Puno ng hinagis ang puso ni Zari. Nag-aapoy ang kanyang buong pagkatao dahil sa poot na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ang buong akala pa naman niya kung mawawala sa San Martin si Margaret. Mababaling na sa kanya ang pansin ng kamahalan. Pero kahit siya ang nasa tabi nito,ang babaeng iyon pa rin ang laman ng puso at isipan nito. Pilit pa rin siya nitong pinagtatabuyan pabalik ng Arectia. Pero gaya ng pangako sa sarili,babalik lang siya ng Arectia kung kasama niya ito.
Marahas niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi gamit ang likod ng palad.
" Nagkakamali ka Haru,kung inaakala mong mapapaalis mo ko sa mundong ito. Mas nanaisin ko pang mamatay kung hindi ka rin magiging akin." Isang halakhak ang kanyang pinakawalan bago humikbi ng nakakaawa.
"Mahalin mo naman ako kamahalan kahit hindi kapantay ng pagmamahal mo kay Margaret."
Matapos ng ilang sandali, lumabas siya ng kanyang silid at sa likod nagdaan. Tinugpa niya ang daan sa loob ng kagubatan. Nang makarating sa gitna ng kakahuyan. Nagpakawala ng isang itim na usok sa kanyang katawan ay ito'y pumaikot sa kanya. Isang itim na bilog ang lumabas sa kanyang harapan na isang lagusan papunta sa mundo ng Arectia. Isang mabalahibong nilalang ang lumabas dito.
"Anong nangyari anak ko?"
"Hindi ko alam kung paano ko makukuha ang puso ng kamahalan."
" Sinabi ko naman sa'yo na kalimutan mo na siya. Mas higit na kapangyarihan ang makukuha natin pag oras na ang mundong ito ang makuha natin. Hindi na natin kailangan makipagsiksikan sa mga taga Arectia,para manirahan doon. Gagawa tayo ng sarili nating tahanan at ang mga tao sa mundong ito ang siyang gagawin natin alipin."
"Makukuha niyo din ang gusto niyo. Gusto ko lang muna mapasakin ang kamahalan. At saka niyo gawin ang anuman gusto niyo sa mundong ito."
"Pero anak,naiinip na ang mga kalahi natin. Uhaw na sila sa dugo ng mga nilalang dito. Baka hindi ko na sila mapigilan pa." May pagbabanta sa tono nito.
"Basta maghintay lang kayo! Ayuko kong malaman ni Haru ang plano natin. Buong akala lang nila ako ang magbubukas ng lagusan. Kapag gumawa kayo ng hakbang ngayon baka makahalata pa sila. Hindi ko kayo mapapatawad oras na mawala sa akin si Haru!"
"Bibigyan ka pa namin ng konting panahon pa! Kapag hindi mo pa rin magawang makuha ang lalaking iyong iniibig. Patawad anak,hindi ko na sila mapipigilan pa."
Hindi alam ng mga ito,sa likod ng makakapal na dawag at matataas na damo ay may nagtatago na narinig lahat ang kanilang usapan. Nag ngangalit ang ngipin nito dahil sa nasaksihan. Naawa pa man din siya sa babae ng malaman ang tungkol sa puwedeng mangyari dito.
Humakbang ito paatras ngunit isang tuyong sanga ang kanyang naapakan na lumikha ng ingay. Sapat para mapalingon sa kanya ang dalawang nag-uusap.
Agad tumakbo sa kinaroroonan niya ang mabalahibong nilalang na kasing itim ng gabi. Isang kuneho ang biglang lumabas mula sa makakapal na damo.
"Anong nangyari?" tanong ni Zari.
"Isang kuneho lang."
Napahinga ng malalim si Zari, halatang kinabahan ito.
"Mabuting pang umuwi kana. Saka na tayo mag-usap. Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko sa'yo. Konting panahon nalang."
"Naiintindihan ko ama." bahagyang yumukod ito sa harap ng mabalahibong nilalang bago mabilis na hakbang na lumakad palayo.
Nagpapaling-paling pa ang mabalahibong nilalang bago pumasok sa itim na lagusan. Sakto naman na tumalon mula sa taas ng puno si Dondon. Sinundan ng tingin ang daan na tinugpa ng babae.
"Ang lapastangan! Paano niya nagawa sa atin ito? Isa siyang taksil! Lahat sila taksil sa Arectia." nagpupuyos sa galit na saad ng babaylan ng mag-ulat ang lalaki sa ginawa ni Zari.
"Bantayan mo pa siya sa mga ginagawa niya. Tanging ikaw lang ang makakalapit sa kanya ng hindi niya nalalaman."
