Parang si Spider Gwen. Lapat na lapat sa katawan ang overall nito. Kulay maroon nga lang. Inabot ni Magi ang remote control ng flat screen TV. Ini-on at randomly na inilipat ng channel. Mukhang wala naman itong balak manood. Balak lang mangamusta sa kanya.
“Wala pa ding progress. Medyo naiinis ako do’n sa person of interest ko. Napakalikot ng kamay. Kung saan-saan dumadapo.” Medyo naiinis na sambit niya.
Naalala niya kasi ang pasimpleng paghaplos-haplos ni Larix sa braso at baywang niya. Hindi din naman kasi sinabi ni Magi na ang role niya ngayon ay malapit na kaibigan ng band vocalist na iyon. At personal health specialist ng batang-batang CEO ng isang malaking film corporation na si Fonsi.
At ang dalawang iyon ang target niya na makuha ang mga kaluluwa. Well, as she may add, ginawan din ng paraan ni Magi na nahuhumaling sa kanya ang dalawang Iluminati.
“Hayaan mo na. Pagbigyan mo na kasi. At kapag nabaliw na iyon sa alindog mo, kahit anong hilingin mo, ibibigay no’n. O ‘di ba? Problem solve agad.”
“What?!” Gulantang na baling niya sa soul reaper.
Mukhang nage-gets na niyang ang plano ni Magi ay ang paibigin niya ang dalawa at sa huli ay hihilinging isuko ng mga ito ang mahabang buhay. Pero siyempre, hindi ganoon kadali iyon. Isa namang katangahan na ipagpalit ang mahabang buhay sa tawag ng laman.
Kung sa CEO, hindi niya pwedeng lagyan ng lason ang pagkain ni Fonsi. Siyempre ay protected ito ng deal sa kung sinong element. Kahit lasunin niya ito, hindi ito mamamatay. Isa pa, hindi niya kayang pumatay. Ang magagawa niya lang para makuha ang kaluluwa ng dalawa at maibigay kay Magi, ay kung kusa nang isusuko ng mga ito ang sariling mga buhay. At para kay Magi, win-win solution ang paibigin at pabaliwin sa alindog niya ang dalawa.
Nah!
Hindi niya kaya! Ni hindi niya nga alam kung marunong ba talaga siyang mag-seduce. Sa bagay na iyon, duda siya sa sarili. Kaya lang ay ano pa bang magagawa niya? Kailangan niyang subukan dahil iyon nga ang misyon niya. Kailangan na niyang matapos para magawa na ang dapat gawin… para makuha na niya ang gustong makuha. Kung anuman iyon, alam niyang importante iyon maski wala siyang alaala. Hindi naman niya siguro itataya ang sarili kung hindi importante ang deal.
“Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa lalaking iyon. Ni hindi ko nga yata siya kilala sa dati kong buhay.” Asar na singhal niya kay Magi.
“Ano ka ba? Hindi mahalaga ang dati mong buhay o kung ano ka noon. Ang mahalaga, magawa mo ang misyon mo nang maibigay ko na sa ‘yo ang kailangan mo.”
Natigilan si Dara. Tapos na siyang maglinis ng pinagkainan pero buhay pa din ang tubig sa gripo. Napatitig siya sa tubig na dumadaloy. Kahit anong isip niya sa kung ano ba ang reward sa lahat ng ginagawa niya, hindi niya maalala. Kung hindi ang dating buhay niya ang kapalit noon, then ano?
Naramdaman nalang ni Dara na nasa tabi na niya si Magi. Inabot nito ang kanyang baba at ibinaling paharap rito. Saka marahang hinaplos ng likod ng palad nito ang kanyang pisngi.
“Come on, my dear. Hindi na mahalaga kung maiwala mo man ang virginity mo ngayon para sa misyon na ito. Ang mahalaga, makuha mo na ang kailangan mo. You’re running out of time, deary.” Nakita niyang naglapat ng mariin ang mga labi ni Magi. “Mahigit dalawang linggo ka na dito at wala pa ding improvement ang paglapit-lapit mo sa mga target mo.”
Napatiim-bagang siya. Tama naman ito. Napalingon ang dalaga sa life candle niya. Almost one-third na noon ang nauubos. Nauubos na din ang oras niya na wala pa din siyang nagagawa.
Umiwas si Dara sa soul reaper at naglakad papunta sa couch. Naupo siya doon at tumitig sa flatscreen TV. Pero wala sa palabas ang isip niya, lumipad na papuntang outerspace. Wala siyang maisip na tactics kung paano paiibigin ang CEO at ang lead vocalist na aabot sa puntong isusuko ng mga ito ang mga buhay. Siyempre ay may mga dahilan ang mga ito kung bakit gustong mabuhay ng matagal. Hindi niya alam kung ano ang dapat at tamang gawin para i-lure ang dalawa.
At ang ibigay ang sarili sa mga iyon ay wala sa mga options niya. Actually ay wala nga siyang options maliban sa suggestion na iyon ni Magi.
“Hindi ko kaya ang gusto mong mangyari, Magi. I can’t give myself to them.” Halos mabali sa pag-iling ang leeg niya. Gusto niya ding maiyak sa tindi ng frustration. Wala bang ibang paraan para makuha ang dalawa?
“Para saan ba at inaalagaan mo pa ang purity mo e wala ka na din namang pag-aalayan niyan. Patay ka na. Nandito ka lang para sa isang misyon!” Asar na singhal nito sa kanya. “Wake up, Dara! Namatay kang hindi nararanasan ang mahawakan at mahalikan. Ngayong may pagkakataon ka nang matikman ang kamunduhan, bakit hindi mo i-grab ang opportunity? Get rid of your virginity and take their souls for me. Para pareho na tayong manahimik, ‘di ba? At tsaka ayaw mo ba no’n? You’re hitting two birds with one stone. Nag-enjoy ka na, nagawa mo pa ang misyon mo!”
Hindi makapaniwalang napatanga si Dara kay Magi. Kung magsalita ito, parang walang kakwenta-kwentang bagay ang ibibigay niya sa persons of interest. Napapaisip tuloy siya kung ano bang klaseng nilalang si Magi no’ng nabubuhay pa ito? Was she a clever woman na nagtatampisaw sa aliw at ligayang bigay ng mga makamundong gawain?
Nah! She didn’t know. At ano bang pakialam niya? Bakit kung saan-saan lumiliko ang isip niya? Saka, medyo tama naman nga kasi si Magi. Namatay siyang virgin, bakit hindi niya nga subukang tumikim bago maubos ang kanyang life candle?
Eksaheradang napailing-iling siya nang sumalit sa isip ang mga mukha nina Larix at Fonsi.
Hindi.
Hindi niya yata kayang ibigay sa mga ito ang katawan niya. Pakiramdam niya ay mabababoy siya. Ni wala siyang damdamin para sa dalawa. At hindi din siya naaakit sa mga ito. Maski katiting na pagkagusto ay wala siyang maramdaman. Sure, both men were absolutely gorgeous. Pero wala siyang maramdamang kudlit ng interes para sa dalawa.
Unlike what she felt for the man who appeared to be so grim looking and dangerous as an angry ogre. Those fierce and flaming blue eyes… mga titig palang nito, parang binabagyo na siya ng masarap at mainit na sensasyon. And where was that feeling of wanting to touch his face coming from? Hindi niya alam. Basta isa lang ang sigurado niya. Ang lalaking iyon, maski wala siyang maalala, alam niyang may malaking partisipasyon sa buhay niya.