Ilang saglit ko palang siya na nakakausap ay pinatawag na ako ni Phoebe. Wala na naman 'yung lalaki at tingin ko ay nagsasabi nh totoo si Heart. If she's with her cousin then I'll let them have fun. Babalik nalang ako mamaya 'pag nahatid ko na si Phoebe.
Gusto ko si Phoebe... yes, I have a crush on her when we're in grade school. A typical guy having a crush with school mate! Gusto ko siya pero hindi katulad ng pagkagusto ko kay Heart.
Nang malaman ko na nag-uusap parin sila ni Wave ay parang may bumabaon na tinik sa pagkatao ko. I see Wave as a threat. Hayup! Ex niya 'yon! May pinagsamahan sila no'n. May nabuo silang feelings para sa isa't-isa. They shared memories with each other! Kaya sino ako para hindi kabahan?
"Hey, Magen? How are you? Still up to Phoebe?" Walang prenong tanong ni Wave.
Alam niya na gusto ko si Phoebe at hindi ko alam kung ano ba ang isasagot.
"I'm fine, Wave and yeah... still Phoebe," I answered without and doubness.
I don't want to give Heart a chance to feel like I deserve her. I'm not yet ready. Gusto kong subukan na namin kapag ayos na... kapag malinaw na sa akin lahat.
"Tatag ha... you want to try my ex girlfriend? Ayan oh, si Puso. The best 'yan! Sarap magmahal," Wave proudly said.
I closed my fist, hearing him being proud of how Heart loved her made me mad.
"Wave, stop it," Wave pouted and nodded.
Nakita ko na napabuntonghininga si Heart sa ginawa ni Wave.
"If she's the best then why you both broke up?" I seriously said without any emotion on his face.
I want to know more... I want to take deeper and know what's wrong with their relationship so we can avoid it in the future.
"H-he needs to studied abroad..." she answered and bit my lower lips.
Damn, I want to bite it too!
"It's not a valid reason," I said when I'm about to drink my water.
Hindi 'yon valid reason. If they love each other then they will choose to stick with each other.
Wave chuckled "It is..."
"No, it's not because we're talking about love here. Kung mahal mo kahit ano 'yang dahilan ay mananatili kayong commited," I proudly said.
Kasi gano'n naman talaga 'diba? If you love someone you will always choose the choice wherein you both are capable on staying by each others side.
"It's a valid reason, Magen. Love is not about staying commited sometimes you both need to let go each other hands. Kasi nga mahal namin ang isa't-isa. Magkalayo kami, we need to face the reality na kapag hindi kami nasa tabi or magkalapit ay may magbabago sa relasyon namin. We can't say na hindi kami magkakagusto sa iba habang wala ang isa because in the first place mouth is not the one who's deciding it's the heart. Kapag puso na ang nagdecide kahit madaya ay wala kang magagawa. That's why it's valid, ayaw namin maging unfair sa isa't-isa. He want me to find a guy who can stay beside me and love me the way he loved me. I also want him to find someone who can stay beside him and love him the way I do...."
"Wow! Ang matured ha! Parang hindi spoiled brat..." and then Chave laughed.
I can't say anything because I felt like the biggest storm hit me.
"Balik kana sa 'kin, Puso..." Wave's voice changed.
That's the signal to end this damn topic.
"Eat, Heart..." I pushed a bit her plates
I stared at Wave, I know that he knows that there is strange feelings that keeps on hunting me. Chave and Wave are both smart pero kung ganito ang usapan ay alam kong mabilis na makahalata si Wave. Kung nahalata man ako ni Chave pwes mas nahalata ako ni Wave. Ilang buwan palang kami magkakilala but I already know him well because of hid action. Alam niya... alam niyang gustong-gusto ko si Heart.
"I said eat..." I seriously commanded while glaring at her.
Hindi pwedeng pumabor siya sa sinabi ni Wave. I will never let that happen. Wave said I love you to Heart! Gusto kong batuhin ang laptop dahil sa sobrang inis.
"Just get out, Bro..." I seriously said at glare at Chave.
Naiinis na sa kaniya si Heart at ayaw ko rin kasama ngayon si Chave dahil mukhang binubugaw niya si Wave sa kaniya.
Boto siya kay Wave?!
