Chapter LTFC 33

“FAMILY first before anything. And you treat your guests like a family. I am sure you will also take care of my investment.”

Halos maiyak si Lexie habang kinakamayan sila ni Dewey. Pinirmahan na nito ang kontrata na nagsasabing mag-I-invest ito ng twenty million dollars para sa Balabac project ng Brava International Hotels and Resorts. Nagbunga ang effort nila ni Aiden para makuha si Dewey McMillan.

Akala nila ni Aiden ay di na pipirma ang mga matandang lalaki. Dinner na nang ipatawag sila ng mga ito bago tumulak ang mga ito pabalik ng Amerika. Sa pagkagulat nila ay hiningi nito ang kontrata.

“We want to see you again,” sabi ni Lailani at niyakap si Lexie. “Invite us to your wedding.”

“Of course. We will send you an invitation,” sabi ni Aiden.

Na-freeze ang ngiti ng dalaga. It was awkward. Hindi naman sila ang ikakasal. Ibang babae ang pakakasalan ni Aiden. But by then, he already got his trust fund. Magsisimula na ito sa pamamahala sa itatayong flower farm.

And she would stay as his assistant. Just his assistant. Walang mababago.

Ihinatid nila sa sasakyan ang pamilya na maghahatid sa mga ito sa airport. Pinisil ni Aiden ang kamay niya. “You did a good job.”

“Muntik na ngang di sila pumirma dahil sa hilo ko,” sabi niya. “We should celebrate. Gusto mo bang umorder tayo?”

“Nah! I already got something prepared for you.”

Pagbalik nila sa pool suite ay nakahanda na ang champagne at maliliit na pastries sa gilid ng private pool nila. She squealed in glee. It was the perfect reward for her. Hindi siya nakakaing mabuti kanina sa sobrang kaba at dahil na rin puro soup muna ang ipinakain sa kanya ni Aiden para daw di mabigla ang sikmura niya. Pero ngayon ay makakabawi na siya.

Sa pagtataka niya ay siya lang ang sinalinan ng champagne ni Aiden. Umuklo ito sa harap niya at minasahe ang paa niya.

“Hey! Akala ko magse-celebrate tayo?” tanong niya sa binata. Kinuha niya ang bote ng champagne at ipinagsalin ito. “Drink.”

“Later. I feel guilty. Baka kaya ka nagkasakit kanina dahil di kita inaalagaan.”

“Sir, seasickness iyon,” giit niya. “Wala kayong kasalanan.”

Bumuntong-hininga ang binata at tumingala. “I don’t know. Natakot ako nang makita kang nagkasakit kanina. You were never sick. Kapag may sakit ako, ikaw ang sumasalo ng trabaho ko. Kahit pagod ka nagtatrabaho ka pa rin. You’ve been taking care of me all the time.”

She was touched. Busy rin naman ang binata at maraming inaasikaso pero inaalala pa siya nito. “Pwede naman akong magpa-spa na lang at magpa-massage. Hindi mo na ako kailangang I-massage.”

Umiling ang binata. He kneaded the pad of her foot. “Gusto ko ako mismo ang magsilbi sa iyo. This is the least I can do for you. Saka gusto ko masolo kita. We never really had our solo time together.”

Napalagok siya ng champagne. May pwede bang may gawin itong ayaw niya para naman nabawasan ang pagmamahal niya dito? “Pinagsisilbihan mo rin ba ng ganito si Esmeralda?”

Kumunot ang noo nito. “No. Special service ito para sa iyo. And besides, I have a lot of plans for you tonight. Naalala mo noong nasa Balabac tayo at akala natin hindi na tayo mabubuhay kinabukasan?”

Marahan siyang tumango. “Yes.”

How could she forget that night? Halos mabaliw siya sa takot lalo na nang makitang makipaglaban si Aiden kay Hamid para lang protektahan siya. And that night, Aiden turned her into a woman. It made her realize so many things she had been running away from, including love and loving herself.

“Nagawa mo na ba ang gusto mong gawin?” tanong nito.

Aside from falling in love with him? “I’ve been too busy, Sir. Alam ninyo iyan.” There is your wedding to take care of. Pati na rin ang plano sa flower farm. Iyon ang humigop ng enerhiya at lakas ng dalaga.

“You mean, you were too busy helping me out fulfill my dreams.”

Matabang siyang ngumiti. “Ganoon naman ang trabaho ko.” Tumigil ang lahat sa kanya. Naka-focus siya sa binata. Because his happines is her happiness.

Umikot ang mga mata ng lalaki. “Boring. Do you want to try something daring?”

“What?”

The corner of his mouth kicked up in a naughty grin. “Skinny dipping.”

Nanlaki ang mata niya. “No!”

“Ako na lang,” sabi ng binata at tumayo. Saka walang pakundangan nitong hinubad ang polo at pants nito. Natakpan niya ng palad ang mga mata nang makitang ibababa nito ang boxer shorts. “Let’s go!”

When she removed the cover of her eyes, she saw him strutting his naked butt to the beach. “Shit!” usal niya at hinablot ang tuwalya na nasa lounging chair. Saka niya hinabol ang lalaki. “Sir, magtuwalya kayo.”

“Prude. Wala namang ibang makakakita sa atin,” anang lalaki at inilahad ang kamay. That part of the beach was secluded. At nang mga oras na iyon ay walang ibang tao. “Join me.”

Naggiyagis ang ngipin niya. “Baliw ka. No. I won’t be a part of this.”

He gave her a daring smile. “Where is that brave woman who asked me to love her? I want to be with her tonight.”

Bumilang muna siya ng sampu bago hinubad ang dress. Then her underwear followed. It was a liberating experience. Alam niya kung ano ang ginagawa ni Aiden - he wanted her to experience new things with him.

Napatili siya nang salubungin ng malamig na alon ang paa niya. Pero maagap si Aiden na sapuhin ang baywang niya bago pa siya makabalik sa tuyong buhangin. Hinila siya nito hanggang makarating sila sa malalim na bahagi.

May ilaw sa buhangin pero nasisinagan sila ni Aiden ng liwanag ng buwan. They were in their birthtsuit with only the stars and moon above them.

Aiden took her lips, sweeping his tongue through her mouth. She put her legs around his waist. Their bodies were connected from chest to groin. Her nipples pebbled against his skin. She could feel his manhood come to life. The cold water of the bay cooled their skin but with passion it kept on burning.

Once more, they were cocooned in their own good. She forgot that Aiden would take another woman as his bride in a few months. She didn’t care if he didn’t love her. Everything felt so right when she was with him. Ito lang ang pagkakataon para magkasama silang dalawa.

“Make love with me under the stars,” she whispered against his lips.

“With pleasure,” sagot ng binata.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.