Chapter LTFC 34

LEXIE was deliciously sore all over. Aiden was a playful lover. Di gaya noong una siya nitong inangkin, wala nang sakit. Wala na rin ang desperasyon. It was pure fun this time. It was how making love should be.

Pero hindi siya nagtanong dito kung ano ang posisyon niya sa buhay nito. Natatakot siya na baka sa huli ay maibulalas niya ang nararamdaman dito. Masaya na siyang manatili sa tabi nito. Na siya ang babaeng kapiling nito.

Pero wala si Aiden sa tabi niya. She suddenly felt cold. Nang tingnan niya ang digital bedside clock ay alas sais na ng umaga. Maybe he went out for a morning swim. Hindi man lang siya nito niyaya.

Matapos maghilamos at magsepilyo ay lumabas siya ng kuwarto. Bukas ang TV. Natigilan siya nang ipakita sa CNN news ang pananalasa ng bagyo sa Central Luzon kung saan maraming buhay na nawala at mga pinaghahanap pa sa flash flood at landslide.

Nang lumingon siya ay nasa labas si Aiden at mukhang seryoso sa kausap sa phone. “Devastated ang San Luis. Di mapasok ng rescuers dahil mataas ang tubig. Wala pa rin akong contact kay Esmeralda hanggang ngayon.”

Nanlamig si Lexie. While making love with Aiden, his bride was in danger. Nangilabot siya. Hindi naman niya kasalanan ang bagyo. At kahit pa business deal lang ang magiging kasal ng mga ito, she still felt bad about herself. At mukhang iyon din ang nararamdaman ng binata.

“Magpapahanda na ako ng breakfast natin. I will also coordinate with the relief operations. Mamaya na ang flight natin. I will cancel our trip to Palawan so we can focus on this. Pwede naman tayong magpadala ng ibang tao kung kinakailangan.”

“I know I can depend on you,” sabi ng binata at muling nag-ring ang cellphone nito at sinagot iyon ng binata.

Si Lexie na ang nag-empake ng mga damit nila. Nang pabalik sa flight nila, pakiramdam niya ay napakalayo ni Aiden sa kanya. Nagsisisi ba ito sa nangyari sa kanila nang nagdaang gabi?

Pagdating sa NAIA ay sinundo na sila ng security ng hotel. “Sir, naghihintay na ang chopper na magdadala sa inyo sa San Luis.”

Bumaling si Aiden kay Lexie. “Huwag ka nang sumama. Magpahinga ka na.”

“Sir, gusto kong makatulong.”

“You got sick yesterday. Hindi natin alam kung ano ang kondisyon na aabutan natin kapag pumunta tayo sa San Luis. Nagpa-pack sila ng relief goods ngayon. Doon ka na lang. May mga trabaho pa na kailangang I-coordinate sa opisina. Mas kailangan kita doon.”

“Yes, Sir.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Tawagan na lang ninyo ako kung may maitutulong ako.”

“Of course.” Then he let go of her hand.

Of course. Nandito lang siya lagi kapag kailangan siya nito. As his assistant. But now he had to go to his bride. Si Esmeralda ang babaeng tutupad sa mga pangarap nito. At siya, ano ba siya sa buhay nito?

“SALAMAT sa tulong na naibigay mo sa amin, Miss Lexie. Natuwa si Jeremy sa mga libro na padala mo. Nalilibang sila ng mga bata. Nakakalimutan na nila ang nangyari nang nagdaang bagyo.”

Tinawagan si Lexie ni Esmeralda habang papunta siya sa opisina. Sa wakas ay may dumating nang tulong sa mga ito at nakadalaw na rin si Aiden sa San Luis. Tumutulong ang binata sa rehabilitasyon doon.

“Walang anuman. Hope to see him on his next treatment,” aniyang may halo pa rin na kapormalan ang boses. “I’m glad you are all safe.”

“Oo. Maraming may mabubuting puso na tumulong sa amin. Nakakabangon na kami,” sabi ng babae. “Ngayon daw babalik si Aiden sa opisina. Pasensiya ka na. Marami kang iniintindi pati ang kasal namin.”

“Parte ng trabaho ko,” sabi naman niya sa babae at nagpaalam din dito.

Dumaan muna siya ng restroom bago tumuloy opisina. Umaga pa lang pero pagod na pagod na ang pakiramdam ni Lexie. Isang linggo din silang walang tulog dahil sa pag-volunteer sa pag-repack ng relief goods. Dama din niya ang pagpa-panic ng ilan sa mga tauhan ni Amadeus dahil hindi ito ma-contact, na ayon kay Aiden ay normal lang kapag nagbabakasyon ito. It added more burden to her.

Nasa cubicle siya nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang babae. “Grabe naman. Parang nauulit ang history. Ibang klase talaga ang life,” sabi ng isang babae.

“Hindi naman siguro. Single naman si Sir Aiden.”

Natigilan si Lexie nang marinig ang pangalan ng binata. Hindi siya halos makagalaw sa kinatatayuan.

“Pero ikakasal na siya. Tapos obvious naman na may something sila ni Miss Lexie. Ramdam ko ‘yung sexual tension kahit dati pa,” sabi ng unang babae,

“Bakit kaya di na lang siya ang pinakasalan?”

“Hindi ko rin maintindihan. Pero parang walang ipinagkaiba doon sa pinagtaksilan ni Sir Cerilio ang nanay ni Sir Amadeus para sa nanay ni Sir Aiden. Tapos six months pa lang, ipinanganak na agad si Sir Aiden. Juskoh! Malaking eskandalo iyon kapag naulit ulit. Sayang naman si Miss Lexie kapag nagkataon. Mukha pa manding matalino at disente.”

“May mga babae talagang ganoon. Nasa kanila na ang lahat pero tanga sa pag-ibig.”

Nanlamig ang buong katawan ni Lexie. History repeating itself. Ganoon ba ang nangyayari sa kanila ni Aiden? Nauulit lang ang kwento ng pamilya ng binata.

Pero hindi naman totoo ang kasal nila. Hindi sila nagmamahalan.Mariing pumikit si Lexie. Pero mali. Alam ko mali. Pero mahal ko si Aiden. Isang taon lang silang magsasama at maghihiwalay sila. At ako nandito pa rin sa tabi ni Aiden.

Saka lang lumabas ang dalaga ng cubicle nang wala na ang dalawang tsismosa. Iyon ba ang iniisip ng mga sa kanya? Na siya ang mistress ni Aiden? Naghimagsik ang kalooban niya. Kahit kailan ay di niya pinangarap na maging mistress.

Ano bang ginagawa ni Lexie sa sarili niya? Ganito ba talaga ang gusto niyang buhay? Sabi niya ay wala siyang kahit anong expectations sa binata. Wala naman silang relasyon. They were just… having sex.

She preserved herself for a long time. Ngayon ay babagsak siya na parang mistress ni Aiden. Mariin siyang pumikit. She must decide soon. Dahil isang pagkakamali lang, tuluyan nang mawawala ang lahat sa kanya - si Aiden at ang career niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.