HINDI natuloy ang balak nilang pagpunta sa San Martin. Kinabukasan ay napakalakas ng ulan. Sabi sa balita may namumuong low pressure area.
Nakadungaw sa may bintana ng sala si Urah, pinapanuod nito ang pagtulo Ng tubig ulan sa kanilang bubungan.
"Hay ang apo ko, parang kailan lang kinakarga pa namin iyan. Pinag-aagawan pa namin ng daddy mo kung sino ang bubuhat. Nakakamis din ang panahon na iyon."
Magkatabi sila ng kaniyang mommy sa mahabang sofa habang ito'y nag gagantsilyo. Ang kaniyang ama naman ay pinili na matulog muna.
"Alam kong mis na mis niyo na si Haru."
Isang buntong hininga ang kumawala sa kaniya. "Kung nalalaman niyo lamang mommy kung gaano ko na siya kinasasabikan na makitang muli. Ganoon din si Urah."
Itinigil naman sandali ng kaniyang ina ang ginagawa. Hinawakan ang kaniyang kamay at marahan pinisil. "Naunanawaan ka namin hija. Kami ay hindi tumitigil sa pagdarasal na sana ay dumating na si Haru."
Bahagya siyang ngumiti sa ina.
LALONG lumakas ang ulan,kaya naman naudlot ng ilang araw pa na balak nilang pagtungo sa San Martin. Nakakapagtaka nga lamang na summer ay tila may bagyo na parating. Kakaiba na talaga ang panahon, naisip na lamang nila dahil marahil sa climate change.
Isang umaga habang naliligo sa swimming pool sa likod ng bahay nila ang anak. Lumapit ang katulong nila na si Mila at sinabing may bisita siyang dumating. Bigla naman umasim ang kaniyang mukha ng marinig ang sinabing pangalan ng kaniyang bisita. Binilinan niya ito na bantayan muna ang anak habang naliligo.
Malayo pa lamang ay tanaw na niya si Benny na nakapamulsa habang nakatalikod sa kaniya. May tinitingnan na painting na nakasabit sa dingding ang lalaki.
Nang maramdaman nito na ang kaniyang paglapit ay lumingon ito sa kaniya. Pinasadahan nito ang kaniyang kabuoan. Bahagya naman siyang nailang sa paraan nito ng paghagod sa kaniyang kabuoan.
"Napadalaw ka?" nakataas ang kilay na tanong niya ng makalapit rito.
" Hindi na ba ako welcome rito? Dati naman nakakapunta kami rito ni Zanti."
"Dati iyon. Saka hindi mo naman kasama si Zanti ngayon. Anong kailangan mo?"
Nanatiling nakatitig lamang ito sa kaniya. Hindi sinagot ang kaniyang tanong. Dati nga nakakapunta ito sa bahay nila,dinadala nito ang pamangkin upang makapaglaro sa kaniyang anak.
"Kung wala ka naman mahalagang pakay ay makakabuting umalis ka na lang. Busy kami ng anak ko ngayon."
Akmang tatalikuran na niya ito nang magsalita ang lalaki. " Akala ko paalis kayong mag- anak?"
"Hindi ba sa inyo umulan? Dito kasi sa amin araw-araw umuulan ng nagdaan araw kaya napostpone ang pag-alis namin."
Tumango-tango naman ito. " Hindi pa rin ako sumusuko sa'yo, Margaret. Wala akong pakialam sa kung sino ang lalaking nakabuntis sa'yo noon. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ikaw at ang bukas natin." Madamdamin nitong pahayag.
Nakaramdam naman siya ng sobrang inis sa lalaki. Pagsasalitaan na sana niya ng maaanghang na salita ng maalala na silang mag-ina lang naroon at dalawang katulong.
"Akala ko ba malinaw na sa'yo ang lahat?"
"Isa lang ang malinaw sa akin. Wala kang asawa at hindi ka na babalikan ng lalaking iyon."
Nagbilang na naman siya hanggang sampu sa isip niya. Paulit-ulit na lang kasi ang sinasabi nito.
