CHAPTER 30

“GET BACK!”

“Huh?”

Nalilitong napasunod si Fleure kay Magi nang hablutin nito ang kanyang braso. Halos lumipad sa bilis ng pagkilos ang suot nitong black cloak. Matapos ang mahabang pag-iyak, lumabas siya para puntahan si Fonsi. Gusto niyang malaman kung ano nang nangyari sa boss. Kung nakaligtas ba ito sa demon at kung naihatid ba ito ni Magi. Sigurado siyang sa rooftop ng business building mangyayari ang lahat. Kung magpapaalam si Fonsi sa mundo, sigurado siyang gugustuhin nitong nasa business building ito bago malagutan ng hininga. Pero bago pa niya marating ang rooftop, naunahan na siya ni Magi at inilalayo sa lugar na iyon. Para itong hinahabol ng demonyo sa pagtakbo. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nalang ito mag-ultimate teleport.

“Teka, ano bang nangyayari? Bakit tayo tumatakbo?”

“Na-track na ako ng soul society. Hindi nila ako pwedeng mahuli. Kung iniisip mo kung bakit hindi tayo makapag-teleport, well, good news! Na-banned ako sa paggamit noon the moment na makaharap ko ang isa sa mga member ng council.”

Kinabahan si Fleure. Ang dami-dami na niyang iniisip at pinoproblema. Tapos ngayon, may dumagdag na naman. Hanggang kailan ba matatapos ang pagtatakbo niya? Noong una ay kay Zeke, ngayon ay sa soul council naman?

“S-Si Fonsi?” Tanong niya sa pagitan ng pagtakbo at paglusot nila sa kung saan-saang pader na hindi niya alam kung paanong nagagawa ni Magi. Mabilis pa din itong kumilos maski wala nang teleportation ability.

“Don’t worry, I got him already. Pinasasabi niyang sorry at salamat daw. Teary-eyed pa ang loko. Ang lakas din talaga ng convincing power mo ano?” Parang natatawa pang sabi nito.

Isa pang paglusot sa pader at huminto na sila. Naroon na sila sa kanyang unit. Nag-cast ng spell si Magi sa buong silid. Saka pabagsak na naupo sa kanyang kama.

“Magkanya-kanya na tayo.” Sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

Mas lalong ikinagulat ni Fleure nang alisin ni Magi ang hood nito. That was the first time na makita niya ang buong mukha soul reaper. She had a small beautiful face. Cold-dark eyes accentuated with long eyelashes. Pointed cute nose. Pale smooth skin at siyempre ay ang makipot at mapupulang labi nito. All-in-all ay napakaganda nito. Maamo ang mukha pero hindi ang mga mata. Nagtatalo sa aura nito ang mabuti at masama. At hindi niya maintindihan kung bakit pagkatapos ng mahabang panahon na nagkasama sila, ngayon lang nito ipinakita ang mukha nito sa kanya.

“Wanted na din naman ako, wala nang silbi para sumunod sa rules ng mga soul reapers.” Anitong tila sinagot ang tanong niya sa isip. “Isa sa rules na hindi dapat makita ng kaluluwang sinusundo ang mga mukha namin. Hindi ko alam kung bakit may ganoong kaartehan pero sumusunod nalang ako. At kahit nagpaka-corrupt na ako, sinusunod ko pa din ang rules na iyon. Hoping that He’ll give His mercy on me, just like what you said. Pero kung ganito na ipinadala Niya talaga ang mga tauhan Niya para i-huntdown ako, nasaan na ‘yong sinasabi mong may awa Siya para sa mga katulad nating nagkasala? Alam Niya ang mga dahilan natin kung bakit ganito ang mga naging desisyon natin, bakit hindi Niya tayo maintindihan?!”

Ramdam ni Fleure ang sama ng loob ni Magi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kung paano ito papaliwanagan. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.

