I WISH this happiness would last forever, Helios. Pero alam ko namang imposible ang kahilingang kong ito. Ang kaligayahang mayroon ako sa piling mo, malapit nang mag-expire. Malapit na malapit na.
Napakunot-noo si Helios. Bakit bigla-bigla, naririnig niya ang iniisip ni Fleure? Samantalang noong tao palang ito, kahit anong pilit niyang pakinggan ang iniisip ng dalaga, hindi niya magawa. Kung kailan wala na siyang pakialam kung bakit hindi gumagana ang kakayahan niya sa mortal, saka naman iyon nagpasilip uli.
Katulad noong nakaraang dalawampung taon. Noong hinang-hina siya pero dinig na dinig niya ang mga hinanakit nito. Ang pagsisisi nito sa nagawa at ang tuluyang pag-absorb at pag-amin sa sarili kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa nito sa kanya kahit nasa malayo ito.
Binundol siya ng napakatinding takot at kaba. Posible bang naririnig lang niya ang iniisip ni Fleure kapag malapit na rin itong mawala sa kanya?
Ipinilig niya ang ulo at marahang tinunghayan ang nakahilig na dalaga sa kanya. Nahapit niya ang katawan nito at mariing idinikit sa kanyang katawan saka ito hinalikan sa tuktok. Matagal na nakabaon ang labi niya sa ulo ni Fleure. Hindi niya maipaliwanag ang matinding takot at kaba. Hindi pwedeng mawala si Fleure sa kanya. Hindi siya papayag. Hinding-hindi. Gagawin niya ang lahat para mapigilan ang kung anong nagbabanta sa pangalawang buhay nito.
Zeke was dead now. Ano pa o sino pa ang pwedeng magtangka kay Fleure? Hindi niya alam sa ngayon. Pero may oras pa naman siya para alamin iyon.
HINDI mapalagay si Fleure. Labing-dalawang araw nang hindi nagpapakita si Helios. Si Lori ang madalas niyang makita sa paligid o ‘di kaya ay ang isa pang lalaki na kahawig din ni Helios pero mas bata lang tingnan. Younger version ni Helios. At sa bawat sandali na mapapalingon siya para makita ang mga iyon, wala siyang ibang nakikita kundi hostility at animosity. Para bang labag na labag sa loob ng mga ito na nasa paligid. O ‘di kaya ay gusto siyang sugudin at lapain. Kung tama ang hinala niya ay pinababantayan siya ng bampira sa mga kapatid nitong mga bampira din. Pero bakit? Wala na si Zeke. Wala nang magtatangka sa buhay niya. At kahit may nagbabantay sa kanya, she doesn’t feel safe anymore. Mas lalo siyang natatakot kapag ganitong nasa paligid ang mga nagagalit sa kanya na mga kapatid ni Helios.
Gustong-gusto niyang magtanong sa mga ito. Ang dami niyang tanong. Katulad nang, bakit ganoon nalang ang galit ng mga ito sa kanya? Nasaan na naman si Helios? Bakit missing in action na naman ito? Dalawang araw nalang ang natitira sa kanya. Nasayang ang halos dalawang linggo niya dahil wala nga ang lalaki. Ang balak niya’y ubusin ang nalalabing araw para makasama ito, pero naubos ‘yon sa kakahintay niya. Sa halip na ma-frustrate ay bumalik siya sa trabaho. Bumalik siya sa kompanya ni Fonsi na palaging lutang ang isip.
At si Magi, hindi niya alam kung ipagpapasalamat na hindi ito nagpapakita. Nangangahulugan kasi iyon na ibinigay na nito sa kanya ang dalawang linggo ng malaya at walang misyon. Kaya lang, hindi din mabuti dahil hawak pa din ng soul reaper ang kanyang alaala. At ano ba ang sinasabi nitong may kailangan pa itong gawin?
“Hi!”
Nahinto ang malayo-layo nang natatakbo ng isip ni Fleure. Nang bumaling siya sa nagsalita, nakaupo na ito sa silya paharap sa kanya. Nasa company cafeteria siya. Nanonood ng view sa labas ng panel wall. Pero sa totoo lang ay parang hindi naman niya nakikita ang mga tao sa labas. Lumilipad kasi ang isip niya papunta sa kung saan.
“A penny for your thoughts?” Pagkuway untag ulit ng boss niyang si Fonsi.
Matipid na ngumiti siya rito kasabay ng marahang pag-iling. Hindi niya din napigilan ang malalim na buntong-hininga.
“Ilang araw ko nang napapansin na nagha-hang ka? Anong problema sa system mo?”
Napangiti siya roon. Pati human error inide-define nito as technical error. “Mukhang masaya ka, Sir?” Sa halip ay tanong niya rito.