"Umalis kana lang,ayaw kong makita ka ng mga magulang kong narito."
Ilang beses siyang napalunok ng makita na matalim ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kaniya. Iginala muna nito ang mga mata sa paligid.
"Hindi ako sanay na tinatanggihan ng babae, Margaret. Makukuha din kita. Tinitiyak ko iyan sa'yo."
Nakahinga lamang siya ng maluwag ng makaalis na ito. Nagbilin siya sa mga katulong nila na huwag na muling papapasukin ang lalaki sa susunod.
Nasira na tuloy ang mood niya ng araw na iyon. Hindi na lamang niya pinaalam sa mga magulang ang pagpunta ng lalaki. Ilang araw na kasing masama lagi ang pakiramdam ng kaniyang ama. Sa katunayan ay kaya wala ang mga magulang ay nagpacheck up ang kaniyang ama sa doktor nito. Ayaw niya na dahil lamang sa lalaki ay mapasama Lalo ang lagay ng kaniyang Daddy.
Kung papayagan ito ng doktor nito,ay maaring kinabukasan ay bumiyahe na sila papuntang San Martin.
KINAGABIHAN, kausap niya si Selene sa cellphone. Nasa terrace siya ng kaniyang silid. Kanina pa kasi tulog ang kaniyang anak.
Kinuwento niya sa kaibigan ang tungkol kay Benny.
"Gosh friend! Iba talaga ang karisma mo,kahit may anak kana mayroon pa rin nababaliw sa'yo!" bulalas nito.
"Ang kulit sobra! Paulit-ulit lang naman ang sinasabi. Saka may attitude siya. Ang layo ng ugali niya kay Haru."
"Maganda sana kung sa personal tayo makakapag-kuwentuhan eh."
"Baka matuloy na kami sa isang araw diyan. Pinayagan naman si Daddy na magbiyahe ng doktor niya. Maigi nga daw iyong makakapagbakasyon siya sa malapit sa dagat."
"Ay sana bukas na. Mis ko na si Urah eh!"
"Gumawa na kasi kayo ng sarili niyo," natatawang sabi niya rito.
"Ay, gumagawa na nga,kaso hindi pa lang makabuo talaga." Natatawa rin na sagot nito.
May ilang sandali pa sila nag kuwentuhan bago nagpaalam sa isa't isa. Bago pumasok sa loob ng silid, pinanuod muna ni Margaret ang buwan sa langit. Kahit kailan talaga,may kakaibang pakiramdam ang hatid nito sa kaniya.
KINABUKASAN,siya na ang nagpresinta na mag go-grocery. May mga gusto kasi siyang bilhin na ipapasalubong at dadalhin nila sa pagpunta sa San Martin.
After lunch na siya nakaalis ng bahay dahil kailangan pa niyang suyuin si Urah na may sumpong ng araw na iyon. Nais rin nitong sumama sa kaniya. Sinabi niya na bibilhan na lamang niya ito ng favorite nitong cake. Doon lang ito pumirmi at nakikipaglaro sa kaniyang lolo nang iwan niya.
Natagalan siya sa pag go-grocery sa dami ng pinamili niya. At tumawag pa ang kaniyang mommy upang magpadagdag ng mga bibilhin. Nang magbabayad na siya sa cashier ng mga pinamili ay napakahaba naman ng pila.
Inabot na siya ng hapon sa paglabas sa grocery store. At sa malas niya ay napakalakas ng ulan. Sa dulong bahagi pa naman ng parking lot niya pinarada ang kaniyang kotse.
Tinanaw niya ang kalangitan,napakadilim ng langit. Tila mamaya pa ang titigil ang ulan. Sa gilid siya dumaan tulak ang push cart ng pinamili. Nang marating ang kaniyang kotse ay dali-dali niyang isinakay ang mga pinamili sa trunk ng kotse. Akmang bubuksan na niya ang pintuan sa driver seat nang may tumakip ng tela sa kaniyang ilong. Sandali lamang siya nakapanlaban at tuluyan ng nagdilim sa kaniya ang lahat.