“Dahil mali tayo. Dahil nagkasala nga tayo. Lahat ng kasalanan, may katumbas na parusa. But it doesn’t mean na wala Siyang awa. Gusto Niya lang tayong matuto.”

“That’s bullshit!” Galit na sigaw ni Magi. “Hanggang kailan? Hanggang kailan ang parusang ito? Ilang toniladang parusa na ang pinagdaanan ko ah! Ilang daang taon na akong soul reaper, hindi pa din niya ako pinapatawad?”

Nawalan ng sasabihin si Fleure. Naiintindihan naman niya ang galit ni Magi. Frustrated na siguro ito lalo at ganoon na pala ito katagal na pinaparusahan.

“You know what? Magkaiba din lang naman tayo ng point of view, mas mabuting mag-partways na nga tayo.”

Tumayo ito at isinuot na ulit ang hood. “Bibigyan nalang kita ng partida.”

Inilabas nito ang crystal na naglalaman ng kanyang mga alaala habang sinasabi kung nasaan si Helios. Binuksan iyon at sa isang sandali, na-aborb niya ang green fume na lumabas doon. Mabilis na nag-flashback sa isip niya ang lahat, mula sa pagkabata hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. May bonus pang pati ang deal nila ni Magi ay bumalik din sa kanya.

Lahat-lahat, naaalala na niya. Nawalan ng kakayahang kumilos si Fleure. Tigagal siya sa ibabaw ng kama matapos malaman kung anong klaseng kasalanan ang nagawa niya kay Helios. Kung bakit ganoon nalang ang galit ng mga kapatid nito sa kanya. Sandali pa at nagsimula na namang maglandas ang mga luha niya. Gustong sumabog ng puso niya at parang ayaw nalang huminga. Lahat ng mga alaala, masasakit. Sobrang sakit. Gusto niyang pagsisihan na hiniling pa niyang bumalik iyon sa kanya. Mas mabuting wala siyang alam, ligtas siya sa guilt and pain.

Hindi niya mapaniwalaang sa kabila ng lahat… ng lahat-lahat na nagawa niya kay Helios, nagawa pa din siyang patawarin ni Helios. At ngayon, ginagawa nito ang lahat para matapos ang deal kay Magi. He was searching for the witch.

“P-Pero wanted ka na. Paano mo pa ako matutulungan?” Biglang nagtiim-bagang si Fleure nang may maalala. “Dinadaya mo lang ba si Helios para makuha ang gusto mo?”

“Of course not!” Itinirik nito ang mga mata. “Malay ko bang most wanted na ako? Wala namang nakakaalam ng deal natin since patuloy ako sa paggawa ng assignments ko. Tsaka nasa future time ka na ‘di ba? Twenty years after your death. Malay ko bang nakikialam na din ang ministry of time sa trabaho ng mga reapers.”

“Then, paano na nga ngayon? Kailangan mo nang patigilin si Helios sa ibinigay mong misyon sa kanya!” Naiinis niyang singhal dito. “Tutal wala ka na din namang maibibigay na kapalit. Tsaka handa na akong maglakad papunta sa hall of judgement. Magpapaalam lang ako sa kanya.”

Nanlulumo na ang pakiramdam ni Fleure. Ang dami-dami pa niyang dapat i-settle at may twenty-four hours nalang siya para gawin iyon.

May iniabot na crystal capsule si Magi sa kanya. “Nagtago talaga ako nito, in times like this. Dalawa nalang ito at ibinibigay ko na sa ‘yo ang isa.”

“Ano ito?”

“Escape capsule. Isipin mo lang kung saan mo gustong pumunta bago mo ibagsak sa sahig. Instant, mapupunta ka na sa lugar na iyon.”

Pagkasabi noon ay naglabas ulit ng isa pang crystal capsule si Magi. Sandali itong nanahimik saka ibinagsak sa sahig ang capsule. Nawala nga itong parang bula.

