Hindi makalabas ng silid niya si Zari, pakiwari ba niya may kung anong pwersa ang pintuan para hindi niya ito mahawakan man lang. Wala siyang magawa kundi ang sumigaw sa loob ng kanyang silid. Ilang beses tinawag ang pangalan ni Haru. Nang mapagod ay napaupo nalang sa sahid sa likod ng pinto. Kinuyom ang mga kamao,alam niya ang may kagagawan lamang nito ay ang babaylan. Ngunit bakit? Nagtatanong sa sarili na saad niya. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib sa biglang hinalang pumasok sa isip.
Isang mahika ang kanyang pinakawalan ngunit hindi man lang ito makalabas sa silid na iyon. Nais niyang magbigay ng babala sa kanyang ama na maaring alam na ng babaylan at ng kanilang kamahalan ang totoong nangyayari.
Labis na kinakabahan sa pwedeng mangyari at paano niya haharapin ang galit ng binata. Pilit niyang pinapakalma ang sarili,kahit mabatid ng mga ito ang kanilang plano,hindi nila kakayanin ang pwersa ng kanyang ama. Matagal nila itong pinaghandaan,kaya alam niyang walang laban ang binata. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na iyon para pamiliin ito. Kung siya o ang kaligtasan ng mundo ng kanyang pinakamamahal na babae.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Ngayon palang nais na niyang magdiwang sa tagumpay na naiisip. Tumayo siya at saka lumapit sa may bintana. Hinawakan niya ito ngunit parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat,kaya kagyat din niyang nabitawan at napaatras. Hawak ang kamay na nasaktan,muli siyang sumilip sa bintana ng hindi humahawak.
"TAMA lang sa babaeng iyon ang ikulong muna sa kanyang silid," turan ni Maru.
"Paano kung malaman ng kanyang ama ang ginawang pagkulong sa babaeng iyon?" tanong naman ni Eschavez.
"Walang dahilan para malaman nila,isa sa inyo ang magpapanggap na si Zari at makikipagkita sa kanyang ama na nasa gubat. At saka aalamin kung kailan gaganapin ang kanilang pagsalakay," paliwanag naman ng babaylan.
Nagkatinginan naman silang lahat,ang kanilang mga mata ay nagtatanong kung sino ang magpapanggap na Zari kunwari.
"Mag-usap na kayo kung sino ang magpapanggap pansamantala na Zari," untag sa kanila ng babaylan na tila nabasa ang mga nasa isip nila.
Habang abala ang lahat, biglang pumasok si Dondon,bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng makitang maraming tao sa bahay ni Haru,at kakaiba ang mga suot na damit. Parang sasabak sa giyera ang mga itsura.
"Sino sila?" pinaglipat-lipat pa nito ang tingin kay Haru at sa babaylan.
"Sila ang mga pinsan ko sa Arectia," sagot ng binata.
"Ano? Paano sila nakarating dito? Sasakupin na ba ng mga Arectia ang mundo namin?" nagugulumihan na tanong ng lalaki.
Ang babaylan ang nagpaliwanag. Napahinga naman ng maluwag si Dondon sa narinig. Saka lang niya binati ang limang lalaki na nasa kanyang harapan. Masaya naman ang pagtanggap ng mga ito sa lalaki.
"Bakit ka nga pala nandito? Si Margaret?" tanong ni Haru.
"Ok naman sila, galing ako sa bayan. Dumaan lang ako para makibalita."
"Ah alam ko na,siya na lang kaya!" biglang bulalas ni Eschavez. Lahat ng mga mata ay natuon lahat kay Dondon. Nagtataka naman ang lalaki sa mga titig sa kanya.
Tinititigan ni Dondon ang sarili, parang gusto niyang mag back out sa gustong mangyari ng mga ito. Sa pamamagitan ng mahika ng babaylan, ginawa siyang kamukha ni Zari upang magpanggap at katagpuin ang ama nito sa gubat.
"Kaya mo iyan,madali sa'yo ang makalapit sa itim na lobo na iyon ng hindi nito napapansin na hindi ikaw ang tunay na Zari. Kailangan lang mabilis mong makuha ang impormasyon na kailangan natin. Mabilis lang ang oras mo,at Ilang sandali pa ay babalik kana sa dati." Litanya ng babaylan.
