Chapter 35

"Handa ka na bang bumalik ng San Martin?" tanong ni Selene habang lulan sila ng kotse nito. Naisip nilang dalhin nalang ang sasakyan nito kaysa mag biyahe pa sila.

"Oo naman." Masayang sagot niya. Pero sa kaibuturan niya may kabang nararamdaman sa pagbabalik sa San Martin. Tila may dagang naghahabulan sa kanyang dibdib. Ilang beses huminga ng malalim para kahit paano kumalma ang kanyang nararamdaman.

"Sa nga pala friend,hindi tayo tutuloy muna sa bahay ng fiancee mo,"anito

Nagtataka naman na tiningnan niya ito, ngunit hindi nito sinasalubong ang mga mata niya. Diretso lang ang tingin nito sa unahan ng sasakyan.

"Saan tayo tutuloy? May alam ka ba na puwede natin tuluyan pansamantala sa San Martin?"

"Basta, malalaman mo pag nandoon na tayo."

Nahihiwagaan man sa kaibigan mas pinili nalang niyang manahimik muna. Pagkatapos ng isang oras na pagmamaneho,nakipagpalit muna ito sa kanya. Nang malapit na sila sa boundary ng San Martin,ito na ulit ang nagmaneho ng sasakyan nito. Pagkalampas sa arko ng San Martin,imbes na dumiretso sila ay lumiko ang sasakyan pakaliwa. Napatingin siya dito dahil alam niya ang daan na tinutugpa nila.

"Anong gagawin natin sa bahay ni Dondon?" tanong niya.

"Ipapaliwanag ko sa'yo kapag nandoon na tayo,"saad nito nang hindi lumilingon sa kanya.

Hanggang makarating sila sa paanan ng hagdan papunta sa taas kung nasaan ang bahay ng lalaki. Hindi pa sila nakakaibis ng sasakyan ng matanaw niyang pababa ang lalaki. Napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata ng kaibigan ng makita ito at ang ngiti nito na para bang ikapupunit na ng kanyang bibig. Napataas na lang ang kilay niya.

Agad sumalubong si Dondon, matapos kumustahin si Margaret. Hindi mapuknat-puknat ang tingin nito sa kanyang kaibigan. Ang babae naman daig pa ang sinisilihan na hindi mapakali. Mukhang maraming kailangan ipaliwanag ang babae sa kanya.

Dinulutan lang sila ng makakain ni Dondon at nagpaalam sandali sa kanilang lalabas. Hindi na niya napigil ang sarili na usisain ang kaibigan.

"Ano ba talaga ang nangyayari huh?" pinandilatan pa niya ito.

"Ganito kasi iyon friend…"

Halos lumuha ang mga mata niya sa pinagtapat nito.

"Ganoon kabilis? Aba ilang araw ka pa lang nasa San Martin noon ah. Paano nangyari iyon? Bakit wala man lang akong nahalata?"

"Hindi pa naman officially na kami na. Nasa getting to know each other stage palang kami friend. Pero I think siya na ang the one na hinahanap ko!" para itong kinikiliti sa singit.

Napatitig nalang siya dito,sa totoo lang kasi sa tagal nilang magkaibigan ngayon lang niya nakitang ganito ang kaibigan. Kaya sino ba siya para husgahan ito sa nararamdaman niya para sa lalaki. Tingin naman niya kay Dondon ay mabuting tao. Pero alam niya malayo ang agwat ng edad ng mga ito. So what? Bulong ng isip niya. Naalala ang kapatid at ang mapapangasawa nito.

"Hindi mo pa nga lubos na nakikilala iyong tao eh,saka ganoon din siya sa'yo."

"Kilala na namin ang isa't isa, friend. Nasabi na niya ang naging buhay niya dati. Maging ako man sa kanya ay wala ng isinekreto pa."

Napaarko ang kilay niya," kailan niya sinabi?"

"Eh di sa text at minsan kapag natawag siya sa akin."

Napapailing na lang siya," ano pa ba ang sasabihin ko,hangad ko ang kaligayahan niyo."

"Ay salamat friend!" Tila naluluha pa ito.

Maya-maya lang ay dumating na ang lalaki. Napatitig siya dito,kakaiba din ang kislap sa mga mata ng lalaki lalo na pag napapatingin sa kaibigan. Ang ngiti nito ay hindi na maalis-alis. Inlove nga talaga ang mga ito.

"Nasabi mo na ba kay Margaret?" tanong nito.

"Iyong tungkol palang sa'tin ang nasabi ko eh." Mabilis naman na sagot nito.

Namula ata hanggang talampakan ang lalaki at napakamot sa ulo nito na hindi naman nangangati. Halata din ang pagkapahiya nito sa kanya.

"Ayos lang iyon. Hangad ko ang kaligayahan niyo,"sabi na lang niya para mabawasan ang pagkapahiya nito.

