Chapter Wakas 1:1

Sorry, super tagal bago 'to ma-update. Super busy kasi ako sa paperworks sa school and na-adik kami ng mga kaibigan ko sa CODM 😭🥺

Dawn Magen's POV

"Just sign the annulment paper! I want our marriage to be void!" malakas na sigaw ni Papa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mukha kasing nag-aaway na naman sila. I don't know what is the reason behind this. Ilang beses kona naririnig kay Papa ang pare-parehong sigaw na 'yon t'wing uuwi ako galing school. Mabuti nalang at maaga akong umuuwi kaysa kay Mint. Ayaw kong makita niyang ganito sila Mama.

I'm still in Grade 5 and Mint is grade 1. Mas matanda ako sa kaniya ng limang taon. Masyado pa siyang bata para maguluhan sa nangyayari.

Umatras ako palayo at bumalik sa gate. Ilang beses pa akong bumuntonghininga para makakuha ng lakas para makapagsalita.

"Mama!" malakas kong sigaw at pilit na ngumiti. "Sunduin na raw si Mint maya-maya sabi nung teacher niya! Nagugutom na po ako!" I added.

Napalunok ako at malakas na kumatok sa pintuan ng kwarto nila. Nakuyom ko ang aking palad nang makita si Papa na ngumiti sa'kin. He is trying to end our family? Why?

"Pa! Sunduin mo nga si Mint baka umiyak na naman 'yon!" kunwaring naiinis kay Mint na sabi ko.

Gusto ko lang na mapaghiwalay muna sila kahit na ilang minuto para hindi na lumala ang nangyayari.

"Sure! Ano'ng gusto mo na pasalubong? Baka pumunta muna kami ni Mint sa mall. May kailangan lang akong bilhin," nakangiting sabi niya na parang hindi sila nag-away ni Mama.

"Kasama si Mama?" hinanap ng mata ko si Mama.

"Hindi, masakit ang ulo niya. Kailangan niya magpahinga..." sagot ni Papa.

Gusto kong matawa sa sagot niya kasi naguguluhan na talaga ako. May mali? Tama 'diba? Mayroong mali talaga.

Ilang araw ang lumilipas at gano'n parin. Uuwi ako at sasalubong sa akin ang sigawan nila. Mayro'ng araw na ayaw kong umuwi pero natatakot ako na baka magkasakitan na sila.

"Nakipaghiwalay kana ba kay Venisa?" rinig kong tanong ng kung sino.

Nandito ako ngayon sa backseat habang nakahiga sa upuan. Nakatulog ako at ngayon ay balak kong magpanggap na natutulog nang naaninag ng mata ko ang hindi pamilyar na mukha. She is wearing a white floral dress that expose too much skin.

"Nakikipaghiwalay na ako pero matigas si Venisa. I can't do anything... ikaw? Nakipaghiwalay kana ba?" nag-aalalang tanong ni Papa.

Halo-halo na ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay sasabog na ako nang makita ko si Papa na hawakan ang ulo ng babae at isandal sa balikat niya. The woman look beautiful and elegant but she's a flirt! Ano'ng hiwalayan? Kaya ba nakikipaghiwalay si Papa para silang dalawa ang maging magkasama?! Paano si Mama?! Paano ang Mama ko?!

"Hindi... I'm still thinking pa what to do. I don't want na maapektuhan ang anak namin," the girl innocently answered.

"Kapag kailangan mo ako ay tumawag kalang sa'kin. Tayo nalang ang magdamayan," mahinang saad ni Papa.

How he can comfort other woman than comfort my Mama who always experience a sleepless night! Halos hindi nga ako makausap ni Mama dahil palagi siyang wala sa sarili! How he can offered his shoulder to someone even my Mama needs it?!

One thing I know... he is a cheater.

Umakto ako na parang walang nangyari nang ibaba ako ni Papa sa harap ng aming gate. Iniwan niya saglit ang babae sa kung saan at sinabing babalikan. Why? They don't want me to know their affair?! Huli na! Nahuli kona sila!

"Susunduin ko si Mint. Pumasok kana," saad ni Papa bago pumasok sa sasakyan at umalis.

Naikuyom ko ang kamao ko habang hinihintay na mawala siya sa paningin ko. Hindi na bago sa akin ang ganito. Mayro'n akong mga napapanood sa t.v na ganitong eksena kaya hindi ako naguguluhan.

