“NAWAWALA sina Gonda at Gwanda, Prinsesa Parisse,” naghahabol ang hininga na sabi ni Tico. “Hinabol kami ng mga mangingisda sa mga bangka nila at nilambat. Nakatakas lang ako pero nasugatan ako. Kung hindi ka dumating, marahil ay patay na ako. At hindi ko naman alam kung nasaan na ang mga kapatid ko!”
Idinikit niya ang palad sa sugat nito upang dahan-dahan iyong paghilumin. “Gagaling ka na. Kaya huwag kang mag-alala. At hahanapin ko ang mga kapatid mo para sa iyo. Makakabalik din sila dito.”
Naging miyembro na siya ng welfare conservation group na rekomendado ng kapatid niya. Ang unang assignment niya ay ang pagdevelop ng isang coastal area sa Palawan para sa pagpapa-unlad ng ecotourism. Tuturuan nila ng paraan ang mga ito para pangalagaan ang kalikasan para na rin sa kabuhayan ng mga ito.
Dahil malapit lang sa tirahan ng mga kaibigang dolphin ay nagawa niyang makipag-ugnayan sa mga ito. Saka niya nalaman na nawawala ang dalawa sa mga kaibigan at nanganib ang buhay ni Tico.
Nang tuluyang mapaghilom ang sugat ni Tico ay ipinikit niya ang mga mata at humimig ng isang kanta. Iyon ang paraan niya sa pagtawag sa nawawalang dolphin na sina Gonda at Gwanda. Idinilat niya ang mga mata. “Wala akong makuhang sagot mula sa kanila. Ibig sabihin ay nasa isang lugar silang kulong. Hindi nila maririnig ang pagtawag ko at di ko rin marinig ang paghingi nila ng tulong.”
May sonar ang mga dolphin na ginagamit nito sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga dolphins. At hindi niya masagap ang signal ng mga ito.
“O maari ring patay na sila. Patay na ang mga kapatid ko.” Nag-ingitan sina Tico at ang ibang mga dolphins. Animo’y umiiyak. Nagdadalamhati.
“Huwag na kayong umiyak. Nandito na ako. Pipilitin kong hanapin sina Gonda at Gwanda. Hindi lang sila ang sasagipin ko. Pati ang ibang hayop na nanganganib, susubukan ko ring tulungan.”
Mabigat ang loob niyang bumalik sa resort kung saan sila tumutuloy ng kasamahang si Daisy. Sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin, nawalan na siya nang oras para hanapin si Lerome. “Makakapaghintay si Lerome. Mas kailangan kong hanapin ang mga kaibigan ko.”
“Saan ka nanggaling?” tanong ni Daisy pagdating niya sa resort. “Nag-island hopping ka yata. Hindi mo man lang ako isinama.”
“Natutulog ka kasi. Kaya hinayaan na lang kita.” Bumuntong-hininga siya. “I guess I have some bad news. May mga dolphins na hinuhuli ng mga mangingisda sa area na ito. I think we have to do something about it.”
“Ire-report ko iyan kay Boss,” tukoy nito sa director nila. “Actually, it has something to do with your next assignment. Nag-fax si Boss at sinabi niya na kailangan mong gumawa ng observation para sa isang marine park. You are a marine biology student so we must get information on how they run the park. At kung ano ang epekto sa mga hayop na inaalagaan nila doon.”
“No problem.” Madali na siyang makipag-ugnayan sa ibang mga hayop oras na nasa loob na siya ng facilities. At kung kailangan pa ng extensive research, ang kailangan lang niyang gawin ay gamitin ang pagiging marine biology student niya. At sa mga lugar na mahirap pasukin, saka niya magagamit ang magic niya.
PARISSE was recording the sea lion show on her video cam. It was a cheap trick. Habang nagsasaya ang mga tao at nagle-lecture ang mga trainers ng mga sea lion ay nasasaktan naman ang mga ito. Nakita pa nga niya ang pagkainis ng isa sa mga trainer nang hindi makasunod dito ang sea lion na tinuturuan nito.
Matapos ang sea lion show ay may kalahating oras na break bago mapanood ang dolphin at whale show. Ang ibang mga estudyante na nagtu-tour ay nag-snack muna. Ang iba ay namamasyal habang siya naman ay kinukunan ng video ang lahat na parang isang karaniwang turista.
Sa dolphin at whale show, susubukan niyang makausap ang mga hayop na magso-show. Kung may opportunity lang sana siyang lumangoy kasama ang mga ito, mas magiging madali para sa kanya ang trabaho niya.
“Posible kaya na nandito sila Gwanda at Gonda?” tanong niya habang nag-iikot sa marine park. Maya maya pa ay napadaan siya sa isang building na may malaking itim na pinto. May nakalagay doon na restricted area.
“Masyado itong malaki para sa isang opisina. Ano kaya ang nasa loob?”
Inilapat niya ang kamay sa pinto. At ang makapal na pinto ay nagmistula na lang salamin sa paningin niya. Nakikita niya ang nasa loob. Sa loob ay naroon ang dalawang dolphin na lumalangoy sa isang malaking water tank o swimming pool. Tinuturuan ang mga ito ng tricks ng mga trainers.
Sumikdo ang dibdib niya. May posibilidad na sina Gonda at Gwanda ang dalawa. Nakikilala lang niya ang mga dolphin sa pamamagitan ng whistle ng mga ito na ginagamit din sa pakikipag-usap sa ibang dolphin. Sound proof ang silid. Di niya magagawang makipag-usap sa mga ito.
“Kailangan kong makapasok sa loob.”
Handa na siyang gamitin ang kapangyarihan niya nang may humawak sa balikat niya. Baka isa iyon sa staff ng marine park at sasabihan siyang restricted area doon at bawal ang bisita. She was ready to hypnotize him when she halted.
“Parisse?”
Napaawang ang labi niya. “Lerome!” Di na niya napigil ang sarili at niyakap ito nang mahigpit. “You are here! N-Nandito ka lang.” She didn’t see him for what seems like forever. Tatlong buwan? Apat na buwan? Hindi na niya matandaan. Pero nawala ang lahat ng lungkot niya nang muling mayakap ito.
“And I can’t believe that you are here!” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. She was a bit surprised but it seemed so natural. “Do you miss me?”
Tumango siya. “Tinatanong pa ba iyan?”