Huminga muna siya ng malalim,inisip nalang niya na para ito sa bayan nila. Agad niyang tinugpa ang daan kung saan pumunta noon ang babae upang katagpuin ang ama nitong itim na lobo. Bigla siyang napatigil sa paghakbang ng maalala nito ang itsura ng itim na lobo. Biglang nangatog ang tuhod niya, pinigilan niya ang sariling bumalik. Tinatagan niya ang tayo at inisip kung hindi niya ito gagawin maaring ito na ang katapusan ng bayan nila.
Muling huminga ng malalim at mabilis na inihakbang ang mga paa. Pagdating sa lugar na kung saan nakipagkita si Zari. Ilang sandali lang siyang naghintay,isang tila itim na lagusan ang lumabas. Iniluwa nito ang napakalaking itim na lobo,matalim ang tingin nito sa kanya. Ilang beses siyang napalunok ng laway sa pagpipigil na huwag tumakbo pabalik.
"Bakit ngayon kalang?" tanong nito na para bang nanggagaling sa ilalim ng hukay ang boses.
"P-patawad a-ama,kinailangan ko pa silang l-linlangin para makapunta ako dito."
Tumitig ito sa kanya ng matiim kaya napayuko siya. "Ang mahalaga nandito kana."
"Opo ama ko. Pag-usapan na natin kung kailan ang gagawin niyong paglusob."
"Natutuwa naman ako at sa'yo na rin nanggaling ang katagang iyan."
Tatlong itim na lobo pa ang biglang lumabas sa tila lagusan. Ipinako naman sa lupa ni Dondon,ang sarili upang hindi mapatakbo.
"Pag-usapan na natin kung ano ang gagawin,"muling saad ng ama ni Zari.
Nakinig lamang siya sa mga ito,at tanging tango at pagsang-ayon ang kanyang ginawa upang hindi makahalata ang mga ito. Nang matapos ang kanilang pagpupulong na iyon, agad na siyang nagpaalam na uuwi. Agad din naman siyang pinayagan ng mga ito.
Lakad takbo ang ginawa niya, kailangan niyang makalayo sa mga ito bago bumalik ang dati niyang kaanyuhan. Eksaktong nakalabas na siya ng gubat ng bigla siyang nagbago ng anyo. Humihingal pa ng makapasok ng bahay.
Lahat sila ay naghihintay sa kanyang sasabihin. Hinayaan muna siya ng mga ito na maging normal ang tibok ng kanyang puso bago magsalita.
"Ayos! May ideya na tayo sa kanilang plano," saad ni Rio.
Kanya-kanya silang suhestyon kung ano ang magandang plano. Lumapit sa kanya si Haru. "Salamat sa tulong mo sa amin."
"Wala iyon. Gusto ko rin itong gawin para sa bayan namin. Siyanga pala, hindi mo ba pupuntahan muna si Margaret,bago ka sumabak sa giyera?" nakangitng sabi ni Dondon dito.
Isang katok ang naulinigan ni Margaret,kaya naman agad siyang lumabas ng silid nila ni Selene. Nasa banyo ang kaibigan ng mga oras na iyon. Baka si Dondon,ang kumakatok.
Napasinghap siya ng mapagbuksan ng pinto si Haru. Bugso ng damdamin ay napayakap siya rito. Gumanti naman ng yakap ang lalaki. Pakiramdam niya napakatagal ng panahon na hindi sila nagkita nito. Bumitiw lang siya rito ng isang tikhim ang kanyang narinig. Nasa bandang likod pala nito si Dondon.
"Pasensiya na sa abala. Si Selene? "
"Nasa loob siya." Pagkasabi nito ay pumasok na ang lalaki sa loob. Niyaya naman siya ng binata na maglakad-lakad sa labas. Habang magkahawak kamay, tinatanaw nila ang buwan sa langit. Signature na ata ng kanilang pagmamahalan ang buwan sa langit.
"Margaret…"
Napalingon siya sa binata. Iniharap siya nito habang hawak sa magkabilang balikat. Mataman muna siya nitong tinitigan bago sinabi ang planong magaganap. Bumadha naman sa kanyang mukha ang pag-aalala para dito.
"Makakaya mo ba silang harapin mag-isa?"
"Huwag mo kong alalahanin,gaya nga ng sabi ko sa'yo kanina batid namin kung anong hakbang ang gagawin ng mga kalaban. Saka… nandito sina Maru,Clad,Rio, Echavez at Sardox. Maliban kay Ginoong Markis.Tutulong sila sa atin."