Ipagpapalit kami ni Papa sa ibang babae? Iiwan niya si Mama? Iiwan niya kami para sa ibang babae? Bakit? Hindi naba siya masaya sa amin? Hindi niya naba kami mahal? Ayaw niya naba na makita kami? Bakit? Kasi makulit kaming dalawa ni Mint? Kasi lagi kaming nag-aaway ni Mint? Narindi naba si Papa? Kapag ba hindi na kami naging makulit at hindi na kami mag-aaway ni Mint ay hindi na niya kami iiwan?

"Mama!" gulat na sigaw ko.

Sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko nang makita si Mama na nakaupo sa sahig. I pushed the door of their room to see her properly.

"M-mama! H-h'wag ganito!" naiyak kong sigaw.

Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti na para bang walang pinagsisisihan sa kaniyang ginawa. I hugged her, nakakulay puti siyang dress dahilan kung bakit nakita ko ang pulang dugo na kumakalat sa kaniyang damit at sa sahig.

"H-hindi... h-hindi mo kami iiwan! Papa! Tulong! Mama bawal mo kami iwan!"

Hindi na ako nag-abala na punasan ang luha ko. Kailangan... kailangan may gawin ako para walang mangyaring masama! Pero agad akong nanghina nang makita ang palapusuhan niya na puro hiwa.

Nangatog ang kamay ko habang niyayakap siya ng mahigpit. Wala akong magawa... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasabay ng pangangatog ng labi ko ay ang pangangatog ng bibig ko.

Hindi.. hindi niya kami pwedeng iwan! Hindi ko kakayanin na wala si Mama! Hindi ko kakayanin na matatapos ang araw na 'to na iiwan din kami ni Mama! Hindi pwede!

Nanatili sa hospital si Mama. Mabuti nalang at mayro'n siyang kaibigan na dumaan sa bahay para kausapin siya at natulungan kami.

"Ijo... nasaan ang papa mo?" he asked.

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Sa bawat araw na lumilipas ay may nabubuong galit sa puso ko. I blamed Dad because of what happened.

"Kasalanan mo 'to! Kung bakit hindi na ako nakikipag-usap sa'yo! Nasaan ka no'ng nagtangka na magpakamatay si Mama?! Nasaan ka no'ng mga gabing umiiyak si Mama dahil gusto mong makipaghiwalay?! Kasama mo 'yung kabet mo!" I burst out.

Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Halos isang taon ko rin kinimkim lahat ng alam ko. Today is my graduation, I awarded as a valedictorian in our year level. Hindi ko pinapansin si Papa sa halos taon na lumipas at ang alam nilang dahilan ay dahil wala siya no'ng kailangan siya ni Mama!

"Mama! makipaghiwalay kana sa kaniya! Wala siyang kwentang---"

Mama slapped me hard "Tumigil ka!" sapat na 'yon na dahilan para mas lalong magalit pa.

Hindi nila alam na sobrang natatakot ako. I can't even sleep properly at night because I was worried about Mama. Kahit sa panaginip ay sinusundan ako ng alala no'ng nakita ko si Mama na nag-aagaw buhay. I can't think properly... paano kung ulitin ni Mama?! Paano kung mas malala ang gawin ni Mama?!

I was traumatized because of what happened. Kahit magalusan lang si Mama ay sobra na ang iyak ko. May makita dugo lang sa daliri ni Mama ay halos mahimatay na ako. I became a paranoid person!

Ilang beses kong narinig ang mga hikbi ni Mama t'wing gabi. Nakita ko kung paano siya niloko ni Papa. Nasaksihan ko kung paano siya ka-willing na tapusin ang buhay niya at iwan kami.

How can I forgive my father if he flip my peaceful world to a miserable one?

Life is very cruel. We don't know how we can reach the peaceful one. Madaya ang mundo at laging hindi pumapabor sa mga gusto nating mangyari. We are imprisoned in this ruthless world and we can't do anything but be deal with its unfairness. Because that's how the world keeps on orbiting. The world is spinning in order to pull us into its hypocrisy.

"Itagay nalang natin 'yan!" Chave shouted while giving me a glass of tequila.

