Chapter LTFC 35

“SIR, your coffee and croissant.”

Inilapag ni Lexie sa harap ni Aiden ang platito ng kape at buttered croissant ayon sa request nito. Mukhang wala itong tulog at pahinga. Tumulong ito sa relief operations sa San Luis at karatig-lugar pati na rin sa pag-aayos ng mga nasira sa baranggay nila Esmeralda. But she felt like it was more than that.

Sa halip na uminom ng kape ay isang envelope ang inilabas nito. “Do you have any idea about this?”

Namutla ang dalaga nang makita ang mga pictures nila sa Thailand sa loob ng sobre. May pictures habang hinahalikan siya nito sa beach at meron din noong nag-skinny dipping sila. “S-Sir, bakit may ganito?”

“Nakuha iyan sa photographer na nahuli sa resort. Nakita siya sa surveillance video na sumusunod sa atin. He even has a photo while we were frollicking at the beach the beach during our last night.” Matiim ang mga mata ninto habang nakatitig sa kanya. “Ang sabi ng photographer ikaw daw ang nag-utos sa kanya.”

“What? Pinagbibintangan ba ninyo ako na may kinalaman sa pagkuha ng pictures na ito? Na kasabwat ko ang photographer? At in-entertain ninyo iyon?” Nakuyom niya ang palad. “You were the one who kissed me. Ikaw din ang nagyaya na mag-skinny dipping sa beach. Ako ang biktima dito, Sir. Hindi ba ninyo naiisip na fall guy lang ako? Na ginugulo tayo?”

“Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko!” angil nito at hinampas ang desk. “Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko.”

“Kung gusto kong sirain ang mga plano ninyo, I can do better than this.” Paano nito nagagawang pag-isipan siya nang hindi maganda? Ibinigay na niya lahat dito. Wala na halos siyang itinira sa sarili niya.

“I am sorry,” usal ng binata at pinahid ang luha. “This is just too much for me. Or maybe I am guilty as hell because I can’t keep my hands off you. Sinisira ko ang mga plano ko. Sinisira din kita. Kagagawan ito ng kapatid ko at kung hindi niya kayang atakihin si Esmeralda, ikaw ang pababagsakin niya dahil alam niyang nasa akin ang loyalty mo. I can’t afford to ruin you. You are too precious to me to do that.”

“Sir Aiden…” Naalala niya ang usap-usapan ng mga babae sa restroom kanina. Tsismis lang iyon. Paano kung sumabog ang lahat at maging isang malaking eskandalo? “Kumalat na po ba ang pictures na ito?”

Umiling ang binata. “Na-retrieve nila ang pictures pero di natin alam kung ano na ang naipadala niya kay Kuya Amadeus o sa ibang tao. Kaya kailangan kitang ilayo dito.” Dinampot nito ang talaksan ng brochures ng iba’t ibang university sa ibang bansa. “Mamili ka kung saan mo gustong mag-aral. The company will pay for it. This university in Singapore is affiliated with Brava International.”

“If you are kicking me out, you don’t have to be nice.”

“I am not kicking you out. You deserve this and so much more. Noon ko pa sinabi sa iyo na makakatulong sa career mo kung magma-masters ka.

Gusto na ni Aiden na lumayo siya dito. Hindi na siya nito kailangan. Lutang ang pakiramdam ni Lexie. Parang isang tuyong dayon sa paglagas na tinatangay ng malamig na hangin, walang direksyon. Di alam kung saan pupunta. You mull over this the whole day then tell the HR department about your decision.”

Huminga siya ng malalim para pagaanin ang bigat sa loob niya. Ayaw pa niyang umalis. Di pa niya ito kayang iwan.

“Nakakuha na ako ng makakasama nina Jeremy at Esmeralda. You don’t have to bother yourself with it.”

Mapait na ngumiti ang dalaga. “Nagmamadali ka talaga na itaboy ako.”

Dumilim ang anyo ng binata. “Akala mo ba gusto ko na umalis ka? Pero napaka-selfish ko kung gugustuhin ko na manatili ka sa tabi ko habang sinisira ka na ng iba. Do you think you can get another job in the hotel business if a scandal blows over? It is unfair to make you stay. What happened in Thailand should not happen again.”

“We can always pretend it didn’t happen. Forget it.”

“I highly value you. I don’t want to turn you into my mother. I-I can’t stop my plans. Not now. You deserve better. Wala ka na dito sa kasal ko. Maaring magkaroon ng usap-usapan kung bakit ka nawala pero makikita naman nila na di ka pinaalis ng kompanya. You just need to further your career. This is important to you, right? Tinulungan mo ako na makuha ang mga pangarap ko. Dapat lang naman na ibalik ko iyon sa iyo. And you are a wise woman, Lexie. I know that you won’t waste your chances because we are attracted with each other. Don’t waste your chances on me. Not even for love.”

