"Miya, umuwi ka muna," napahilamos ako sa aking mukha.
Nandito kami ngayon sa dining area. Nakaupo sa aking tapat si Hanz na katabi ni Miya. They offered a glass of water but I refused.
"Dito lang muna ako..." pilit niya na kinatango ko nalang.
Napahilot ako sa sintido ko bago ipatong sa lamesa ang aking siko. I don't know what to do next and I don't want to do anything because I'm exhausted.
"Hayaan mo hanggang ngayong month nalang din ang contract ni Tamara sa Cole clothing. I'll never renew it. Lagi niya rin kasi inaaway si Chacha," Hanz uttered, softly.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. I don't want to hear even her name. I'm pissed because of her childish act. Wala naman akong gagawin na masama kung talagang sila ni Magen. I'm not that desperate anymore to beg for his love. Kung kami ay kami! Kung sila ay sila! I don't need to sugarcoat anything just to ease this feeling. I'm dissappointed and I admit it. Magen dissappoint me again.
"Bakit ka nandito?" mahinahon kong tanong kay Hanz.
Sumandal siya sa backrest ng upuan at pinagkrus ang braso. He just shrugged his shoulder like he doesn't have a reason at all.
"Nakita ko kasi 'yung mga articles na nagkalat sa internet. I'm just checking you and I think you're not okay..."
Tumango lang ako, this is the one thing that I've learned. That I don't need to cover my face with a mask. If it's hurts then let it be. Hindi ko pala talaga kailangan na sabihin lagi sa ibang tao na ayos lang ako kahit na alam ko namang hindi.
"Nagtext sa akin 'yung manager ni Tamara. Parang alam niya 'yung kalokohan na ginawa ng alaga niya. He wants to meet Heart para raw mapag-usapan," Miya inform us while looking at her phone.
I shook my head "Hindi na kailangan na magkita. If Tamara hates me then let it be. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Just act like the issue didn't exist," sagot ko na dahilan ng pagtitig nila sa akin.
Hindi nalang muli ako kumibo. I really needed what I saw and what was going on. I don't have to fix anything because I know it doesn't matter if I just fix it.
"Nakakausap mo ba si Chacha sa shoot? Tinatanong niya ba ako?" mahinang tanong ni Hanz na para bang alanganin pa.
Kinunutan ko siya ng noo dahil sa tanong niya. "Mukha ba kaming close no'n? Hindi nga ako kinakausap no'n kasi feeling ko na-gi-guilty parin sa ginawa niyong dalawa," napairap ako nang makita ang disappointment sa kaniyang mukha.
"H'wag mo naman siyang awayin ha? She's kind and caring person so---"
"Seriously Hanz? Tingin mo ba aawayin ko 'yon dahil sa ginawa niyo dati? Look... it's not a big deal to me anymore. You cheated and I accepted your apology. Siguro mayro'n talagang tao para sa atin kaya pinaglayo tayo..." natatawang sabi ko at pinakatitigan siyang maigi. "Ano'ng mayro'n sa inyo ni Mauve? Ang alam ko ay sila ni Wave na ex-boyfriend ko rin," takang tanong ko.
Parehas ba kami ng natitipuhan lagi ni Mauve? Or parehas kami na natitipuhan ng mga lalaking 'to. Well, hindi ko naman itatago na ang ganda ganda rin ni Mauve plus the kind and caring pero tingin ko ay nagawa niya lang 'yun sa akin dahil sa isang rason... nagmamahal. Nagawa niya 'yon dahil alam kong nagmamahal siya. Sa paraan ng pagtingin pagsulyap niya kay Hanz ay alam kona pero pinili ko na magbulag-bulagan.
"I don't know..." seryosong sagot niya dahilan ng pagtinginan namin ni Miya.
"Ang alam ko sila na ni Wave kasi kalat narin sa internet tapos no'ng nakaraang linggo nakita ko na hinatid ni Wave si Mauve sa shoot no'ng cosmetic products," dagdag ni Miya.
Malapit lang din kasi sa studio naming ang studio ng iba pang endorser at talagang hindi na nakakapagtaka ang sinabi ni Miya.
"Ay, nakulong ba si Mauve?" curious kong tanong.