"Hi..." she greeted me when Chave leave us.
"Don't talk to me..." I said to stop my damn heart.
"Why?!" she asked with disbelief.
"You told me you're not going outside yesterday," seryosong sabi ko.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin 'yon. I sound like a demanding boyfriend!
"E, inaya ako ni Lami. I didn't intend to lie," she defended.
She asked me about Phoebe. Alam niya rin pala na niligawan ko si Phoebe. Nagtalo pa kami dahil pinipilit niya na subukan namin. Ayaw ko... ayaw ko sana pumayag dahil kay Phoebe. Alam kong naguguluhan na rin siya sa akin pero nang makita kong umiyak si Heart ay pumayag ako para mapahinto siya sa pag-iyak dahil ayaw kong makita siyang naiyak.
Ang alam ko lang ay namamangka ako sa dalawang ilog!
Yes, nililigawan ko si Phoebe pero dahil magkaibigan kami, t'wing magkasama kami ay parang gano'n parin. She don't want me to court her because she said that I was just attached to her. Na hindi ko naman talaga siya gusto at dahil siya 'yung lagi kong kasama dati kaya nasasabi ko na gusto ko siya.
I know I'm so guilty of Phoebe because of my feelings for her that I don't know if there are any more. So when Mint put her in our conversation I was really angry. I respect Phoebe kasi siya 'yung nand'yan nung time na kailangan ko ng kung sino pero mas nagalit ako nang hawakan na ni Mint si Heart na para bang handa siya makihati sa'kin.
No... no fvcking hell!
Nabalitaan ko na nakulong si Kaela dahil napagbintangan siya. I immediately dialed Merls' number. Sinama ko si Heart sa Cavite hindi dahil nakita ko siya sa Cafeteria. Sinama ko siya dahil gusto ko na nasa malapit ko lang siya.
"I'm just asking! Magen, why is it hard?"
I gritted my teeth "Mahirap! Nahihirapan ako sagutin! Because... because you are going to be mad again! Magagalit ka na naman sa 'kin because of it. Can't you understand? I'm avoiding your question because I'm avoiding to make you jealous. I knew girls, Heart. Magtatanong kayo at ipapamukha niyo sa amin na wala lang sa inyo ang sagot namin but deep inside you'll get jealous." I stopped and held his forehead. "Alright, I have girls... bukod kay Phoebe because I was a man, Heart.."
I don't want her to get the wrong idea but I also don't want lie at her. Mukhang mali ata ang desisyon ko dahil nakita ko ang luha niya. I was fcked up.
She looked at me "Stop using you being a man as a excuse!" galit na sigaw niya.
Galit si Heart... galit ang mahal ko.
I nodded immediately "I'll stop"
Ayaw kong mas magalit pa siya sa akin kaya sige... gagawin ko nalang lahat ng gusto niya.
"Babaero ka!" she mouthed.
I nodded again "Babaero ako..."
Narinig ko ang hikbi niya kaya kinakabahan akong napatingin sa kaniya.
"Hanggang kailan ka magiging babaero?!"
"I'll stop," I said calmly to ease her feelings.
I don't want her to cry over this! Wala na 'yon. Ang tagal tagal na no'n!
"Why you're going to stop?!" malakas na sigaw niya.
Napapikit ako at humawak sa aking tainga. What does she want to happen?!
"Then what do you want me to do? You are mad because you said I'm a babaero that's why I said I'll stop but still you are mad. What do I need to do?"
"Stop talking..."
Automatic ko siyang sinunod. It's okay for me if I look like a robot or a slave that she commands. All I wanted was to calm her down and stop sobbing. Her sobs are debilitating to me. I don't want to ... I don't want to hear that.
"Si Phoebe nga na mahal mo nagawa mong lokohin..."
Here we go again.
"Hindi ko siya mahal... gusto ko siya pero hindi ko siya mahal..." I said seriously.
"Are you joking?" gulat na tanong.
Damn, I spilled the tea!
I shook my head "I'm not..."
"I said stop talking!"
Hindi ko na alam. Nababaliw na rin ako sa mga nangyayari.
"I'm trying to love you...."I softly whispered, na hindi ko alam kung saan ko nakuhang sabihin.
