Chapter Sea Enchantress: 11

Malinaw pa ang mga pangyayari sa isip niya. Hinihintay niya ang pagdating ni Parisse at sa sobrang lungkot ay naisipan niyang mag-dive mag-isa. Naramdaman niya na nahihirapan na siyang huminga at napansin niya na may problema sa oxygen tank niya. Sinubukan niyang lumangoy paitaas pero masyado nang malalim. Hirap na hirap na siyang huminga hanggang tuluyan siyang mawalan ng malay.

Nang muli niyang idilat ang mga mata niya, nakita niya si Parisse. Dumating daw ito para sagipin siya. Patunay na naroon ito ay dahil buhay pa nga siya.

“Wala kang kasamang Parisse,” wika ni Jim. “Nakita ka nila Mang Tobias na natutulog sa speedboat mo. Baka panaginip mo lang ang Parisse na iyan.”

“Imposibleng panaginip lang siya.” He could still feel the imprint of her lips against his. Hindi siya naniniwalang panaginip lang iyon.

“I really think that you are crazy. Walang disgrasyang nangyari sa iyo, Rome. Walang problema sa diving gear mo. Everything’s normal. Baka nasobrahan ka lang nang pagkakabilad sa araw.”

“Si Parisse? Hindi ba siya dumating sa usapan namin?”

“Señorito, wala pong Parisse Rivas na dumating sa island resort. Tiningnan ko po kanina,” wika ni Mang Tobias. “Wala po si Ma’am Parisse.”

“Bakit hindi siya dadating? May usapan kaming dalawa.”

Ayaw niyang paniwalaan na ilusyon lang niya ang lahat. Parang totoong-totoo. At kung di dumating si Parisse, bakit hindi niya matandaan na bumalik siya sa isla nang minamaneho ang speedboat. It simply didn’t fit in. Mas gusto niyang maniwala na muntik na siyang malunod at sinagip siya ni Parisse.

Tinampal ng Kuya Jim niya ang pisngi niya. “Gumising ka na nga, Lerome. Wala ang Parisse na hinihintay mo. Hindi siya dumating. Baka hindi ka niya gusto.”

“I don’t think so. I think she likes me. Baka may nangyari lang sa kanyang hindi maganda kaya hindi siya nakarating. O kaya kailangan siya sa school…”

“She’s a woman, Lerome. And all of them are selfish. Wala silang mahal kundi ang sarili lang nila. If she agreed to go out with you, maybe she wants to return the favor because you helped her out.”

“Hindi siya katulad ng mga babaeng naging girlfriend mo. She’s different.”

Kung selfish si Parisse, sana ay indifferent ito. Nakita niya ang sensitivity nito nang iyakan nito ang seafood na inihain dito. At naramdaman niya na totoo ang pakikisama nito sa kanya.

“Then take the lesson from me, brother. Mas kilala ko ang mga babae kaysa sa iyo. Huwag kang pumayag na paikutin nila. Sila ang paikutin mo. You are smarter than me and you should know that. They don’t know how to love. Kung tatapunan ka nila ng atensiyon, para lang iyon sa amusement nila o sa personal gain nila.”

Gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. “Kaya nga si Parisse lang ang nagustuhan kong babae. Dahil iba siya sa mga babaeng nakilala ko. And I know her better than you do.” He liked Parisse. Ito na ang babaeng hinahanap niya. At wala siyang balak na pakawalan ito.

“You are just wasting your time waiting for her,” gagad ni Jim. “Mas mabuti pang mag-concentrate ka sa business natin sa Manila kaysa mukha kang tangang naghihintay sa dagat dahil sa kanya. Bukas na bukas din, sasama ka sa akin paalis dito. Bumalik ka na lang dito kapag nakalimutan mo na ang kahibangan mo.”

“Parisse is not a lunacy. She is the one I’ve been waiting for,” usal niya sa sarili nang mag-isa na lang siya sa silid. Aalis siya sa islang iyon pero babalik pa rin siya. Umaasa siyang magkikita sila ni Parisse. “Hindi lang ako basta maghihintay sa iyo, Parisse. Hahanapin din kita.”

“GINAGALIT mo ba ako, Parisse?” Dumagundong ang galit na boses ni Haring Andros sa loob ng silid niya. Huling beses niya itong nakitang galit na galit ay nang makipagtalo ito sa Kuya Cid niya bago umalis ang huli. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mong patunayan. Ang sabi mo sa akin, di ka lalabas ng kuwarto mo dahil masama ang pakiramdam mo. Kaya nga di natuloy ang pamamasyal ninyo ni Prinsipe Alegre. Pagkatapos ay makikita kita na umaahon sa lawa. Nanghihina ka at umiiyak. At hindi mo ako mabigyan ng magandang paliwanag kung ano ang ginagawa mo doon o kung ano ang nangyari sa iyo.”

“Paumanhin po, Amang Hari,” nausal niya habang nakayuko. Wala siyang nasambit mula pa kanina kundi iyon lang. Mabigat na ang dibdib niya nang magdesisyon siyang pansamantalang layuan si Lerome.

Subalit lumala ang problema niya nang mismong si Haring Andros at ang bisita nitong si Prinsipe Alegre ang nakakita sa kanyang umaahon sa lawa. Ito na ang umaliw sa prinsipe dahil nga sinabi niyang may sakit siya. Kaya naman galit na galit ito sa kanya dahil pakiramdam nito ay niloloko niya ito.

“Puro ka paumanhin pero puro kalokohan naman ang ginagawa mo. Puro kahihiyan ang idinadala mo sa akin bilang ama mo! Ipinahihiya mo ako at ang kaharian natin sa lahat!”

“Huminahon ka, Andros,” malumanay na wika ni Reyna Yelena. “Nakikita mo naman na masama ang pakiramdam ng anak mo.”

Huminga nang malalim si Haring Andros. “Lalabas ka mamaya at haharapin mo nang maayos ang bisita natin. O makakatikim ka ng parusa mula sa akin.”

Tahimik siyang umiyak hanggang lumabas si Haring Andros sa silid niya. Naiwan naman si Reyna Yelena. “Anak, bakit ka ba nagkakaganyan? Anong gusto mo? Kung ayaw mo sa mga manliligaw mo, sabihin mo nang maayos.”

Umiling siya. “Gusto ko pong mamuhay sa mundo ng tao, Ina. Nahihirapan na po akong manirahan dito sa Tarragon. Parang hindi ito ang mundo para sa akin.”

Niyakap siya nito. “Naiintindihan kita kung mas gusto mong mamuhay kasama ang mga tao. Pero mahirap ang hinihingi mo.”

“Alam ko po pero posible. Tulungan ninyo akong magsabi kay Ama.”

“Susubukan ko. Pero sa ngayon, sundin mo muna ang inuutos niya.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.