Naalala ko kasi 'yung niligtas niya ako at 'yung sinabi niya sa mga 'yon. Napapikit ako at bumuntong-hininga.
"Nakulong? Saan?" natatarantang tanong ni Hanz.
He looks like a clueless guy waiting for a powerful information. Dinilat ko ang aking mata at agad naman nagtama ang paningin namin. I smirked and crossed my arm over my chest.
"Sa puso mo..."
"Ha?" inosenteng tanong niya bago mag-iwas ng tingin.
Natatawa ko siyang tiningnan "Ha? Hanz niyo bungol..." umiiling kong sabi.
I saw him clench his fist before standing up. Miya and him said goodbye to leave so I agreed. Tumayo ako para ihatid sila sa labas ng pinto pero agad din akong napaatras nang makita si Magen na natayo sa harapan mismo ng pinto ko. Dumako rin ang tingin ko kay Chave na nakaakbay kay Magen na para bang inaalalayan niya pa.
"Alis na kami..." paalam ni Hanz sa akin kaya tumango-tango ako.
Pinanood ko muna silang dalawa ni Miya na mawala sa aking paningin bago balingan ng tingin 'tong dalawang 'to na nasa aking harapan. I bit my lower lips when I looked at Magen. His semblances are like a wasted guy inside the bar. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang may gusto siyang iparating kaya agad kong iniwas ang tingin sa kaniya. Napaatras ako nang biglang pumasok si Chaves a loob habang bitbit si Magen.
"Get out!" sigaw ko nang umupo silang dalawa sa sofa.
Chave shook his head, aaminin ko na medyo kinakabahan ako kasi ang dark masyado ng aura niya at alam kong ganito rin 'yung binugbog nila si Magen sa harapan ko.
"Mag-uusap kayo," it's not a question because it's a statement.
I fake my smile and looked at Magen with disbelief. Maamo ang mga mata ang sumalubong sa akin. Bakit parang ako ang masama?!
"I don't want to talk to him! Kung ano man ang gusto ko ay sundin mo, Chave! Dahil hindi ikaw ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman ko ngayon! You don't have the right to---"
"Ayan! D'yan ka naman magaling, Heart. You are good at looking to the pains that you've experience! You are good at counting the tears that you've produce! Puro 'yung sakit lang na nararamdaman mo ang nakikita mo!" galit na sigaw niya na nagpaatras sa akin.
Napaatras ako hindi dahil sa galit niya dahil napaatras ako sa sinabi niya. I was taken a back. Kinuyom ko ang aking kamao para makakuha ng lakas. I stared back at him while stopping my tears. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin dahil parang ayaw magrespond ng pagkatao ko. His words knockout me so hard.
"Alam ko... alam ko kung ano ang mayro'n sa inyo simula palang. No'ng nasa Canada palang kami Magen ay tinanong na niya sa akin kung sino ka when he saw your video on my phone laughing so hard. Kwinento kita sa kaniya at that time? I already knew that there's something with his eyes when I pronounce your name. No'ng nalaman namin kung ano ang ginawa ni Hanzel ay kahit hindi niya sabihin ay alam kong ikaw ang dahilan ng biglaan naming pag-uwi." Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya at nagtataka na tumingin kay Magen na nag-iwas ng tingin.
Hindi ako makapagsalita nang tumayo si Chave at natatawang tiningnan ako. Hindi ko alam pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Kilala na niya ako dati pa? Ako ang rason kung bakit sila umuwi?
"Nakakatawa lang kasi ako ang pinsan pero siya ang mas mukhang nag-alala. 'Yung mga post niyo sa Instagram ay alam ko na kayo 'yon. No'ng araw na pumunta kayo sa Cavite ay nasa cafeteria ako nila Magen diba? Hindi pa naman ako matanda para mabilis na makalimot. Nagbulag-bulagan ako dahil nirerespeto ko kung gusto niyo na walang makaalam. Pero pre...." Huminto si Chave at ngumiwi. "No'ng nalaman ko na ginamit mo si Phoebe para itaboy si Heart. Hindi ko kinaya 'yon! No'ng napanood ko 'yung video ay gusto kitang patayin." napaiwas ako ng tingin nang makita na napaluha na si Chave habang kinukuyom ang kamao. "Pero katulad ng Magen na kakilala ko ay hindi mo ako binigo..." proud na sabi niya bago ako harapin.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng titigan nila akong dalawa na para bang ine-examine nila ang buong pagkatao ko. I'm thankful because I have a cousin like Chave.