Ipinakilala ko siya kay Liza bilang girlfriend. Hindi nila alam kung gaano ako nabaliw nang sabihin 'yon. Girlfriend! Too good to hear!
We fought and she threw my phone! Hindi ko ine-expect 'yon kaya talagang nakaramdam ako ng galit pero saglit lang dahil nang makita siya na naiyak ay parang bumaliktad na naman ang mundo. I was using her phone to communicate with Kaela's attorney! Kaela needs me! Kaya ang ginawa ko nalang ay kumalma at hiniram ang cellphone niya.
"Who the hell is this?" inis kong tanong sa sarili ko nang makita ang mga random messages sa inbox niya.
Ang dami, some of them are introducing themselves and asking Heart for a date. Ang iba naman ay nagko-confess pero walang mga reply si Heart. I smiled when I saw the 'Babe' on her inbox. Nakapinned kaya ako ang nasa pinakataas.
Dudes, Back off... I won.
I texted Merls to come here so we can talk properly.
"Just one kiss..." Merls said.
Hindi ako nakasagot. I don't want to be harsh and push her away since I need her for Kaela's survival. I don't want Kaela to end up being jailed for too long. Kaela is like my sister.
"No..." I refused.
But she's very persistent. She told me that it will be the last so I agreed while kissing her all I can do is to apologized to Heart.
"Umalis?" kinakabahan kong tanong kay Liza.
I'm an asshole, I know at nababaliw na ako ngayon habang iniisip kung nasaan si Heart. Iniwan niya ako? Iiwan niya ba ako? Ayaw niya naba sa akin? Hindi... hindi pwede.
Kahit sa Ig ay ang dami rin nagmemessage sa kaniya. Mostly, message requests.
She was chatting with her cousin and I was spying like an idiot. I logged in my account on browser so I don't need to log out her account.
@DawnVf Heart, Where are you? Please, go back here.
She posted a picture, mukha siyang anghel. Nakita ko paano sunod-sunod na dumami ang likes and comments.
@DawnVf Hey, go back here.
I tightened the way I hold her phone. She's online but she didn't intend to seen my message.
Galit nga siya.
@DawnVf Ignoring me, huh?
She told me that she's staying here in Cavite with her friend. Ako ang kasama niya kaya dapat parehas kaming magkasama sa iisang bubong. I want her beside me. I want her to be with me the whole day.
@iHeart No need.
Pakiramdam ko ay namutla ang buong pagkatao ko sa reply niya. May tuldok... baka galit.
@DawnVf Are you mad at me?
As I expected she ignored me again. I didn't know what to do as I stared at the cellphone screen and waited for her answer. Ilang oras akong nakatayo rito malapit sa gate habang hinihintay siya. I'm damn nervous! Halos magdilim ang paningin ko na makita ang nakatagged photos kay Heart.
'My son's beautiful ex-girlfriend. Looking forward for another chance to the both of them. Omg! My ship!'
I immediately message the one who posted it. Sa sobrang pagmamadali ay ang nagamit ko na account ay 'yung kay Heart. Totoo naman... boyfriend ako ni Heart. Kaya may karapatan parin ako.
I asked Wave if he knows any place here in Cavite that Heart might know. Tangina... binabaan ko 'yung pride ko kahit na ayaw kong humingi ng tulong sa kaniya. I don't know Heart very well and that reality makes me insane!
Heart saw that her cousin and I were kissing. For another time, I saw her crying over me. Natakot at naguilty ako. I know I'm always making a decision without thinking carefully. I just want to escape immediately. Ang tanga-tanga ko, kasi kahit na gano'n ang sitwasyon ay dapat hindi ako pumayag kasi may masasaktan ako.
Ang bobo mo Magen!
Sa condo niya muna ko pinatuloy si Anica para kahit papaano ay may dahilan ako para puntahan siya. I'm damn indenial!
"Mag-iinom kami..." simpleng sabi ni Anica.
Napaayos ako ng upo at mabilis na inayos ang mga contract na pinapapapirmahan sa akin. Mag-iinom? Kasama ang mahal ko?
"Bawal pumuntang bar si Heart kapag hindi ako kasama," I said like a Dad!
"Feeling jowa?" natatawang tanong ni Anica.
"Yeah... she's my girlfriend, Anica. Give her the phone, kakausapin ko ang jowa ko," I proudly said.