Parang sinampal si Lexie. Nasagot na ang lahat ng pag-aalinlangan niya kanina. Masakit marinig mismo mula kay Aiden kung ano ang sinasabi ng isip niya. Hindi pa niya naihanda ang sarili na lumayo dito.

But she was now a liability to his dreams. Handa siyang tiisin ang lahat para makasama lang ito. Pero di siya mananatili sa isang lugar nang di na siya gusto pang makasama. She must cut her losses now while she still can.

Hinamig niya ang mga gamit. Ngumiti siya hanggang halos mapunit na ang pisngi niya. “Fine. I will think about it. Thank for the opportunity. You have a meeting in fifteen minutes.”

Smile. Don’t cry. Keep your dignity intact.

Natigilan siya sa paglabas nang marinig ang boses ni Aiden. “Don’t think that I don’t care about you.”

She stood straight but didn’t look back. “I know. I will let you know my answer tomorrow.”

Pero bakit parang pinipiga ang hangin sa baga niya? Malayo kay Aiden. How could she survive this when she built her life around him?

“NYLANNA, look!” Ibinuhos ni Lexie ang mga brochure ng university na laman ng envelope niya. Nagitla ang kaibigan na abala sa pagpe-pedicure sa kuwarto nito. “Tulungan mo ako na mamili ng papasukan para sa Masteral ko. Sabi ni Sir Aiden kailangan ko raw I-submit bukas. Two months na lang daw simula na ng semester so kailangan ko nang mag-send ng application. Ito na lang kayang sa Singapore para mabilis mo akong madalaw kung kailangan.”

Natigagal ang kaibigan. “Lexie… aalis ka na?”

Ngumiti siya pero kusang umagos ang luha sa mga mata niya. Maghapon niyang kinimkim sa dibdib ang lahat ng nararamdaman niya. Umakto siya na parang normal habang nilulunod ang sarili sa trabaho. Pero di pala madali ang magpanggap. “Yes. It is for the best. Sabi ni Sir Aiden, baka daw nakakalimutan ko na ang pangarap ko. Iniisip niya ngayon na liability na ako sa pangarap niya. So now he is giving me the brush off. Pero okay lang naman, di ba? Hindi naman niya ako sinesante. Tuloy pa ang trabaho ko. Makakapag-aral pa ako sa ibang bansa.”

Hinaplos nito ang mukha niya. “Lexie…”

Tuluyan nang napahagulgol ng iyak ang dalaga nang yakapin siya ng kaibigan. “Bakit masakit? Bakit hindi ako masaya? Matutupad ko na ang lahat ng mga pangarap ko. Hindi naman kasama sa pangarap ko mahalin si Aiden. Alam ko naman masasaktan lang ako. Nawala na ang pride ko pero bakit gusto ko pa rin siya. Ayoko naman talagang umalis. Pero ikakasal na siya kahit di niya mahal ang babaeng iyon. Hindi na niya ako kailangan.”

“He cares for you,” mahinang usal ng babae. “Gusto ka niyang protektahan. Usap-usapan na sa hotel ang tungkol sa relasyon ninyo dati pa. Ang kaibigan lang ngayon ikakasal na siya at totoong may nangyari sa iyo. Alam ko masakit pero kailangan mo ang opportunity na ito. Huwag mong sayangin dahil mahal mo siya. Wala ang kapana-panalo dito.”

“Wala talaga akong panalo mula nang mahalin ko siya. Ganoon din naman ang mangyayari kahit pakasalan niya ako, di ba? Maghihiwalay din kami dahil pansamantala lang ang lahat. Kahit ilang beses kong sabihin na wala akong mapapala sa kanya, gusto ko pa rin sa tabi niya.” Sinapo niya ang dibdib. “How can I stop feeling like this? I want to hate him, but I can’t.”

“Gusto kong sabihin na mag-move on ka na lang pero alam ko ko na hindi madali. Iyan ang dahilan kaya ayokong ma-in love.”

Humikbi si Lexie. She felt so helpless. Parang ihinagis siya sa isang dagat na naglalakikhan ang alon nang walang lifevest. “Naiintindihan ko na kung bakit nagpakatanga ang nanay ko sa tatay ko. Kasi ‘yung mga katangahan sa pag-ibig, iyon ang nagpapasaya sa atin. Tama na iwan ko si Aiden pero hindi ako masaya.”

Pumalatak si Nylanna. “Gusto kong magalit kay Sir Aiden pero tama naman siya. Gusto niyang magtira ka pa para sa sarili mo. Hindi ka niya inubos. You will survive this. You are stronger than one Aiden dela Merced, girl.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.