"Salamat Margaret,"anito na bakas parin sa mukha ang pamumula.

Bigla siyang sumeryuso, tinanong niya agad ang kalagayan ni Haru dito. Medyo alanganin pa itong sabihin na madalas na magkasama ito at si Zari.

"Huwag kang mag-isip ng kung anuman, ginagawa lang iyon ni Haru para makuha ang loob nito. Para makumbinsi niyang bumalik na ng Arectia ito bago mahuli ang lahat."

Pilit naman siyang ngumiti dito, "ok lang, nauunawaan ko naman. Bakit nga pala dito mo kami pinatuloy?" may pagtataka sa tono niya ng magtanong.

"Ako ang may plano, friend." Si Selene ang sumagot. Nalipat naman ang nagtatakang tingin niya dito.

"Naisip ko kasi friend,mas maganda kong nandito tayo na hindi nila alam. Makakapagmasid tayo,tapos magagawa pa ni Haru ang dapat niyang gawin."

Napaisip siya sa sinabi nito,may punto nga ito. Saka hindi pa mahahati ang atensiyon ni Haru sa kanila ni Zari.

"Saka masyadong delikado kung doon kayo mananatili. May kakaibang nangyayari sa paligid ng bahay at buong gubat."

"Ano naman?" tanong ni Selene.

"Basta,hindi ko rin maipaliwanag eh. Mabuti narin iyong malayo kayo doon."

Nagkatinginan na lang silang mag kaibigan.

Hindi umuwi ng araw na iyon si Dondon sa bahay ni Haru upang may makasama sila. Ito mismo ang nagluto ng kanilang hapunan.

"Wow! May talent karin sa pagluluto. Ang galing naman!" Puri ni Selene dito.

"Isa sa namana ko sa aking ama. Magaling kasing chef iyon na nakapagtrabaho sa barko. Nang makapagretiro,nagtayo nalang sila ng aking ina ng munting kainan sa bayan."

"Hindi kaba nila hahanapin kung hindi ka uuwi?" tanong naman ni Margaret, habang nakaupo siya sa isang stool sa kusina nito.

"Hindi marahil,saka alam naman nila kapag wala ako doon, nandito ako sa bahay ko. Saka naiilang ako kay Zari,hindi katulad noong nandoon pa kayo. Kung hindi rin lang sa babaylan at kay Haru,hindi nako pupunta doon."

Inilapag nito sa lamesa ang niluto nitong sweet and sour na malaking isda. Napawow silang dalawa ni Selene,ang pagkaka prepare sa isda ay parang sa isang mamahaling restaurant. Naging magana ang kanilang hapunan. Naglabas din ng alak si Selene na dala nila.

Hanggang matapos ang kanilang masaganang hapunan, nagpatuloy ang kanilang masayang kwentuhan sa sala ng bahay ng lalaki. Halatang nag-eenjoy si Dondon sa nakakatawang kwento ni Selene tungkol sa naging karanasan nito sa abroad. Maghahating gabi na ng maisipan nilang matulog. Ang dating inokupa nilang kwarto ni Haru noon ay ang siyang ibinigay sa kanila ng lalaki.

Kinabukasan,nagyakad si Dondon na maligo sila sa talon na malapit lang din sa bahay nito. Nasa bente minutos daw kung lalakarin. Nagdala sila ng maraming pagkain. Nang marating nila ang talon,napahanga sila sa ganda nito. Para itong buhay na larawan. Bigla na naman naalala ni Margaret ang isang eksena sa Arectia noon. Nang sundan niya ang naririnig na lagaslas ng tubig at makarating sa talon sa loob ng gubat. Kung saan muntik na siyang mapahamak at iniligtas siyang muli ni Haru. Iyon din ang araw na nalaman niya na ang puting lobo pala ay walang iba pala kundi si Haru.

"Sobrang ganda! Ito ang definition ko ng paraiso!"

Napalingon siya kay Selene,sang-ayon siya sa sinabi nito. Isang paraiso ang lugar na ito. Napasulyap siya kay Dondon,na inaayos ang mga dala nilang pagkain sa nilatag nitong tela.

"Tara na maligo na tayo!" Agad ng lumusong si Selene sa tubig. "Wow! Ang lamig! Parang may yelo ang tubig." Nangaligkig pa ito sa ginaw.

Sumunod na rin siya sa paglusong. Para nga talagang may yelo ang tubig. Pero ang sarap sa pakiramdam. At ang linaw ng tubig. Nakita niyang lumusong narin si Dondon. Naalala na naman niya si Haru, nahiling niya na sana kasama nila ito ngayon.

"Iniisip mo siya noh?"

Hindi niya namalayan ang paglapit si Selene. Hindi siya nakaimik dito. Alam na alam talaga nito ang tumatakbo sa isipan niya.