“May time limit ang bisa ng spell na ini-cast ko sa silid na iyan. Kaya umalis ka na kaagad bago ka maabutan ng soul society members.”

Naririnig niya ang boses ni Magi na papahina ng papahina hanggang sa tuluyan nang mawala ang tinig.

Napakadaya talaga ng babaeng iyon. Ni hindi siya binalaan ahead of time. Dali-dali niyang hiniling ang kinaroroonan ni Helios saka ibinagsak sa sahig ang crystal. Instant at nagbago ang paligid niya. Nasa madilim na kakahuyan si Fleure. Tahimik naman ang lugar at wala siyang makitang kahit na sino. Puro puno at kulisap ang naririnig niya. Hanggang may biglang humablot sa kanya.

“You’re just right in time…” Sabi ng hindi pamilyar na tinig. Naramdaman nalang niyang may nakatutok na patalim sa kanyang leeg.

“What the… Fleure!” Siyang paglitaw ni Helios mula sa kung saan. “Anong ginagawa mo dito?” Nagtagis ang mga bagang nito at lumipat sa babaeng may hawak sa kanya ang mga mata ni Helios. “Bitiwan mo siya, Wilma. Labas siya rito!”

“Labas? Paanong naging labas sa gulo natin ang babaeng ito e siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto mong makuha ang kaluluwa ko!” galit na singhal ng babae. Na-doble ang takot at kaba ni Fleure. Padiin ng padiin ang patalim sa kanyang leeg. “Pagkatapos ng lahat ng tulong na ibinigay ng pamilya ko sa inyo at sa pamilya mo Helios, ganito ang ibabalik mo sa akin? Mga wala kayong utang na loob!”

“WAAAAGGGG!”

Napakabilis ng lahat. Ni hindi namalayan ni Fleure ang pag-igkas ng patalim. Kasabay ng napakalakas na sigaw ni Helios ang pagsigid ng kirot at hapdi nang may kung anong tumusok sa dibdib niya. Habol niya ang hininga ng hugutin ng babae ang patalim sa kanyang dibdib saka isinaksak ulit sa isa pang bahagi ng kanyang katawan. Dilat na dilat ang mga mata niya nang bitiwan ng babae. Babagsak siya sa lupa pero hindi na niya maramdaman ang katawan. Habang ang babae naman ay mabilis na nakatakas. Namalayan nalang niyang kandong na siya ni Helios habang paulit-ulit ang mga sigaw at hagulhol nito. Tinatawag ng napakalakas ang kanyang pangalan na para bang sa ganoong paraan ay mababawi pa siya nito mula sa kung sino.

“Papatayin ko siya! Papatayin ko ang mangkukulam na iyon!”

Mahigpit na pinigilan niya sa braso si Helios. “Please… kakaunti na ang oras ko.” Habol niya ang hininga habang pilit na nagsasalita. Ramdam niya ang pagtagas ng dugo sa malalaking sugat na ginawa ng patalim ng babae. “Let’s used it to the fullest. Ayokong umalis na may regret na hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin.” Nagsimulang umagos ang mga luha niya habang ang isang kamay ay umaangat sa gwapong mukha ng lalaki. “Ihingi mo ako ng tawad sa pamilya mo. Alam ko na. Alam ko na kung bakit ganoon nalang ang galit nila sa akin. At hindi ko mapaniwalaang sa kabila ng galit nila sa akin, nagawa pa din nila akong tulungan at protektahan. Napakabuti ng pamilya mo. Kasing buti mo…” Suminghap si Fleure at naghabol na naman ng hininga.

Lalong nataranta ang bampira. “Fleure please… huwag ka munang umalis. Huwag ganito... Huwag ka namang ganito. We have gone this far, we can continue farther. I’ll do everything and give everything just to keep you here beside me.”

Naramdaman niyang nalaglag ang luha ni Helios sa likod ng isa niyang palad.