Nanlalaki ang kanyang mga mata sa narinig mula dito, mababanaag sa kanyang mata ang kasiyahan sa sinabi nito. Pamilya na ang turing niya sa mga ito ng nasa Arectia pa siya. Nasasabik din siyang makita ang mga ito, sayang nga lang at wala si Ginoong Markis.
"Pagkatapos ng laban namin sa mga itim na lobo,mag bonding tayo kasama nila bago sila bumalik ng Arectia."
"Sige, gusto ko na rin silang makita."
Muli silang naglakad-lakad sa ilalim ng buwan. Maya-maya lang ay magkahinang na ang kanilang mga labi. Sa bawat paglasap ay kanilang ninanamnam.
Hiniling ni Margaret,na sa bahay na ni Dondon, magpalipas ng gabi ang binata na agad naman nitong pinaunlakan.
"Buti nama napadalaw ka,Haru," turan ni Selene.
"Syempre naman, hindi ko matiis na hindi makita ang kaibigan mo," sagot nito sabay tingin sa kanya na katabi lamang nito.
"Mabuti pa mag celebrate tayo ngayong gabi para sa inyong dalawa," saad ni Selene. Bago pa makahuma ang tatlo, pumasok ito sa kusina. Pagbalik may dala ng apat na kopita at bote ng alak ito.
Napapailing na lang sila saka kinuha ang mga kopita na inabot sa kanila. Naging masaya naman ang gabing iyon dahil sa pagiging kalog ni Selene.
Nakahiga na silang magkayakap ni Haru, inokupa nila ang isa pang silid sa bahay na iyon ni Dondon,parehas pa silang gising at hindi dalawin ng antok.
"Kailan mag-uumpisa ang laban n'yo sa mga itim na lobo?"
Sandaling hindi ito umimik,bumuntong hininga muna ito bago sumagot. "Bukas na ng kabilugan ng buwan."
Natigilan siya. Parang ang bilis naman sa palagay niya. Pero naisip din niya na mas mabuti ng matapos agad ang problemang kinakaharap ng mga ito. Hindi niya din maiwasan mag-alala sa mga mamamayan ng San Martin.
"Huwag kang mag-alala sa mga tao dito hindi sila mapapahamak," turan nito na tila nabasa ang nilalaman ng isipan niya. Pinaliwanag din nito kung ano ang ginawa ng babaylan para hindi malaman ng taga roon na may magaganap na sagupaan.
Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang ayaw na niyang pakawalan pa. Natatakot siya na baka ito na ang huling pagkakataon na mayakap ito.
Tilaok ng manok ang nagpagising sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon nang makapa na wala ang binata sa kanyang tabi. Nasilip niya sa siwang ng bintana na nag-aagaw liwanag palang. Agad siyang lumabas ng silid upang hanapin ang binata.
Napahinga siya ng malalim ng matagpuan ito sa kusina. Kasabay ng pagsilay ng ngiti na lumapit siya rito.
"Ang aga mong nagising. Akala ko pa naman mamaya kapa,"anito.
"Anong ginagawa mo sa ganitong kaaga sa kusina?"
" Maglalaga sana ako ng kape."
"Ako na ang gagawa niyan."
Napalingon sila sa papasok na si Dondon. "Wow ang agad niyo ah. Natulog pa ba kayo?" anito habang nag-iinat ng mga braso.
Habang humihigop ng kape ang tatlo. Nag-uusap naman ang dalawang lalaki sa gagawing plano. Nakikinig lang sa kanila Margaret. Maya-maya ay tumayo siya upang maghanda ng almusal nila. Si Selene, sigurado mamaya pa ang gising kaya solo niya ang paghahanda.
Parang ang bilis ng oras, dumating na ang sandali na kailangan nang umalis ng dalawang lalaki. Kailangan nilang bumalik sa bahay ni Haru,dahil sa gubat mangyayari ang sagupaan.
Hawak ng binata ang kamay niya. Parang ayaw na nitong pakawalan pa. Punong-puno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatunghay sa dalaga.
"Alam kong magtatagumpay kayo."
Bago umalis,isang mabilis na halik ang iginawad ng binata sa kanya.
Matagal ng nakaalis ang dalawa ngunit hindi pa rin siya umaalis sa may pintuan.
"Huwag kang mag-alala sa fiancee mo, sigurado akong magtatagumpay ang mga iyon. Kailan ba nagtagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan," sabi ni Selene na nakatanaw din.
"Mabuti pa habang naghihintay,maglaro nalang tayo ng baraha." Yakad nito.