"Paano po si Haru? Ipapaalam ba natin sa kanya?"
"Sa ngayon huwag muna."
"Hahayaan ba natin siyang makipaglapit sa babaeng iyon?"
"Sa ngayon hayaan muna natin para hindi sila maghinala na alam na natin ang kanilang plano."
"Anong mangyayari kay Zari?"
"Hahayaan kong siya mismo ang makaalam. Wala akong gagawin para pigilan ang mangayayari sa kanya. Iyon lang ang nararapat sa katulad niyang traydor."
At doon natapos ang kanilang pag-uusap.
Nakatayo si Haru sa harap ng pintuan ng silid ni Zari,tutol man ang kalooban ngunit kailangan niyang gawin. May tungkulin siyang iligtas sa kapahamakan ang babae. Kahit wala siya sa Arectia ngayon,siya pa rin ang hari. Tungkulin niyang iligtas ang mga nasasakupan niya, kabilang na si Zari.
Tatlong magkakasunod na katok ang ginawa niya bago may nagbukas. Agad namutawi ang ngiti sa mga labi nito ng masilayan siya.
"K-kamahalan,ano pong kailangan niyo sa akin?" kulang na lang manikluhod ang babae sa harapan niya.
"Itatanong ko sana kung kailan mo gustong mamasyal ulit sa bayan?"
Rumihistro naman sa mukha nito ang pagkagulat at sumunod ay kasiyahan sa kanyang sinabi.
"Bukas na sana."
"Sige,kung iyan ang nais mo."
Tatalikod na sana ang binata ng tawagin siyang muli nito. Lumingon naman siya.
"Salamat Haru."
Isang tipid na ngiti lang ang isinukli niya dito bago tuluyan tumalikod at naglakad ng palayo.
Isang matagumpay naman na ngiti ang pumalit sa labi ng babae bago isinara ang pinto ng kanyang silid.
Kinabukasan nga maagang gumayak si Zari para sa pagpuntang muli sa bayan. Hindi mawala-wala ang ngiti nito na kulang nalang ay mapunit ang mukha.
Wala rin tigil ito sa mga pagku kwento ng kung ano-ano. Tahimik lamang siyang nakikinig dito. Laman ng isip niya na sana si Margaret ang kasama niya at hindi ito. Ngunit kailangan niyang gawin ito para sa kapakanan ng babae. Hindi rin kaya ng konsensya niya kung sakaling mapahamak ito ng wala siyang ginagawa.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
"Iniisip mo ba siya?"
Napalingon sandali ang binata sa babaeng katabi saka ibinalik ang tingin sa harap ng sasakyan. Napakunot noo siya sa tanong nito. Kahit batid niya na kung sino ang tinutukoy ng babae.
"Lagi nalang siya ang iniisip mo."
"Tama ka...siya ang laging laman ng puso't isipan ko."
Nakita ng binata sa gilid ng mga mata niya ang pagpaling ng ulo nito sa labas ng bintana. Hanggang makarating ng bayan ay wala itong imik. Sinamahan ulit niya itong mamili ng mga damit at kung ano-ano pang gamit. Pinuntahan nila ang lahat ng gusto nitong puntahan. Sa ilang oras na kasama niya ang babae, panaka-nakang naiisip niya si Margaret.
Nakita naman niya ang kasiyahan ng babae ng makauwi sila. Nang makapasok ng bahay, nabungaran nila si Dondon na tila hininhintay ang kanilang pagdating. Salubong ang mga kilay nito na ipinagtaka niya.
"Buti dumating na kayo,"saad nito na nakatitig sa mga bitbit nilang plastic bag.
"Wala pa sana kaming balak umuwi kung hindi lang magsasara na ang ibang tindahan. Saka bakit ba parang galit ka na ngayon lang kami nakauwi?"
"Hindi naman sa ganoon…"
"Wala kang karapatan magsalita sa amin ng ganyan. Huwag mong kakalimutan kung sino kalang sa bahay na'to."
"Tama na Zari. Nakalimutan ko na mayroon nga pala kaming dapat gawin kanina ni Dondon. Mabuti pang magpahinga kana sa iyong silid. Mayroon lang kaming pag-uusapan."
Pinaglipat-lipat naman nito ang tingin sa kanila bago kinuha ang ilan na hawak ni Haru na mga plastic bag. Matalim na sulyap muna ang binigay nito kay Dondon bago tumalikod.
"Grabe talaga ang babaeng iyon,ang layo ng ugali kay Margaret. Eh siya nga,sino din ba siya sa bahay na'to."
