Abala ang buong pamilya ni Margaret dahil sa araw na iyon ay mamamanhikan ang pamilya ng boyfriend ni Christine. May isang taong palang silang mag nobyo ng lalaki ngunit napag desisyon na nilang magpakasal. Tanggap ng lalaki na may anak ang kanyang kapatid sa pagkadalaga. Tanggap narin naman ng magulang ang sitwasyon ni Christine,natutuwa pa nga ang mga magulang nito na sa wakas ay makakapag-asawa na ang kanilang unico hijo. Matanda ng labing limang taon ang lalaki sa kapatid niya kaya siguro madali nitong maunawaan at natanggap ang kapatid sa kabila ng pagiging single mother nito.
Nang makatapos sa ginagawa sa kusina, nagpaalam siya sandali sa kanyang ina na aakyat muna ng silid para makapag-ayos man lang kahit papaano bago dumating ang mga bisita ng kapatid.
Habang nag-aayos ng sarili sa loob ng kanyang silid. Isang katok naman ang kanyang narinig kasunod ng pagpasok ni Christine.
"Nand'yan na ba ang mga bisita?" tanong niya.
"Wala pa ate. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan."
Napatitig naman siya dito. Agad itong lumapit sa kanya at yumakap. Nagulat man sa ginawi nito,agad din siyang tumugon sa yakap ng kapatid.
"Thank you ate sa lahat ng mga ginawa at sakripisyo mo para sa'min."
Nang kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan pa nito ang luhang namalisbis sa pisngi nito.
"Hindi mo kailangan magpasalamat. Bilang ate, tungkulin ko iyon sa inyo. Una kayong pamilya ko syempre. Iyon lang ba kung bakit mo ako gustong makausap?"
"Hindi lang iyon. Medyo nagu-guilty din ako kasi mauunahan pa kitang magpakasal. Sorry ate kong hindi na kami makapaghintay ni Aaron."
"Asus,ano kaba? Ok lang yan. Saka wala pa naman kami napag-uusapan ni Haru. Marami pa kasi siyang dapat gawin."
Ginagap ni Christine ang kamay niya. "Salamat ng marami ate. Ikaw ang pinaka the best na ate sa buong mundo. Kahit noong hirap na hirap ka na sa pagtatrabaho para sa amin tapos bigla pakong nabuntis. Wala man lang akong narinig na anuman na sumbat sa'yo. Bagkus sinuportahan mo pa rin kaming mag-ina."
"Ang drama mo. Ganyan ba talaga ang malapit ng ikasal?" pagbibiro niya. Pero parang maiiyak narin siya.
May bahagi ng puso niya ang nalulungkot dahil sa oras na maikasal na ito ay aalis na sila sa bahay na'to. Ngunit mas matimbang ang kasiyahan niya para sa kapatid at pamangkin dahil magkakaroon narin ito ng matatawag na pamilya.
Muling yumakap sa kanya ang kapatid. Marahil nararamdaman din nito ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Sabay na silang lumabas ng kanyang silid. Ilang minuto lang dumating na ang mapapangasawa nito at ang mga magulang ng lalaki. Nasa edad sitenta na pareho ang mag-asawa. Mukhang mabait ang mga ito at laging nakangiti. Ramdam agad nila na welcome si Christine sa mga ito dahil narin sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanila. Mas mukhang sila pa nga ang excited sa pagpapakasal ng dalawa.
Habang naghahapunan, napag desisyon ng parehong panig na isang simpleng wedding garden ang gaganapin kasal sa mismong Rest House ng pamilya ng lalaki sa Tagaytay. Kitang-kita niya ang saya sa mga mukha ng mga ito habang pinag-uusapan ang kasal. Para silang isang malaking pamilya. Isa nalang ang kulang ng mga sandaling iyon. Bigla na naman niyang naalala ang binata. Kahapon pa niya ito hindi nakakausap. Marahil abala ito sa ibang bagay o di kaya kay Zari. Aminin man niya o sa hindi, nakakaramdam siya ng konting panibugho tuwing naiisip na magkasama sa isang bahay ang dalawa. Pero pinapangibabaw niya ang tiwala at awa narin para sa babae oras na mapahamak ito. Sana lang makumbinsi ito ng binata bago mahuli ang lahat.