Napupuna rin naman niyang maaliwalas na ang mukha nito nitong nakaraan. Napupuna niya pero hindi niya pinagtutuunan ng pansin. Wala kasi siyang panahon para doon. Ang dami-daming mas dapat niyang isipin.
“Well, guess what!”
“What?”
Tuluyang nagliwanag ang gwapong mukha ni Fonsi. Ano lang ba ang pwedeng magpaligaya ng ganoon sa kanyang boss?
“Pwede na akong magpahinga.”
Nahigit ni Fleure ang sariling hininga. Anong ibigsabihin nito. “I found my son.”
“Huh?” Parang nalito siya sa sinabi nito.
“‘Yong anak ko sa babaeng mahal na mahal ko. Too bad, wala na ang kanyang ina. But what more important is I found my heir. Pwede na akong mamahinga at pwede ko nang makasama sa kabilang buhay ang babaeng mahal ko.”
Mukhang ligayang-ligaya ang kanyang boss. At hindi niya kayang putulin ang kaligayahang iyon sa pagsasabi ng totoo. Hindi ba nito nalalaman na sa sandaling i-surrender nito ang kaluluwa sa demon o element na pinagkasunduan nito, hindi na ito makakaakyat sa langit? Magiging pag-aari ng demon ang kaluluwa nito. There’s no chance he will be reunited with the one he loves.
Too bad…
She felt sorry for her boss. Base kasi sa kwento nito, isinugal nito ang kaluluwa para ma-fulfill ang bilin ng magulang. To the point na hindi na nito inisip ang future nila ng babaeng mahal daw nito. Kung mahal nito ang babaeng iyon, then makakaya nitong iwan ang lahat para sa babae. Pero hindi, ipinagpalit nito ang babaeng mahal daw nito sa legacy at kayamanan ng pamilya. Ang babaw nitong magmahal. Hindi niya masabing pagmamahal iyon.
But who was she to judge? Hindi naman masamang tao si Fonsi. Actually, she finds it so honourable standing with his words until the end. Ito ang tipo ng tao na mahalagang tupadin ang binitiwang pangako. Pero ano ang kapalit ngayon? Kaligayahan nito at kalayaan.
Nakakaawa ito.
Lalong bumigat ang pakiramdam ni Fleure. Parang nadagdagan ang alalahanin niya. Ayaw niyang isurrender ni Fonsi ang kaluluwa nito sa demon. Kailangang maunahan ni Magi ang kung sinong elemento na ka-deal ng kanyang boss.
Nasaan ba kasi si Magi?
Bigla ang baling niya kay Fonsi. “Kailan mo balak magpahinga?”
Sandaling kumunot ang noo ni Fonsi pagkuway natawa. “Bakit parang mas excited ka pa sa akin? Why the rush?”
“I just wanted to save you.” Deretsahang sabi niya.
“Save me? From what? Kapag namahinga na ako, tapos na. Malaya na ako sa mundong ito. Malaya na din ako sa pangako.”
Hindi! Mas magiging impyerno ang buhay mo! Bakit hindi mo alam iyon? O iba ang ipinangako ng ka-deal mo?
“And you will pass the burden to your son?” Sa halip ay sumbat niya rito. Kinalimutan niyang boss niya ito at nag-switch sa friend mode.
Hindi din pwedeng magpatuloy ang sinimulang sumpa ni Fonsi. Kailangan niyang pigilan iyon. Ayaw niyang may isa pang inosente na maging katulad nito ang ipagpalit din ang kaluluwa para lang ma-maintain ang legacy ng pamilya.
Sinamantala niya ang pagiging tigagal ni Fonsi. “See? Hindi mo naisip na burden ang sitwasyon na iyan. Sa isip mo ba, obligasyon lang iyan ng isang mabuting anak pero hindi burden? Well, as I can see it, burden at sumpa ang sinimulan mo. Kung mahal mo ang anak mo, hindi mo ipapasa sa kanya ang sumpa ng pagiging tagapagmana mo.”
Hindi nakapagsalita si Fonsi. Siguro, hindi lang nito naisip na burden ang sitwasyong kinaroroonan nito because he got used to it. Sa isip nito ay nagpapakamabuting anak lang ito. And subconsciously, napapagod na ito. Kaya nga humahanap na ito ng pagpapasahan ng burden na nasa balikat nito. Gusto nitong siguraduhing may sapat na kakayahan ang hahawak ng posisyon nito. Iniisip nito na isang biyaya ang ililipat nitong posisyon pero ang totoo, kabaligtaran iyon. Hindi iyon biyaya kundi sumpa.