Hindi ko siya pinansin dahil medyo naiirita ako sa mukha niya. Masyado siyang pabibo ngayon dahil alam niya na nasa kabilang table lang ang mga chicks. Akma niyang ibibigay kay Wave ang shot kaya agad akong tumayo. Tangina, sayang!

We're now in Infinities a famous bar in Canada and Chave is damn bad influence! Kakagaling lang namin dito kagabi at heto kami ngayon nandito ulit! Gusto ko nga isipin na broken hearted 'tong tropa ko kaso masyadong masaya siya para sa isang broken. Kaya sige, lasinggero nalang. I will not cover my bestfriend's addiction!

I don't even know why I'm still staying here. Tapos na ang mga dapat na gawin ko pero mas ginusto ko na manatili pa. Maybe because I was exhausted with the air that the Philippines have. The toxicity in the Philippines suffocates me! Bigla pangsumusulpot si Papa sa condo para mangbulabog. Feeling close!

I will never forget what he did to Mama. He put anger in my heart that I didn't know how to get rid of. Kahit gustuhin ko na magpatawad ay hindi ko magawa dahil sobrang hirap. Ang sinabi nila ay 'Matututong magpatawad' pero paano?

To forgive someone we can't afford to look with eyes is too hard. It feels like I was stepping on something wherein in every step its sting.... it's tearful.

"Ano'ng pangalan nito?" tanong ko kay Chave na nakaupo sa tabi ko.

Umayos ako ng pagkakaupo sa high chair na nandito sa counter at inayos ang pagkakapatong ng kanan na siko sa counter height table bago paglaruan ang baso ng tequila na nasa kaliwang kamay ko. I pointed my finger to the girl on Chave's phone screen. Napangiti ako nang marinig ang malakas na tawa ng babae habang nag-aambahan si Chave at Neejan. It's not a picture but I think she captures my heart.

My phone is low batt, ang gusto ko lang ay matiwasay na manghiram ng cellphone ngunit bakit ako binigyan ng babaeng gusto kona makasama ng matiwasay panghabangbuhay?!

"Ex-girlfriend ni Wave at pinsan ko. Si Heart," lasing na sagot niya.

Damn! What a beautiful name! Agad din napawi ang ngiti ko dahil sa pangalan ng isa naming kaibigan. I looked at Wave and he just shrugged his shoulder. Hindi pa taon ang samahan namin ni Wave pwede pa masira but I think it's not a big deal? Why am I thinking like this?! shit! I'm in danger!

"Bakit kayo nagbreak?" I asked out of the sudden.

Nakita ko na nagkatingin pa silang dalawa ni Chave na parang nagulat dahil sa sobrang seryoso na tanong ko. This is my first time meddling on something. I want more... I want to seek more information about her. Pakiramdam ko hindi ako matatahimik kapag hindi napunan ang mga tanong ko. I want to know her deeper!

"Kailangan..." simpleng sagot ni Wave.

Natapos ang gabi na ang pinsan lang ni Chave na si Heart ang nasa isip ko. I can't even think straight or what. I'm drunk but I can't feel any dizziness while thinking of her. Sa lumilipas na araw ay halos siya ang bukam-bibig ko kay Chave.

"Don't be curious, Magen. Heart have a boyfriend?" Chave uttered reason why I looked away..

Umayos siya ng pagkakaupo sa single couch niya. Nasa kabila lang nitong room ang akin kaya mabilis akong nakakapunta dito. Wala akong pakialam kung mayro'n na siyang boyfriend. I will find a way to know her. I don't care if Chave will get any idea why I'm acting like this. Hindi ko talaga mapigilan. I felt like there's a missing part on me.

"What type of girl she is?" I asked Chave curiously.

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Kupal kaba Chave mukhang na-i-inlove na ako sa pinsan mo tingin mo ba titigil ako? How funny right? I haven't seen her in person pero mukhang hulog na hulog na ako.

"Lagi akong inaaway... she is spoiled brat, sometimes. She never set a boundaries, lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. If someone will block her way then she will find another one. In short, a very stubborn..." natatawang sagot ni Chave.

I think Chave want me to back off because he spilled her lapses and imperfections but the more I hear her flaws... the more I was excited to meet her.