Muling itinuon niya ang kanyang pansin sa kanyang pamilya na masayang nakikipagkwetuhan sa pamilya ni Aaron. Parang musika sa kanya ang bawat halakhak ng kanyang mga magulang habang nakikipag biruan sa mga magiging balae. Natapos ang gabing iyon na masaya ang lahat. Kahit pagod, tumulong parin siya sa pagliligpit sa kusina.
"Anak, magpahinga kana muna. Aba kanina kapa kilos ng kilos eh," anang kanyang ina nang makita siyang nagliligpit sa kusina kasama ng katulong nila.
"Ok lang ako po ako, Mommy."
"Masaya ako kasi nahanap na ng iyong kapatid ang lalaking magmamahal sa kanila ng apo ko. Nakakalungkot nga lang at mababawasan ang isang makulit sa bahay na'to."
Napatingin naman sa kanya ang kanyang ina. " Sana kayo naman ni Haru ang susunod na ikakasal. Wala akong pinangarap sa mga anak ko ang makita silang ikinakasal sa mga mahal nila."
Ngumiti lang siya sa kanyang ina. Lumapit sa kanya ito at niyakap siya. Ramdam niya ang mainit nitong yakap ng pagmamahal. Ewan niya ngunit parang gusto niyang humagulgol ng mga oras na iyon sa balikat nito. Ngunit pinigil niya ang sarili,ayaw niyang mahaluan ng kadramahan ang masayang araw na iyon ng kapatid dahil lang sa kanyang nararamdaman.
Nang gabing iyon,hindi niya maiwasan tanawin ang buwan sa langit. Mukha ni Haru ang nakikita niyang nakaguhit dito. Itinaas niya ang kanyang daliri na may singsing na ibinigay ng binata sa kanya. Kumikinang ito sa repleksyon ng buwan. Ilang sandali siyang nasa ganoon ayos habang iniisip ang lalaking pinakakamahal.
Baon ang matatamis na pinagsaluhan nila noon ng binata. Matiwasay na nakatulog si Margaret ng gabing iyon na may ngiti pa sa labi.
"Hello friend!" Nagulat siya ng bigla nalang sumulpot si Selene sa bahay nila. Paalam kasi nito ay pupunta silang mag-anak sa beach. Pinipilit nga siya nitong sumama ngunit nagpakatanggi-tanggi sa pangungulit nito.
"Akala ko may outing kayo?" tanong niya dito.
"Hindi natuloy, bigla kasing sinamaan ng pakiramdam si bunso," tukoy nito sa nakababatang kapatid.
Napatango-tango naman siya. Nagyayakad itong lumabas sila ngunit tumanggi siya. Wala kasi siyang gana na lumabas ngayon. Buti pumayag naman itong tumambay nalang sila sa kanilang bahay. Siya lang kasi ang naroon kasama ang kanilang maid. Lahat ng mga kasama niya sa bahay ay may kanya-kanyang lakad ng araw na iyon. Kaya tanging siya lang naiwan ng mga sandaling iyon sa kanilang bahay.
"Nagkakausap ba kayo ng fiancee mo?" biglang naitanong ng babae sa kanya.
"Ang totoo niyan kahapon pa siya hindi natawag. Pero nauunawaan ko naman." Hindi niya maiwasan malangkapan ng lungkot ang kanyang tono.
"Ang hirap naman kasi ng sitwasyon niyo. Ikaw iyong legal pero ikaw 'yong kailangan umalis. Tapos iyong other woman ang kasama ng fiancee mo sa isang bahay. Ang nakakatawa pa kahit ayaw ni Haru sa babaeng iyon,no choice siya kundi pakisamahan para mailigtas sa kapahamakan." Napapailing pa ang kanyang kaibigan habang nagsasalita.
"Matatapos din ang suliranin namin. May tiwala akong makakagawa ng paraan si Haru kong paano niya makukumbinsi si Zari na bumalik nalang sa Arectia."
Matagal bago nagsalita si Selene,titig na titig ito sa kanya. " Paano kung hindi bumalik ang babaeng iyon sa pinanggalingan niya? Hahayaan mo na lang ba na maging third party siya sa inyo ng fiancee mo?"
Bigla siyang natigilan. Naalala ang pagiging determinado ng babae na makuha ang binata. Masyado siyang nag focus sa kapahamakan na maari nitong sapitin. Hindi niya naisip na may posibilidad ang sinasabi ni Selene.
"Uy… natulala kana d'yan," untag sa kanya nito, "huwag mong seryosohin ang mga sinabi ko, friend. Gusto ko lang naman na maging open ka sa posibilidad."