"Bakit hindi naman ata alam ng iba?" takang tanong niya pa.
"It's a secret relationship so give it to---"
"Oo na, atat," she sarcastically said.
I talked to Heart and she sound like she wants to drink even though she says no. Gumagana ang paawa effects niyang boses. So... soft. Kaya pinayagan ko na kasi bakit ko siya pagbabawalan kung nasa condo lang naman sila at mga pinsan niya lang naman pala ang kasama.
"Manliligaw ka ulit kay Heart?" napahinto ang paghinga ko sa narinig.
Nandito kami ngayon sa loob ng elevator. Halos patayin ko ng titig si Denver na pinsan ni Heart nang magtanong siya sa lalaki na nasa tabi niya. Denver doesn't know me. Well, si Chave lang talaga ang pinakaclose ko sa kanila.
"Kung papayag..." ilang beses akong napamura dahil sa sagot niya.
Kahit gusto ko na hayaan na lang si Heart magsaya kasama ang mga pinsan niya ay hindi ko nagawa. I want to protect what's mine. Gusto kong bakuran siya. Akin lang siya.... bawal umeksena ang iba.
"You're disrespecting her! Secret relationship?! Magen naman... naintidihan ko 'yung desisyon mo na subukan 'yung nararamdaman mo sa kaniya. I didn't know her personally but she looks fragile! No women deserve those kind of set-up!" Phoebe shouted.
With that, I decided. I broke up with her even I know that the chance of being with her again is damn small. Halos isang linggo palang kami na magkasama at ayaw ko na siya pakawalan. I ended up our relationship because I'm not yet ready. May mali... I can't shout to the world that she's mine because there is still that bothering me.
"Stop your bullshit, Heart! I said let's break up! This is a fvcking deal! Kapag bumalik na siya tapos na tayo!"
No, Honey. I'm lying again.
"She still didn't said yes!"
Talagang hindi siya magye-yes because I fvcking stop courting her long time ago!
"Let's stop this bullshit. Let's break up, I'm out," and that is the biggest mistake that I've ever did.
Sa araw na halos lumilipas ay nararamdaman ko ang bigat sa puso at mas lalong dumadami ang kasalanan ko sa kaniya. Rain... was a big threat to me when they met Heart. He is smart, handsome, good one, and rich so I am even more immersed in the mud where I stand. Heart deserve such a man who seems able to make a decision that she will not be hurt. Me? hindi... kasi lahat ng desisyon ko ay nakakapanakit sa kaniya.
I thought that the decision that I kept on choosing was a good idea but I'm wrong. Maling-mali pala ako. Pinipilit kong h'wag siya saktan pero habang pinipilit ko pala ay mas lalo lang siyang nasasaktan.
Ako... ako 'yung tao na laging nagpapaiyak sa kaniya. Kaya kailangan ko siyang layuan para hindi na siya umiyak pa. I don't want to be close to her anymore because every time I approach her I only hurt her and that's what I don't want the most. Nasasaktan ko siya sa paraang hindi ko alam.
Maybe the world was really deceitful because I found out that Dad's mistress was the Heart's mother. Sobrang nabaliw ako kakaisip. Paano?! Kaya ba parang may mali?! Kaya ba parang may kung ano na hindi pwede?! Dahil 'yung babae na sobrang kinagagalitan ko at ang babae na halos sirain ang pamilya namin ay nanay ng babae na gusto kong mabigyan ng sariling pamilya?!
Hindi ko alam kung dapat pa ba na ipagpatuloy ko 'yung nararamdaman ko. I told Heart about Dad's mistress the day I kissed her. That's probably the day I don't want to end. Natatakot ako na malaman ni Heart ang totoo dahil baka mas lalo na naman siyang masaktan. Baka mas lalo lang siyang umiyak. I don't want to tell her the truth. Ayaw ko... hindi ko gusto 'yon.
Nilayuan ko siya... kung saan-saan ako pumunta para magpahangin at makalimutan siya kahit na alam kong malabo. Kahit na alam kong hindi mangyayari 'yon.
"Pupunta kaming Davies nila Heart..." Chave's told me.