“Let go of the past and have your freedom now. Minsan ay kailangan din nating maging kabaligtaran ng isang mabuting anak para sa kapakanan natin. Minsan kailangan din nating maging makasarili. Hindi lang para sa kapakanan natin but even for the sake of someone we love. Huwag mong ipasa ang burden mo sa anak mo. Huwag mong iwan sa kanya ang ipinangako mo sa mga magulang mo. Let him do his way. Manatili man o hindi ang legacy niyo, atleast your son had the balance way of living. Hayaan mo siyang mabuhay, hindi para sa pangako at obligasyong iiwan mo. Kundi dahil buhay niya iyon at may karapatan siyang mabuhay sa paraang alam niya at gusto niya. Please… Fonsi, tapusin mo na ngayon palang ang sumpang iyan at ‘wag mong ipasa sa next generation mo.”
Inabot niya ang isang kamay ng boss niyang nasa ibabaw ng mesa. Tigagal ito at tila nag-iisip pero bago pa man niya mahawakan ang kamay nito para i-comfort, nabawi na nito ang huwisyo. Tumayo itong bigla. Nakakaramdam din siya ng kakaiba at dark presence sa paligid, though hindi naman niya nakikita.
“Who are you to tell me what should I do or what not? Empleyado lang kita, Dara.” Pagkasabi noon ay umalis na ito sa harapan niya.
Nasaktan siya sa narinig. Parang gustong pumutok ng dibdib niya habang paulit-ulit na nagpa-flash sa isip ang nanunumbat na tingin ni Fonsi. Nagmamalasakit lang naman siya, bakit ito pa ang nagagalit? Ano bang mali sa mga sinabi niya? Gusto niya lang naman itong tulungan.
Ah, gusto niya itong tulungan pero sa paraang matutulungan niya din ang sarili. Dahil kung kay Magi ito magus-surrender, makakaligtas ito sa deal at magagawa niya din ang isa sa mga misyon niya.
Is that fair enough?
Maybe.
Nakatulong na siya, nag-benefit pa siya. Pero hindi naman talaga ang benefit ang main reason ng pagtulong niya. Maski paano ay napalapit na din sa kanya si Fonsi at naaawa siya sa sitwasyon nito. Siguro ay binulungan ito ng demonyo kaya biglang nagbago ang mood. Hindi ba at nakaramdam nga siya ng dark aurae sa paligid?
Yes, that must be the demon. Kailangan niyang makausap si Magi.
Mabilis na bumalik siya sa kanyang tinutuluyan at lumapit sa kakaunti ang kandila. Gusto niyang manlumo pero pinigilan niya ang sarili. Sana, bago maubos ang oras niya ay may mabuti man lang siyang magawa.
Sana din, magawa pa niyang makapagpaalam ng maayos kay Helios. Kahit ang pagpapaalam nalang sana ang magawa niya. Tinawag niya ang pangalan ni Magi sa buong silid. Hoping na maririnig siya nito. Na bigla nalang itong lilitaw doon. Kung may ilang minuto yata siyang nagtawag sa soul reaper nang bigla itong sumulpot sa harapan niya. Nagulat man ay agad ding nakabawi si Fleure.
“What the hell was that?!” mataas ang boses na singhal nito. Napansin pa niyang parang nag-aayos ito ng suot na cloak at hood.
“I’m sorry kung naistorbo kita…” Saan ba ito galing?
“What is it? Bilisan mo!”
Hindi nga siya nag-aksaya ng oras. Mabilis niyang naipaliwanag kay Magi ang sitwasyon. “You have to help me.” Puno ng pag-asam na pagtatapos niya.
“Hmm…” Sandaling tila nag-isip ito. “Sigurado ka bang handa na niyang isuko ang buhay niya?”
“Oo. Kaya nga kailangan mo siyang sundan, anytime of the day. Kailangan mong unahan ‘yong ka-deal niya. Malapit ko na siyang ma-convinced eh. Pero biglang nagbago ‘yong mood no’ng mga sandaling makaramdam din ako ng dark entity.”
“Sinusundan na nga siya ng demon na ka-deal niya. Siguro ay sabik na ding makuha ang kaluluwa ni Fonsi.”
“Kaya nga. Kaya bilisan mo na. Puntahan mo siya bago pa siya mapunta sa impyerno.”
“Doon din naman ang bagsak niya eh.”
“Huh?” Nalilitong tanong niya.
“Alright!” pagsuko ni Magi. “Dadaan siya sa judgement hall. Mabuti kung parusa lang katulad ng sa akin ang ibigay sa kanya. Pero dahil sa pakikipagdeal niya sa demon… paano kung deretso landslide siya sa impyerno?”
“I believe our Lord was a God of Mercy. May awa ang Diyos at alam kong patas ang magiging judgement. Bibigyan siya ng chance. Everybody deserves a second chance.”
