"Mamimitas kami ng pananim na gulay ni Dondon sa likod nitong bahay,sumama kana. Gusto kong ma experience kong paano mag-ani ng pananim,"ani ni Selene. Hawak nito ang isang basket na paglalagyan nito ng mga gulay.
"Hindi naman tayo mag-aani,konti lang ang tanim ko. Gusto ko lang mamitas baka gusto niyong mag-ulam ng gulay mamaya," sabat naman ni Dondon.
"Kayo nalang. Tatawag kasi ako sa pamilya ko muna."
"Sure ka friend? Sayang hindi mo makikita ang taniman ni Dondon."
"Ayos lang,may ibang pagkakataon pa naman," tugon niya.
"Pwede ka naman sumunod sa'min, Margaret. Tugpain mo lang ang daan sa likod, makikita mo na kami,"wika naman ni Dondon.
Tumango lang siya sa mga ito,at inihatid pa niya sa may pinto sa kusina ang mga ito. Mula sa kinatatayuan niya,tanaw nga ang taniman ni Dondon na mga gulay. Hinayaan na lang niyang bukas ang pintuan,at doon narin niya naisipan tawagan ang ina. Ngunit bago pa siya maidial ang numero na tatawagan,isang katok ang kanyang narinig sa kabilang pinto.
Tumingin muna sa dalawa na masayang namimitas na ng gulay. Kumaway pa si Selene nang mapatingin sa kanya. Gumanti naman siya ng kaway saka tumalikod para puntahan ang kabilang pintuan upang alamin kung sino ang kumakatok.
Pagbukas ng pinto,tila huminto ang pag hinog ng mundo. Ang bilis ng tibok ng puso niya na parang gusto ng lumabas sa kinalalagyan nito. Bago pa siya makahuma sa kabiglaan, naramdaman na lang niya ang mahigpit na tila mga bakal na mga braso na yumapos sa kanya.
Sabik din na tinugon niya ang yakap ng binata na ilang araw niyang pinanabikan na makita at mayakap ng ganito. Ilang sandali din sila sa ganoon ayos bago sapilitan na inilayo siya ng binata rito.
"Anong ginagawa mo dito?" hindi humihiwalay ang mga mata nito sa kanya,ramdam din niya ang nakakapasong tingin nito sa kanya.
Bago pa makaapuhap ng sasabihin,isang boses ang nagsalita sa kanyang likuran.
"Sa akin galing na dumito muna sila."
Nalingunan niya ang dalawa sa may malapit sa pintuan,dala ang mga naaning gulay sa basket.
Matagal ang naging titigan ng dalawa,bago nagbaba ng tingin si Dondon.
"Pasensiya kana pare kung hindi mo nagustuhan ang pagtigil dito ni Margaret."
Pinaglipat-lipat naman sa kanilang tatlo ang tingin ni Haru. Tumitig ito sa kanya ng matagal bago nagsalita.
"Bakit dito ka tumuloy imbes na sa bahay?" tila naguguluhan nitong tanong sa kanya. Magkakaharap silang nakaupo sa sala ng bahay.
"Ayuko lang kasi na makagulo sa inyo."
"Alam mong hindi ka nakakagulo sa akin. Noong una hindi ka nagpaalam na umalis. Ngayon naman bumalik ka ng hindi pinapaalam sa akin. Tapos malalaman ko ngayon na dito ka tumutuloy. Hindi mo ba binibigyan halaga ang opinyon ko?"
Bigla naman nakaramdam ng usig ng konsensya si Margaret dahil sa mga binitawang salita nito. Napatingin siya sa mga mata nito na kasing lamig ng yelo ang pagkakatunghay sa kanya. Tila biglang nawala ang init doon na kanina lamang ay nababanaag niya pa.
Hindi tuloy niya malaman ang sasabihin ngayon. Buti na lang sinalo siya ni Selene.
"Gusto naman talaga ni Margaret na dumiretso sa bahay mo. Kaya lang pinilit ko siyang dito muna kami. Nakakapag-alala din kasi na nandoon ang babaeng si Zari. Nakikita mo naman siguro kung paano niya harapin ang kaibigan ko."
"Tama si Selene,saka mas ligtas sila kung narito sila. Saka mayroon kang hindi nalalaman. Mabuti pang kausapin mo ang babaylan."
Napakunot ang noo ng binata. Bumalik ang tingin ni Haru sa kanya. "Ayos ka lang ba dito?" banayad na nitong tanong sa kanya.