PARANG nakalutang siya sa alapaap. Gusto na niyang imulat ang mga mata niya ngunit tila napakabigat ng talukap ng kaniyang mga mata. Kahit alam niyang wala siyang malay,ramdam niya ang paghaplos ng kung sino man sa buhok at mukha niya.
Banayad lamang ang paghaplos nito sa kaniya. Ngunit napakapamilyar ng haplos nito.
"Haru… bumalik ka na sa amin…" tila siya nananaginip na sambit niya sa pangalan ng lalaki.
Saglit naman na tumigil sa paghaplos ang kung sino man. Nakaramdam siya ng mainit na pagbuga ng hangin malapit sa mukha niya. Ang pagdampi ng mainit na bagay sa kaniyang mga labi. Alam niyang may humahalik sa kaniya. Ngunit wala siyang magawa at bakit ba napakasarap sa pakiramdam.
SIKAT ng araw na tumatama sa kaniyang mukha ang nagpagising kay Margaret.
Napatakip pa siya sa mukha. Saka dahan-dahan na iminulat ang mga mata. Unang tumambad sa kaniyang paningin ang hindi pamilyar na kisame.
Pilit inaalala ang nagdaang araw. Biglang siyang napaupo sa hinihigaan. Pati ang kama ay hindi rin pamilyar sa kaniya. Ang buong kuwarto na iyon ay hindi pamilyar sa kaniya.
Buong naalala na niya ang nagdaang araw. Nasa parking lot siya ng isang grocery store nang biglang siyang nawalan ng malay. Natitiyak niyang sinadya ang pagkakahimatay niya.
Halos lumabas na ang puso sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Nanginginig din ang buong katawan niya. Akmang tatayo siya sa hinihigaan nang matigilan. Tanging kumot lamang ang tumatakip sa kaniyang kahubdan.
Doon na siya napaiyak ng tuluyan. Pilit pinapakiramdam ang sariling katawan. Wala naman siyang nararamdaman na kakaiba. Ngunit paano maipapaliwanag ang nangyari sa kaniya.
Nakatakip ang mga kamay niya sa mukha. Narinig niyang may nagbukas ng pinto. At sumunod ay mga yabag na palapit sa kaniya. Naramdaman niyang huminto ito sa harapan niya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ng baritonong boses sa kaniya.
Natigilan naman siya. Tumigil din siya sa pag-iyak. Pati pag-ikot ng mundo niya ay tila tumigil din. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-alis ng mga kamay sa mukha.
Kinusot-kusot pa niya ang mga mata,baka nagkakamali lang siya ng nakikita.
Lumapit ito sa kaniya at umupo sa gilid ng kama na nakaharap sa kaniya. Ginagap nito ang kaniyang nanginginig na kamay. Dinala nito sa mga labi ang kaniyang kamay at hinalik-halikan.
Doon lang siyang parang nagising. "Ikaw nga ba iyan,Haru?"
Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Yumakap na siya rito habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata.
Matagal sila sa ganoong ayos bago naghiwalay. "Paano nangyari na ikaw ang kasama ko? Anong nangyari sa parking lot? Ikaw ba ang naghubad sa akin?" naguguluhan niyang tanong rito.
"Isa-isa lang. Lahat ng iyan ay sasagutin ko." Nagagawa pa nitong matawa sa kanilang sitwasyon.
Naghintay naman siya sa paliwanag nito. "Pag-alis mo pa lamang sa bahay niyo ay nakasunod na ako sa'yo. Nakita ko na agad na sinusundan ka ng isang kotse. Hanggang makarating sa parking lot at sunggaban ka niya. Bago ka pa niya naisakay sa kaniyang kotse ay naagaw na kita sa kaniya."
Nagpatuloy ito ng hindi siya sumasagot. "Dito kita dinala dahil gusto muna kitang masolo. Hinubaran kita kagabi dahil basang-basa ka ng ulan."