Hindi na ako nakapagpigil pa. Last na... last na talaga. I just want to see her. Gusto ko lang ulit makita ang babae na palagi kong mamahalin. Ang babae na pipiliin ko parin kahit na ano'ng mangyari. My heart will always choose her. Walang iba... siya lang.
We saw each other, sinama ko si Phoebe para pagtakpan parin ang nararamdaman ko. Heart honey... you don't deserve a guy like me. Hindi ako magiging sapat para sa isang anghel na katulad mo. Your wall is too high and I don't have the courage to climb it at take the chance. Kasi... kasi baka kapag ginawa ko na naman 'yon ay mas lalo lang kitang masaktan. Ayaw ko no'n mahal.
"Siguraduhin mong ang rason mo ay sapat... para palayain ka,"
Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Ayaw ko... pero mukhang kailangan dahil nandito siya at nagmamakaawa na naman. She's losing herself just because of me. Ayaw ko ng ganito. Gusto ko na kapag minahal niya ako at minahal ko siya ay parehas namin makamtan ang magandang version ng sarili namin.
Ganito ba kasama ang epekto ko sa kaniya?
"Ilang buwan tayong naging magkasama, Magen. We have the assurance even we doesn't have the label. You makes me feel special. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago? Bakit naman parang andaya mo?"
Magda-dalawang taon akong naghihintay sa'yo, Heart. Sobrang masaya ako sa bawat araw na kasama kita at masaya parin ako kahit hindi mo ako kasama basta alam kong wala pang nagmamay-ari sa'yo. Sapat na 'yon sa akin.
"Minahal naman kita ng totoo, Magen. All the love that I have... binigay ko sa'yo. Kahit... kahit na alam kong kahit kapiraso no'n ay walang babalik. Binigay ko parin, Magen. Binigay ko lahat ng pagmamahal! Kahit 'yung pagmamahal na hindi dapat sa'yo ay binigay ko! Ganoon kita kamahal... kahit 'yung d-dapat para sa'kin ay binigay ko parin. Binigay ko lahat!" napatakip ako sa mukha ko habang nahagulgol. " Binigay ko lahat nung pagmamahal! Binigay ko lahat! Walang natira para sa'kin! Ubos ako! Ubos na ubos ako!"
Seeing her crying like this made my whole body froze. Wala akong magawa, I don't know what to do dahil natatakot ako na kapag may ginawa na naman ako ay masaktan na naman siya.
"Hindi kita kayang mahalin..." I lied.
Kung ito nalang ang panlaban ko para layuan niya muna ako ay gagawin ko. Kahit na pakiramdam ko ay pinapatay ang buong pagkatao ko.a
"Bawiin mo... bawiin mo naman, Magen!" malakas niyang sigaw.
She's crying! Ayaw ko.. tangina---
"Hindi ko talaga kaya---"
"Shut up!" sigaw niya. "Shut the hell up!"
"Heart..." tawag niya sa akin na para bang... ayos lang sa kaniya na masaktan ako ng ganito.
"May bago naba?"
"Walang bago... dahil siya lang talaga, Heart. Si Phoebe lang talaga,"
Walang bago... dahil ikaw lang talaga ang gusto ko Heart. Ikaw lang 'yung lagi kong hihilingin na makasama. Ikaw lang 'yung babaeng gusto ko mahalin. Walang iba kasi ikaw lang talaga.
I lied many more, sinabi ko sa kaniya lahat ng salita na ayaw ko naman sabihin. I'm being harsh and rude. This is the last time that I'm going to lie at her. This is the last time that she's going to cry because of me. Ayaw ko na muna siyang makasama dahil ayaw kong masaktan na naman siya.
Siguro madaya talaga ang tadhana. Kahit gustuhin ko na maging magkasama kami ay hindi pwede. If being with me is just a heartache then I'm willing to runaway so that she will find her own medicine.
May mga tao pala talaga na kahit gaano natin kagusto ay hindi pwede. May mga tao pala na gugustuhin natin ng matagal pero hindi tama. Loving someone have a boundaries and limitations and that's line is killing me.
"Pinilit mo lang? Kasi naaawa ka sa 'kin dahil gusto kita? dahil mahal kita? That's all? Kasi nakakaawa ako? No! Hindi ako ang nakakaawa sa 'ting dalawa dahil mas nakakaawa ka! Nakakaawa ka dahil hindi ka marunong magmahal..."