"Oo,huwag mo akong alalahanin. Mas mabuti na nandito lang kami para makakilos ka ng dapat mong gagawin."
Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago muling nagsalita," babalik din ako dito. Kasama ko kasi si Zari,nasa kotse lang siya naghihintay."
"Ano kasama mo pa ang babaeng iyon hanggang dito?" bulalas ni Selene.
"Buti hindi na siya sumama hanggang dito sa bahay," wika naman ni Dondon.
"Baka mainip iyon at maisipan sumunod dito. Ayuko muna na malaman niyang nandito ako," turan naman niya.
Parang ang bigat ng katawan ng binata na tumayo at magpaalam sa kanya. Hinatid niya ito hanggang sa may pinto ng bahay. Lumingon pa ito sa kanya bago mawala sa kanyang paningin.
"Grabe ang babaeng iyon,dinaig kapa talaga. Kulang nalang eh hanggang sa pagtulog ni Haru ay sumama siya." palatak parin ni Selene ng makabalik siya.
Hindi naman siya nakaimik. Maging si Dondon ay halata ang pagka disgusto na malaman na kasama pa ang babae.
"Mabuti pa maghanda nalang tayo ng tanghalian natin," sabi na lang niya para hindi na humaba ang usapan nila tungkol sa babae.
"Mabuti pa nga. Nagutom tuloy ako sa usapan natin tungkol sa babaeng iyon." Tumayo na ito at nauna ng nagtungo sa kusina ng bahay. Maging si Dondon ay tumayo at pumunta ng labas. Manghuhuli daw ito ng manok na pang tinola.
Tahimik lamang nagmamaneho si Haru habang pabalik ng bahay. Kanina pagbalik niya ay nakasalubong niya sa gitna ng hagdan bato si Zari. Salubong ang kilay at nagrereklamo na ang tagal niya sa taas. Hindi niya ito sinagot, dumiretso na siya ng baba ng hindi man lang ito hinintay.
"Ano ba ang problema? May nangyari ba kay Dondon?" basag nito sa namamayaning katahimikan sa loob ng kotse.
Hindi parin siya nagsalita,diretso lang ang tingin niya sa unahan ng kotse.
"Hindi ka pa rin ba magsasalita?" tanong muli nito sa kanya. Akala ng binata,titigil na ito ng bigla nitong hatakin ang manibela ng kotse. Nagpa esi-esi ang kotse hanggang maipreno ni Haru at sumasadsad sila sa tabing daan.
Matalim ang titig ng babae kay Haru,parehas silang naghahabol ng hininga.
"Nakuha ko na ba ang atensyon mo kamahalan?" tila nang-uuyam na sabi nito.
"Kailangan mo ng magbalik sa Arectia. Kung hindi mo gagawin,maglalaho kang parang bula na mas nanaisin mo pang mamatay nalang." Malamig pa sa yelong saad niya rito.
Napamulagat naman ang mga mata ng babae sa mga tinuran ng binata sa kanya.
"A-anong ibig m-mong s-sabihin?"
Ilang beses muna na huminga ng malalim ang lalaki at tumingin sa labas ng salamin bago ibinalik ang mga mata sa katabing babae. Nagugulumihan parin ito sa pagkakatingin sa kanya. Alam niyang magiging malupit sa parte niya ang gagawin pero kailangan niyang gawin.
Walang emosyon na ipinagtapat niya ang mangyayari rito oras na magtagal pa sa mundo ng mga tao. Sa una hindi ito naniniwala,ngunit ng ipakita niya ang salamin bilog at makitang wala itong repleksyon,saka lang ito tila naniwala. Tigagal itong tumingin sa kanya at inilayo ang salamin.
"Paano...anong mangyayari sa atin? Hindi ko kayang mawala ka kamahalan. Pero hindi ko rin gustong mawala ng parang bula."
Isang hagulgol ang ginawa nito. Napatiimbagang bagang naman ang binata at saka pinigil ang sarili na hawakan ito sa balikat. Itinuon nalang niya ang tingin sa unahan ng kotse. Hanggang tumahimik ito,nang lingunin niya ang babae,nakapaling ang ulo nito sa labas ng bintana.
Tahimik niyang pinaandar ng muli ang kotse. Matiwasay naman na nakauwi sila ng bahay. Agad itong bumaba at dumiretso sa taas. Muntik pa nitong mabangga ang babaylan ngunit hindi man lang huminto ito.
"Anong nangyari kay Zari? " tanong nito kay Haru.