Nang malaman ko na nagkahiwalay na sila ng boyfriend niya agad akong nagbook ng flight para sa amin ni Chave. I don't care if he want to stay here but I'm going home. I want to check if she's doing fine. I even heard that Hansel her ex-boyfriend cheated on her. Shit! I want to punch that guy.

"Magen.. let me introduce to you my girlfriend's cousin and bestfriend. This is Heart," sabay turo sa akin ni Lonch.

Siguro nga nababaliw na ako dahil halos magmakaawa ako kay Lonch na ipakilala ako kay Heart. Wala naman kasi akong aasahan kay Chave dahil mukhang gustong ako ang gumawa ng paraan para makausap si Heart. Lonch is also my friend and I found out that Heart's cousin is his girlfriend. Actually I wasn't invited here because I declined it well I was busy fixing up the cafeteria but I suddenly showed up. Wala akong pakialam kung hindi na ako imbitado basta ang gusto ko lang ay makita si Heart.

Tumango-tango ako at bahagyang ngumiti. I don't know if I will remain serious or jolly. Tangina! Maskinabahan pa ako dito kaysa sa board exam no'ng college ako! Dumako ang tingin ko sa suot niya. I taste a disappointment even I don't want.

She introduced herself to me and I wanted to take her to the altar when I saw the smiles on her lips that were priceless. Nang magtagpo ang kamay namin ay hindi niya pinakawalan ang kamay ko. Hoy gago naiiyak ako!

She gave me hope because of the way she spoke. She even threw a sweet lines! Tawagin ko raw siya mga pare na MINE. Kapag na-mine kita baka mabaliw ka! O ako ang mabaliw?

When I saw her smile I knew that I was deeply inlove. I want her and I want to be with her but... her wall is too high. I can't reach it. Sobrang ganda niya at mayaman. Mukhang perpekto na nga bawat angle ng buhay niya. Wala akong mahanap na kapintasan. Even the way she dress bothered me... alam kong I'm still into her.

I love her but I'm damn insecure Maraming mas better sa'kin. 'Yung lalaki na whole package at deserve niya. Her exes was damn high-level at hindi ko alam kung kaya ko ba sila higitan.

Imagine, Wave and Hansel... they have the face and name in business industry. Kilalang-kilala si Wave and I know Hansel because his name on social media is all over the world and he's going to open a clothing line. Fvck, wala ako sa kalingkingan nila.

She's Heart and I'm just nothing. She deserve a better man. Yung halos perpekto rin katulad niya. Kasi... lugi siya sa akin dahil ako lang 'to.

Shit! My insecurities screams a lot!

I chuckled "I was also serious about what I said I didn't want you," I lied.

Narinig ko ang nakakalokong tawa ng kaibigan ko na si Chave. Kung alam mo lang pre kung gaano ko kagustong iuwi 'tong pinsan mo baka magulat ka. I stare directly at her eyes. Pinigilan ko ang pagiging malambot sa kaniya. I gave her an emotionless expression. I want to apologize because I know that my words are too harsh and rude but I don't want her to get a man like me. I'm just nothing!

"When I slap your face, you will give us a silence?" she said at the girls who laughs.

Chave chuckled "Oh.. girls, shut up. I think she's serious with Magen," natatawa niyang sabi.

I'm annoyed of what she did. Ayaw kong manakit siya ng ibang tao dahil lang sa'kin. She look fragile and soft! Paano kung saktan din siya nitong mga babae?

I looked at her "You shut up, stay away from me."

I stepped away because I can't go near her. Ayaw ko mapasama siya dahil sa'kin. I don't want her get attach at me. I'm just nothing! Awkward to listen to but my insecurity is too high! Bakit? Hindi naba pwede mainsecure ang mga lalaki? Shit! Gwapo ako pero paano kung may makita siyang mas gwapo? mas mayaman? kayang ibigay lahat ng saya na gusto niya?

She sniffed "No.. no, come on. I just want beside you!"

I covered my face with annoyed expression. Hindi niya pwedeng malaman na grabe na ang epekto sa'kin ng mga sinasabi niya.

I sighed and combed my hair using my finger "Please, Heart. Kung gusto mo dito sa tabi ko then shut up and sit," I pointed the couch using my finger "No shouting." madiin kong utos.

Hindi kona alam ang gagawin ko sa mga pinaggagawa niya! I'm fluttered but I can't. The way... the way she dress bothered me! Naalala ko 'yung kasama ni Papa sa kotse no'ng araw na muntik ng mawala sa buhay ko si Mama!