"Tama ka naman. Pero anong gagawin ko? Hindi ko naman kaya na maging masaya kung may ibang nagdurusa at maaring mapahamak."
"Sa totoo lang huh,hindi naman deserve ng babaeng iyon ang awa niyo eh. Ni hindi man lang siya naging mabait sa'yo. Saka kung halimbawa na ikaw iyong mapunta sa kalagayan niya,im sure ang tuwa pa noon na mapahamak ka."
Hindi siya makaapuhap ng tamang sasabihin dito. Lahat kasi ng sinasabi nito ay tumpak sa sitwasyon niya. Bigla tuloy siyang napaisip kung tama bang iniwan niya ang binata doon kasama ng babae.
"Anong iniisip mo?" nakangisi nitong tanong sa kanya na tila nababasa nito ang naglalaro sa isip niya. "Kung anuman man ang plano mo, susuportahan kita at sasamahan pa kita."
Napatitig siya dito,parang may kakaiba sa kaibigan niya. Tila may kung ano dito na hindi niya matukoy. Pero natutuwa narin siya dahil full support ito sa kanya.
"Ano kayang magandang gawin?" nakangiti niyang tanong dito.
Ngumisi lang ito sa kanya.
Parang may paru-paro sa tiyan ni Margaret habang kaharap ang kanyang buong pamilya. Ilang beses siyang napabuntong hininga bago nagsalita. Sinabi niya sa mga ito ang kanyang plano. Noong una hindi umiimik ang mga ito,kaya naisip niyang hindi siya susuportahan sa kanyang desisyon. Nawala lang ang kabang nararamdaman ng ngumiti ang mga ito sa kanya.
"Kung iyan ang kagustuhan mo sino kami para pigilan ka,"anang kanyang ama," basta kapag kailangan mo ng tulong o anuman,huwag kang mag-atubiling tumawag sa'min. May tiwala naman kami kay Haru na hindi ka niya pababayaan."
Ang kanyang ina naman ang nagsalita, " gusto nga sana namin sumama pero alam namin na hindi pa ito ang tamang panahon. Makakagulo lang kami doon. Basta huwag na huwag kang makakalimot na tawagan kami kahit anong oras."
"Salamat po Mommy,Daddy,alam ko pong mauunwaan niyo ko." Madamdamin niyang pahayag.
Nagsisunuran narin ang iba niyang kapatid. Kanya-kanya silang pahayag ng suporta sa kanya. Maging si Lilet na kanyang hipag ay nagpahayag din ng suporta sa kanya. Bigla tuloy siyang nagkaroon ng lakas ng loob. Maging ang dalawang pamangkin niya ay niyakap siya at sinabihan ng 'i love you'. Naisip niya na napakaswerte talaga niya sa pagkakaroon ng pamilyang tulad nito.
"Basta ate huwag mong hahayaan na maagaw ng babaeng iyon si Kuya Haru huh,"saad ni Tac,ang isa sa kambal.
"Oo naman."
"Saka ate,sabihin mo naman sa kanya mas gusto namin siya ang magturo ng history. Mas astig kasi siyang magturo kaysa kay Mr. Cabigting," turan naman ni Mac.
Bahagya siyang natawa sa kambal. Huwag kang mag-alala sasabihin ko sa kanya iyan pag nagkita kami."
"Sana naman maging ok na ang lahat para lahat masaya na. Kung makakahabol sana kayo ate, double wedding nalang sana ang kasal natin," mahabang sabi naman ni Christine.
Hindi siya nakaimik dito pero bahagya niyang ginulo ang buhok nito na ikinatawa lang nito.
"Kapag kailangan mo kami,magbigay ka lang ng go signal,agad ka naming pupuntahan," wika naman ni Michael.
"Pag ayos na doon,saka ko kayo papupuntahin. Malapit lang sa dagat ang bahay doon. Sigurado ako mag eenjoy kayo sa pagpunta niyo doon."
"Basta anak,tandaan mo lang huwag kang makakalimot tumawag sa amin. Nang nandoon ka madalang mo kaming maalala na tawagan o itext man lang. Pag naroon kana,dalasan mo naman ang tawag sa amin,"sabi ng kanyang ama na may konting himig ng pagtatampo sa tono ng boses nito.
"Opo,tatandaan ko po."
Natapos ang kanilang pag-uusap ng masaya ng araw na iyon. Kinabukasan maaga siyang sinundo ni Selene. Kasama niya itong babalik muli ng San Martin.