Sinabi naman lahat ng binata ang nangyari, maging ang tungkol kay Margaret na nasa bahay ngayon ni Dondon.
"Kailangan natin maghanda, kamahalan. Anuman oras mula ngayon,maari tayong lusubin ng mga itim na lobo. May isang bagay na hindi sinasabi ang babaeng iyon."
Pinagtapat ng babaylan ang natuklasan. Matagal ng nasa kagubatan ang mga itim na lobo. Naghihintay lang ng pagkakataon para masakop ang buong San Martin,at pagkatapos ang mundong ito. Sinabi rin nitong walang planong tumupad sa usapan si Zari,ang binata lamang ang nais nito.
"Masyado siyang makasarili!"
"Sang-ayon ako sa'yo kamahalan. Kaya pinapaubaya ko na sa'yo ang magiging desisyon kung anong gagawin sa kanya."
"Saka ko na pag-iisipan kung ano ang gagawin sa kanya. Sa ngayon kailangan natin maghanda sa maaring mangyari. Katulad sa mundo ng Arectia,ipagtatanggol ko rin ang mundong ito laban sa mga itim na lobo na ang nais lamang ay maghasik ng lagim."
"Hindi natin kakayanin kung tayo lang ang kikilos. Kaya may mga nais tumulong sa atin."
Napakunot ang noo ni Haru sa tinuran nito. Imbes na magsalita, dinala siya nito sa tabing dagat.
Nakatanaw siya sa malawak na dagat,maalon ngayon ang dalampasigan. Hindi katulad ng mga nakaraan na tahimik lamang ang mga alon.
Nilingon niya ang babaylan na nasa kanyang tabi.
"Ano bang dahilan,bakit mo ako dinala dito?"
Hindi ito tumugon sa kanya. Natigilan ang binata sa biglang nagsalita sa kanyang likod.
"Mukhang ang laki ng pinagbago niyo kamahalan."
Nanlalaki ang kanyang mga mata at ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang ayaw pa niyang maniwala sa taong nasa harap niya ay si Rio nang biglang mag sulputan ang iba pa.
Sina Maru,Eschavez,Clad,at Sardox. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ang mga ito. Ilang beses siyang napalunok at ayaw ikurap ang mga mata.
"T-totoo ba kayong lahat?" ang tanging namutawing salita sa kanya.
"Tinitiyak namin sa inyo, kamahalan,hindi kami mga multo," sabi ni Eschavez.
"Matagal namin pinanabikan ang ganitong pagtatagpo," turan naman ni Sardox.
"Ang ganda pala ng mundo ng mga tao. Hindi na nakakapagtataka na nais itong sakupin ng mga itim na lobo," mahabang saad naman ni Clad.
"Kayo nga talaga!" lumapit sa mga ito si Haru. Sabik na kinumusta niya ang mga ito. Hindi siya maaring magkamali,ito ang mga naramdaman niya ng nakaraan habang umiinum sila ng alak ni Dondon.
Napag-alaman niya na Ilang araw na silang lihim na nagmamasid. Dahil sa babaylan kaya sila nakarating sa mundong ito. Nababatid na ng babaylan ang gagawin pagsugod ng mga itim na lobo sa San Martin,kaya lihim sila nitong pinatawag.
"Si Ginoong Markis?"
"Hindi na namin siya isinama, kailangan siya ng Arectia. Siya ang kumakatawan ngayon sa mundo natin. Saka may edad na iyon, mabuting nakaupo na lang
siya sa trono." Si Maru ang sumagot.
Natawa naman siya sa huling sinabi nito. Si Rio naman ang nagtanong.
"Nasaan si Margaret? Bakit laging si Zari ang kasama mo?"
Natigilan naman siya sa tanong nito.
"Nasa bahay siya ng isa namin kaibigan. Narito lang din siya sa San Martin,"tugon niya.
Hindi matapos-tapos na batian ang kwentuhan ang nangyari sa kanila. Ang babaylan naman ay tahimik lamang nagmamasid sa mga ito.
Mabuti pinahintulutan siya ng tagapangalaga ng Arectia,na makapunta sa mundo ng mga tao ang mga kaibigan ni Haru. Malaking tulong sa kanila ang pagparito ng mga ito para may makatulong sa pagpuksa sa mga itim na lobong nais sakupin ang mundo ng mga tao. Tumingin siya sa langit,may nakita siyang pagkukumpulan ng mga itim na ulap. Tila nagbabadya na naman ang parating na malakas na ulan.