"Tara doon tayo sa tabing dagat. Mayroon akong biniling alak sa bayan."
"Mabuti pa nga pare." Nakangising turan ni Dondon.
"Masarap nga!" ani ni Dondon,nasa tabing dagat sila ng mga sandaling iyon. Naglatag lang sila at saka naupo nalang.
"Sabi nga ng pinagbilhan ko,masarap nga daw ang alak na iyan. Galing pa daw sa ibang lugar ang alak na tinitinda nila. Inaangkat lang nila," paliwanag niya.
"Kumusta nga pala ang lakad niyo kanina ng babaeng tigre?" tila nang-aasar na saad nito.
"Ayos lang naman. Naalala ko sa kanya noong bagong dating palang ako sa mundo niyo. Para din akong bata, tuwang-tuwa sa lahat ng nakikita. Lahat gusto kong subukan pati iba't ibang pagkain gusto kong tikman." nakatawa pang sagot niya.
Napatawa rin si Dondon,parang nakikinita na nga niya ang itsura nito ng bagong dating.
"Pero magkaiba naman kayo ng babaeng iyon. Tinawid mo ang mundo namin dahil sa pag-ibig mo kay Margaret. Mabuti ang hangarin mo ng magtungo ka dito. Eh siya ano bang intesyon niya maliban na sundan ka?"
"Anong ibig mong sabihin?"
Umiling lang ang lalaki. Saka muling ininum ang alak na nasa baso.
"Ang sarap talaga ng alak na nabili mo."
"Baka malasing ka niyan, dahan-dahan lang." Paalala niya,ginagawa lang kasing parang tubig nito ang alak na iniinom.
"Huwag kang mag-alala,hindi ako madaling tablan ng alak. Sanay ata to sa inuman,"sabi nito na sinabayan pa ng tawa. Napapailing nalang ang binata habang ang kanyang alak ay unti-unting sinisimsim ng bibig.
"Sa nga pala pare maari kabang mag kuwento kung anong itsura ng mundong pinanggalingan mo?"
Mataman naman niya itong tinitigan,pinapakiramdam kung ito'y lasing na. Ngunit muli itong nagsalita.
"Gusto ko lang kasi makompara ang dalawang mundo. Alin ba ang mas higit na maganda."
"Parehas maganda ang dalawang mundo. Mas moderno nga lang ang pamumuhay dito kaysa sa'min na tila napag-iwanan na ng panahon. Saka dati naging magulo nga doon dahil sa mga itim na lobo. Sila ang naghasik ng kaguluhan noon sa Arectia."
Natigilan naman si Dondon ng marinig ang tungkol sa mga itim na lobo. Naalala ang isang gabing sinundan niya si Zari sa gubat. Sariwa pa sa alaala niya kung ano ang itsura ng isang itim na lobo. Bigla naman siyang nakaramdam ng kakaibang kilabot. Nagpalinga-linga siya sa paligid,tila atang may mga matang nakatingin sa kanila ng mga sandaling iyon. Ipinilig niya ang ulo,dala lang marahil ng alak ang kilabot na bigla niyang naramdaman.
"Bakit?" biglang tanong naman dito ng binata.
"Wala kabang nararamdaman na kakaiba?"
Sandaling pinakiramdaman ni Haru ang paligid. Bigla rin itong natigilan,may kakaiba sa paligid nila na hindi niya matukoy. Wala naman siyang naaamoy na kakaiba sa paligid pero nababatid niyang tama si Dondon.
"Bigla kasi akong kinilabutan. Baka epekto lang ito ng alak na iniinom natin,"sabi pa ng lalaki.
Tumango na lamang siya at sinang-ayunan ito. Mabuti na lamang at paubos na ang alak sa bote na kanilang iniinom kaya naman ilang sandali pa ay umuwi na sila ng bahay. Bago makapasok sa loob ng bahay, lumingon muna si Haru sa labas. Isang sulyap ang ginawa niya sa madilim na paligid bago inilapat ang pinto.
"Muntik na tayo doon ah! Buti nalang naitago mo ang agad ang iyong kapangyarihan. Alam mong kahit narito na sa mundo ng mga tao ang kamahalan. Napakalakas parin ng kapangyarihan nito."
"Pasensya na,hindi na mauulit."anang kausap nito.
"Dapat lang na hindi na maulit pa. Ayokong masira ang planong matagal nating pinag-isipan. Mas kailangan natin ng ibayong pag-iingat para hindi tayo mahuli agad."
Mga usapan ng mga aninong nagtatago sa dilim habang nakatanaw sa bahay na pinasukan ng dalawang lalaki.