"Oh! Don't drink too much, Magen." awat niya sa'kin.

I tried my best to have a strong and intimidating look. Ayaw ko... ayaw kong magmukhang maamo sa kaniya. Baka na-a-attract lang siya sa'kin kasi ngayon niya lang ako nakita. Oo, gano'n nga 'yon.

Neejan stood up and sat beside her "Hon.. Are you still mad?" he asked while touching Heart's hands.

Gusto kong tumawa dahil sa ginawa niya. Hindi niya alam na kilala ko siya at halos lahat silang pinsan ni Chave. He want to pissed me off? Being overprotective, huh?

I wanted to scream loudly when I smell Heart's scent beside me. She looked pissed!

"He's my cousin," she explained and smiled awkwardly.

Neejan tapped my shoulder and sniffed."Goodluck, Bro. Seryoso 'yang pinsan ko. Nagpaliwanag e," he shrugged and walked away.

I sighed "H'wag kang tumingin sa akin naiirita ako," I want to punch myself because of what I uttered.

Nakita ko kung paano siya nagulat at napahiya dahil sa sinabi ko. No.... no honey, that's not what I really mean!

Gusto kong lumuhod sa harapan niya para magsorry nang makita ko ang pangingilid ng luha sa kaniya mata. She acted like she can deal with it becausw of her strong expression. May mga ngumingiti sa kaniya pero kahit isa ay wala siyang nginitian.

Galit siya...galit ba siya?

"Couz, Let's have fun. Ayaw naman ata sa'yo ni Magen," Chave looked at me. "Hanapan kita ng iba na ibubugaw sa'yo," he smirked and stood up. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Magen have a brother.. Nandito ba si Mint?" tanong niya sa'kin.

"Bullshit..." I mouthed.

Pinakatitigan lang ako ni Chave na para bang iniinis niya ako. I close my fist while wishing that Chave would stop pushing Heart to someone else. Ako nalang... ako nalang dapat.

"Oh! Sayang naman kung wala siya dito! Ayaw mo ba talaga sa pinsan ko, Bro?" Chave asked.

My brows furrowed, hindi ba halata? Hindi paba niya nahahalata na gustong-gusto ko ang pinsan niya? Anemic na nga ata ako kakapuyat dahil sa kakaisip sa kaniya! Siguro para sa iba ay ang baba ng rason ko. Naging ilag ako sa mga babae na showy kung manakit pakiramdam ko kasi pare-parehas sila ng ugali nung babae na naging kabit ni Papa. I know... I'm being asshole dahil hindi naman nila kasalanan 'yon but there is a part of me that reminding me that I shouldn't get near at them.

I chuckled "Sorry, alam mo naman na I'm not in to a flirty woman," I lied again!

Nakuyom ko ang kamao ko nang makita siya na tumayo at naglakad palayo. Ilang beses pa siyang tinawag ni Chave pero hindi niya kami binalingan ng tingin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa ginawa niya. I'm too harsh! Damn it Paano kung hindi na siya makipag-usap sa'kin?! Did I leave a bad expression on her?

Halos hindi ako mapakali habang hinahanap ng mga mata ko si Heart. Lonch and Chave are talking and I can't say anything.

"Do you like Heart?" Lonched asked.

Tiningnan ko muna si Chave na may kinausap at bahagyang lumayo sa amin. I didn't know what the right word would be to use to answer his sudden question.

"Hindi ka uuwi biglaan dito ng walang dahilan at lalong hindi ka pupunta dito dahil na-declined mo na ang invitation ko sa'yo," he smirked.

Hindi ako sumagot, agad kong tinungga ang tequila na iniinom namin. Napapikit ako dahil sa inis.

"Feeling ko galit si Heart. Kung ano-ano ang sinabi ko sa kaniya," nararamdaman ko parin ang kaba.

He chuckled "Heart is not too sensitive. Hindi 'yon marunong magtanim ng galit sa puso," he simply said.

So when Chave told me to take Heart home with me, I didn't even think about it and went with her. Blessing 'to.