"Siya ang nagpakulong sa mga taong binaboy ka. Like, Tito Lorenzo said... wala kaming nagawa dahil lahat ay nagawa na niya. Narinig naming magpipinsan ang sinabi mo kay Magen no'ng birthday mo at aaminin ko na nasasaktan kami sa inyong dalawa. Umalis ka at hindi namin alam kung nasaan ka. We tried to look for you even Titos and Titas don't want. Nakakatawa nga na marami kaming naghahanap sa'yo at hindi ka naming mahanap samantalang si Magen na mag-isa ay nahanap ka..." umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"H-how---"
"I was worried at alam 'yon ni Magen. He told me that you're captivating a vacation on Camiguin," naiwan na nakabuka ang bibig ko.
I just... I just can't believe it! Paano niya nalaman na pumunta ako do'n?! Sinabi ba ni Mom and Dad?! I don't think so!
"Alam kong mahal niyo parin ang isa't-isa and I can feel you Heart..." tinitigan niya ako. "Natatakot kang masaktan pero... paano naman si Magen? Natatakot din naman siya---"
"S-sobra..." Magen's voice cracked as he stared at me.
"You are not the one who's hurting, Heart. May mali si Magen pero lahat naman ng taong nagmamahal ay nakakagawa ng desisyon na akala natin mali pero para sa kanila ay tama. You are hurt... you are in pain... you are in tears but can't you not focus only on what you feel? Parehas kayong mahalaga sa akin. Kaya Heart can you please open your heart and take a look on what Magen's suffering too?" pagkumbinsi ni Chave.
I can't find any words to utter because I felt like there's something padlock my lips. Magen is good a shaking my stable world. Gusto ko biglang maging bula para bigla na akong maglaho sa harapan nila. No one intend to speak when I stepped backward.
"You kissed Tamara..." I want to clap to myself when my voice didn't crack.
Kung talagang gusto niya ako ay hindi niya gagawin 'yon. If he really loves me even we don't have the so-called relationship status then he will stay faithful and loyal. Dapat na kahit na ano'ng taboy ko sa kaniya ay hihilahin niya parin ako palapit sa kaniya.
"She kissed me!" paliwanag niya. "Pumunta lang naman ako sa resort ng Mommy mo dahil sinabi ni Chave na mag-iinuman kami. Ta's nakita ko si Tamara, I was fishing some information about you since parehas kayo ng branch na ine-endorse. Kaya hinayaan ko siya na kumapit sa akin. The kissed... she initiate it and of course! I didn't kiss her! It's a smack because I pushed her," natatarantang dagdag niya.
"You are good at using people. You are selfish. You are user," giit ko.
He chuckled while staring at me "Yes... and I don't care. If being selfish and user means getting near with you then I'm willing to be one..."
Umiwas ako ng tingin "Grabe na ang iniyak ko sa'yo, Magen. Ayaw kona umiyak pa,"
He nodded and smiled "You shed a lot of tears because of me and all I can say is I love you. Sobrang mahal kita... na mas marami pa sa luhang nalabas ng magagandang mata mo. No one deserves to cry but I made you cry too much so let me deserve those drops of your tears. Hayaan mong palitan ko ang mga patak ng luha mo... just give me a chance to replace it with a gentle and soft love,"
I will admit that they both see tears welling up in my eyes. My brain cannot process the words that can come out of my lips. Right now, it's slowly sinking into my mind... na tama si Chave. Ang alam ko lang ay ang nararamdaman ko. I'm hurt and I only focus on what I've feel. My heart is crippled and that's why I'm afraid to get hurt again. Nasaktan kasi ako kaya natatakot akong masaktan ulit. Like what I always said, love is like pacing in our own grave. Kaya nakakatakot... nakakatakot na masaktan ulit dahil hindi ko alam kung makakaahon paba ako.