“I don’t agree na dark entity ka, Helios. Kayo ng pamilya mo.” Aniyang binalewala ang sinabi nito. “Dahil mas mabuti pa kayo kaysa mga taong tulad ko. Hindi ko kayang sukatin ang capacity ninyo na makapagpatawad. I’m so sorry for everything I’ve done.” Kinagat ni Fleure ang pang-ibabang labi just to keep her from wincing her pain.

“Wala kang kasalanan. None of us. Biktima tayong lahat ng sitwasyon at ng mga sakim na tao, Fleure. Alam ko na ang totoong layunin mo noon. Pinaliwanag sa akin ni Magi. Kaya hindi ko na magawang magalit pa sa ‘yo. Ang totoo, mahina ang paniniwala ko na katulad ka ng kaibigan mong si Denise na may sakim na plano. Iyon lang ang palagi kong isinasaksak sa isip ko para manatili akong galit sa ‘yo. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko na madali lang kitang napatawad kahit ipinahamak mo ako. At isa pa, alam kong hindi mo iyon sinasadya. Hindi ko na magagawang magalit pa kasi mas mahalaga sa akin na nakabalik ka. Na makakasama ulit kita. Gusto kong makasama ka pa, Fleure. ‘Yong matagal. Matagal na matagal.”

Suminghap muli si Fleure. Pasikip ng pasikip ang kanyang dibdib. Pahirap nang pahirap huminga. Muling bumalik ang takot sa mukha ni Helios. Sa kawalan siguro ng maisipang gawin ay niyakap siya nito ng mahigpit habang hindi na napigilang humagulhol.

“Huwag ganito. Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan.”

Gustong gumanti ng yakap ni Fleure. Gustong-gusto niya. Pero wala na siyang lakas para gawin iyon. Besides, nakita niya ang isang nilalang na naka-cloak na itim malapit sa kanya Bitbit nito ang maliit nang kandila. Ang kanyang life candle. Nandito na ang sundo niya. Wala na siyang kawala. Mapait na napangiti at napatango siya habang parang hinihila siya palabas ng kanyang katawan.

“S-See you… i-in m-my next l-life…”

Kasabay ng huling salita ang pagkamatay ng kanyang life candle at ang paglabas niya sa katawang lupa. Agad iyong naging abo at dinala ng hangin papunta sa kung saan. Isang napakalakas na sigaw ang umalingawngaw sa kagubatan.

Natakpan ni Fleure ang bibig para mapigilan ang sarili na humagulhol habang unti-unti, nababalutan na ng kadiliman ang nakikitang eksena. Ibinabalik na siya sa way to afterlife. Hindi pala… way to judgement hall muna. At alam niyang dadaan siya sa matinding paglilitis. Gusto niyang umasa na makakabalik pa siya kay Helios. Pero mukhang malabo na iyon Parang magiging pangarap nalang iyon na imposibleng matupad…

“ORAS na.” sabi ng boses lalaki na soul reaper.

Walang nagawa si Fleure kundi ang maglakad. Nandito na naman siya. Naglalakad na naman papunta sa walang hanggan. Walang katapusan ang sakit at lungkot niya. Pero buhay na buhay ang pag-asa sa kanyang puso. May awa ang Diyos. Kung nagkamali siya, naniniwala siyang magagawa siyang patawarin kung maipapakita niya ang labis na pagsisisi.

“Si Magi?” Bigla ay naitanong niya sa soul reaper.

“Ang tusong soul reaper?” Nagbuntong-hininga ito. “Walang nagkasala na hindi napaparusahan.” Anito. “At malapit na niyang harapin ang kanyang parusa.”

“N-Nahuli na ba siya?” Kinakabahang tanong niya.