Mayro'n kaming nakasabay na lalaki sa elevator. He looks amaze to Heart. Nahawakan ko si Heart at pakiramdam ko ay nakuryente ako sa sobrang lambot ng balat niya. Gusto ko sana na ayain siya na kumain o magdate but I can't do anything because my flirting skill sucks. Natotorpe ako 'pag dating sa kaniya.

"Oh my ghad!" she shouted when we got out of the elevator.

Kumunot ang noo ko nang makita siya na tumatalon habang nakapikit ang mata at sinasabunutan ang sariling buhok.

I walked towards her "Hey.. what's wrong?" I panicked asked.

Umiling-iling siya at bahagya akong nainis dahil pakiramdam ko ay wala siyang balak na sabihin sa akin ang rason ng pagsigaw niya. I want to pull her closer to me when he entered Chave's unit. I immediately followed, I watched him looking at himself in a mirror. She looks like an angel that I would love to stay by my side. She looks like a soft and fragile person even though her aura is a bit dark. Sa paraan ng pagsulyap niya sa akin ay pakiramdam ko ay nawalan ako ng karapatan na magsalita.

"Hmmm. What is it Magen?"

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin sa kaniya. I swallowed all the nervous and stared at her.

I sniffed, nervously. "Do you have a problem? Like.. uhmm did you forgot something? Maybe a purse? cellphone? wallet?" I curious asked while looking directly in my eyes.

Mayro'n akong mga kaibigan na babae at hindi na bago sa akin 'tong ganito. Napansin ko kasi na parang ang gaslaw niya kumilos at wala siyang bitbit na kung ano.

I lend my phone to her so she can call her cousin. Ayos narin 'yon para kapag may itatanong ako tungkol kay HShe let me in, soeart at wala akong mapagtanungan ay madali ko siya mako-contact.

She confessed and I can't accept that fact. Like what I said, her wall is too high and I didn't deserve to climb it. Tsaka... the way she dress remind me of Dad's mistress.

Hindi ko alam pero mayroon na kasi atang tumatak sa utak ko na hindi pwedeng magmahal ako ng tao na katulad ng panibagong minahal ni Papa. A girl like that doesn't deserve any drop of love. I know that I'm very unreasonable and asshole with this mindset. Super toxic pakinggan but I can't control it. This toxicity eating me alive!

I tried my very best to turn her down! but damn dude! Chave is right! She's damn stubborn.

Ipinipilit niya parin ang sarili niya sa akin kahit ano'ng taboy ko sa kaniya. She even buy a unit in front of mine and what's more... I... I didn't expect that she's going to apply in my cafeteria! Sobrang foul! Hindi siya pwede ro'n! Her skin... baka magsisisi siya!

Hindi bagay sa babaeng mahal ko ang gano'n. She must stay at home and take a rest. I'm the one who's working not her. Gagawin ko ang lahat para maging deserve ko siya kahit mayro'ng part sa akin na ayaw na mapalapit sa kaniya.

Maybe this is what love really mean? There is always one contradictive thoughts.

Nagsusungit ako sa kaniya at kahit ano ata ang gawin o sabihin ko ay wala lang sa kaniya.

"Mayro'ng bagong waitress?" naikuyom kona agad ang kamao ko nang marinig ko ang tanong ng lalaki nang makapasok ako sa cafeteria.

"Oo, pre. Chicks!" and they laughed.

Halos magdilim ang paningin ko nang makita ang suot ni Heart. She was damn so sexy! Pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa sobrang high-blood!

Hinila ko siya palayo sa maraming tao. Bawal, hindi pwede na maraming makakita kung gaano siya kaganda at kaattractive. Dapat ako lang... paano kung may makakita sa kaniya ta's 'yung lalaki na 'yon ay masbetter sa akin? Paano ako?

Nandito kami ngayon sa locker room. can feel her nervous atmosphere. Galit ako... hindi sa kaniya kundi sa mga lalaki na tumitingin ng kakaiba sa kaniya. Bawal 'yon tangina.

Saglit ko siyang pinanood na pinaglalaruan ang kaniyang daliri bago ako tumalikod at ayusin ang aking damit. I didn't know what to do! Mukhang na-me-mental black ako sa sobrang pagkataranta!

I sighed "W-why? I mean what the hell? Ba't gan'yan ang suot mo? my employee wasn't wearing that. It's informal, you're a waitress here in my cafeteria not a women at the club." I pointed her uniform and massaged my temple.