"Magsaya nalang tayo ngayon. Huwag mo muna siyang isipin, marami pang pagkakataon para makasama natin siya dito. Malay mo mas marami na tayo sa susunod,eh di lalong mas masaya."

Napangiti narin siya dahil sa sinabi nito. Nagsaya na nga lang sila. Sinabuyan niya ito ng tubig at gumanti naman ito. Para silang mga bata na naglalaro sa tubig. Tatawa-tawa naman si Dondon sa kanila na nakisali narin ng sabuyan ng tubig. Umahon lang sila sa tubig ng kakain na ng tanghalian. Pagkatapos ng pananghalian ay bumalik ulit sila sa paliligo. Magdidilim na ng mapagpasyahan nilang umuwi na. Hanggang makauwi hindi mapawi-pawi ang masayang kwentuhan nila.

Pagdating nila sa bahay ng lalaki,nag suggest si Selene na mag gawa sila ng bonfire sa harap ng bahay. Ganoon nga ang ginawa nila habang may iniinom na alak. Habang nakapaikot silang tatlo sa ginawang apoy ng lalaki,panay kwento ni Selene. Sandaling huminto ito, upang kumuha ng mapupulutan sa kusina.

"Nakakatuwa ang kaibigan mo. Parang hindi nauubusan ng energy sa katawan. Saka ang sarap kausap,"ani ni Dondon.

"Sinabi mo pa. Kalog talaga iyan. Kaya ang swerte mo,hindi boring ang magiging buhay mo kung siya ang kasama mo."

"Nakikinita ko na nga." Tumikhim muna ito,bago magsalitang muli. " Ahm Margaret, hangad kong maayos na ang problema niyo ni Haru. Deserve niyo maging masaya sa dami ng mga pinagdaanan niyo."

"Iyon din ang nais ko. Pero hindi pa siguro ito ang panahon namin. Hindi rin ako magiging masaya kung may isang taong mapapahamak."

Mataman ang pagtitig ni Dondon sa kanya na parang may nais sabihin. Naputol ang kanilang pag-uusap ng bumalik na si Selene na may dalang pulutan sa plato.

Sa ilalim ng buwan at harap ng naglalagablab na apoy ay nagpatuloy ang kanilang masayang kwentuhan. Nagiging maharot narin si Selene dahil sa dami ng nainum na alak. Malaon na ang gabi nang magyakad na silang pumasok ng bahay. Lumalakas narin ang hangin na tila mamasa-masa pa pag dumadampi sa balat. Mukhang nagbabadya ang ulan pagkatapos ng maghapon na kasiyahan.

KINABUKAsan nga, nagising ang magkaibigan sa malakas na hangin na humahampas sa mga sanga ng puno. At hindi nagtagal ay biglang buhos ng malakas na ulan.

"Mukhang may bagyo ata. Kakatakot naman ang hangin," saad ni Selene.

Lumabas sila ng kanilang silid, nadatnan nila si Dondon na naglalaga ng kape sa kaserola.

"Nagising siguro kayo sa lakas ng hangin? Ganyan lang talaga dito kapag may ulan ,akala mo laging may bagyo."

"Hindi ba tatangayin ang bubong ng bahay mo?" tanong ni Selene dito na nagpatawa sa lalaki.

"Kahit may bagyo hindi kayang tangayin ang mga bubong ng bahay ko. Subok ko na ang bahay na'to. Kaya huwag kayong mag-alala."

Napahinga naman ng maluwag ang dalawa.

Ipinarada ni Haru ang kanyang kotse sa likod ng isang sasakyan na nakaparada sa daan malapit sa hagdanan na paakyat sa bahay ni Dondon. Nakakunot ang noo na nakatingin siya sa kotse,iniisip kung sino ang maaring maging bisita ng lalaki o baka sa kanya ang sasakyan nito pero bakit kulay pink ito.

"Bakit kailangan pa natin pumunta sa bahay ng lalaking iyon?" sambakol ang mukhang tanong ni Zari.

"Kahapon pa hindi umuuwi sa bahay si Dondon. Gusto ko lang alamin ang dahilan niya. Baka kailangan niya ng tulong."

Umismid lang ang babae at hindi na kumibo. Kung hindi pa tumila ang ulan hindi sana siya makakapunta sa bahay nito. Wala sana siyang balak isama si Zari, ngunit ito ang nagpumilit. Habang patungo nga sila dito, wala ng ginawa ito kundi kumbinsihin siyang sa bayan nalang sila pumunta imbes sa bahay ng lalaki.

Bago umibis ng sasakyan,nilinga muna niya ang babae. "Wala ka bang balak sumama sa akin?"

Ilang sandali muna ang lumipas bago nagsalita ito, " Sige sasama ako."

Nauna nang bumaba ang babae sa sasakyan. Hindi man lang pinansin ang kotse na nasa tabing daan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.