Maski may nangyaring hindi maganda sa samahan nila ni Magi, nag-aalala pa din siya para rito. Besides, may participation siya sa mga nangyari kay Magi. Kung hindi siya pumayag sa tusong alok nito, kung nagtiwala siyang magiging patas ang lahat, hindi na mangyayari ito. Hindi na niya maaalala ang lahat-lahat, kung paano siya namatay at kung bakit siya namatay. Hindi na din magiging ganito kasakit ang paghihiwalay nila ni Helios.

But hey! Kailan ba hindi naging masakit ang mga paalam? Kailan naging madali ang magpaalam?

“Hindi pa. Pero malapit na.” Isang buntong-hininga ang narinig niya. “Kung bakit kasi hindi pa din siya natututo? Napakatagal na niyang soul reaper. Hanggang ngayon, hindi pa din niya natututunan ang leksyon.”

“Anong leksyon?”

Katahimikan. Sandaling katahimikan. Pagkuway tumigil ito sa paglalakad.

“Ang leksyon na gustong ipaunawa sa kanya ng Boss.”

“Hindi kita maintindihan.” Huminto din siya sa paglalakad at nilingon ang soul reaper. Katulad ni Magi, kalahati din ng mukha nito ang natatakpan ng hood.

“Ang mga soul reapers, sinusundo nila ang mga taong namatay sa katulad ng paraan ng pagkamatay nila.”

Natigilan si Fleure. Kung ganoon… nagpakamatay din si Magi noon?

“May apat na uri ng mga soul reapers. At apat na uri din ng parusa. Ang mga natural death soul reapers. Mga soul reapers na namatay dahil paulit-ulit na hiniling na mamatay nalang sila kaysa mahirapan. Sila ang may pinakamababang sentensya. Pagkatapos ng misyon nila, makakabalik na ulit sila sa world of the living. Ang mga accidental death soul reapers, mga soul reapers na hindi inilaban ang buhay maski naaksidente, maski nabigyan ng pagkakataon na ma-revive. Medyo may bigat ang parusa nila, pero karamihan ay mabilis na naiintindihan ang gustong iparating ng Boss. Ang murder death soul reapers na namatay ng hindi lumalaban maski kaya naman. Mabigat din ang parusa nila. Malapit kasi sa suicide ang cause of death. Hindi nila pinahalagahan at inalagaan ang buhay na biyaya sa kanila. At ang pinakahuli at pinakamabigat, ang suicide death soul reapers, ang mga katulad ni Magi na hindi pinahahalagahan ang buhay. Paulit-ulit ang parusa. Karamihan ay hirap maintindihan at sarado ang isip sa mga leksyon.” Bumuntong-hininga ang soul reaper. “Isa si Magi sa napakadaming soul reapers na matigas ang puso. Palaging naghahanap ng sisisihin. Hindi tumatanggap ng pagkakamali. Laging nagmamadali. At higit sa lahat, nagiging tuso at makasarili. I don’t blame her. Hirap siyang intindihin kung bakit ganoon ang biyayang buhay na ibinigay sa kanya.”

Walang nasabi si Fleure. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Akala niya noon, siya na ang may pinakamabigat na dalahin sa buhay. Katulad din siya ni Magi, hirap intindihin ang nasa Itaas. Kinukwestiyon kung bakit ganito ang naging guhit ng palad.

“Ikaw? Anong klaseng soul reaper ka?” naitanong niya. Murder ba? Dahil sinadya ang pagpatay sa kanya?

“I’m one of the higher officials in soul council. Kinailangan kong kumilos kundi ay magiging lost soul ka. After three years of wandering as a lost soul, maaari kang maging evil soul at hindi na mabibigyan ng pagkakataon na ma-reincarnate. As much as possible, ayaw naming dumami ang mga naliligaw na kaluluwa.”

Dapat ba siyang magpasalamat? Dahil maski paano ay pinasisilip na nito ang pag-asang makakabalik siya?

“Maswerte kang sa paglabag ninyo ni Magi, madali kang natuto. Madali mong natutunan ang lahat ng gustong ipaunawa sayo ng nasa Itaas.”