Hindi ko alam kung saang lupalop niya nakita ang ideya na ipaayos ang uniform na pinagawa ko. She look more sexier and hot!

"Ang pangit naman kasi ng style. It's old fashion and I just want to--"

I cut her off and glare at her "It's not about the style! Paano kung may mambastos sa'yo dito sa cafeteria? It's my problem too! Can you please think properly? You're my employee so you are under my policy! If you think you can act like this because you're a spoiled in your family then you're wrong. I wont tolerate this kind of behaviour." I shouted out of anger.

You're my employee so you are under my policy?! Bullshit!

Agad na humuhupa ang inis ko habang pinagmamasdan siya na nakayuko. Para siyang isang bata na pinapagalitan ng magulang at walang chance na mapagtanggol ang sarili.

"Ang akala ko kasi hindi ka strict sa mga gan'to.." mahina niyang sabi.

No, Honey. Seeing others wearing that is fine but seeing you with that kind of clothes makes me crazy!

I chuckled "Yes, I'm not. If you wear a decent one.." may diin ang pagkakasabi ko.

Kumunot ang noo niya. "This is still a clothes." she pointed her uniform, proudly!

Nanliit ang mata ko "Oo alam ko, Damit na halos kita na ang kaluluwa mo. That's clothes is too exposed!"

I burst out!

"Change..." I command and looked away. "Go inside that fucking restroom and change your stupid uniform.." I pointed the rest room and sat on the mini couch.

Talagang na-ha-high blood ako sa'yo Honey!

She's acting weird and I found out that she doesn't have extra uniform. I made a decision... iuuwi ko siya!

"May pupuntahan ka pa ba mamaya?" I asked when she was about to open the door of my car.

Hindi siya agad sumagot at bahagyang natahimik.

I chuckled "Having a second thought huh?" I shook my head and entered the driver's seat.

"W-wala naman akong pupuntahan mamaya.." she answered.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sagot niya. Oh damn..

I nodded "Just wear plain brown tshirt at wednesday. Ichecheck ko pa kung mayro'ng stock ng uniform for you.." I seriously said.

"Okay..." she answered softly.

And... leaving her that time is my childish action. I used Phoebe to hide my feelings.

Phoebe is my friend eversince she knows every details about me even the things that I can't clarify.

"Bakit mo pa kasi ako sinundo? You must take her home. Iniwan mo siya para sa akin kasi umandar na naman 'yang biglaan mong desisyon. You made a choice kaya tumigil ka sa kakamumok d'yan. You jerk," she uttered.

Hindi ako umimik, nanatili lang akong nakatulala. I don't know what to do. Sobrang nagi-guilty ako sa ginawa ako.

"Baka galit siya---"

"I'm not sure if she's mad but I know that she's hurt. Hindi kita maintindihan kung bakit iniiwasan 'yang nararamdaman mo. If you love her then go for it!"

"The way she dressed..."

Sapat na 'yon na salita para hayaan niya ako sa desisyon ko. She know how I hated it. She know how I despise that kind of look. I mean, wala... wala talaga akong magagawa kung t'wing may nakikita akong babae na showy manamit ay parang nagpa-flash ang isura ng kabit ni Dad.

No one can blame me about this.

"Si Heart 'to 'diba?" nataranta akong tumayo at tiningnan ang tinuturo ni Phoebe.

Well, she know her face kasi halos ingudngod ko na sa mukha niya ang screen ng cellphone ko sa t'wing ini-i-stalk ko si Heart sa instagram.

Halos kaladkarin ko si Phoebe papunta sa bar kung nasaan si Heart. She told me she's not going tonight! She lied! Bakit?! Boy hunting?! Damn, it's not going to happen!

"Lapitan mo na," Phoebe whispered at me. "Kailangan ko pa umuwi agad Magen. Tumawag na sa'kin 'yung boss ko. Nakalimutan ko ipasa 'yung mga files na kailangan sa opisina..."

Hindi ako umimik, pinanood ko lang si Heart na makipagtawanan sa kung sino mang hotdog na 'to. Siguro kung bibigyan lang ako ng karapatan na tumupi ng tao baka natupi ko na sa sampu 'tong lalaki na 'to.

I can't take it anymore. Nilapitan ko na sila at umeksena. She look shocked when she saw me.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.