Namula naman siya ng kumpirmahin nito na ito nga ang naghubad sa kaniya. Kahit pa sabihin na may anak na sila ay hindi pa rin maiwasan na mahiya siya rito.
"Nakilala mo ba kung sino ang taong iyon?" bigla niyang naalalang itanong.
"Ayon sa nakita kong ID niya,ang pangalan ng taong iyon ay Benny Samaniego."
Hindi naman makapaniwala si Margaret. Hindi niya akalain na aabot sa ganoon ang balak gawin ni Benny. Nang muli niyang tingnan ang lalaki ay matiim ang pagkakatitig nito sa kaniya.
"Bakit?"
"Sino ba ang lalaking iyon? Mukhang malaki ang tama sa'yo at umabot pa sa balak pag kidnap sa'yo."
Wala siyang choice kundi sabihin dito na manliligaw niya si Benny. Ilang beses na niya itong tinanggihan.
"Nasaan na nga pala siya?"
"Panigurado nakakulong na siya. Ang manager ng grocery store ang tumawag sa mga pulis," saad nito saka bumuntong hininga. "Kalimutan mo na ang nangyari. Sobrang mis na kita…"
Sinimulan na nito ang paghalik sa kaniya. Nakakadarang ang ginagawa nito sa kaniyang katawan. Biglang sumagi sa isip ang mga magulang.
"Teka Haru,baka nag-aalala na sila mommy at daddy sa hindi ko pag-uwi kagabi."
"Huwag mo silang alalahanin. Alam nilang magkasama tayo. Gusto muna kitang masolo bago ako humarap sa kanila,"sabi nito sa pagitan ng paghalik sa kaniyang leeg.
"May sinabi pa ba sila sa'yo?"
"Tungkol saan?" sandali itong tumitig sa kaniya.
"Wala naman." Gusto marahil ng kaniyang magulang na siya ang magsabi sa lalaki ng tungkol kay Urah.
Naging mainit muli ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan. Hinayaan niyang magsiklab ang apoy sa pagitan nila.
Ramdam nila ang pananabik ng bawat isa. Bawat isa ay tila naniningil sa mga taon na nawala sa kanila.
Nang matapos ang mainit na tagpo. Nakaunan siya sa dibdib nito habang hinahaplos nito ang kaniyang buhok.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya sa lalaki.
"Nagugutom ngunit iba ang gusto ko," muli siya nitong kinabig. At muli pinagsaluhan nila ang walang hanggang pag-ibig sa isa't isa.
Madilim na ng lumabas sila ng silid. Nalaman ni Margaret na isa pala iyong resort. May restaurant sa loob ng resort na iyon kaya doon na lamang sila kumain. Sandali rin silang namasyal sa paligid bago naisipan bumalik sa nirentahan na silid.
Muli nilang pinagsaluhan ang sayaw ng pag-ibig. Kinabukasan parang ayaw pang umuwi ni Margaret. Para siyang lasing pa sa nagdaan gabi na kapiling ang lalaking pinakamamahal. Para pa rin siyang lutang ng mga sandaling iyon.
Ngunit may kailangan pa siyang gawin. Saka inaalala niya si Urah. Hindi ito sanay na malayo siya ng matagal at hindi makita. Kailangan na niyang ipagtapat kay Haru ang tungkol sa anak nila.
Napatingin siya sa lalaking kalalabas lamang ng banyo. Nakatapis ito ng puting tuwalya. Habang ang isa pang tuwalya ay ipinupunas sa bansang buhok.
"Huwag mo kong titigan ng ganiyan baka saan na naman tayo mapunta," may pilyong ngiti na sabi nito sa kaniya.
Inirapan naman niya ito. Saka muling seryusong tumingin dito.
"May gusto ka bang sabihin?" napalis naman ang pilyong ngiti nito sa labi.
"Meron Haru. Gusto kong makinig kang mabuti sa sasabihin ko sa'yo."
"Tungkol saan ang gusto mong sabihin?"
Nagpakawala muna si Margaret ng mahabang buntong hininga bago sinagot ang tanong nito. "Tungkol kay Urah,sa anak natin."
.