"Ilang taon na ang lumipas na nasasaktan kita at ilang taon narin pala ang lumipas na nasasaktan ako kasi nasasaktan na naman kita..." Magen said using his soft and tired voice.
They said that time can heal but I think it's wrong? Time only ease the feelings that we are encountering because the time serves as our safety zone.
Naniniwala tayo na dadating ang oras na maglalaho rin ang sakit. Na dadating ang oras na mawawala narin 'yung nararamdaman. So, time is only a law of attraction and It can't heal the wounds. In any circumstances, only love can heal. Only love can heal our wounds... our soul... our heart... our world.
Akmang tatalikuran ko sila nang makarinig ng malakas na katok sa aking pinto. Chave stopped me from walking and walked towards the door. He opened it and I was shocked when I saw Wave. Hinihingal siya na pumasok sa condo ko at niyakap ako. Sabay-sabay na tumulo ang luha ko dahil sobrang namiss ko siya. Sobrang namiss ko ang bestfriend ko.
"Akala ko hindi parin kita makikita!" natatawang sabi niya nang bumitaw sa yakap.
I immediately wiped my tears and smile "Namiss nga kita! Nandito kana pala sa Pinas! Hindi mo man lang sinabi!" nagtatampo na saad ko.
He groaned "How dare you Heart! Nakailang bisita ako sa bahay niyo pero 'di mo ako nilalabas! Hanggang bumalik ako sa Canada! Akala ko nga talaga feeling famous kana!" natatawang sabi niya.
Pinanood ko siya na umupo sa sofa at inakbayan si Magen. Chave is just crossing his arm over his chest while looking at his two bestfriend.
"Ang angas mo naman, porket ikakasal kalang..." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chave.
"Ikakasal kana?! Kanino?! Kay Mauve?! Paano---"
"Why? Are you disappointed?" naestatwa ako sa seryosong tanong ni Magen.
I furrowed my brows and glare at him. "I'm just asking!"
He pouted and nodded like defeated. "Hindi ako pupunta hanggang hindi pa kami ayos ni Heart..." Magen seriously said while staring at Wave.
"Sino nagsabing invited ka?" pambabara ni Wave na kinatawa ni Chave.
Pinigila ko ang pagtawa dahil halatang nainis si Magen sa sinabi ni Wave. He rolled his eyes and clenched his jaw.
"Umayos ka baka hindi kita matantya," Magen uttered, akmang susuntukin niya si Wave pero agad akong tinuro ni Wave dahilan ng pagtigil ni Magen.
"Agawin ko si Heart, sige!" banta ni Wave.
"Agawin mo kung magpapaagaw!" biglang sigaw ni Magen na nagpamula sa pisnge ko.
I bit my tongue so I can stop myself to shout. How... how can he say that?! Bakit feeling niya hindi ako maagaw ni Wave?! Bakit?! Why he's full of himself? Bakit ang angas ng dating sa akin?!
May nilabas na white envelope si Wave at inabot sa akin. I stare at him for a minute waiting for him to say that he's joking and I think he's serious. Inopen ko ang envelop and my eyes widened when I saw that it's a invitation card. Mauve! She's getting married to Wave! Nakasulat ang mga details and information but the picture of the both of them on the left side was catchy. Nakasuot ng white na wedding gown si Mauve habang si Wave naman ay nakakulay black na tuxedo at red na necktie. Let look good together.
I nodded and accepted that he's not joking. Binigyan niya rin si Chave na walang pakialam at nilagay lang bulsa.
"Kunin mo 'to, Magen. H'wag kang maarte," natatawang sabi ni Wave habang inaabot kay Magen ang invitation.
Magen just stare at him without any expression. He even crossed his arm like a real superior. He didn't utter a word because he make his lips into a one thin line.
"This is the last invitation I have. Kung ayaw mo kay Rain ko---"
"Tangina mo talaga..." rinig kong putol ni Magen sa sasabihin ni Wave.
Nagtawanan si Chave at Wave na para bang tuwang-tuwa sa mga pinagagawa.
Chave stood up when his phone rang. Nagkatinginan lang kaming tatlo. I stamp my heels on the floor. Medyo na ngangalay pa ako.
"Where are you going?" tanong ni Magen nang tumalikod ako.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Magpapalit ng damit! Ano sasama kaparin?!" I asked filled with sarcasm.
