“Siyempre naman! Kailan?” excited niyang tanong. “Matagal na akong hindi nakakapag-dive. Saka gusto ko ring makita sila Aling Simang at Mang Tobias.” Gusto rin niyang kumustahin ang mga kaibigang dolphin.
Naka-focus siya pakikipag-coordinate sa mga environmentalist na nagsagawa na ng research sa mga marine parks kaya nakasentro sa internet ang trabaho niya. Ni hindi na niya kailangang lumabas pa ng condo ng Kuya Cid niya. Sa kanya na iniwan ng kapatid ang condo nito dahil bumalik na ito sa Tarragon.
“This weekend is ideal. Libre ang schedule ko.”
“Hindi ako pwede ngayong weekend. Kailangan kong bumalik sa marine park dahil hindi ko pa natatapos ang research na ginagawa ko.”
“Oh, yes! You need them in school. Kasalanan ko pa pala kung bakit hindi mo pa natatapos ang project mo. I am sorry. I took you away from your research.”
“No. It is not your fault. Masaya naman ako dahil nagkita ulit tayo. Iyon nga lang, kailangan ko pa ring gawin ang research na kailangan ko.”
At gusto rin niyang matiyak kung ang mga kaibigan niyang sina Gonda at Gwanda ang nasa loob ng watertank na nasa loob ng kuwarto. Ayon sa mga mangingisdang nahuling kumukuha ng dolphin, ipinagbibili ng mga ito ang dolphin sa mga marine parks at dolphinarium. May pag-asa pa ang mga kaibigan niya.
“Sasamahan na lang kita sa marine park. Tutulungan kita sa research mo.”
“Ha? Ano naman ang maitutulong mo sa akin?”
“Hindi mo ba alam? The marine park is our family business.”
IPINASYAL siya ni Dr. Arsenio, isa sa marine biologist ng Ocean Wave Marine Park. Nasa laboratory sila kung saan tini-treat ang mga hayop ng marine park. “We use the latest technology and research in Science to care for these animals. At hindi namin sila pinapakain nang kung anu-anong isda lang. We import fish from Canada just to feed for them. So we are sure that we feed them fish of high quality.”
Napilitan siyang tumango at tiningnan ang ipapakain sa mga sea lion. Ilado ang isda. Espesyal ba iyon? Kahit pa imported ang isda, di pa rin iyon ang dapat na kinakain nila. Sa dagat malaya silang manghuli ng sariwang isda.
“Dolphins are natural predators in the sea. Madali ba para sa kanila na mag-adapt sa bago nilang buhay. They can’t hunt anymore.” At para makakain ay kailangan ng mga ito na matuto ng tricks at mag-perform sa mga tao.
“Noong una, hindi sila sanay. But fish is fish anyway.” Ayon sa natuklasan niya, ang ibang marine parks ay ginugutom ang mga hayop para mag-perform dahil nagsisilbing reward sa mga ito ang pagkain. Kung makakausap kaya niya ang mga hayop sa park na iyon, ano kaya ang iku-kwento ng mga ito sa kanya?
“Do they manifest violent behavior?”
Bahagya itong tumawa. “They are perfectly normal. Some could be tardy sometimes. Ang gusto lang nila kumain at ayaw mag-perform.”
Normal? Hindi ba abnormal ang ginagawa nila ngayon? Hindi sila nabuhay para mag-perform at umaliw ng mga tao. Hindi dapat patay na isda ang kinakain nila. Hindi sila dapat nakakulong. Dapat nasa dagat sila at masayang lumalangoy.
Maya maya pa ay may nakasalubong silang grupo ng mga estudyante na nagtu-tour. “As you can see, we have hundreds of visitors everyday. We take part in educating the youth about marine life and how to protect them. Not only that. We also have people suffering from distress who watch dolphins and even swim with them as a part of their therapy.”
Paano naman ang mga hayop na in distress? May therapy rin ba para sa kanila? Kung makakapag-kwento ang mga hayop sa kanya, maiku-kwento marahil ng mga ito ang trauma na dinanas mula nang mahuli hanggang sa pagpe-perform ng mga ito ng tricks. Mga bagay na di naiintindihan ng mga tao.
Malapit nang mag-tanghali nang matapos ang pag-I-interview niya. “Napagod ka siguro sa research mo. Mag-lunch na tayo,” sabi ni Lerome.
Pagdating sa restaurant ay di sila kumuha ng table na bakante. Sa halip ay iginiya siya ni Lerome sa mesa na okupado na. “Mom, Dad, we are here!” excited na sabi Lerome. “Parisse, I want you to meet my parents. My beautiful mom, Buenaflor Cervantes and my dad, Rodolfo Cervantes. My girlfriend, Parisse Rivas.”
Naestatwa siya. “Nice to meet you, Sir, Ma’am.”
Sanay na siyang makakilala ng mga matataas na tao sa Tarragon. Mga hari, reyna, prinsesa at prinsipe. Pero ngayon lang siya kinabahan. Di niya inaasahang ipapakilala siya nito sa mga magulang nito.
Hinalikan siya ni Buenaflor sa pisngi. “Sir and Ma’am? Call us tito and tita.” Pinaupo siya nito. “Look at her, Rodolfo. She is so pretty. No wonder our son couldn’t stop thinking about her.”