Sandali ulit natahimik si Magi. Parang pinag-aaralan ang sinabi niya. Pagkuway:
“If you really had that strong faith in Him, then why did you bite the deal I offered you?”
Walang kahit anong emosyon sa boses ni Magi. Ipinagtaka niya iyon dahil bigla-biglang nagbago ang tono nito. Pero hindi na niya pinakatutukan ang bagay na iyon. Mas na na-absorb niya ang sense ng sinabi nito. Yes, she was right. Did she really had a strong faith in God that she easily accepted the deal she laid on her? Hindi siguro. Sandaling nayanig ang tiwala niya sa nasa Itaas dahil masyado siyang atat na makabalik. Hindi niya naisip na patas ang Diyos. Patas itong humusga sa pagkatao ng kahit na sino. Kung ‘yong nagkasala nga ng napakalaki ay napatawad nito, siya pa kayang biktima lang din ng sitwasyon kaya nagkamali?
Naramdaman ni Fleure ang pag-iinit ng mga mata. Ngayon siya nagsisisi ng sobra. Hindi siya aabot sa ganito kung nagtiwala siya sa Kanya.
“You’re right.” Pumatak ang luha ni Fleure. Sumunod ang isa pa. At ang isa pa. “Ang laki-laki na ng kasalanan ko sa Kanya. Kulang ako sa tiwala. Minsan ay sinisisi ko pa siya at kinukwestiyon kung bakit ganito ang mga nangyayari sa akin. When all along, ako naman talaga ang may kasalanan. It’s my choice and my decision. At ito na ang resulta ng lahat ng iyon. And when the situation didn’t went right, naghahanap ako ng sisisihin. At Siya palagi ang sinsisi ko kasi sa isip ko, lahat ng ito, Siya ang may kagagawan. But I was wrong, Magi. Ako ang gumawa ng lahat ng ito. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong ito. At ang kapal pa ng mukha ko na sa pagharap ko sa judgement hall, I am still hoping for His mercy. Hindi ba’t napakamakasarili ko?”
Wala siyang narinig kay Magi. Nanatili itong nakaharap sa kanya, nakababa ang hood hanggang sa ibabaw ng ilong na palagi namang itsura nito. Hindi na niya iyon pinag-iintindi dahil nilamon na siya ng sariling pagsisisi. Tuluyan siyang sumalampak sa sahig habang umiiyak. Hindi niya siguro mare-realize ang lahat ng iyon kung hindi siya nakabalik at nakilala ang mga taong tulad nina Fonsi at Larix. Siguro, niloob na din ng Diyos ang deal na iyon para mahanap niya ang sarili at ang mga pagkakamali. She had learned on her own, but not in an easy way.
Pero sana… sana magpakita na si Helios bago pa maubos ang oras niya. She was so grateful she had her chance to be with him again. Pero sana man lang, makapagpaalam din siya dito ng maayos. Iyon nalang naman ang hiling niya.
Sandali pa at naramdaman niyang lumapit si Magi sa kanya. Tinapik-tapik ang likod niya.
“Helios was doing anything to help and protect you.”
Bigla siyang napatingala kay Magi.
“A-Anong ibig mong sabihin?”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. “Hanggang doon lang ang kaya kong sabihin. I made a promise not to tell you anything. Ayaw niya lang mag-alala ka.”
“Ayaw niyang mag-alala ako?” Napahikbi na naman siya. Nag-init na naman ang mga mata at nangilid ang mga luha. “Sa palagay mo ba hindi pa ako nag-aalala? Twelve days, two hundred eighty-eight hours. Ganoon na katagal akong nag-aalala, Magi. Please naman, putulin mo na ang paghihirap ko. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Helios!”
Tumayo si Magi. At bago pa niya malaman ang susunod na mangyayari, nawala na ito sa harapan niya. Nawala na ito sa buong silid. Iniwan na siya at umiwas sa mga tanong niya. Napakawalang konsensiya talaga ng soul reaper na iyon. Wala na itong ginawa kundi pahirapan ang loob niya. Ah, hindi lang naman ito. Maski iyong mga nagmamay-ari ng mga matang nanunumbat at nagagalit sa kanya, pinapahirapan din ang loob niya. The world was really cruel, she wanted to escape it. Pero sa tuwing maaalala niya si Helios, muling bumabalik ang kagustuhan niyang manatili sa ibabaw ng mundo. Even how hard it is to live in her. Even how cruel the world could be.
“Helios…”
Sumubsob si Fleure sa ibabaw ng kama at doon humagulhol ng humagulhol. Gusto na niyang maubos ang mga luha at baka gagaan na ang dibdib niya. She was so tired of wearing that heavy heart. Gusto na din niyang magpahinga.