He grinned "Pwede ba?"
Hindi na ako sumagot dahil pakiramdam ko ay sobrang pula nang aking mukha. I didn't expect his answer to my sarcasm. Can't he just shut up?
I just entered my room and change my clothes into a sleepwear. I even wear my rabbit slipper that my fans give me. Well, I do have some... lalo na 'yung mga gusto rin maging model and endorser.
"I-check niyo ang social media accounts niyo. The video of Heart begging Magen is viral!" Wave inform us that made me froze.
Napatakbo ako kay Magen na agad na nilabas ang cellphone niya. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa biglaan kong pag-upo sa tabi niya. His hands is shaking while scrolling.
'Si Heart naman talaga nauna kay Magen'
The caption made my fist close. Oo nga... ako ang nauna! Hindi ko alam pero may sariling buhay ang kamay ko dahil tiningnan ko ang mga comments. I want to know their opinions. I want to see how they judge me. I want to know how they criticize me without even knowing who am I.
D'yan naman magaling ang ibang tao. They're good at judging a person without strong valid reason. They can criticize someone just to save their face. Just to look smart... ang akala kasi nila kapag nabasa or narinig ng ibang tao ang mga criticism nila na akala nila ay tama dahil sa haba ay feeling mga entitled na agad. Kahit 'yung mga pinagsasabi ay nonsense. Well, that's how internet round.
'Grabe! Nakakaawa siya'
'Kahit naman ako ay luluhod kung gan'yan kagwapo'
'Tamara must back off? Or Heart? Pabulong naman kung sino ba ang latest na jowa niyang Dawn Magen! Kung wala, pwede ba mag-apply?'
'Dapat lang 'yan sa mga malalandi'
'Tamara hate her. Kaya ayaw ko narin sa kaniya! MANG-AAGAW'
'Heart na malandi!'
Napabuntong-hininga ako dahil sa mga nabasa. Akmang mag-i-i-scroll pa ako nang biglang i-shutdown ni Magen ang phone niya. I lifted my head so I can see clearly his face. Umiling-iling siya na parang sinasabi na h'wag ko nalang pansinin.
"Ikaw lang ang mahal ko..." he whispered.
Na tama lang para buuin lahat ng piraso ng puso ko na nasira. Na tama lang para mawala ang mga bahala na unti-unting sumisibol. Na tama lang para mapangiti ako.
I stared at him, habang tumatagal ay narerealize ko na grabe rin pala ang naranasan ko. Ang naranasan naming dalawa. My mind is closed so I can't understand him because I was busy focusing to understand myself. I look at the other perspective but I didn't push myself to understand every tiny details of it.
Siguro mayro'ng mga tao na katulad ko... ang hindi parin naghihilom ang sugat sa puso dahil ang alam na paraan para makapagpagaling sa sugat ay hindi pala... hindi pala tama.
What if the thing that we thought will add wounds in our heart is not? Paano kung 'yung akala natin na makakasama ang makakapagpahilom pala nito?
Tama ba na patuloy akong lumayo sa kaniya dahil natatakot na akong iyakan siya? Tama ba na h'wag na siyang papasukin sa nangungulila kong puso? Tama ba na ipagtabuyan siya kahit na gusto kong nasa tabi ko lang siya? Tama bang matakot dahil hindi ako sigurado sa kung ano'ng mararamdaman ko?
Kung tama... mawawala na ba ang takot? makakaya koba na makita siyang sumasaya sa iba? maghihilom naba 'to? magiging buo naba ako? magiging masaya naba ako?
Kasi sa totoo lang natatakot ako na masaktan niya ulit pero aaminin ko na mas natatakot ako na dumating 'yung araw na may ibang babae na mananatili sa tabi niya na handang tanggapin lahat.
Magen is not perfect. He is a vulnerable and imperfect type of guy. He has many flawed decisions. Hindi siya marunong magparamdam nang nararamdam. He marks my heart with scratches and dents but even with that circumstance I'm still longing for him.
I cried a lot... pero hindi naman natin masasabi na mahal talaga natin ang isang tao kung hindi natin sila iniyakan.
Love begins in tears. He is my tear catcher without him... I'm a mess.