Malungkot na ngumiti siya. “Dahil nakuha ko na ang closure na kailangan ko. Na-resolve ko na ang unfinished business ko.”

“You’re wrong.” Tahimik na sambit nito.

“Huh?”

“Hindi ang bampira ang unfinished business mo.”

Kinabahan siya. Napaisip. Ano ang ibigsabihin nito?

“Bakit nawala sa isip mo ang totoo at buong buhay na nanggugulo sa damdamin mo?”

Hindi niya ito maintindihan. “Nang dumating si Helios sa buhay ko, wala nang ibang naging importante sa akin kundi ang makasama siya. Kaya no’ng mamatay ako na hindi nakakahingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko, no’ng malaman kong buhay siya, ginusto ko ulit mabuhay.”

“Ginusto mong mabuhay hindi lang dahil sa kanya.”

Sa isang pitik ng soul reaper, may lumabas na parang telescreen na yari sa tubig sa harapan nila. Doon nag-play ang mga sandali na nakatitig siya sa matandang ginang. Iyon ang bulag na ginang na umiiyak habang yakap ang baby dress niya. Ang kanyang Mommy!

Napasugod siya sa telescreen. Nanginginig ang kamay na inabot ang nagpe-play na eksena. Gusto niyang hawakan ang kanyang ina. Gusto niyang haplusin ang mukha nito. Gusto niyang yakapin ito at sabihing napatawad na niya ito.

“You used to appear that you hate her. But the truth was, inside your heart you yearned for her love. You yearned to be love by your mother. You yearned to feel she loves you. You wanted to understand her but you can’t. Kaya idinadaan mo nalang sa inis at galit dahil sarado siya.”

Tuluyan na siyang napaiyak. Bakit nakalimutan niya iyon? Bakit hindi niya naalalang buong buhay, wala siyang ibang hinangad kundi maintindihan ang ina? Gusto niyang mahalin siya nito dahil mahal niya ito sa kabila ng pag-ayaw nito sa kanya. Bakit?

Dahil ba na-override ng pag-ibig niya kay Helios ang kagustuhan niyang iyon? Dahil mas pinili niya ang mas madali at mas masaya? Dahil madali siyang napatawad ni Helios at minahal sa kabila ng lahat? Siguro, oo. Dahil sa sitwasyon niya, mas gugustuhin niyang igugol ang kakaunting oras sa nilalang na walang sawang nagmamahal sa kanya. Kaysa taong, wala na siyang ginawa kundi mamalimos ng pagmamahal. At kung kailan wala na siya, saka lang nito maiisip ang halaga niya. Kung kailan… huli na.

Patuloy siya sa pag-iyak hanggang tuluyang mawala ang telescreen. Gusto pa niyang habulin ang eksenang iyon. Ang sandali na maski paano, naramdaman niya na may halaga siya sa ina. Pero wala na. Binawi na ng soul reaper. Pinatikim lang sa kanya ang matamis na lasa ng pagmamahal at pagpapahalagang buong buhay niyang pinangarap. Ang pagmamahal ng kanyang ina.

“Tayo na. Kanina pa tayong hinihintay sa judgement hall.”

Lumingon siya sa soul reaper. Gusto niyang magmakaawa ritong tulungan siyang makabalik kahit sandali. Kahit sandali lang. Gusto niyang yakapin ng mahigpit ang ina.

“Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Fleure. Hindi mo dapat ulitin ang mali mo nang ginawa.”

Napatungo si Fleure. Oo nga. Hindi maiaayos ang mali ng isa pang pagkakamali. Ang kailangan niya lang ay magtiwala sa awa ng nasa Itaas.

Umiiyak na naglakad muli si Fleure. Wala naman siyang ibang choice ‘di ba? Wala siyang ibang choice kundi ang sumunod. At umasang may magandang naghihintay sa kanya sa dulo.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.